Sino nga ba Itong si Melquisedec?
<< nakaraang
susunod >>
Sino nga ba Itong si Melquisedec?
William Branham.Basahin ang account sa...
Sino nga ba Itong si Melquisedec?Hebreo 7:1-3,
1 Sapagka't itong si Meiquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataas-taasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sapaglipol sa mga hari at siya'y pinagpala niya,
2 Na siya namang binahaginan ni Abraham ng ikasampung bahagi ng lahat na kung sasaysayin, una — una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan;
3 Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa 't naging katulad ng Anak ng Dios, ay nananatiling saserdote magpakailan man.Isipin ninyo ang dakilang Personang ito, kung gaano nga ba kadakila ang Lalaking Ito! At ngayon, ang tanong ay, “Sino ba ang Lalaking Ito?” Nagkaroon na ng iba't-ibang mga kuru-kuro ang mga teologo. Subalit mula nang mabuksan ang Pitong Tatak, ang mahiwagang Aklat na naging mahiwaga sa atin... Ayon sa Apocalipsis 10:1 hanggang 7, lahat ng mga hiwagang nakasulat sa Aklat na ito, na naitago sa buong kapanahunan ng mga reformer, ay ilalantad ng anghel ng huling kapanahunan ng iglesia. Ilan ba ang nakaaalam na tama iyan? [Ang kongregasyon ay nagsabi ng, “Amen.” —Ed.] Tama lyan, dapat itong mailantad. Lahat ng mga hiwaga ng mahiwagang Aklat ay maihahayag sa mensahero ng kapanahunan ng Laodicea. Dahil nakikita nating maraming pagtatalo tungkol sa Personang Ito at sa paksang Ito, sa palagay ko'y nararapat lang na suriin natin ito, upang malaman natin kung Sino nga ba ito. Ngayon, may ilang kaisipan tungkol sa Kaniya. Ang isa sa mga kaisipan ay nagsasabing, isa lamang Siyang alamat. Hindi naman talaga Siya isang persona. At ang iba naman ay nagsasabing, pagkasaserdote, ito ang pagkasaserdote ni Melquisedec. Ang isang iyon ang pinakamalapit, mas matatag ang panig na iyon kaysa doon sa isa, sapagkat sinasabi nilang isa itong pagkasaserdote. Hindi ito maaaning maging ganoon, sapagkat sinasabi ng ika-4 na talata na isa Siyang Persona, isang Tao. Samakatuwid, upang maging isang Persona, kailangan Niyang maging isang personalidad, isang Tao. Hindi isang orden, kundi isang Persona! Kaya hindi lamang siya isang uri ng pagkasaserdote, at hindi rin Siya isang alamat. Isa Siyang Persona.
At ang Personang ito ay eternal. Kung mapapansin ninyo, wala Siyang ama. Wala Siyang ina. Wala Siyang pasimula. At wala Siyang katapusan. At kung Sino man Siya, nabubbuhay pa rin Siya magpahanggang sa gabing ito, sapagkat sinabi ng Biblia dito, wala Siyang ama, o ina, o pasimula ng mga araw, o katapusan man ng buhay. Kaya sinabi ng Biblia dito, na, “Wala Siyang ama, o ma, o pasimula ng mga araw, o katapusan man ng buhay. Kaya isa Itong Eternal na Persona. Tama ba? [Ang kongregasyon ay nagsabi ng, ”Amen.“ —Ed.] Isang Personang Eternal! Kaya isang Persona lang ang maaaring magkagayon, iyon ay ang Diyos, pagkat Siya lamang ang Nag-iisang Eternal. Ang Diyos! Ngayon, sa Unang Timoteo 6:15 at 16, kung nais ninyo itong basahin minsan, nais kong basahin ninyo Ito. Ngayon, ang bagay na pinaglalaban ko ay, ang Kaniyang Pagkadiyos, sapagkat Siya lamang ang tanging Personang maaaring maging imortal. At ngayon, binabago ng Diyos ang Sarili Niya tungo sa pagiging isang Persona; iyon nga Siya noon, walang ama, walang ina, walang pasimula ng buhay, walang katapusan ang Kaniyang mga araw.
Ngayon makikita natin na sa Kasulatan ay maraming tao ang nagtuturo na may tatlong personalidad sa Pagkadiyos. Kung gayon, hindi ka maaaring magkaroon ng personalidad kung hindi ka isang persona. Kakailanganin ang isang persona para magkaroon ng isang personalidad. May isang ministrong Babtist na nagpunta sa bahay namin, ilang linggo na ang nakararaan, at ang sabi, “Nais kong ituwid ka tungkol sa Pagkadiyos kung may panahon ka.” Tinawagan niya pala ako. Ang sabi ko, “May panahon ako ngayon, pagkat nais kong magpatuwid, at ipagpapaliban natin ang lahat ng iba pang bagay, para magawa natin ito.” At dumating siya, ang sabi niya, “Brother Branham, itinuturo mong lisa lang ang Diyos.” Ang sabi ko, “Opo.” Ang sabi niya, “Buweno,” ang sabi niya, “naniniwala akong may iisang Diyos sa tatlong Persona.” Ang sabi ko, “Ginoo, pakiulit mo nga.” Ang sabi niya, “Isang Diyos, sa tatlong persona.” Ang sabi ko, “Saang paaralan ka ba nag-aral?” Kita n'yo? At sinabi niya sa akin ang isang — isang Bible College. Ang sabi ko, “Maaari kong paniwalaan iyan. Hindi ka maaaring maging isang persona kung hindi ka isang personalidad. Kung ika'y isang personalidad, ikaw ay isang personalidad sa sarili mo. Ika'y isang hiwalay na indibidwal.” At ang sabi ko, “Makukuha ito sa pamamagitan ng kapahayagan.” At ang sabi niya, “Hindi ko matatanggap ang kapahayagan.” Ang sabi ko, “Kung gayon ay walang paraan upang maabot ka ng Diyos, sapagkat, 'Ito'y itinago sa mga mata ng mga pantas at matatalino, at inihayag sa mga sanggol,' (inihayag, kapahayagan), 'inihayag sa mga sanggol na handang tumanggap dito, handang matuto.” At ang sabi ko, “Walang paraan para maabot ka ng Diyos, sinasarhan mo ang sarili mo sa Kaniya. Ang buong Biblia ay ang kapahayagan ng Diyos. Ang buong iglesia ay itinatag sa ibabaw ng kapahayagan ng Diyos. Walang ibang paraan upang makilala ang Diyos, tanging sa pamamagitan lamang ng kapahayagan. 'Sa kanino man Siya ihayag ng anak,' kapahayagan; ang lahat ay kapahayagan. Kaya, kung hindi mo tatanggapin ang kapahayagan. Kung gayo'y isa ka lamang malamig na teologo, at wala kang pag-asa.“
Ngayon, nalaman natin na ang Personang ito ay walang ama, walang ina, walang pasimula ng mga araw o katapusan ng buhay. Ang Diyos lyon, na En morphe. Ngayon, ang daigdig — ang salitang ito ay galing, ang salitang Griego na nangangahulugang, “pagpapalit”, iyan ang ginamit. Binabago Niya ang Kaniyang Sarili, En morphe, mula sa isang persona bingo sa... Iisang Persona; ang salitang Griego roon, na En morphe, ay nangangahulugang... Hinango ito sa dula, “ang isang personang nagpapalit ng kaniyang maskara, upang iba naman ang tauhang gagampanan niya.” Katulad sa — sa eskuwelahan, kamakailan lang, sa paniwala ko'y si Rebekah, bago siya nagtapos, isinadula nila ang isa sa mga dula ni Shakespeare. At kinailangang palitan ng isang binata ang kaniyang damit nang ilang beses, sapagkat dalawa o tatlong bahagi ang ginampanan niya; ngunit iisang persona siya. Lumabas siya, minsan, bilang kontrabida; at nang muli siyang lumabas, ibang tauhan na naman siya. At ngayon ang salitang Griego, na En morphe, ay nangangahulugang nagpalit siya ng kaniyang maskara.
At lyon ang ginawa ng Diyos. Iisang Diyos lyon sa lahat ng panahon. Diyos sa anyo ng Ama, ang — ang Espiritu, ang Haliging Apoy. Ang Diyos ding iyon ang nahayag sa laman at nanahang kasama natin, En morphe, inilabas ang Sarili upang makita. At ngayon ang Diyos ding lyon ay ang Espiritu Santo. Ama, Anak, Espi-... hindi tatlong Diyos; tatlong opisina, tatlong pagganap ng iisang Diyos. Ang sabi ng Biblia ay iisa lamang ang Diyos, hindi tatlo. Ngunit kaya hindi nila magagawang... Hindi mo ito magagawang ituwid at pagkatapos lalabas na tatlo ang Diyos. Hindi mo iyan maaaring sabihin sa isang Judio. Sasabihin ko iyan sa inyo. Higit diyan ang alam niya, alam niyang lisa lang ang Diyos.
Pansinin, tulad ng eskultor, tinatakpan niya iyon ng i — isang maskara. lyan ang ginawa ng Diyos sa kapanahunang ito. Naikubli ito. Lahat ng mga bagay na ito ay naikubli, at nakatakdang mahayag sa kapanahunang ito. Ngayon, ayon sa Biblia ang mga ito ay maihahayag sa huling panahon. Tulad ng isang eskultor na tinatalukbungan ang ka — kaniyang ginawa hanggang dumating aug takdang oras upang alisin niya ang maskara nito at hayun na nga. At ganiyan ang nangyari sa Biblia. Ito'y gawa ng Diyos na natalukbungan. At naikubli ito mula pa nang itatag ang sanlibutan, sampu ng pitong luping hiwaga nito, at ipinangako ng Diyos sa araw na ito, sa kapanahunang Ito ng iglesiang Laodicea, na aalisin Niya ang talukbong sa kabuuan nito at makikita na natin ito. Napakaluwalhating bagay nito,
Na ang Diyos, En morphe, namaskarahan sa Haliging Apoy. Ang Diyos, na nag “En morphe,” sa isang Tao na kung tawagin ay Jesus. Ang Diyos, na nag “En morphe” sa Kanlyang Iglesia. Ang Diyos na nasa itaas natin, ang Diyos na kasama natin, ang Diyos na nananahan sa atin; ang unti-unting pagbababa ng Diyos. Doon sa Itaas, banal Siya, walang makahipo sa Kaniya, lumapag Siya sa bundok; at maging ang hayop na magagawi sa bundok, ay kailangang mamatay. At pagkatapos ay bumaba ang Diyos at nagpalit ng Kaniyang kulandong, at nanaog Siya at namuhay na kasama natin, naging kaisa natin, at nahawakan namin Siya, ang sabi ng Biblia. Unang TImoteo 3:16, “At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; pagkat ang Diyos ay nahayag sa laman,” nahipo ng mga kamay. Kumain ang Diyos ng kame. Uminom Siya ng tubig. Natulog Siya. Umiyak siya. Naging isa Siya sa atin; napakaganda, naitipo Ito sa Biblia. lyon ang Diyos na nasa sa itaas natin; ang Diyos na kasama natin; ngayon naman ay Siya ang Diyos na nananahan sa atin, ang Espiritu Santo. Hindi ang ikatlong persona; ang siya ring Persona!
Nanaog ang Diyos at naging laman Siya, at namatay Siya kay Cristo; upang magawa Niyang linisin ang iglesia, upang magawa Niyang pumasok dito, at makasama Niya ito. Gustung-gusto ng Diyos ang pakikisama. lyon ang dahilan kaya Niya nilikha ang tao sa pasimula, para sa pakikisama. Nag-iisa ang Diyos noon, kasama ng mga Kerubin. At pansinin ninyo ngayon, nilikha Niya ang tao, at ang tao ay nalugmok. Kaya bumaba Siya at tinubos ang tao, sapagkat gustung-gusto ng Diyos na sinasamba Siya. Ang kahulugan ng salitang “diyos” ay “isang bagay na sinasamba.” At itong dumarating sa kalagitnaan natin, bilang Haliging Apoy, isang bagay na bumabago sa ating mga puso, ito rin ang Diyos na nagsabi, “Magkaroon nawa ng liwanag,” at nagkaroon nga ng liwanag. Siya'y tulad pa rin kahapon, ngayon, at magpakailan man.
Ngayon, sa pasimula ang Diyos ay nananahang mag-isa, kasama ng Kaniyang mga katangian, tulad ng ipinangusap ko kaninang umaga. lyon ay mga kaisipan Niya. Wala pang anumang bagay noon, ang Diyos lamang, ngunit may taglay Siyang mga kaisipan. Katulad ng magagawang maupo ng isang mahusay na arkitekto, at sa kaniyang kaisipan, ay nakaguguhit siya ng kung ano ang iniisip niya na — nais niyang i — itayo, Iumilikha siya. Ngayon,hindi niya kayang lumikha; magagawa niyang kunin ang isang bagay na nalikha na at baguhin ang anyo nito; pagkat ang Diyos ang tanging paraan — ang Nag-iisang may kakayanang lumikha. Ngunit binubuo niya sa kaniyang kaisipan kung ano'ng gagawin niya, at iyon ang kaniyang mga kaisipan, iyon ang kaniyang mga pagnanasa. Ngayon, isa lyong kaisipan, pagkatapos ay sinalita niya lyon, at isa na iyong satita kung magkagayon. At ang i — isang salita ay... Ang isang kaisipan, kapag nahayag na, ay nagiging isa nang salita. Ang isang kaisipang nahayag ay isang salita. Ngunit kailangan muna itong maging isang kaisipan. Kaya ito'y mga katangian ng Diyos; pagkatapos ay magiging isa iyong kaisipan, pagkatapos ay magiging salita.
Pansinin. Ang mga taong may Buhay na Walang Hanggan, sa gabing ito, ay kasama na Niya noon at nasa sa Kaniya na, sa Kaniyang kaisipan, bago pa magkaroon ng Anghel, ng tala, ng Kerubin, o ng iba pang bagay. lyon ay eternal. At kung mayroon kang Buhay na Walang Hanggan, naroon ka na sa lahat ng panahon. Hindi ang paglitaw mo rito, kundi aug hugis at anyo ng... ng infinite na Diyos. At kung hindi Siya infinite, hindi Siya Diyos. Infinite dapat ang Diyos. Tayo ay finite, Siya ay infinite. At nasa lahat Siya ng dako, alam Niya ang lahat ng bagay, at kaya Niyang gawin ang lahat ng bagay. Kung hindi Siya gayon, hindi Siya maaaring maging Diyos. Alam Niya ang lahat ng bagay, ang lahat ng dako, dahil sa Kaniyang pagiging omnipresent. Dahil alam Niya ang lahat ng bagay, naroon din Siya sa lahat ng dako. Isa Siyang Persona; hindi Siya tulad ng hangin. Isa siyang Persona; tumatahan Siya sa isang bagay. Ngunit dahil Siya ay omniscient, nalalaman Niya ang lahat ng bagay, Siya ay omnipresent, sapagkat alam Niya ang lahat ng nangyayari. Walang pulgas na makakukurap nang hindi Niya nalalaman. At alam na Niya bago pa man magkaroon ng daigdig, kung ilang beses nitong ikukurap ang mga mata nito, at kung gaano karaming taba ang taglay nito, bago pa magkaroon ng daigdig. Ganiyan ang infinite. Hindi ito maaarok ng mga isipan natin, ngunit iyon ang Diyos — ang Diyos, infinite!
Basahin ang account sa...
Sino nga ba Itong si Melquisedec?
At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.
Mateo 1:21-23