Ang Ika-apat na Tatak.
<< nakaraang
susunod >>
Kabayong maputla sakay.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang Ika-apat na Tatak.Ngayon, nagsisikap ako ngayon nang husto, at samantalang sa kalooban natin ay may isang bagay na nais makalabas... At ngayon, sisikapin natin sa gabing ito, sa biyaya ng Diyos, na talakayin ang Ikaapat na Tatak na ito at tingnan natin kung ano ang sasabihin dito sa atin ng Espiritu Santo. Ngayon, babasahin ko ang-ang ikaanim na kabanata ng Apocalipsis simula sa ikapitong talata (Ikapito at ikalwalo); dalawang talata palagi. Ang una ay ang anunsiyo, at ang ikalawa ay kung ano ang nakita niya.
At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang naka-nakasakay dito... ay-ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa... kaniya. At siya'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng... ng mga ganid na hayop sa lupa.
Ngayon, tulungan nawa tayo ng Panginoon upang maunawaan natin ang bagay na ito. Ito'y isang hiwaga.
Ngayon, magbalik-aral lang tayo ng kaunti, tulad ng ginawa natin sa mga kapanahunan ng iglesia- ang mga mangangabayong ito at ang pagbubukas ng mga Tatak na ito... Ngayon, isaisip lamang natin ito, mag-usap tayo ng kaunti hanggang sa maramdaman natin na napapanahon na upang tayo ay mangusap. Ngayon, napuna natin sa pagbubukas ng Tatak, na ito'y ang selyadong Aklat ng Katubusan. At ang Aklat ay nakarolyo tulad sa isang scroll nung unang panahon. Hindi ito katulad ng aklat na ito, 'pagkat nito na lamang ito dumating, ang mga aklat na tulad nito, oh, sa wari ko'y nitong nakaraang sandaan at limampung taon o higit pa, mga dalawandaang taon. At nirorolyo nila ito, pagkatapos ay iniiwan nilag nakaladlad ang dulo. Tulad ng sinabi ko sa inyo kung paano ito ginagawa, at masusumpungan natin ito sa mga Kasulatan, sa Jeremias at iba pa. Pagkatapos ay irorolyo naman ang kasunod at hahayaang nakaladlad and dulo na ganiyan, at ang bawat isa ay may Tatak, at iyon ay isang Aklat na may pitong tatak. At iyon ay... Walang sinuman... Nung sila ay... Iyon ay isang Aklat ng Katubusan na may pitong tatak. Pagpaumanhinan n'yo ako.
At walang sinuman sa langit o sa lupa maging sa ilalim ng lupa ang karapatdapat na magbukas nito ni tumingin man lamang. At tumangis si Juan dahil wala siyang tao na masumpungan, sapagkat kung ang Aklat na ito ay hindi nakuha sa sa kamay ng Orihinal na may-ari, nung maiwala ito nina Adan at Eva, at naibalik iyon nang isuko nila ang kanilang mga karapatan sa Salita, sa mga pangako, sa kanilang mana... Sila'y... Alalahanin n'yo, kontrolado nila noon ang mundo. Siya ay isang-siya ay isang maliit na diyos, sapagkat anak siya ng Diyos, at ang isang anak ng Diyos ay isang maliit na diyos. Ngayon, hindi iyan salungat sa Kasulatan. Batid kong kakaiba iyan kung pakinggan, ngunit ang sabi ni Jesus, “Kung tinatawag n'yong mga diyos ang mga dinaratnan ng Salita ng Diyos na...” At kanino ba dumarating ang Salita ng Diyos? Sa propeta. “Kung tinatawag n'yong mga diyos, ang mga dinaratnan ng Salita ng Diyos, paano n'yo Ako magagawang sumbatan kung sabihin Ko man na Ako'y Anak ng Diyos?” Kita n'yo?
-----
Ngayon, kagabi ay tinalakay natin ang pagbubukas ng Ikatlong Tatak. Ang una ay isang kabayong puti, at ang sumunod ay isang kabayong pula, at pagkatapos ay isang kabayong itim. At nalaman nating ang mga mangangabayo ay iisa lang sa buong panahong iyon, at iyon ay ang anticristo sa pasimula pa lamang. Wala siyang putong nung pasimula, ngunit paglaon ay tumanggap siya ng putong. At nalaman nating binigyan siya ng isang tabak upang mag-alis ng kapayapaan sa lupa, at nalaman nating iyon nga ay ginawa niya. Pagkatapos ay dumating siya taglay ang mga katuruan ng pagbibigay ng pera sa iglesia sa pamamagitan ng pagtitimbang ng singhalaga ng denario para sa ganito at dalawang denario para sa ganun, ngunit siya ay pinagbawalang salingin ang langis at ang alak, na kakaunti na lamang ang natitira. At pagkatapos ay tumigil tayo kagabi sa paglalarawan ng kung ano ba ang langis at alak at ang mga epekto niyon. At tayo'y... Marahil ay medyo magaspang iyon kung pakinggan, ngunit iyon nga talaga ang Katotohanan.-----
Alalahanin n'yo, kung ang Katotohanan ay inihahayag, ang Katotohanan ay binibindika rin. Sa tuwina ang Diyos ay... Gaano man katalino ang tao, gaano man siya karunong sa kaniyang pag-iisip, kung hindi pinagtitibay ng Diyos ang kaniyang sinasabi, mayroong mali. Tama, dahil iyon ay ang Salita. Ngayon, nang si Moises ay lumabas sa silong ng inspirasyon ng Diyos at nagsabi, “Magkaroon ng mga langaw,” nagdatingan ang mga langaw. Ang sabi niya, “Magkaroon ng mga palaka”; nagdatingan ang mga palaka. Kita n'yo, ano kaya kung sinabi niya, “Magkaroon ng mga langaw,” at hindi nagsidating ang mga iyon? Kita n'yo? Kung gayo'y hindi Salita ng Panginoon ang ipinangusap niya (Kita n'yo?); sariling salita niya lang ang kaniyang ipinangusap. Marahil ay naisip niyang dapat magkaroon ng mga langaw, ngunit walang dumating na mga langaw dahil hindi naman sinabi sa kaniya ng Diyos. At kapag nagsabi ang Diyos sa iyo ng anumang bagay at sinabi Niyang, “Humayo ka't gawin mo ang ganito, at sasamahan Ko iyon sapagkat ito ay Salita ko,” at ipinapakita Niya ito sa Biblia, kung gayo'y nakatayo ang Diyos sa likuran niyon. At kung hindi ito nakasulat sa Biblia, nakatayo pa rin ang Diyos sa likuran nito, kung ito ay Salita ng Diyos. Kita n'yo? At kung ito'y hindi nakapaloob do'n, ipinahahayag ito sa mga propeta. Nauunawaaan nating ipinahahayag sa mga propeta ang lahat ng mga hiwaga ng Diyos at tanging sa kanila lamang (Kita n'yo?), Amos 3:7.-----
Ngayon, nang buksan ng Cordero ang Ikaapat na Tatak... Tumigil tayo diyan ngayon, ang Ikaapat na Tatak. Ngayon, Sino ang nabukas nito? Ang Cordero. May iba pa bang karapatdapat? Wala na bang iba pang makapagbubukas niyon? Wala na. Ang Cordero ang nagbukas ng Ikaapat na Tatak, at ang ikaapat na hayop, ang nilalang na buhay tulad sa isang agila, ay nagsabi kay Juan, “Halika, tignan mo kung ano'ng hiwaga ng plano ng katubusan ang nakatago sa Akalat na ito,” 'pagkat ang Cordero ang nagbubukas nito. Sa ibang salita, iyon ang kaniyang sinasabi. May ikaapat na hiwaga rito. Ipinakita ko sa inyo sa anyo ng simbulo. Ngayon, si Juan... Hindi ko alam kung naintindihan n'yo o hindi, ngunit isinulat niya kung ano ang nakita niya. Ngunit ito ay nasa isang hiwaga, kaya't isinulat niya kung anong nakita niya. Ang Cordero ang nagbubukas ng mga Tatak, ngunit hindi pa rin iyon ihahayag ng Diyos; iyon ay inilaan para sa mga huling araw. Kita n'yo?Ngayon, mga simbulo ang nasa atin dati, at sinaliksik natin iyon, at naging napakahusay natin sa ilang panahon (Kita n'yo?), ngunit alam nating iyon ay sumulong na. Ngunit ngayon, sa mga huling araw maaari tayong lumingon at makikita natin kung saan na ito nakarating, at ito ay nakatakdang maganap sa dulo ng kapanahunan ng iglesia bago ang pag-agaw. Kung papaanong pinadadaan ng sinuman ang Iglesia sa kapighatian, ay di ko alam. Ngunit... Para saan ang pagdaan nito sa kapighatian, samantalang wala itong isa mang kasalanan? Ang ibig kong sabihin ang... Hindi ang iglesia ang tinutukoy ko; ang iglesia ay dadaan sa kapighatian. Ngunit ang sinasabi ko ay ang Nobya. Hindi dadaan ang Nobya, hindi, wala isa mang kasalan laban dito. Pinaputi na ito nang husto, at ni amoy nito ay wala na; wala nang natira. Sila'y sakdal sa harapan ng Diyos. Kaya't anong kapighatian ang magpapadalisay sa kanila, ngunit ito'y kailangan ng iba. Ang iglesia ay dadaan sa kapighatian, ngunit hindi ang Nobya. Ngayon, ngayon, tinatalakay lang natin ito sa lahat ng uri ng simbulo tulad halimbawa ng iglesia, katipo ni Noe, ang klaseng naitawid, at paglabas ay nasadlak pa rin sa kasalanan. Kitan n'yo? Ngayon, nakatawid nga sila, ngunit si Enoch ay nakaalis na muna. Iyon ang tipo ng mga banal na papasok na muna bago pa ang panahon ng kapighatian.
-----
Ngayon, pansinin n'yo, wala sa iba pang mangangabayo... Wala sa iba pang mangangabayo o walang pagkakataon sa pagsakay ng mangangabayong ito, wala silang-wala siyang pangalan, ngunit ngayon siya ay tinatawag na kamatayan. Kita n'yo? Nahayag na ngayon kung ano siya-kamatayan. Buweno, maaari tayong magtagal diyan para sa isang sermon upang linawin ito nang husto. Ngunit anumang anti ay laban sa tunay, malamang kamatayan iyon dahil dalawa lang naman ang paksa: iyon ay buhay at kamatayan. At pinatutunayan niyan na ang kapahayagan ng Espiritu Santo hinggil dito sa panahong ito ay ganap na Katotohanan. Ang anti ay kamatayan, sapagkat ang Salita (tulad ng makikita natin dito mamaya) ay Buhay. Kita n'yo? At ang lalaking ito ay tinatawag na kamatayan.-----
Ngayon, masdan n'yo. Masdan n'yo rito sa Biblia. Ang sabi ang pangalan niya ay hades, at... Ang ibig kong sabihin ay ang pangalan niya ay kamatayan, at ang hades ay sumusunod sa kaniya. Ngayon, ang hades ay palaging kasunod ng kamatayan sa natural. Kapag namatay ang natural na tao, nakasunod sa kaniya ang hades; iyon ay ang libingan, hades (Kita n'yo?); iyon ay sa natural. Ngunit sa espirituwal ito'y dagat-dagatang apoy. Kita n'yo? Tama. Kita n'yo, ito'y eternal na pagkahiwalay kung saa'y matutupok sila at sadyang... At ang sabi ng Malakias 4, “anupa't di mag-iiwan sa kanila ng kahit na ugat ni sanga man o ng anupamang iba pa.” Ganun ang paraan ng muling paglilinis sa sandaigdigan para sa milenyo. Kita n'yo?-----
Pansinin n'yo. Saan lahat ito mauuwi? (Ngayon, mayroon na lang tayo ritong labindalawa, o labingapat na minuto, sa wari ko.) Tignan n'yo kung saan mauuwi ang lahat ng ito. Ano iyon? Magbabalik ito tulad ng una. Nagsimula ito sa langit; hahantong ito sa pakikibaka sa huling panahon. Ang unang naganap sa langit ay isang pakikibaka. Si Lucifer ay sinipa at napunta sa lupa; pagkatapos ay dinumihan niya ang Eden. At magmula noon ay ganun na ang ginagawa niya. At ngayon, mula sa pakikibaka sa langit, hahantong ito sa pakikibaka sa ibabaw ng lupa, at matatapos ito sa lupa sa huling panahon sa isang labanang kung tawagin ay Armageddon. Ngayon, alam iyon ng bawat isa. Ang labanan ay nagsimula sa langit. Banal... At nang magkagayon, sila'y sinipa nila. Nagapi sila nina Miguel at ng Kaniyang mga anghel-itinaboy sila. At nang mangyari iyon, sila'y nahulog sa Eden, at dito naman nagsimula ang labanan sa ibaba.-----
Ngayon, ang labanan ay nagsimula sa langit. Matatapos ito sa lupa sa anyo ng Armageddon. Ngayon, masdan natin itong nagaganap. At marahil ay mailalantad natin ito kung tutulungan tayo ngayon ng Panginoon. Masdan n'yo itong nailalantad. Ang mahiwagang mangangabayo (Masdan n'yo kung ano'ng gagawin niya ngayon.) ay kumontra, tumangging magsisi at magbalik sa orihinal na dugong Salita. Ang Salita ay naging dugo at laman (Kita n'yo?); tumanggi siyang magbalik do'n. Siya ang anticristo... Ang tunay na Salitang Nobya ay ang... Siya'y ay kumakalaban sa tunay na Salitang Nobya. Kukunin niya ang kaniyang sariling nobya (Kinakalaban niya rin ang tunay na Nobya.), at kukunin niya ang nobya niya at ihahatid niya sa kaniyang sarili sa anyo ng relihiyong kung tawagin ay mga kredo at dogma. Kita n'yo? At ngayon, pagkakita niya sa banal na Nobya, siya ay laban sa kaniya, ngunit siya ay bubuo ng kaniyang sariling nobyang kung tawagin ay anticristo sa pamamagitan ng anticristong katuruan, na kontra kay Cristo. Nakikita n'yo ba kung gaano siya katuso? At ngayon, sa halip ng pagkakaroon ng pagkakaisa ng pag-ibig na namamahala sa pagsamba sa ilalim ng Dugo, ang mayroon siya ay isang denominasyon. Sa halip na taglayin ang Salita, tumanggap siya ng mga kredo, dogma, at iba pa.-----
Masdan n'yo... Upang pagsama-samahin sila sa kanilang mga kabayong magkakahalo ang kulay... Kita n'yo? Pinagsasama-sama niya ito, kasama na ang mga kredo, mga denominasyon, mga doktrinang gawa ng tao. Tama ba? Tunay nga, isang halo-halong kulay-ang pinaghalo-halong kulay ng patay, abuhing kabayo ng sanlibutan... Ngayon, tama iyon. Pinaghalo-halong kulay ng patay, makamundong anyo ng kabayong abuhin. Ay, naku. Walang wala talagang banal na dugo ng Salita. At masdan n'yo, mula sa mga sulok-sa apat na sulok ng mundo, pinagsasama-sama sila. Tinitipon sila sa Armageddon, ang sabi ng Biblia. Sinisikap kong isipin ang mga Kasulatan. Isinulat ko ang mga iyon dito. Hindi ko na babanggitin ang mga iyon ngunit lamang ay... kung saan nakasulat ang mga ito-tignan natin kung ano ang mga iyon. Titipunin sila sa dakilang araw ng pakikipagbaka ng Panginoong Diyos. Masdan n'yo.-----
Ngayon, nagsasanib-sanib, patungo sa labanan sa Armagedon at nakasakay sa kabayong magkakahalo ang kulay, kasama ang kabayong puti, ang kabayong pula, ang kabayong itim, ang tatlong magkakaibang kapangyarihang pulitikal-isang kapangyarihang pulitikal, espirituwal na kapangyarihang kontrolado ng kapangyarihan ng demonyo na walang iba kundi ang anticristo, pagsama-samahin mo ang mga iyon, mayroon kang isang maputla, sakiting-pagmasdang bagay na sinasakyan niya. Tama. Ngayon, pansinin n'yo. Tignan n'yo kung ano'ng sinasakyan niya. Ang maputlang-pagmasdan, abuhing kabayo, pinagsama-sama ang itim, pula, at puti, papunta sa pakikipagbaka, tinitipon ang kaniyang mga tagasunod mula sa bawat bansa sa silong ng langit. Hindi ba't ipinaliwanag ni Daniel ang panaginip at nakita niya ang guhit ng bakal sa bawat kaharian, patungkol sa Roma? Heto na sila, nagkakatipon. Ngayon, umupo kayo sandali nang matahimik para sa pagtatapos at makinig kayong maigi. Nagtitipon-tipon na sila ngayon upang tuparin iyon, dala-dala ang kaniyang mga tagasunod mula sa apat na sulok ng mundo, nakasakay sa maputla, masasakiting kabayo na may magkakahalong tatlong kulay: iisang lalaki.Basahin ang account sa...
Ang Ika-apat na Tatak.