Binhi ng Serpente.

<< nakaraang

susunod >>

  Buhay Salita serye.

Ang tuso Serpente.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Binhi ng Serpente.

Genesis 3:1-7,
Ang ahas ay lalung tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa sa alin mang punong kahoy sa halamanan? At sinabi ng babae sa ahas, sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami: Datapuwa’t sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo’y mamatay. At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay: Sapagkat talastas ng Diyos na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, (Kita nyo? Naghahanap ng bagong liwanag!) “…at kayo’y magiging parang dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.” At nang Makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito’y kumain. At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila’y mga hubad; at sila’y tumahi ng mga dahonng puno ng igos at kanilang ginawang panapi.

Ganito ang nangyari, sa paniwala ko, at kaya ko itong susugan sa pamamagitan ng Biblia, na kagagawan iyon ng serpente! Ang serpente ang nawawalang persona sa pagitan ng chimpanzee at ng tao, sapagkat- makinig kayo, pansinin n’yo ito ngayon- ang serpente noon ay hindi isang reptilya. Siya ang pinakatuso sa lahat ng mga hayop sa parang. Kumuha ako ng diksyunaryo kanina galling kung saan-saan upang hanapin ko ang kahulugan ng salitang “subtil”. Ang ibig sabihin nito ay maging marunong, maging mahusay. Ang pinakatamang magpapaliwanag ng salitang Hebreo na m-a-h-ah(mahah) ay nangangahulugang nagtataglay ng tunay na kaalaman tungkol sa mga prinsipyo sa buhay.

Ngayon, masdan natin ito sandali. Marunong siya, napakahusay. Gayon man ay tinawag siyang “serpente”. Ngunit alalahanin n’yo siya ang pinakamarunong sa lahat, at pinakakatulad ng tao sa lahat ng naroroon sa parang- pinakahawig ng tao. Hindi siya reptilya. Naging reptilya lang siya dahil sa sumpa. Ayon sa Biblia siya ang pinakamaganda sa lahat. Hindi nagawa ng sumpang alisin lahat ng kaniyang kagandahan- sapagkat hanggang ngayon ay maganda pa rin ang makinang na kulay nito. Ang magandang pakilos niya at ang kaniyang katalinuhan... Hindi iyon nagawang alisin ng sumpa. Ngunit alalahanin, sinabi sa kaniya ng Diyos na mawawala ang kaniyang mga binti at gagapang siya sa kaniyang tiyan. At hindi ka makakakita ng isa mang buti sa ahas na hawig sa buto ng tao, iyan ang dahilan kung bakit ligawa ang agham. Ngunit hayon siya.

Itinago iyon ng Diyos sa mga mata ng pantas at matatalino at ipinangako Niyang ihahayag ito sa mga anak na lalaki ng Diyos sa mg a huling araw, kung kalian ang mga anak ng Diyos ay maihahayag na. Kapag ang mga anak ng Diyos na nagbunying kasama Niya bago itatag ang sanlibutan, kapag ang dakilang kapahayagan ng pagkadiyos sampu ng mga bagay na ito ay maipabatid sa huling mga araw, ipahahayag Niya ang mga bagay na ito sa mga anak ng Diyos. Alam Ninyo na itinuturo iyan ng Kasulatan. At narito na nga tayo. Iyan ang dahilan kung bakit binubuksan ng Diyos ang mga bagay na ito sa atin. Ipinahahayag ng Diyos ang Kaniyang mga anak. Nilalampasan Niya ang mga limitasyon ng makataong karunungan tungo sa espiritual na mga kapahayagan at ipababatid ito. Hindi ba’t noon pa natin itinuturo sa Bibliang ito, “ito’y para sa kaniya na may karunungan.” Hindi kung ano ang natutunan niya sa seminaryo, kundi kung ano ang natutunan niya sa kaniyang pagluhod sa harap ng Diyos, at kung ano ang kinalugdan ng Diyos na ipagkaloob sa kaniya. Mga anak na lalaki ng Diyos na naipapahayag.

Narito ang serpente. Ngayon, ganito noon ang serpente. I bibigay ko sa inyo ang paglalarawan ko sa kaniya. Nag-umpisa tayo kanina sa palaka tungo sa butete, at nagpatuloy tayo hanggang sa umabot tayo sa unggoy, sa chimpanzee; at mula sa chimpanzee ay tumalon tayo mula sa chimpanzee tungo sa tao. At nagtataka tayo kung bakit. “Buweno,” ang sabi ng agham, “sandali lang, magagawa naming palahian ang taong babae sa unggoy at ganoon din ang unggoy sa tao, at maaring lahian ng tao ang unggoy.” Hindi iyan mangyayari. Magpalahi kayo ng iba pang hayop. Hindi rin maaari. Hindi maghahalo ang kanilang dugo. Kunin n’yo ang dugo, magkaibang-magkaiba ang mga dugo nila. Mayroong isang uri ng dugo sa pagitan nila, at hindi nila masumpungan ang hayop na iyon. Aleluia! (Nag-umpisa nang maging relihiyoso ang pakiramadam ko ngayon!)

Aba, itinago iyon ng Diyos sa kanila! Walang isa mang buto sa ahas na kahawig sa buto ng tao. Iniba Niya nang husto ang hitsura niya upang hindi ito matuklasan ng matalinong tao. Ipapakita ko sa inyo kung saan nagmula ang mata linong tao. Kung nasaan na nga ba siya ngayon. Hindi ito maaring dumaan sa kaniya. Kailangang dumating ito s pamamagitan ng kapahayagan. “ikaw ang Cristo ang Anak ng Diyos na buhay.” “ Sa ibabaw ng batong ito, itatayo Ko ang aking iglesia, at ang pintuan ng Hades ay hindi makakapanaig laban dito.” (Mateo 16:13-18) Ang spiritual na kapahayagan. Paanong nalaman ni Abel na kordero ang kailangang ihandog at hindi ang katulad ng inihandog ni Cain, na mga bunga ng halamanan sa parang. Inihayag sa kaniya iyon sa spiritual na paraan. Hindi mo ito makukuha sa seminaryo. Hindi mo ito makukuha sa pamamagitan ng denominasyon. Makukuha mo ito mula sa Langit.

Ngayon, masdan n’yo ang serpente. Ang serpenteng ito na siyang nauna natin. Ilarawan natin siya ngayon. Isa siyang malaking nilalang. Nasa pagitan siya ng chimpanzee at ng tao. Ang serpente, ang Diablo, si Lucifer, alam niya na iyon lamang ang dugong maaring humalo sa dugo ng tao. Siya lamang ang tanging nilalang na maari niyang gamitin. Hindi niya maaring gamitin ang chimpanzee. Hindi maghahalo ang dugo nila. Hindi siya maaring gumamit ng iba pa. Hindi niya maaaring gamitan ang iba pang hayop. Kailangang gamitin niya ang serpente. Pag-usapan natin siya ngayon, at tingnan natin kung ano ang hitsura niya: Isa siyang napakalaking nilalang, isang prehistoric na higante. Kaya nakakatuklas sila n malalaking buto, at ipapakita ko ito sa inyo sa Biblia. Ngayon, masdan n’yong maigi ang napakalaking nilalang na ito- ipagpalagay nating sampung talampakan ang taas niya. Malalapad ang kaniyang balikat, hawig na hawig siya sa tao. At ang kaniyang dugo, nang siya’y gumapang, maaring humalo ang dugo ng mga hayop sa isa’t-isa.

Maari mong paghaluin ang lahi ng mga hayop. Pataas ng pataas ang uri ng kanilang dugo, pataas ng pataas ang anyo ng buhay, pataas ng pataas ang anyo, hanggang sa umabot ito sa daigdig ng tao. Ngunit ang huling dugtungan sa pagitan nito ay naputol. Ilan bas a inyo ang nakaalam na hindi Makita ng agham ang missing link? Alam n’yong lahat ‘yan. Bakit? Ito na ‘yon. Ang serpente. Narito ang isang napakalaking nilalang. At bumaba ang Diablo. Ang sabi niya, “Hindi ko magawang magbigay ng inspirasyon.” Ngayon, kapag nagtitingin ka sa mga babae at sa mga ikinikilos ng babae, alalahanin n’yo napapahiran ka ng Diablo, kung hindi mo iyon asawa! Ngayon, bumaba ang Diablo at lumukob siya sa serpente, at nasumpungan siya sa halamanan ng Eden si Eva na nakahubad. At may sinasabi itong bungangkahoy sa “gitna” at ang “gitna” ay nangangahulugan sa kalagitnaan at iba pa. Nauunawan n’yo…sa isang halong kongregasyon. At ang sabi niya, “ito’y kaaya-aya. Ito’y maganda sa paningin.”

Ano ang ginawa niya? Nagsimula siyang makipagtalik kay Eva. Nakisama siya sa kaniya bilang asawa. At nakita niyang iyon ay kaaya-aya, Kaya’t sinabi niya iyon sa kaniyang asawa, ngunit nabuntis na siya ni Satanas. At isinilang ang panganay niyang anak na ang pangalan ay Cain, ang anak ni Satanas. “Ngayon,” sasabihin mo, “mali ‘yan.” O siya, titingnan natin kung mali nga ba ito o tama. “At pag-aalitin Ko ang iyong binhi at ang binhi ng serpente.” (Genesis 3:15) Ano? ANG BINHI NG SERPENTE! Mayroong binhi ang babae, at mayroon ding binhi ang serpente. “At susugatan Niya ang iyong ulo, at susugatan mo ang Kaniyang sakong.” Ang sugat ay nangangahulugang maghandog ng hain para sa katubusan. Ngayon, hayan ang inyong binhi ng serpente! Ngayon ay pansinin, narito ang dalawang lalaking ito. Ngayon ang serpenteng ito, nang tumayo siya roon…ang napakalaking higanteng ito ay tumayo roon. Nagkasala siya ng pakakiapid sa sawa ni Adan. Nasaan ba ang kasalanan ngayon? Ano ba ang dahilan at nagkaganito ang mga bagay-bagay ngayon? (Ngayon, tiyak na nasasapo ninyo kung ano ang ipinangungusap ko.)

At nang mangyari iyon, tinawag ng Diyos si Eva’t Adan. At ang sabi niya, “Nakahubad ako.” Ang sabi ng Diyos, “Sino ang nagsabi sa inyo na kayo’y hubad?” At nagsimula silang magsisihan gaya ng ginagawa ng mga sundalo. Ang sabi niya, “Buweno, ang babaeng ibinigay mo sa akin ang may kagagawan nito. Siya ang humimok sa akin.” At ang sabi niya, “Binigyan ako ng mansanas ng serpente.” O sige, mangangaral, matauhan ka sana. Ang sabi ng babae, “dinaya ako ng serpente!” Alam ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng “dinaya?” Ang ibig sabihin nito ay dinungisan. Hindi siya binigyn ng mansanas ng Diablo! “Tinukoso ako ng serpente.” At noon dumating ang sumpa.

Ang sabi niya, “Dahil nakinig ka sa serpente sa halip na sa iyong asawang lalaki, ay inalis mo ang buhay sa sanlibutan; at ngayon ay pararaihin mo ang iyong kapighatian, ang iyong paglilihi ay sa iyong asawang lalaki,” at iba pa. At dahil nakinig ka sa iyong asawa sa halip na sa Akin- sa alabok ka nagmula at ginawa kitang pinakamataas na uri- muli kang magbabalik sa alabok.” “At ikaw serpente, dahil ginawa mo iyan, mawawala ang iyong biyas, at sa iyong tiyan ay gagapang ka sa lahat ng mga araw ng iyong buhay. At ika’y kamumuhian, at alabok ang magiging pagkain mo.” Hayan na. Hayan na ang missing link! Ngayon ay heto naman si Cain. Pagmasdan natin ang kanilang kalikasan.

Heto si Cain. Ano ba siya? Isa siyang taong negosyante. Binubungkal niya ang kaparangan. Mahusay, matalino, napakarelihiyoso. Masdan n’yo ang kaniyang katangian. Samahan n’yo ako sa loob ng ilan pang minuto. Dito’y lumabas siya. Alam niyang isa siyang taong may moralidad. Nais niyang magsimba. Gumawa siya ng isang simbahan, nag-alay siya ng hain, nagtayo siya ng altar, inilagay niya roon ang kaniyang mga bulaklak- naglagay siya roon ng mga bungang-kahoy na mula sa parang- inalay niya iyon sa Diyos, at ang sabi, “Hayan, Panginoon. Ang alam ko ay kumain kami ng mansanas. Iyon ang naging dahilan nito.”(Aba iba niyang mga kalahi ay ganito rin ang iniisip. Nagpapakita kung saan ito nagmula.) Dinala niya ang kaniyang mansanas mula sa parang, nilapag ang mga iyon sa altar at nagsabi, “Ito ang magsisilbing kabayaran.” Ang sabi ng Diyos, “Hindi iyon mansanas.” Ngunit sa pamamagitan ng espiritual na kapahayagan, batid ni Abel na dugo iyon. Kaya’t nagdala siya ng isang kordero, nilaslas niya ang lalamunan nito, at ito’y namatay; at ang sabi ng Diyos, “Tama iyan, iyan ang naging sanhi. Dugo iyon.” (Alam n’yo kung anong dugo ang tinutukoy ko.) Mabuti, dugo ang naging sanhi niyon. Ngayon ay masdan.

At nang Makita ni Cain na tinanggap ang kaniyang kapatid na holy roller sa harap ng Diyos, at may nakitang mga tanda at kababalaghan doon, nanibugho siya sa kaniya. Ang sabi niya, “Patitigilin natin ang mga bagay na ito ngayon din!” Tingnan n’yo ang kaniyang mga kapatid. Tingnan n’yo ang mga anak niya ngayon. “Mas mahusay ako kaysa sa kaniya.” Kaya’t nagalit siya. Saan nagmula ang galit? Masasabi ba ninyong galit iyon? Pinatay niya ang kaniyang kapatid. Isa siyang mamamatay-tao? Si Adan ay anak ng Diyos. Sinabi ng Biblia na si Adan ay anak ng Diyos, (Lucas 3:38) ang dalisay na pinagmulan noon. Si Adan ay anak ng Diyos, at ang paninibugho at inggit at lahat ng iyon ay hindi maaaring magmula sa dalisay na agos na iyon. Iba ang pinanggalingan niyon. At nagmula iyon kay Satanas, na isang mamamatay-tao sa pasimula pa lamang. Sinabi ng Biblia na siya ay- isang sinungaling at isang mamamatay tao Sa pasimula pa. Hayan na. At pinatay niya ang kaniyang kapatid. Iyan ang hipo ng kamatayan ni Cristo. At mula roon, ano pa’t pinalitaw niya si Seth bilang kapalit niya. Ang kamatayan, pagkalibing, at muling pagkabuhay ni Cristo. (masdan, heto na ang mga higante.)

At nagtungo si Cain sa lupain ng Nod. Kung ang kaniyang ama ay isang napakalaking higante, ano kaya ang hitsura ni Cain? Ang ama niya. Nagpunta siya sa lupain ng Nod at dinala niya ang isa sa kaniyang kapatid na babae. Iyon lang ang posibleng nangyari. Wala nang iba pang maaring panggalingan ng mga babae maliban kay Eva. Ang sinasabi nila ay nagkarooon sila ng pitumpung mga anak na lalaki’t babae. Kung walang babae…(Hindi itinatala ng Biblia ang mga babae kung sila ay ipinanganak, mga lalaki lang). Kung wala nang ibang babae maliban kay Eva, kung gayon ay dapat mamatay siya dapat sana ay hindi na nakapagpatuloy ang lahi ng tao. Tiyak na mayroon silang mga anak na babae. Ang napangasawa niya ay sarili niyang kapatid na babae. Nagtungo siya sa lupain ng Nod at nag-asawa; at nang mapangasawa niya siya, doon na nila nasumpungan ang mga naglalakihang higanteng iyon, na walang iba kundi mga nalugmok na maga anak na lalaki ng Diyos na lumabas sa pamamagitan ng kanilang ama, ang diablo sa pamamagitan ni Cain. Iyan ang missing link!

Basahin ang account sa...
Binhi ng Serpente.



Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae; siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig, at nagsasabi, hindi ako gumawa ng kasamaan.

Mga Kawikaan 30:20


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

The Pillar of Fire.

(PDF Ingles)

Nagkukubli ang Diyos sa Kasimplihan at Nagpapahayag Sa Gayunding Paraan.
(PDF)

Kasal at Diborsiyo.

(PDF)

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)

Kung ang pagkain
ng mansanas ang
dahilan para mapagtanto
ng mga babae na
nakahubad sila, mabuting
mamigay uli tayo
ng mansanas!