Ang Diyos ay nalambungan kay Jesus.
<< nakaraang
susunod >>
Ang paglalantad ng Diyos.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang paglalantad ng Diyos.Ang paksa ko sa umagang ito ay ang ipahayag, o ilantad ang Diyos na iyon. Lagi nang ang Diyos, sa bawat panahon, ay nagtatago sa likod ng tabing, lahat ng panahon, datapuwat Siya'y Diyos sa lahat ng panahon. Kita n 'yo? Subalit nanatili Siyang nakatago sa sanlibutan, at nagpapahayag Siya sa Kaniyang Hinirang, gaya ng mga apostol sa panahong iyon. Ngayon, iyon ay ang Diyos na nangungusap sa pamamagitan ni Cristo.
Ninasa ni Moises minsan na makita ang Diyos, at inutusan siya ng Diyos na tumayo sa bato. At, sa bato'y, tumayo si Moises at nakita niyang nagdaraan ang Diyos, at ang likod Niya ay mistulang likod ng isang tao. Ang Diyos ay nasa isang ipu-ipo, at ang Diyos... habang nakatayo si Moises sa bato. Sa palagay ko'y nakita n'yong lahat ang larawan doon sa labas noong isang araw, tumayo kami sa ibabaw ng bato ring iyon. At naririto ang Liwanag na iyon, ang Anghel ng Panginoon, doon mismo kung saan Iyon su.malpok. Nakatayo... Naririyan iyan sa ating bulletin board ngayon, minsan pa.
Pansinin, si Jehova ng Lumang Tipan ay si Jesus sa Bagong Tipan. Kita n'yo? Siya pa rin ang Diyos na lyon, nagpapalit lamang ng anyo.
----
Binago ng Diyos ang Kaniyang anyo, nagb'go Siya ng anyo. Kung mapapansin ninyo dito sa Filipos, ay sinabi Niya, “Hindi inaring isang bagay na dapat panangnan, bagkus ay nag-anyong tao.” Ngayon, ang salitang Griego roon sa anyong iyon, maghapon kong sinaliksik ito kahapon, sa pag-iisip ko kung ano iyon, nasumpungan ko, nakuha ko ang salitang ito na “en morphe.” Kung babaybayin ay e-n m-or-p-he. Hinanap ko sa Griego, ang kahulugan ng en morphe ay... Maaaring magkamali ako ng pagbigkas diyan, kaya nga binaybay ko ito, para pag nailabas na ang teyp, ang mga tao, ang mga iskolar, ay makaalam kung ano ang― ang pakahulugan ko rito. Siya, nang ang en morphe, ang ibig sabihin niyan ay binago Niya ang anyo Niya. Siya, Siya'y nanaog. Ngayon, ang salitang Griego riyan, ay nangangahulugang, “Isang bagay na hindi nakikita bagama't naririyan, at pagkatapos ay nag-iba ito ng anyo, at maaari na itong Makita ng mata.” Kita n'yo?----
At ganiyan ang Diyos. Binago Niya ang Kaniyang Sarili mula sa― sa isang Haliging Apoy, upang maging isang Tao. At pagkatapos ay binago Niya ang Sarili Niya mula roon, pabalik sa pagiging Espiritu muli, nang sa gayon ay makapanahan Siya sa tao. Ginaganap ng Diyos sa pamamagitan ng tao kung ano talaga Siya. Si Jesus Cristo, ay Diyos na nasa isang Tao, nasa loob ng isang Tao. Sa isang Tao, iyon Siya. Nagbago Siya mula sa isang Haliging Apoy, at pagkatapos ay pumasok Siya; na siyang tabing sa ilang, na nagkubli sa Diyos mula sa Israel. Nakita ni Moises ang hugis ng Kaniyang katawan, ngunit angtotoo, noon pa'y nakatago na Siya sa Haliging Apoy na ito, na siyang Logos na nagmula sa Diyos. 59 Ngayon, makikita natin dito, ngayon mula noong Pentecostes, ang Diyos ay hindi na gumaganap sa tao, o gumaganap ng papel... ngayon Siya ay gumaganap na sa pamamagitan ng tao. Kita n 'yo? Siya ay gumaganap noon sa isang Tao, si Jesus. Ngayon, Siya ay gumaganap sa pamamagitan ng taong pinili Niya para sa layuning ito. Ang Diyos, sa anyo ng tao, binago Niya ang Sarili, Niya mula sa anyo ng― ng... Diyos, tungo sa anyo ng tao.----
Ngayon pansinin, ngayon sa Kaniyang pagparito, kailangan Niyang maparito bilang Anak ng tao, sapagkat isinasaad ng Banal na Kasulatan na magkakagayon, “magbabangon ang Diyos ng isang Propeta sa kanila.” Kaya't hindi Siya maaaring pumarito at tawagin ang Sarili Niya na Anak ng Diyos, sapagkat . ndi a'nen son. Siya ang Anak ng tao na nanghuhula, upang tumupad, at nagpapahayag sa kanila ng lahat ng mga bagay na naganap sa anyo ng pagtitipo kung ano Siya. Noon ay naparito Siya sa lupa bilang Anak ng tao.----
Ang Diyos, sa tao, ay ibinuhos ang Kaniyang Sarili. Joel 2:28, makikita natin na, sinabi Niya, “Ibubuhos Ko, sa huling mga araw, ang Aking Espiritu.” Ngayon, kung papansinin n'yo ang salita roon, ang salitang Griego. Baka magkamali ako rito, ngunit ang nasumpungan ko...Kailangan n 'yong suriin ang mga salita. Ang Ingles minsan ay may dalawahang kahulugan. Gaya na lamang ng salitang sinasabi natin, “diyos.” N ilikha ng Diyos ang langit at ang lupa, Genesis I. Datapuwat ngayon, sa Biblia, ang sabi Nito, “Sa pasimula si Elohim.” Ngayon, si Elohim, sa Ingles ay tinatawag na “diyos,” ngunit kung tutuusin hindi iyon Elohim. Anumang bagay ay maaaring maging diyos, sa salitang diyos; maaari mong gawing diyos ang isang imahen; maaari mong gawing diyos ang pianong iyon; maaarf mong gawing diyos ang anumang bagay.
Ngunit hindi gayon ito sa salitang E/ohim; Ito'y nangangahulugang, “yaong Isang namamamalagi sa Kaniyang Sarili.” Kita n 'yo? Ang pianong iyon ay hindi maaaring mamalagi sa kaniyang sarili, walang anumang bagay na maaring mamalagi sa kaniyang sarili. Kaya nga, ang Salitang E/ohim, ay nangangahulugang, “Siya na laging namamalagi.” Ang Diyos ay maaaring mangahulugan ng alin mang bagay. Nakikita n 'yo ba ang kaibahan sa salita?
Ngayon, nang sabihin dito na binasyo Niya ang Kaniyang Sarili, o ibinuhos Niya, ngayon, ang maiisip natin ay ganito, na Siya ay, “sumuka,” ang salitang Ingles ng binasyo, o ibinuhos mula sa Kaniya, kita n 'yo, may lumabas sa Kaniya na iba kaysa sa Kaniya. Ngunit ang salitang kenos, sa Griego, ay hindi nangangahulugang “isuka,” o kaya'y ―... natanggal ang bisig Niya, o ang mata Niya'y naalis, o ibang persona.
Iyon ay, binago Niya ang Kaniyang Sarili, Kaniyang “isinalin ang Sarili sa isang sisidlan,” (Amen!), sa loob ng ibang maskara, sa ibang anyo. Hindi lumabas mula sa Kaniya ang isa pang persona, na tinatawag na Espiritu Santo, kundi Siya mismo Iyon. Nakuha n'yo? Siya Mismo ang naibuhos sa mga tao. “Si Cristo na nasa iyo!” Napakaganda, ang sarap isipin, ibinuhos ng Diyos ang Sarili Niya sa mga tao, sa mananampalataya. “Ibinubuhos!” Bahagi ng Kaniyang dula, ang gawin Iyon. Ang Diyos, ang buong kapuspusan, ang kabuuan ng Pagkadiyos sa laman ay nasa Personang ito, na si Jesus Cristo. Siya ay Diyos, at nagiisang Diyos. Hindi ikatlong persona o ikalawang persona, o unang persona; kundi ang Persona, ang Diyos na nalambungan ng laman ng tao.
Unang Timoteo 3:16, “At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; dahil ang D-I-Y-O-S, Elohim,” ang Malaking titik na D-i-y-o-s sa Biblia. Balikan ito, ninuman. Tumutukoy ito sa orihinal, ang nakasaad Dito ay, “Elohim!” Sa pasimula, si Elohim.” Kita n'yo? “At, ang Elohim, walang pagtatalo dakila ang hiwaga ni Elohim; sapagkat si Elohim ay nahayag sa laman, at nahipo namin Siya.” Si Elohim, na nalambungan ng laman ng tao! Ang dakilang Jehova na sumasakop sa lahat ng puwang, panahon, at nasa lahat ng dako, ay naging tao. Nahipo namin Siya, Si Elohim. “Sa pasimula, si Elohim. At si Elohim ay nahayag sa laman, at nanahang kasama natin.”
----
Sino ang dakilang Personang ito na di nakikita? Sino Ito na nagpakita kay Abraham ng mga pangitain? Sa bandang huli, gayon man ay nahayag Siya sa laman, bago dumating ang anak. Ang Diyos Mismo ay dumating kay Abraham sa anyo ng isang tao, sa huling panahon. Naipamalas! Nakita na niya Siya sa isang munting Liwanag minsan; nakita na niya Siya sa mga pangitain; narinig na niya ang Kaniyang Tinig; maraming kapahayagan. Ngunit bago pa dumating ang ipinangakong anak, nakita Niya Siya sa anyo ng isangtao, at nakipag-usap sa Kaniya, at pinakain Siya ng kame at inumin. Kita n'yo? Pansinin, Ang Diyos Mismo, nalalambungan ng laman ng tao.Ito ay bahagi ng Kaniyang paraan. Ito ang paraan Niya ng pagpapamalas ng Kaniyang Sarili sa atin, ipinamamalas ang Walang Hanggang Salita, ang Diyos, si Jehova na naging laman. Gaya ng sa San Juan I, “Sa pasimula ay ang Salita, at ang Saltia ay sumasa Diyos, at ang... Sa pasimula ay si Elohim, at si Elohim ay... naging ang Salita, at ang Salita ay si Elohim. At ang Salita ay naging si Elohim.” Kita n 'yo? Siya pa rin iyon, nailalantad lang.
Tulad ng katangian, kita n 'yo, ito'y nasa Diyos. Ang katangian ay ang iyong kaisipan. Ang Diyos sa pasimula, yaong Walang Hanggan, ni hindi pa nga Siya Diyos noon. Siya yaong Walang Hanggan. Ni hindi pa nga Siya Diyos noon; ang Diyos ay isang bagay na sinasamba, o kung ano man. Kita n'yo? Kaya't ni hindi pa nga Siya gayon. Siya'y Elohim, ang Walang Hanggan. Datapuwat nasa Kaniya ang mga kaisipan na nais Niyang maging materyal. At ano ang ginawa Niya? Nang magkagayo'y nangusap Siya ng isang Salita, at ang Salita ay naging materyal. Iyan ang buong larawan, mula sa Genesis hanggang sa Apocalipsis. Walang anumang mali. Ito'y si Elohim na naging materyal upang Siya ay mahipo, madama. At sa Milenyum, ay naroon si Elohim na nakaupo sa Luklukan, kita n'yo, tama iyan kapiling ang lahat ng Kaniyang kinasasakupan sa paligid Niya, na Kaniyang itinalaga bago pa itatag ang sanlibutan.
----
Pansinin, sa mga kapanahunan, gano'n din, sa pamamagitan ng Kaniyanng mga propeta, ay naipahayag Niya ang Kaniyang Sarili. Hindi talaga sila mga propeta, sila'y mga diyos. Sinabi Niya iyon. Dahil ang ipinangusap nila ay Salita ng Diyos. Sila ang laman na ginawang lambong ng Diyos. Sila'y mga diyos. Si Jesus, Mismo, ay nagsabi, “Paano ninyo Akong hahatulan kapag sinasabi kong Ako'y Anak ng Diyos, samantalang ang sarili ninyong batas ang nagsasaad na yaong mga dinatnan ng Salita ay mga diyos?” Kita n 'yo?Kaya't iyon ay ang Diyos na nag-anyong tao na tinawag na propeta. Kita n'yo? At ang Salita ng Panginoon ay dumating sa lalaking ito, kaya't hindi ang propeta iyon; ang propeta ang tabing, datapuwat ang Salita ay Diyos. Ang salita ng tao ay hindi kikilos ng gayon. Nakikita n'yo ba ang ibig kong sabihin? Hindi ito makakikilos sa gayong paraan. Ngunit sa potensiyal ay Diyos iyon. Kita n 'yo, Siya ay Salita ng Diyos sa anyo ng isang tao, na tinatawag na “isang tao”. Pansinin, Hindi N iya kailanman binago ang Kaniyang kalikasan, kundi ang mga anyo lang Niya. Ang Hebreo 13:8, ay nagsabi na, “Siya'y katulad kahapon, ngayon, at magpakailan man.” Kaya't hindi Niya binago ang Kaniyang kalikasan nang maparito Siya. Lagi Siyang ang Propetang iyon, sa lahat ng kapanahunan, Siya rin: ang Salita, ang Salita, ang Salita, ang Salita. Kita n'yo? Hindi Niya maaaring baguhin ang Kaniyang kalikasan, datapuwat binago Niya ang Kaniyang anyo. Sinabi ng Hebreo 13:8, na “Siya noon, ngayon at magpakailan man.” Nagpalit lang Siya ng maskara.
----
Ang Diyos ay nalambungan kay Jesus, upang isagawa ang gawa ng katubusan sa krus. Hindi maaaring mamatay ang Diyos, bilang Espiritu. Siya ay Walang Hanggan. Datapuwat kinailangan Niyang magsuot ng maskara at isadula ang bahagi ng kamatayan. Namatay Siya, ngunit hindi Niya magawa iyon sa anyong Diyos. Kailangan Niyang gawin iyon sa anyong Anak, sa anyong Anak ng Tao, dito sa lupa. Kita n 'yo? Kailangan Niyang mag-anyong Anak. Pagkatapos nang magbalik Siya sa Pentecostes, Siya ay naging Anak ng Diyos muli. Nakikita ba ninyo ang ibig kong sabihin? Nakukuha ba ninyo ang kaisipan? Siya ay...----
Siya ay nalambungan sa isang tao, gaya ng lagi Siyang may lambong. Datapuwat, nalambungan Siya sa kanila, naroroon Siya sa Kaniyang taong templo. Ang Diyos ay nasa taong templo. Ngayon, maging totoong maingat, ngayon S iya'y kahapon, ngayon, at magpakai lanman. Kita n 'yo, Ang Diyos may lambong, itinatago ang Kaniyang Sarili mula sa sanlibutan, nalalambungan ng tao. Kita n 'yo? Naroroon ang Diyos! Ang mga Griegong iyon ay nagsasabi, “Nais namin Siyang makita.”At sinabi ni Jesus, “Kailangang mahulog ang butil ng trigo at mamatay.” Kailangan mong mamatay sa lahat ng iyong mga kaisipan. Kailangan mong lumabas sa sarili mong mga kaisipan. Gaya ng mga alagad na iyon, hindi nila maipaliwanag ang tungkol sa pagkain ng Kaniyang katawan at― at pag-inom ng Kaniyang Dugo.. ngunit, kita n'yo, namatay na sila sa mga bagay na iyon. Patay na sila sa isang Prinsipyo, patay na sila kay Cristo. Kahit ano pa ang magawa Niya, o gaano man Siya katalunan kung tingnan, pinaniwalaan pa rin nila Ito. Kita n 'yo? Nakikita nila sa Taong iyon; isang Taong kumain, uminom, nangisda, natulog, lahat na, isinilang dito sa lupa, at lumakad na kasama nila, nakipagusap sa kanila, nagdamit nang katulad nilang lahat, ngunit Diyos iyon.
----
Sa Lumang Tipan, ang Diyos ay nakakubli noong Siya ay nasa Kaniyang luklukan ng awa; sa luklukan ng awa, sa pamamagitan ng isang tabing. Sa Lumang Tipan, ang Diyos ay nasa Kaniyang Templo. Ngunit ang mga tao ay pumapasok doon at sumasamba nang paganito ngunit, alalahanin, may tabing doon (amen) na nagkukubli sa Diyos. Alam nilang naroroon ang Diyos. Hindi nila Siya makita. Ang Haliging Apoy na iyon ay hindi na muli pang nagpakita roon. Napansin n'yo ba? Wala na kayong mababasa sa Kasulatan, mula nang mapunta ang Haliging Apoy sa likod ng tabing na iyon, na muli pang nagpakita lyon, hanggang sa dumating Iyon mula kay Jesus Cristo. Ang Diyos ay nalalambungan! lO6 Nang tumayo Siya sa lupa, ang sabi Niya, “Nagmula Ako sa Diyos, at babalik ako sa Diyos.” At si Pablo, (matapos Niyang mamatay, malibing at muling mabuhay), habang patungo siya sa Damaseo, naroroon na namang muli ang Haliging Apoy na Iyon. Ano Iyon? Lumabas iyon mula sa likod ng tabing! Luwalhati sa Diyos!.Nanggaling Siya sa likod ng tabing. Ngayon nasa likod Siya ng ano? Balat na tabing. Kita n'yo, “mga balat ng hayop,” sa likod ng tabing. At nang mahapak ang tabing na iyon sa araw ng pagkapako sa krus, ang tabing na bumalot sa Kaniya ay nahapak sa araw ng pagkapako sa krus, ang buong awa ay nalantad. Ngayon, hindi maunawaan ng mga Judio kung paanong nagawang mahabag ng Diyos sa isang makasalanan, at maruming bayang tulad natin. Ngunit hindi nila makita ang Isang ito na nagkakaloob ng habag, sapagkat nakatago Siya. Nasa likod Siya ng luklukan ng awa, doon sa loob, may nakalaylay na mga balat ng hayop, na tumatakip sa Kaniya. Noon...
Noon, sa sinumang papas ok sa likod ng tabing na iyon, nangangahulugan iyon ng biglaang kamatayan. Amen. o, mag-aral tayo ng isang aralin dito sa isang sandali lamang, tingnan natin, kung kaya n 'yong― kung matatanggap n 'yo Ito. Ang lumakad sa likod ng tabing na iyon... Maging ang isang anak ng saserdote ay sumubok na gawin yon minsan, at namatay siya. “Huwag kang pupunta sa likod ng tabing.” Ang lalaking lumakad sa likod... Bakit? Wala pang katubusan noon, sa loob noon. Potensiyal pa lang iyon. Nasa potensiyal pa lang na kalagayan ito noon. At anumang bagay na nasa potensiyal pa lamang ay hindi pa ang totoong bagay, kita n 'yo, nasa potensiyal pa lamang 'yon. Pagtubos iyon... Natakpan ang kasalanan, hindi pa naaalis... naisasalin pala, hindi pa naisasalin. Angpagsasalin ay “idiniborsiyo at ihiniwalay.” Kaya't hindi iyon magawa ng dugo ng tupa at mga kambing, kaya't si Jehova ay natatago pa noon sa likod ng tabing. Ngayon, sa likod ng tabing na ito kung saan Siya natatago, ang pumasok doon, ang tao'y bigla na lamang mamamatay, kung tatangkain niyang pumasok Doon.
Ngunit mula noong Penteeostes, mula noong Pagkakapako sa Krus, nang ang tabing na iyon ay mahapak mula sa itoas pababa, para sa saling lahing iyon... Si Jesus ang Diyos na iyon, na natatabingan. At nang mamatay Siya sa Kalbaryo, nagsugo ang Diyos ng apoy at kidlat, at pinunit ang tabing na iyon mula sa itoas hanggang sa ibaba, hanggang sa ang kabuuan ng luklukan ng awa ay malantad sa paningin. Datapuwa't napakabulag nila upang makita Ito. Gaya nang sinabi ni Moises dito, gayon pa man, at ang sabi ni Pablo sa pagbasa kay Moises, “Habang binabasa si Moises, ang tabing na iyon ay nasa mga puso pa rin nila.” o, Kapatid na lalaki, kapatid na babae, iyan ang ginawa ng mga Judio nang mahapak ang tabing at nalantad ang Diyos, nakabayubay sa krus. Siya'y nakalantad, ngunit hindi nila makita ito.
----
Ang nalantad na Diyos, kitang-kita, dapat sana'y nakita nila Siyang nakatayo roon. Gayon ma'y naging napaka karaniwan Niya, isa Siyang karaniwang tao. Hindi nila makita Iyon. Kita n 'yo, naroon at nakatayo ang isang lalaki. “Buweno,” ang sabi nila, “ang Lalaking ito, saan bang paaralan Siya nagtapos?” Ngunit, alalahanin, nang bumaon ang sibat na iyon sa Kaniyang katawan, iniwan Siya ng Espiritung iyon, ang templo... ang mga blokeng pang-alay ay nagsitiwarik, at naglagos ang kidlat sa templo at hinapak ang tabing. Ano iyon? Hayun ang Diyos nila na nakabayubay sa Kalbaryo, at naging napaka-bulag nila para makita iyon. Inilantad na Siya sa paningin ng lahat, at hindi pa rin nila Iyon makita! Binulag sila. Ang Diyos, na nalambungan sa isang tao!Basahin ang account sa... Ang paglalantad ng Diyos.