Ang Ikaanim na Tatak.

<< nakaraang

susunod >>

  Pitong Tatak serye.

Tatak ng Paghatol ng Salita.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Ang Ikaanim na Tatak.

Pahayag 6:12-14,
12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;
13 At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.
14 At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.

Ngayon, nais kong hawakan n'yo ang inyong Aklat nang ganito: Mateo 24 at Apocalipsis 6, ganito, at maghambing tayo rito nang kaunti. Kaya't masdan n'yo ito ngayon, at malalaman n'yo kung papaano ito. Kita n'yo, ipinapakita rito nang eksakto ng Cordero sa simbulo kung ano ang sinabi Niya dito sa Salita, na eksaktong magaganap. Kaya tama ito. Ngayon, ganu'n lang 'yon. Narito ang isa; sinabi Niya ang tungkol dito, at dito 'yon naganap. Kita n'yo? Sadyang isa itong ganap na bindikasyon. Ngayon, ngayon, tignan natin ang ika-24 na kabanata ng San Mateo at ang ika-6 na kabanata ng Apocalipsis at ihambing natin. Alam nating lahat na iyon ang kabanata na pinupuntahan ng bawat iskolar, bawat tao pag pinaguusapan ang panahon ng kapighatian. Mula ito sa ika-24 na kabanata ng Mateo. At ngayon, ating...

Kung totoo iyon... Ngayon... Tayo'y... Sapagkat alam natin na ang Ikaanim na Tatak na ito ay ang Tatak ng Kahatulan. Ito'y ang Tatak ng Kahatulan: iyon nga ito talaga. Ngayon, kita n'yo, natalakay na natin ang pangangabayo ng anticristo, nakita na natin ang pag-alis ng Iglesia, ngayon ito'y tapos na, aakyat na. At nakita natin ang mga martir ng mga Judio sa silong ng dambana. Ngayon, heto na ang pagdating ng paghatol sa mga tao kung saan lalabas ang sandaa't apatnapu't apat na libong natubos na mga Judio mula sa kahatulan ng kapighatian. Patutunayan ko sa inyo na sila ay mga Judio at hindi mga Hentil. Wala silang anumang kinalaman sa Nobya. Ang Nobya... Nakita nating nakaalis na ang Nobya. Hindi mo iyon maipatutungkol sa iba pa: sa ika-19 na kabanata ng Aklat ng Mga Gawa na siya babalik. [Pahayag - Ed]

Ngayon, pansinin n'yo, dahil ang Ikaanim na Tatak ay ang Tatak ng Paghatol ng Salita. Ngayon, heto, mag-umpisa na tayo at basahin natin ang ika-24 na kabanata ng San Mateo. Ngayon, nais ko lang kayong bigyan ng isang bagay dito na kakakita ko pa lamang. Ngayon, San Mateo 1 - 3, buweno, ang siya nating sisimulang basahin. At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi babagsak. (Ngayon)... at... (ika-3 talata)... samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito?... ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?

-----
Pansinin n'yo ngayon, magbabasa na tayo, una para sa... “At sinagot Niya sila...” At-at magsisimula na Siyang sumagot ngayon, at nais natin itong ikumpara sa mga Tatak. Ngayon, masdan n'yo, ang Unang Tatak ay ang Apocalipsis 6:1-2; ngayon babasahin natin ang 6:1-2.
At nakita ko... nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.
Sino ang lalaking ito ayon sa nalaman natin? Anticristo. Ngayon sa Mateo 24, 4 at 5.
At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.

Kita n'yo 'yon? Anticristo. Hayun ang inyong Tatak. Kita n'yo, kita n'yo? Ipinangusap Niya iyon do'n, at dito ay binuksan nila ang Tatak, at narito Siya, tamang-tama. Ngayon, ang Ikalawang Tatak: Mateo 24:6, Apocalipsis 6:3 at 4. Ngayon, masdan n'yo. Mateo 24:6, tignan ko kung ano'ng sinasabi nito.
At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
Sige. Tignan natin ang Ikalawang Tatak, Apocalipsis 6:3-2; masdan n'yo kung ano'ng sinasabi Niya ngayon.
At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika. At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak.

Tamang-tama-eksaktong-eksakto. Oh, gusto kong patugunin ang Kasulatan sa Sarili Nito, hindi ba't gayon din kayo? Ang Espiritu Santo ang sumulat ng lahat ng Ito, ngunit kaya Niya itong ipahayag. Ngayon, pansinin natin ang Ikatlong Tatak. Ngayon, ito ay kagutom. Ngayon, Mateo 24:7 at 8. Kunin natin ang 7 at 8 sa Mateo...
Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.
Kita n'yo, papalapit na kayo nang papalapit. Ngayon, sa ika-6 ng Apocalipsis... Ngayon, bubuksan natin ang Ikatlong Tatak. Masusumpungan ito sa Apocalipsis 6:5 at 6.
At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak.
Kagutom, kita n'yo? Kaparehong-kaparehong Tatak, kapareho ng sinabi ni Jesus. Tama. Ikaapat na Tatak, salot at kamatayan. Pansinin n'yo, Mateo 24, babasahin natin ang ika-8 talata, ika-7 at ika-8, sa paniwala ko ito ay tungkol sa Ikaapat na Tatak, ito ang nasa'kin dito. Sige. Ngayon... Ano ang binasa ko kanina dito? Mali ba ang binasa ko? Siya nga, minarkahan ko iyon. Oo, nariyan na tayo. Ngayon, tayo'y magpapatuloy na. Sige po.

Ngayon, simulan natin dito sa ika-7 talata ang tungkol sa Ika-4 na Tatak na ito, at sa ika-6 at ika-7 at ika-8 sa kabila, sa Apocalipsis. Ngayon, tignan natin ang ika-7 at ika-8 talata ng Mateo 24. Tama, ngayon.
Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.
Ngayon, ang Ika-4 na Tatak, tulad ng binasa natin dito ay... Ang Ika-4 na Tatak ay... Simulan natin sa ika-7 at ika-8 sa isang ito ngayon.
At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito ang isang kabayong maputla:... at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

Ngayon, sandali lang, isinulat ko ito rito. Ngayon, ngayon, sandali lang, ika-7 at ika-8, ngayon tignan natin, Mateo 24:7 at 8. Ipagpaumanhin n'yo. Ngayon, iyan ang magbubukas ng ulan... o ng kagutom, magpapasimula ng kagutom. Sige, ngayon ang mga salot at kamatayan... Opo, pupuntahan na natin 'yon; ika-7 at ika-8, ngayon, ang Ika-4 na Tatak na iyon. Tignan natin kung saan natin makukuha ang Ika-4 na Tatak. At nang buksan niya ang ikaapat na tatak... (Siya nga, ito ang mangangabayong nakasakay sa kabayong maputla, kamatayan. Kita n'yo?) At tuminngin ako, at narito, ang isang kabayong maputla, at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa. (Ngayon, kita n'yo, iyon ay kamatayan.)

Ngayon, ang Ika-5 Tatak, Mateo 24:9-13. Tignan natin ito muli ngayon. Kita n'yo?
Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian at kayo'y papatayin:... (Hayan na.)... at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa. At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at... ilalagaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pag-ibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.
Ngayon, nasa Ika-5 Tatak na tayo ngayon, at iyon ang tinalakay natin kagabi. Kita n'yo? Ibibigay nila kayo, mangagkakanuluhan ang isa't isa at iba.

Ngayon, masdan itong Ika-6 na Tatak, 6:9 hanggang 11. Ngayon, kunin natin ang isang iyon: Apocalipsis 6:9 hanggang 11.
At nang buksan niya ang ikaanim na tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila: At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa? (Ngayon...) At binigyan ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila.

Ngayon, makikita n'yo, sa ilalim ng Ika-5 Tatak makikita natin- makikita natin ang pagkamartir. At sa ilalim nitong 24:9-hanggang 13, makikita rin natin na pinapatay din sila: “Ibibigay nila kayo at papatayin” at iba pa (Kita n'yo?), iisang Tatak ang binubuksan. Ngayon, sa Ika-6 na Tatak tayo pupunta ngayon. Mateo 24:29 at 30- 24. Kunin natin ang ika-29 at ika-30. Heto na tayo. Ngayon, ngayon, kukunin natin ang Apocalipsis 6:12-17. Iyon mismo ang kababasa lang natin. Ngayon, pakinggan n'yo ito. Ngayon, iyon ang sinabi ni Jesus sa Mateo 29-24:29 at 30.
Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisispangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

Ngayon, basahin n'yo ngayon dito sa Apocalipsis, ang Ika-6 na Tatak siyang tinatalakay natin ngayon.
At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim (Kita n'yo?), at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo; At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin. At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan. At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok; At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero; Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?

Tamang-tama ito. Bumalik ito kaagad-tignan n'yo kung ano'ng sinabi rito ni Jesus sa Mateo 24:29. Makinig kayo. Pagkatapos nito ay ang kaso ni Eichman at iba pa.
Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: (Ngayon, masdan n'yo.) Ang kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. At susuguin niya ang kaniyang mga anghel... (at iba pa)... na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.

Kita n'yo, magkatulad na magkatulad ang sinabi ni Jesus sa Mateo 24, at ang binuksan dito ng mamamahayag sa Ika-6 na Tatak, eksaktong-eksakto, at nangungusap noon si Jesus tungkol sa kapanahunan ng kapighatian. Kita n'yo? Una ay tinanong niya kung kailan magaganap ang bagay na ito, ang pagkaalis ng templo. Sinagot Niya iyon. Ang sumunod na itinanong niya: kung kailan darating ang panahon ng pagkamartir; at kailan lilitaw ang anticristo, at kung kailan maaalis ang templo.

-----
Ngayon, nais kong pansinin n'yo, si Jesus... (Ngayon, tungkol sa tatalakayin natin bukas ng gabi.) Nilampasan ni Jesus ang katuruan tungkol sa Ika-7 Tatak. Wala ito rito. Masdan n'yo, nagsaysay Siya ng mga talinghaga pagkatapos niyon. At nilampasan rin ni Juan ang Ika-7 Tatak-ang Pitong huling-ang Ika-7 Tatak. Magiging isang dakilang bagay iyon. Ni hindi iyon isinulat (Kita n'yo?), kapuwa nila nilampasan ang Ika-7 Tatak. At ang mamamahayag, nang... Basta't sinabi lang ng Diyos na nagkaroon... Sinabi ni Juan na nagkaroon ng katahimikan sa langit. Walang anumang sinabi si Jesus tungkol dito. Pansinin n'yo ngayon, balik tayo sa ika-12 talata. Pansinin n'yo, wala nang hayop... Sa ika-12 talata makikitang nagbukas ang ating Tatak. Walang nilalang na parang hayop na kasama rito, gaya ng Ika-5 Tata. Bakit? Ito ay naganap sa kabilang banda ng kapanahunan ng Ebanghelyo, sa kapanahunan ng kapighatian.

Basahin ang account sa... Ang Ikaanim na Tatak.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan;

At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka't dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.

Pahayag 14:6-7


Mag-click sa isang larawan upang i-download fullsize larawan.


William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)

Haligi ng apoy.
- Houston 1950.

Kabanata 1
Ang mga Nangunguna.

(PDF)

Kabanata 13
Diyos ay liwanag.

(PDF)

Chapter 9
- The Third Pull

(PDF Ingles)

Dapat ay ibunsod niyan
ang bawat Cristiano
na magsaliksik
ng kaniyang
sarili at magtaas ng
kaniyang mga kamay
sa harapan ng Diyos.



Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.