Dulo ng panahon serye
<< nakaraang
susunod >>
Ang mga pinahiran sa huling kapanahunan.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang mga pinahiran sa huling kapanahunan.Mateo 24:23-24,
23 Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. 24 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.Nais kong pansinin ninyo dito sa Mateo 24, ginamit ni Jesus ang katagang “mga cristo”: mga c-r-i-s-t-o, mga cristo, hindi Cristo kundi “mga cristo”, pang-maramihan, hindi pang-isahan: mga cristo, Kung gayon, ang salitang “Cristo” ay nangangahulugang “yaong isang pinahiran.” At bukod pa roon, kung ito'y “pinahiran”, hindi ito nag-iisa lamang, kundi maraming pinahiran: “ang mga pinahiran”. Kita n'yo? 24 Sa ibang pangungusap, kung gugustuhin Niyang himayin ito sa atin upang higit nating maunawaan, ay sasabihin Niya, “Sa huling mga araw ay magsisilitaw na mga bulaang pinahiran.” Ngayon, tila imposible iyon. Kita n'yo? Ang katagang pinahiran.... Ngunit pansinin ninyo ang kasunod na mga salita, “at mga bulaang propeta”: mga p-r-o-p-e-t-a, pangmaramihan.
Ngayon, yaong isang pinahiran ay “yaong isang may mensahe.” At ang tanging paraan upang maihatid sa atin ang mensahe ay sa pamamagitan niyaong isang pinahiran; at iyon ay isang propeta- pinahiran. “Magsisilitaw ang mga bulaang pinahirang guro.” Itinuturo ng propeta kung ano ang mensahe niya: mga pinahirang guro, ngunit mga pinahirang tao na may bulaang katuruan, mga pinahiran: mga cristo, pangmaramihan, mga propeta, pangmaramihan. At kung mayroong tinatawag na isang Cristo, pang-isahan, kung gayon, dapat ay mayroon ding “mg apinahiran,” upang ang kanilang hula, kung ano itinuturo nila, ang siyang maging kaibahan, dahil sila ay mga pinahiran, pinahiran.
Ngayon, ito'y isang araling pang-Sunday school; nais na- nating ilantad ito ng lubusan sa pamamagitan ng mga Kasulatan, hindi sa pamamagitan ng kung ano ang sinabi ng sinuman tungkol dito, kundi sa pagbasa lamang ng mga Kasulatan. Maaring sabihin mo, “ Paanong mangyayari ito? Ang mga pinahiran ba... Ano nga ba sila?“ Mga cristo: mga c-r-i-s-t-o, mga pinahirang cristo at mga bulaang propeta: mga pinahiran, subalit mga bulaang propeta. Sinabi ni Jesus na, “Ang ulan ay pumapatak kapuwa sa mabuti at sa masama.” Ngayon, maaring may magsabi sa akin, “Naniniwala ka ba na ang pahid sa mga taong iyon ay pahid ng Espiritu Santo?” Opo, ito'y tunay na Espiritu Santo ng Diyos sa isang tao, gayunpaman sila'y mga bulaan. Ngayon, makinig kayong maigi at tingnan kung ano ang Kaniyang sinabi: “At magpapakita sila ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; na anupa't dadayain nila kung maaari pati ang mga hirang.” At sila ay may pahid ng tunay na Espiritu Santo. Alam kong ito'y kamangmangan, ngunit dadahan-dahanin natin ang pagpapaliwanag nito, sa pamamagitan ng Salita na iyan ay walang pasubaling, ITO ANG SABI NG PANGINOON, ang Katotohanan.
-----
Mateo 5:45,
45 Upang kayo'y maging anak ng inyong Ama na nasa langit; sapagkat pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama... at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at... sa mga hindi ganap.
(Ang ulan ay pumapatak sa masama gaya rin naman sa mabuti.)Mga Hebreo 6:7-8,
7 Sapagka't ang lupang humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila'y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios: 8 Datapuwa't kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.-----
Ngayon, ihambing ninyong muli iyan sa Mateo 5:45. Pansining sinabi ni Jesus na ang ulan at araw ay dumarating sa lupa, na ipinadadala ito ng Dios upang ihanda ang pagkain at ang mga bagay-bagay para sa mga taong nananahan sa lupa. At ipinadadala ang ulan para sa pagkain, ang mga halaman. Datapuwat ang mga dawag, mga damo, dahil sila ay nasa bukid din, ay nakatatanggap din nito. Ang ulan na nagpapalago sa trigo ay siya ring ulang nagpapalago sa mga damo.-----
Ngayon, kung gayon, ang pagpatak ng ulan sa natural na halaman ng lupa ay isang tipo ng Espirituwal na ulang nagbibigay ng Walang Hanggang Buhay, na pumapatak sa iglesia; sapagkat tinatawag natin itong unang ulan at huling ulan. At ito'y isang ulan, ang pagbuhos ng Espiritu ng Diyos sa Kaniyang iglesia.Pansinin, narito ang isang di-pangkaraniwang bagay. Kita n'yo? Nang ang mga binhing iyon ay tumubo sa lupa, paano man sila naparoon, ito'y mga tinik sa umpisa pa lang. Subalit, doo'y may mga trigong umusbong... At ang mga halaman ay gayon na sa simula pa lamang. At ang bawat halaman ay muling namumunga ng kauri nito, nagpapakitang ito'y nasa orihinal na pasimula. “Ano pa't ililigaw nila, kung maari, pati ang mga Hinirang,” sapagkat iisang ulan ang tinatanggap nila, iisang pagpapala, nagpapakita ng magkatulad na tanda, magkatulad na kababalaghan. Kita n'yo? “Dadayain nila, o tatangkain nilang dayain ang Hinirang kung maaari lang.” Ngayon, walang magagawa ang isang tinik kundi maging isang tinik, at gayundin ang trigo, kundi maging isang trigo; ang Manlilikha ang nagtakda ng bawat isa sa panimula. Iyon ang Hinirang. Iisang ulan!
-----
Ngayon ang araw ay sumisikat at pinahihinog ang mga butil. Ngunit, hindi niya ito mapapahinog kaagad-agad. Habang ito'y gumugulang, unti-unti itong nahihinog hanggang sa marating nito ang hustong gulang. Ganito rin ang nagaganap ngayon, sa Iglesia. Nagsimula ito sa paggiging sanggol, sa madilim na kapanahunan kung saan nasa ilalim ito ng lupa. Gumulang na ito ngayon. At ganap na natin itong nakikita, kung paanong ang Diyos sa pamamagitan ng kalikasan ay laging... Hindi mo maaaaring baguhin ang takbo ng kalikasan. Iyon ang problema natin ngayon. Naghuhulog tayo ng mga bomba doon sa karagatan, sinisira ito at pinapasabugan ng mga bomba atomika. Lalo mo lang inuuka ang lupa sa tuwing maghuhulog ka ng bomba doon. Putulin mo ang mga puno, sasalantain ka ng mga bagyo, harangan mo ang mga ilog, at ito'y aapaw. Dapat mong hanapin ang paraan ng Diyos sa paggawa ng mga bagay at manatili ka roon. Atin nang nadinomina ang mga tao sa loob ng iglesia at sa mga organisasyon; tingnan n'yo ang napala natin. Manatili ka sa inilaang paraan ng Diyos para dito.Ngunit kita n'yo, isinusugo Niya ang ulan (balik tayo sa ating paksa) sa ganap at sa di-ganap. Sinasabi sa inyo ni Jesus ngayon sa Mateo 24 na ito'y magsisilbing isang tanda sa huling kapanahunan. Ngayon kung ang tandang ito'y malalantad lamang sa huling panahon, kung gayo'y kailangang maganap ito pagkatapos mabuksan ang mga Tatak na iyon. Kita n'yo? Ito'y isang tanda ng katapusan. Kung gayon, kapag ito'y nagaganap na, ay panahon na ng wakas. At ito'y magiging isang tanda, ngayon, upang ang mga Hinirang ay hindi magulumihanan sa mga bagay na ito. Nakita nyo? Kung gayo'y dapat itong mabunyag, maisiwalat.
Pansinin. Ang trigo at panirang damo ay kapuwa nabubuhay sa iisang pagkapahid mula sa langit. Kapuwa sila nagbubunyi dahil Dito. Naalala ko ito, balikan natin ang pangyayari sa araw na iyon doon sa Green's Mill. Na- nakita ko ang pagdating ng isang pangitain, at may isang malaking bukirin, at ito'y ganap ng nabungkal. At unang dumating doon ang isang Manghahasik. Nais kong ipagdiinan ito sa inyo. Masdan ninyo kung ano ang unang lumabas at kung ano ang kasunod nito. Habang ang Lalaking ito na nakaputi ay lumilibot sa bukirin, na naghahasik ng binhi, sa Kaniyang likuran ay may dumating na isang lalaking naka-itim, napakatuso niyang tignan, lihim na sumusunod sa Kaniya at naghasik ng panirang damo. At habang nangyayari iyon, ay nakita kong kapuwa sila nagsitubo. At sa kanilang pag-usbong, ang isa'y trigo at ang isa'y panirang damo. At dumating ang tagtuyot, na nang, sa pakiwari ko, kapwa sila nakayuko at humihingi ng ulan. Pagkatapos ay may dumating na isang malaking ulap sa bukid, at bumuhos ang ulan. At tumindig ang trigo at nagsabi, “Purihin ang Panginoon. Purihin ang Panginoon.” At tumindig din ang mga panirang damo at nagsisigaw, “Purihin ang Panginoon. Purihin ang Panginoon.” Iisang resulta, kapwa sila naghihingalo, kapwa sila malapit nang pumanaw. Pagkatapos ay tumayo ang trigo at nauhaw. At dahil nasa iisang bukid sila, iisang halamanan, iisang lugar, sa ilalim ng isang daluyan, tumubo ang trigo at tumubo din ang mga panirang damo sa pamamagitan ng iisang ulan. Pansinin. Ang iisang pinahirang tubig na nagpatubo sa trigo, ay siya ring nagpatubo sa panirang damo.
Ang Espiritu Santo na nagpapahid sa iglesia, na nagbibigay sa kanila ng pagnanasa na magligtas ng mga kaluluwa, na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihang magpamalas ng mga himala,ay pumapatak kapuwa sa mga hindi matuwid at sa matuwid: ang iisang Espiritu. Ngayon, hindi mo ito maaaring ibahin at pagkatapos ay maunawaan mo ang Mateo 24:24. Sinabi Niya, “May magsisilitaw na mga bulaang cristo,” mga bulaang pinahiran, pinahiran ng tunay na Espiritu, gayon ma'y mga bulaang propeta Nito, mga bulaang guro Nito. Ano'ng magtutulak sa isang tao para magnasang maging isang bulaang guro ng isang bagay na Katotohanano? Ngayon, tutungo tayo sa tatak ng hayop sa ilang sandali, at makikita ninyo na iyon ay denominasyon. Kita n'yo, kita n'yo? Mga bulaang guro, bulaang pinahiran, pinahirang mga cristo, ngunit mga bulaang guro. Ito lang ang tanging paraan maunawan ninyo ito.
-----
Pansinin. Ang kanilang mga ibinubunga ang siyang nagsasabi ng kaibahan. “Sa kanilang bunga,” sabi ni Jesus, “makikilala ninyo sila.” Hindi makapamimitas ng mga ubas ang tao sa dawagan kahit na ang mga dawagan ay naroon din sa puno ng ubas. Maaaring posible iyan, subalit ang bunga ang makapagsasabi nito. Ano ang bunga? Ang Salita para sa- bunga para sa panahon; ito nga iyon, ang kanilang mga katuruan. Ang katuruan ng ano? Ang mga katuruan ng mga panahon, anong panahon ito- makataong aral, makadenominasyong aral, sa halip na Salita ng Diyos sa kapanahunan. Ngayon... napakabilis ng oras, at maaari tayong gumugol ng mahabang oras diyan , ngunit natitiyak kong kayong mga naririto, at natitiyak kong kayong mga nakikinig sa buong bansa, ay nakakaunawa sa nais kong sabihin sa inyo, dahil wala tayong sapat na panahon para talakayin ito.Datapuwat makikita ninyo na ang Pagkapahid ay dumarating din sa mga di-matuwid ,sa mga bulaang guro at nagbubunsod sa kanilang gawin ang mga bagay na hindi ipinagagawa sa kanila ng Diyos; ngunit ginawa pa rin nila ito, Bakit? Wala silang magagawa rito. Paanong ang dawag ay mag-iibang anyo kundi maging dawag? Kahit na gaano pa karaming ulan ang ibuhos mo rito, magiging dawag pa rin ito. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ni Jesus na sila'y magiging magkahawig na magkahawig na anupa't ililigaw ang mga hinirang (na naroon sa mga ugat), kung maari. Ngunit hindi ito maaari. Walang magagawa ang trigo kundi mamunga ng trigo; iyon lamang ang ibubunga niya.
Basahin ang account sa...
Ang mga pinahiran sa huling kapanahunan.