Ang Ikalimang Tatak.
<< nakaraang
susunod >>
Mga kaluluwa sa silong ng dambana.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang Ikalimang Tatak.Pahayag 6:9-11,
9 At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila:
10 At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?
11 At binigyan ang bawat isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila.Ngayon, ito'y isang mahiwagang... At ngayon, para sa mga tape, sa mga ministro at mga guro na naririto, kung may iba kayong pananaw kaysa rito, mayroon din ako dati. Ngunit hinahango ko lang ito sa inspirasyon na lubos na bumago sa aking pananaw tungkol dito. Kita n'yo? At natuklasan ko, habang nakikita mong nahahayag ang mga ito, binabalikan nito at pinaglalakip ang mga kapanahunan ng iglesia at ang mga Kasulatan, pinagdurugtong ito. Kita n'yo? At iyan ang dahila kaya naniniwala akong galing ito sa Diyos.
-----
Pansinin, walang nabanggit na ibang hayop o nilalang na buhay sa pag-aanunsiyong ito ng Ikalimang Tatak. Ngayon, tandaan n'yo, mayroon sa Ikaapat na Tatak; mayroon sa Unang Tatak, Ikalawa, Ikatlo, at Ikaapat, ngunit wala rito. Kita n'yo? Ngayon, kung mapapansin n'yo... Basahin nga natin ulit ang isa sa mga Tatak. Balikan natin ang Ikaapat na Tatak (Kita n'yo?), at iya'y sa ika-7 talata. At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika... ...nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikatlong nilalang na buhay na nagsasabi, Halika... nang ikalawang nilalang na buhay, Halika... (At... sinabi ng unang nilalang na buhay,)... Halika.Ngunit pagdating natin sa ikalimang Tatak, wala nang hayop. Ngayon, pansinin n'yo lang. At nang buksan niya ang ikalimang tatak, nakita ko sa ilalim ng dambana... Iyon kaagad (Kita n'yo?), wala nang hayop doon, at ang hayop ay kumakatawan sa kapangyarihan. Alam natin iyan. Kita n'yo? Wala nang nilalang na buhay. Ngayon, isa sa mga nilalang na yaon, nakita natin sa pag-aaral ng kapahayagan ng mga iglesia, na ang isa sa kanila ay isang leon; at mayroon pang isang baka, at mayroon pang isang tao; at yung isa pa ay isang agila. Nakita natin sa mga kapanahunan ng iglesia na ang apat na hayop 'yon, na ang ibig sabihin ay apat na kapangyarihan, ay nakapalibot sa Mga Gawa ng Mga Apostol katulad ng Tabernakulo sa ilang, at...
-----
Pansinin n'yo, pagdating natin sa Ikalimang Tatak na ito, walang- walang mangangabayong humayo, at walang hayop na nag-anunsyo nito. Si Juan ay... Kaniyang... Binuksan ito ng Cordero, at nakita ito ni Juan. Walang sinumang naroroon para magsabing, “Ngayon, halika, masdan mo; halika, tignan mo.” Pansinin n'yo, walang kapangyarihan ng nilalang na buhay. O anumang... At sa Ikaanim na Tatak ay wala ring hayop para mag-aanunsyo nito. At ganun din sa Ikapitong Tatak, walang hayop para mag-anunsyo nito, walang mga kapangyarihan para mag-anunsyo nito (Kita n'yo?); walang sinumang gagawa nito. Doon sa... Tignan n'yo, pagkatapos ng Ikaapat na Tatak, wala nang anumang pag-aanunsyo sa pamamagitan ng alinmang kapangyarihan ng hayop mula sa Ikalima, Ikaanim, o Ikapitong Tatak, walang isa man.Ngayon, pansinin n'yo. Gustong gusto ko ito. Tulad sa mga panahon ng nakasakay sa apat na kabayo, ang mangangabayo, iisa, ng apat na magkakaibang kabayo, may hayop na nag-aanunsyo ng kapangyarihan. Sa bawat pagkakataong sumakay sa panibagong kabayo ang mangangabayo at hahayo, may ibang hayop na lumalabas at nag-aanunsyo nito. Iyan ay isang dakilang hiwaga. Kita n'yo? Iyan ang hiwaga... Bakit? Inaanunsyo ang hiwaga. Bakit walang hayop dito sa Ikalimang Tatak para mag-anunsyo? Heto na. Ayon sa kapahayagan na ibinigay ng Panginoong Jesus sa akin ngayong araw (Kita n'yo?), o kaninang umaga, maagang-maaga; iyon ay dahil sa ang hiwaga ng mga kapanahunan ng iglesia ay tapos na sa panahong ito. Ang hiwaga ng anticristo ay nahayag na sa panahong ito. Ginawa na ng anticristo ang kaniyang huling pangagabayo, at nakita natin siya na nakasakay sa maputlang kabayo na pinaghalong iba't ibang kulay niya, at humayo siya hanggang sa kapahamakan. (Tatalakayin natin ito sa mga trumpeta at iba pa kapag itinuro na natin iyan. Kung tatalakayin ko 'yon ngayon, mawawala na naman tayo sa paksa.)
-----
Ngayon, pagka't sila sa panahong ito, kung napansin n'yo, nang buksan ang Ikalimang Tatak na ito (Kita n'yo?), nakaalis na ang Iglesia. Hindi maaaring mga kaluluwa ito ng iglesia nung unang panahon. Ngayon, pakiusap, kung nagawa n'yo na dati, bigyan n'yo ito ng pansin ngayon, dahil ito'y isang dakilang kontrobersiya, kaya gusto kong makinig kayong mabuti ngayon. At mayroon kayong mga papel at iba pa para magtala. Ngayon, gusto kong pansinin n'yo. Ngayon, hindi maaaring sila ang mga kaluluwang ito, dahil ang mga kaluluwa ng mga pinatay na matutuwid at mga taong matuwid, ang Iglesia, ang Nobya, ay naiakyat na; kaya't wala na sila sa silong ng dambana. Nasa kaluwalhatian na sila kasama ng Nobya. Ngayon, masdan n'yo. Dahil umalis na sila sa pag-agaw sa ika-4 na kabanata ng Apokalipsis; naiakyat na sila. Ngayon, sino ang mga kaluluwang ito kung gayon? Kita n'yo? Iyan ang kasunod na tanong. Sino sila kung gayon, kung hindi sila ang iglesia ng unang panahon? Ito'y ang Israel na ililigtas bilang isang bansa, lahat silang mga itinalaga. Iyon ay ang Israel. Ang Israel iyon mismo. Sasabihin mo, “Oh, sandali lang.” Sasabihin mo, “Hindi sila maaaring...”Oh, tunay nga, sila'y maliligtas. Linawin natin ito ngayon sandali. Mayroon akong apat o limang Kasulatan. Kukuha ako ng isa. Kunin natin sandali ang Mga Taga-Roma, at tignan natin kung sila nga ay maliligtas. Kunin natin ang Aklat ng Mga Taga-Roma at tumungo tayo sa-sa ika-11 kabanata ng Mga Taga-Roma, at malalaman natin kung... Basahin na lang natin at makukuha na natin 'yon: Ika-11 kabanata ng Mga Taga-Roma, ika-25 at ika -26 na talata. Ngayon, pakinggan n'yo dito si Pablo. At sinabi ni Pablo, kung sino man, maging isa mang Anghel ang mangaral ng ibang ebanghelyo, magiging ano siya? Isinumpa. Masdan n'yo. Sapagkat hindi ko ibig, mga kapatid na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo'y mangagmarunong sa inyong sariling mga haka;... (Hayan.)... ang katigasan sa isang bahagi ay nangyari sa Israel, hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil.
-----
Pansinin n'yo ngayon, gusto kong masdan n'yo itong maigi. Binigyan sila ng mga balabal. Wala sila ng mga ito noon. Binigyan sila ng mga balabal-mga puting balabal, bawat isa sa kanila. Ngayon, ang mga banal ngayon ay mayroon nang... ay mayroon nang balabal. Nakukuha nila iyon dito. Ngunit doon, binigyan sila ng mga balabal, samantalang natanggap na ang mga banal ang sa kanila at sila'y nakaalis na. Kita n'yo? Kita n'yo, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon dahil sila'y binulag ng Diyos, ng kanilang sariling Ama, upang ang biyaya ng Diyos ay matupad at ang Nobya ay makuha mula sa mga Hentil. Tama ba?-----
Ngayon, masdan n'yo. Pinatay nila ang kanilang Mesias dahil sa pagkabulag nila, at ngayo'y pinagbabayaran nila ito. Napagtanto na nila. Saka nila napagkilala nang makaalis na ito. Nakita nila nang sila'y maparoon na sa harapan ng dambana ng Diyos. Ngunit ngayo'y nasa kanila ang biyaya ng Diyos. Ngayon, masdan n'yo. Ngayon, sa anumang paraa'y hindi maaaring maging mga banal sila, dahil sana'y nakabalabal na sila, ngunit dito'y mga kaluluwa lang silang nasa silong ng dambana dahil sa Salita ng Diyos at sa patotoong pinanghawakan nila sa pagiging mga Judio, ang bayan ng Diyos. Nguniy ngayon, masdan n'yo. Dumating sa kanila ang biyaya ng Diyos, at binigyan ni Jesus ang bawat isa sa kanila ng isang puting balabal (Masdan n'yo.) nang malaon nang makaalis ang Iglesia, dahil sila'y naging tapat sa kanilang adhikain, at sila'y binulag nang hindi nila nalalaman. Hindi nila iyon alam. Lubos nilang ginampanan ang bahaging itinalaga ng Diyos na gampanan nila. At narito, tumingin si Juan at nakita niya ang mga kaluluwa sa silong ng dambana. Ngayon, masdan n'yo. Nakita niya ang mga kaluluwang iyon. Tignan n'yo kung anong itinawag niya sa kanila. Sumisigaw sila, “Panginoon, hanggang kailan?” Masdan n'yo. “Kaunti pang panahon.” Kita n'yo? (Kunin natin iyanhabang nagpapatuloy tayo sa Kasulatan.)Napagtanto nilang pinatay nila ang kanilang Mesias. Kita n'yo? At hindi nila ito alam, ngunit pagkatapos ay napagtanto nila. Pinagpapatay din sila para pagbayaran ang mali nilang ginawa. At ngayon, tignan n'yo ang kinailangan nilang gawin. Kita n'yo, nagkasala sila ng pagpatay, kaya sila pinagpapatay. Kita n'yo? Sumigaw sila, “Mapasaamin ang Kaniyang Dugo.” Kita n'yo? Tama. At sila'y binulag. Ngayon, kung hindi sila binulag, sinabi sana ng Diyos, “Pabayaan ninyo sila. Hindi sila karapatdapat.” Ngunit dahil binulag sila ng Diyos, inabot sila ng biyaya ng Diyos. Amen. Kamanghamanghang biyaya ito, at binigyan ang bawat isa sa kanila ng balabal, dahil ang buong Israel ay maliligtas: bawat isa na nakasulat ang pangalan. Tama.
-----
Ngayon, pansinin n'yo. Ang mga Judiong ito... Kailangang gawin ko ito para-para maipakita sa inyo ang kapahayagan ng Tatak na ito, upang inyong makita kung ano ito, ang mga kaluluwang ito sa silong ng dambana at kung sino sila. Ngayon, pansinin n'yo. Sa panahon ni Daniel, ang ikalawang kalahati ng ikapitumpung sanglinggo... Ngayon, tandaan n'yo, ang Mesias ay ihihiwalay sa kalagitnaan nito. Iyan ay sa pagitan. Buweno, ano ang kalahati ng pito? Tatlo't kalahati. Gaano katagal nangaral si Cristo? [Sumagot ang kongregasyon: “Tatlo't kalahati.”-Ed.] Tama. Ngayon. Ngunit ano pa ang ipinasya sa mga tao? Isa pang tatlo at kalahating taon.Ngunit sa panahong ito, aba'y, makikita n'yo na ang mangyayari'y pipiliin ang Nobyang Hentil sa pitong kapanahunan ng iglesia at aakyat, at pag naganap 'yon, lahat ng mga Judiong ito na pinatay sa panahong iyon, dahil sa pagkabulag (nakalagak sila sa silong ng dambana) darating ang Diyos at magsasabing, “Nakita n'yo ba kung ano iyon? Ngayon, bibigyan ko ang bawat isa sa inyo ng balabal.” Sabi nila, “Hanggang kailan, Panginoon? Papasok na ba kami ngayon?” Aniya, “Hindi, hindi pa. Ang kababayan n'yong mga Judio, ay kailangang magdusa pa ng kaunti. Kailangan silang patayin kung paanong kayo'y pinatay. Kailangang makuha sila ng hayop kapag sinira na niya ang kaniyang tipan.”
-----
Sadyang kakatwa ang pakiramdam ko. Kita n'yo, kita n'yo? Tignan n'yo. Kung iniisip ng ilan na... Gusto kong makuha n'yo ito ngayon. Kung iniisip ng ilan na ang Malakias 4, na magpapanumbalik sa mga tao, ay siya ring magtutungo sa mga Judio at iniisip nilang iisa lang iyon, hayaan n'yong itama ko iyan sandali para sa inyo. Kita n'yo, medyo magiging nakalilito ito, dahil tandaan n'yo, sa Malakias 4, ang sabi Niya “ipapanumbalik ang pananampalataya ng mga magulang-o ng mga anak pabalik sa mga magulang.” Kita n'yo, “pabalik sa mga magulang.”Ngayon, hayaan n'yong ipakita ko sa inyo ang pagkakaiba ng ministeryo. Kung siya'y babalik para isauli ang pananampalataya ng mga anak pabalik sa mga magulang, tatanggihan niya si Cristo. Babalik siya sa kautusan. Tama ba? Sinunod ng mga magulang ang kautusan. Nakuha n'yo ba? Pansinin n'yo, nang dumating si Elias upang tuparin ang kaniyang ministeryo sa Malakias 4 (Kita n'yo?), bilang Malakias 4, nag-iisa lang si siya. Ngunit sa pagdating niya upang magministeryo sa mga Judio sa Apocalipsis 11, kasama na niya si Moises. Kaya walang kalituhan, konti man. Nakuha n'yo? Pagdating ni Elias sa Malakias 4, nag-iisa lang siya. Si Elias ay... hindi si Elias, si Moises. Darating si Elias.
Ngunit iisang inspirasyon ang nagsabing darating si Elias sa huling bahagi ng kapanahunan ng iglesia para ipanumbalik ang pananampalataya ng mga anak sa orihinal na pananampalataya ng mga magulang, ang apostolikong pananampalataya, na dapat lang bumalik, subalit binunot ng anticristo ang lahat ng mga ito... upang ipanumbalik, tulad ng lahat ng mga Kasulatan ay nagtutugma-tugma... Kita n'yo? Dumating siyang mag-isa. Kita n'yo? Ngunit pag dumating siya sa iglesia, ang Biblia-pag dumating siya sa sandaan at apatnapu't apat na libo, malinaw na sinasabi ng Biblia na siya at si... Dalawa sila, hindi isa, dalawa sila.
At hindi maaaring ibalik ng kaniyang unang ministeryo ang mga Judio sa kautusan, dahil darating siya na ipinapangangaral si Cristo sa sandaan at apatnapu't apat na libo (Amen.), ang Mesias na naihiwalay. Amen. Iyon na 'yon. Kaya't huwag n'yong pagpapalitin. Hindi ito nakalilito. Hindi nagsisinungaling ang Kasulatan, ni konti man. Luwalhati. Oh, nang makita ko iyon ako'y sadyang... Sabi ko, “Salamat, Panginoon,” nang pinagmamasdan ko itong nagaganap doon, nakita kong lumakad si Elias para sa unang panahong iyon nang nag-iisa. At... Nag-iisa lang siya, at nang makita ko siyang bumalik muli sa iba namang dako, dalawa na sila. Nakita ko ...?... “Hayun na nga. Mabuti 'yon. Iyon na 'yon, Panginoon. Amen.
Nakikita ko na ngayon.“ Kung hindi ko ito binanggit, magiging medyo nakalilito ito sa iba, ngunit sinabihan Niya akong banggitin ko ito, kaya ginawa ko. Pansinin n'yo, pinanatiling buhay ng Diyos ang mga lalaking ito mula sa kanilang orihinal na ministeryo para sa paparating na gawain; ipinaglingkod nila ito nang napakainam. Kita n'yo? Isipin n'yo lang, na ang espiritu ni Elias ay nagministeryo ng limang beses: Si Moises, ay dalawa. Masdan n'yo, pinanatili silang buhay para sa higit pang gawain... Walang isa man sa kanila ang patay ngayon. Hindi ba kayo naniniwala riyan? Kapuwa sila nakitang buhay, nakikipagusap kay Jesus sa Bundok ng Pagbabagong-anyo. Ngunit tandaan n'yo, kailangang mamatay sila.
Basahin ang account sa...
Ang Ikalimang Tatak.