Kasal at Diborsiyo.
<< nakaraang
susunod >>
Hindi gayon sa pasimula.
William Branham.Basahin ang account sa...
Kasal at Diborsiyo.Mateo 19:8,
8 Sinabi niya sa kanila, Dahil sa katigasan ng inyong puso ay ipinag-ubaya sa inyo ni Moises na inyong hiwalayan ang inyong mga asawa: datapuwa't buhat sa pasimula ay hindi gayon.Ang Kasulatang ito, ang katanungang ito, hinarap ito kay Jesus sa pasimula ng Kaniyang lingkuran, at hinarap ito kay Moises sa pasimula ng kaniyang lingkuran. Ito'y isang napakahalagang katanungan sa puso ng mga mananampalataya, sapagkat sinisikap ng mananampalataya na makapamuhay nang tama sa harap ng Diyos. Kaya't kung may katanungan tungkol sa relihiyon,ay laging nauungkat ang tungkol sa kasal at diborsiyo. Bakit? Sapagkat dito nagmula ang orihinal na kasalanan. Diyan nagmula ang kasalanan, at iyan ang dahilan kung bakit lagi itong nauungkat, sapagkat ito ang pinakapasimula ng kasalanan.
Ngayon, hindi sapat ang oras ko upang ipaliwanag ko ang lahat ng mga bagay na ito, ngunit ikagagalak kong sagutin ang lahat ng mga sulat n'yo o anumang kaya kong gawin, o kay naman ay may mga aklat tayong nasulat tungkol dito at maraming tanong at maging mga ginupit na sipi sa mga pahayagan, at mga bagay-bagay na naririto upang patunayan ito. Alam nating si Eva... Ang mansanas na umano'y kinain niya (dahil ni hindi nga ito iskriptural), ngayon naman ay sinasabi nilang apricot daw iyon... Hindi iyon alin man sa dalawa.Nagkasala siya ng pakikiapid na nagbunga ng unang anak, na si Cain, ang sariling anak ni Satanas. Sapagkat kasamaan ang nasa kalooban niya.Hindi iyon dumaan kay Abel. Ang anak ni Satanas ay si Cain.
----
Ngayon, kung gayon, mayroon tayong dalawang kaisipan tungkol sa kasal at diborsiyo,at iyon ay, ang sabi ng isa ay isang beses lang maaaring magpakasal ang isang lalaki malibang mamatay ang kaniyang asawang babae. At isa iyan sa mga tanong. Ngunit kapag iyan ang tinahak mo, lalampas ka. At pagkatapos, ang sabi naman ng isa, “Oh, kung ang asawang lalaki, o kaya nama'y ang asawang babae (sinuman sa kanila) ang magasala ng pakikiapid, sinuman sa kanila ay maaaring ihiwalay at maaaring muling magpakasal.” Masusumpungan mong lalampas ka rin diyan.Kaya't nakikita ba ninyo, hindi iyan hilagang-silangan o kaya'y timogsilangan; ang nais natin ay tuwirang silangan. Mauubusan ka ng Kasulatan kapag dito ka nagtungo. Ang nais nating malaman ay kung saan magpapanagpo ang mga Kasulatan at nang malaman natin kung ano ang katotohanan hinggil sa bagay na ito. Ang bawat isa ay magkaiba ng daan at kapuwa bigo sa pagbibigay ng tamang sagot, ngunit dapat ay mayroon pa ring sagot.
Tulad din ito sa araw na ito; may dalawang dakilang paaralan ng aral sa iglesia, at ang isa sa kanila ay legalista, at ang isa naman ay biyaya. At natuklasan nating ang mga taong naniniwala sa biyaya (ang mga Calvinista), ang sabi nila, “Purihin ang Diyos, hindi nakasasama sa akin ang manigarilyo; hindi nakasasama sa akin ang uminom. Magagawa ko ang mga bagay na ito; mayroon akong eternal na seguridad.” Pagkatapos ay makikita naman natin sa kabilang panig (sa panig ng mga legalista) ang sabi, “Oh, nais ko siyang pagalitan; nais kong ipakita sa kaniya ang bahagi ng laman ng isip ko, ngunit isa akong Cristiano; kailangan kong manahimik.”
Kita n'yo, nasusumpungan n'yo ang sarili n'yo sa dalawang magkaibang landasin, at alin man sa dalawang iyon ay mali. Ngayon, mahirap sabihin iyan, ngunit iyan ang totoo. Masusumpungan natin ang sarili nating bumabagtas sa dalawang daan; ang isa ay papunta sa isang direksiyon; ang isa naman ay sa iba. Ngayon, tingnan natin kung ano ang katotohanan.
----
Mayroon din tayong dalawang kaisipan tungkol sa Kasal at Diborsiyo. Ngayon at binuksan na ng Panginoon sa atin sa araw na ito ang hiwaga ng Salitang ito na natatakan ng pitong Tatak... Ngayon, marami sa inyo, maaaring bago ito sa pandinig ng marami sa inyo, datapuwat nauunawaan ng aking iglesia kung ano ang naganap. At ang katanungang ito ay isang katanungan tungkol sa Biblia, at inaanyayahan tayo rito upang maniwalang dapat ay may tunay na sagot sa kabuuan ng natagaong lihim na naitago mula pa nang itatag ang sanlibutan. At ang Biblia ay humuhula at nagsasabi na sa araw na ito ay mahahayag ang mga lihim na ito, Apocalipsis 10: “At sa pagtunog ng ikapitong anghel (ang mensahero ng Laodicea), ang mga hiwaga ng Diyos ay mahahayag na.” At ito na ang huling kapanahunan, ang Laodicea.----
Si Jesus sa teksto natin, inaanyayahan Niya tayong magbalik sa pasimula para sa tunay na iskriptural na sagot. Ngayon, nang iharap ito sa Kaniya, mayroong dalawang pananaw. Ang sabi ng pari sa Kaniya, “Maaari bang ihiwalay ng isang lalaki ang asawa niya sa anumang kadahilanan?” At ang sabi ni Jesus , “Hindi ganiyan sa pasimula.” Pagkatapos ay sinabi nila, “Pinayagan kami ni Moises na gumawa ng sulat ng paghihiwalay” (at hiwalayan siya sa anumang kadahilanang maisipan nila. Ang sabi Niya, ginawa iyon ni Moises dahil (ibinitin ko iyan ng kaunti) - dahil sa katigasan ng inyong puso, ngunit mula pa - o nung pasimula ay hindi ganiyan. Ang tanong...Kung sinabi ni Jesus, “Magbalik kayo sa pasimula,” mayroon lamang isang pares ang bawat bagay sa lupa. Mayroong isang Adam, isang Eva. Pinagbuklod sila tanging ng Diyos lamang.May isang babaeng kabayo, isang lalaking kabayo, may isang babaeng loro, isang lalaking loro, noong pasimula, dahil sinabi Niya sa ating magbalik tayo, mayroon lamang isang pares ng lahat ng bagay. Totoo ba 'yan? Kung magkagayon ay makikita nating lahat ng bagay sa pasimula ay buong kasakdalan at maayos na umiiral ayon sa katalagahan ng Diyos; walang anumang bagay na wala sa ayos.Lahat ng bagay sa langit ay sakdal ang pagkakaayos; lahat ng mga bituin, ang mga galaxy, ang solar system, lahat ng bagay ay nasa sakdal na kaauyusan. Kapag gumalaw ang isa sa kanila, maaantala ang buong programa.
Ngayon,makinig kayo. Nakikita ba ninyo? Ang isang pagkaantala lamang ay makasisira sa buong programa. Ngayon, nang ang mga tao ay kasundo pa ng Diyos, isang lalaki at isang babae, ang babaeng ito ay nagkasala. At naging dahilan ito upang ang buong panlupang programa ay malihis sa Diyos. Kaya nga, ang isang salitang idaragdag sa Aklat na ito, o ang isang salitang ibabawas Dito, ay magiging dahilan upang ang isang Cristiano ay malihis sa pagkakaayon sa Diyos, malilihis ang iglesia sa pagkakaayon sa Diyos, malilihis ang pamilya sa pagkakaayon sa Diyos. Bawat mananampalataya ay maaaring mapalabas dahil sa hindi pagtanggap sa bawat Salita ng Diyos.
----
Ngayon, noon ginawang tagapamuno ng babae ang lalaki ng Salita ng Diyos. Hindi na kapantay ng babae ang lalaki. Dati siyang kapantay niya sa kalikasan, alam n'yo.Datapuwat nang suwayin niya ang Salita ng Diyos, ginawang tagapamuno ng Diyos ang lalaki ng babae (Genesis 3:16 kung nais n'yong isulat). Hindi na siya kapantay ng lalaki. Naging tagasuway siya ng Salita ng Diyos. Hindi ba ninyo nakikita na siya - siya, ang iglesia rito, ang tagasuway ng Salita ng Diyos, ang siyang lubusang naglilihis sa kaniya upang lumabas siya sa pagkakaayon? At iyan ang ginawa ng iglesia at naging sanhi ito upang ang kabuuan nito ay masadlak sa espirituwal na kamatayan. Ngayon ay mauunawaan ninyo kung bakit ko pinagdidiinan ang mga bagay na ito gaya ng ginagawa ko. Ito'y katotohanan.Ito'y mga katotohanang nakapaloob sa Biblia.Pansinin n'yo, bakit kaya siya gumawa ng ganitong bagay? Paanong magagawa ng kaibig-ibig, maganda, sakdal na babaeng iyon... Minsan ay may nakita akong isang larawan (wari ko sa Grecia iyon) ni Eva na ipininta ng isang pintor. Napakapangit niya. Ipinakikita niyon kung ano ang nakikita ng karnal na pag-iisip. Ngunit hindi siya pangit; maganda siya, pagkat isa siyang sakdal na babae, babaeng-babae siya.
Pansinin n'yo, bakit siya gumawa ng gayon, samantalang naroon siya sa mataas na kalagayang iyon? Magkapantay sila ng lalaki, kapantay niya siya. Ngunit alam na nating lahat ngayon na naiwala niya ang pagkakapantay niya sa lalaki nang magkasala siya, at ang sabi ng Diyos, “Magmula ngayon ay ang lalaki na ang magiging tagapamuno mo.” Ngayon, iyan ay Kasulatan. Kung nais n'yo ay maaari natin itong basahin. Ibinibigay ko sa inyo ang mga Kasulatan upang (sa gayon ay makatipid tayo ng oras gawa ng malaking hookup na ito sa buong bansa) upang kayo mismo ang makabasa. Pansinin n'yo, kaya niya nagawa iyon... Paano bang nakalapit si Satanas sa kaniya?
Alam ba ninyong dating kapantay ni Satanas ang Diyos? Siya nga, sa lahat ng bagay maliban sa pagiging Manlilikha; siya ay lahat ng bagay, tumayo siya sa kanan ng Diyos sa kalangitan, isa siyang dakilang pinunong kerubin. Pansinin n'yo, ang dahilan kung bakit niya nagawa iyon ay dahil wala siya sa orihinal na paglalang. Wala siya sa orihinal na paglalang ng Diyos; isa siyang pangalawang produkto (byproduct). Kaya nga sa pasimula, gaya ng tinutukoy ni Jesus, hindi siya isang orihinal na taong nilalang ng Diyos. Isa siyang pangalawang produkto ng lalaki (nang tukuyin ni Jesus ang pasimula).
-----
Ngayon tungkol sa kasal at diborsiyo... Kita n'yo, kailangan itong maihayag.Hanggang sa maihayag ito, hindi n'yo ito malalaman. Ngunit ipinangako Niya sa huling araw na ito, sa huling kapanahunang ito, na bawat nakatagong hiwaga sa Biblia ay maihahayag. Ilan ba ang nakaaalam niyan? Sa ikasampung kabanata ng Apocalipsis.Ipinangako ito ni Jesus na ang lahat ng mga nakatagong hiwagang ito tu - tungkol sa kasal at diborsiyo, lahat ng mga iba pang natagong hiwaga ay maihahayag sa panahon ng wakas.Ngayon, natatandaan ba ninyo na may Tinig na nagsabi, “Magpunta ka sa Tucson.” Natatandaan ba ninyo ang mahiwagang Liwanag sa kalangitan, ang pitong Anghel na nakatayo roon? Nagbalik sila at nabuksan ang Pitong Tatak? Masdan n'yo kung ano ang naganap. Totoo iyan.
-----
Napakatindi ng bagay na ito. Hindi ko malaman kung paano ko itong ilalahad. Ano'ng gagawin ko samantalang may mga lalaki't babaeng nakaupo sa aking kongregasyon, ang iba'y dalawa o tatlong ulit nang naikasal? Mga mabubuting lalaki at mabubuting babae, na nagulo ang buhay, ano ba ang naging sanhi nito? Ang bulaang pagtuturo. Iyan nga, ang hindi paghihintay sa Panginoon. “Ang pinagsama ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao...” Hindi ang pinagsama ng tao kundi ang pinagsama ng Diyos.Kapag may kapahayagan kang tuwirang nagmula sa Diyos na asawa mo iyan at kung magkakagayon, sa iyo iyan sa kabuuan ng buhay mo. Kita n'yo? Ngunit anumang pinagsama ng tao ay maaaring paghiwalayin ng kahit na sinong tao. Ngunit ang pinagsama ng Diyos ay huwag nawang pangahasang galawin ninuman. “Ang pinagsama ng Diyos,” ang sabi Niya, “ay huwag paghihiwalayin ng tao.” Hindi kung ano ang pinagsama ng lasing na mahistrado, o kung sino man, o ng kung sinong mangangaral na napadausdos nang pabalik sa kasalanan na may isang bungkos na kredong nakapaloob sa isang aklat na pahihintulutan silang gumawa ng kahit ano sa mundo samantalang nariyan ang Salita ng Diyos. Kita n'yo? Ang tinutukoy ko ay ang pinagsama ng Diyos.
-----
Nung isang araw, dahil alam kong kung mayroon akong kailangang sabihin sa inyo, dapat itong maging ITO ANG SABI NG PANGINOON, at nakuha ko ang mga Kasulatan habang hinahayag Niya iyon sa akin, ngunit, “Panginoong Diyos, ano ang sasabihin ko sa aking kongregasyon? Magkakaroon ng mga paghihiwalay. May mga kalalakihang mauupo sa veranda at doon sa kanilang mga bakuran at kung saansaan pa: ‘Iiwan ko ba siya?’ Pati na ang mga kababaihan, ‘Dapat ko bang iwan ang asawa ko?’ “Ano ba ang dapat kong gawin?”May nagsabi sa akin, “Umakyat ka roon sa bundok, at kakausapin Kita.” At habang naroroon ako sa bundok... Hindi ko alam na doon pala sa Tucson ay nakikita nila iyon, at maging ang mga guro, tinawagan nila ang mga bata sa (ang anak kong babae at ng mga kasama nila) - mula sa kanilang silid at ang sabi, “Tingnan n'yo ang bundok. May tila umaapoy na madilaw na ulap na tumataas sa himpapawid at pagkatapos ay muling bumababa, at muling tumataas at muling bumababa.”
Gng. Evans, naririto ka ba? Ronnie, naririto ka ba? Bumaba ako sa may gasolinahan; ang batang lalaking ito (doon sa may gasolinahan, sa gasolinahanng mga Evans) - at bago ko pa malaman kung ano ang sasabihin ng batang lalaki, ginulat niya ako. Ang sabi niya, “Brother Branham, naroon ka sa itaas ng budok kanina, hindi ba?” Ang sabi ko, “Ano'ng ibig mong sabihin Ronnie? Hindi.” (Kita n'yo? Gusto ko lang malaman kung ano ang gagawin niya.) Maraming pagkakataong may mga bagay na nangyayari at hindi ko - ayaw mong ipagsabi sa mga tao. Nagiging... ang nangyayari kasi, masyado kang maraming nakikita at nagiging karaniwan na lang ito sa iyo. Kita n'yo?Hindi ko na lang ipinagsasabi sa mga tao. Ang sabi ko, “Ronnie, ano ba ang...”
Ang sabi niya, “Ituturo ko sa iyo kung nasaan ka.” Ang sabi, “Tinawag ko ang nanay, at tumayo kami roon at pinanood namin ang Ulap na iyon na nakalutang doon, tumataas at bumababa. Ang sabi ko, ”Tiyak na naroroon si Brother Branham sa itaas. Ang Diyos iyan na nakikipag-usap sa kaniya.“ At pinanood iyon ng tao sa buong lungsod. Sa isang maliwanag na araw na halos ay walang ulap kahit saan, nakalutang doon ang malaking dilaw na Ulap na ito, bumababang hugis-imbudo at nagbabalik at kumakalat.
-----
Ngayon, nasumpungan tayo sa isang kaguluhan dahil sa maling pagkaunawa ng teolohiya. Tama ba? Iyan ang dahilan kung bakit makalawang nakapag-asawa ang babae at gayon din kayong mga lalaki, dahil sa maling unawang teolohiya. Ngayon ay nais kong ipakita sa inyo ang isang bagay na sinabi Niya sa akin. At kung ang Diyos na manlilikha ay tinanong ng tanong na ito nang narito pa Siya sa lupa (si Jesus Cristo). At nang lumabas ang propetang tagapagpalaya Niya (si Moises) doon sa Egipto upang ilabas ang mga anak sa -sa Egipto upang dalhin sila sa lupang pangako; at sinabi ni Jesus dito na nakita ni Moises ang mga tao sa ganitong kalagayan, at tinulutan Niya silang gumawa ng kasulatan ng diborsiyo sapagkat gayon nga ang naging kalagayan nila noon. Nasumpungan ni Moises ang bagay na gaya ng, “Hayaan mo siya...” Pinahintulutan ng Diyos si Moises, ang propetang iyon na isinugo sa mga tao, na magbigay ng kasulatan ng diborsiyo sa kanila.At sa Corinto sa - sa ika-17 kabanata, sa ika-12 at ika-15 talata sa propeta ng Bagong Tipan na si Pablo, na nakasumpong din naman ng gayon ding bagay sa loob ng iglesia at nangusap siya ng ganito: “Ito ay ako at hindi ang Panginoon.” Tama ba? Gawa ng kundisyon ng diborsiyo. Hindi gayon sa pasimula, ngunit pinahintulutan si Moises, at kinilala iyon ng Diyos bilang katuwiran. At sa Pablo man ay may karapatan nang masumpungan niya ang iglesia sa gayong kalagayan.
Ngayon, paniwalaan n'yo ito bilang katotohanan at paniwalaan n'yong galing ito sa Diyos.At sa pamamagitan ng bindikasyon ng Ulap na ito at ng Mensaheng ito na umakay sa akin hanggang sa kasalukuyan kong kalagayan, hindi rin kaya ako pahintulutan ng Diyos doon sa bundok na gawin din ang gayon sa inyo, na pahintulutan kayo na magpatuloy kayo sa inyong kalagayam at huwag na lang ninyong gagawin. Humayo kayong kasama ang inyong asawa at mamuhay kayong mapayapa, sapagkat huli na ang oras. Napipinto na ang pagdating ng Panginoon. Hindi sapat ang oras natin upang himayin ang mga bagay na ito. Huwag na ninyong pangahasang gawin iyang muli. Nangungusap ako tanging sa aking kongregasyon. Ngunit kung may asawa ka - at sinaksihan ako ng Diyos tungkol diyan doon sa bundok upang magawa kong sabihin ito (isa itong sobrenatural na kapahayagan dahil sa pagbubukas ng Pitong Tatak, at ito ay tanong tungkol sa Salita ng Diyos): hayaan silang magpatuloy sa kalagayan nila at huwag nawa silang magkasalang muli.
Hindi gayon sa pasimula. Tama 'yan. Hindi gayon noon at hindi rin magkakagayon sa wakas. Ngunit sa ilalim ng makabagong kalagayan, bilang lingkod ng Diyos (hindi ko tatawagin ang aking sarili na propeta ng Diyos), ngunit sumasampalataya ako na kung isusugo ako sa ganiyang layunin, inihahanda ko ang daan para sa kaniya sa kaniyang pagdating. Kaya't sa ilalim ng mga makabagong kalagayan, inuutusan ko kayong magsi-uwi sa inyong mga tahanan kasama ng inyong asawang babae ngayon. Kung maligaya ka sa piling niya, pakisamahan mo siya, palakihin n'yo ang mga anak ninyo nang may takot sa Diyos; ngunit mahabag nawa ang Diyos sa inyo kung gagawin n'yo itong muli. Turuan ninyo ang mga anak ninyo na huwag na huwag silang gagawa ng ganiyan. Palakihin n'yo silang may takot sa Diyos. At ngayo't nariyan na kayo sa kasalukuyang kalagayan ninyo, humayo na tayo ngayon sa panggabing oras na kinabibilangan natin at magsumigasig tayo sa tanda ng mataas na katawagan kay Cristo kung saan ay posible ang lahat ng bagay.
Basahin ang account sa... Kasal at Diborsiyo.