Ang Ikatlong Tatak.
<< nakaraang
susunod >>
Itim na kabayo sakay.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang Ikatlong Tatak.Oh, Diyos, tulungan mo po kami. Ay naku. Ngayon, hihinto na lang tayo rito. Tulungan nawa tayo ng Diyos ngayon, ang aking panalangin, sa paglapit natin ngayon, sapagkat ayaw ko kayong pagtagalin nang husto. Tulungan nawa tayo ng Diyos na ito ay makita natin. Naniniwala ako, marahil ay sumasaatin ang Espiritu ngayon nang sa gayon ay matulungan Niya tayo na maihayag, mabuksan ang Tatak na ito. Bumasa tayo habang nakikita natin ang kalagayan na kinaroroonan ng iglesia. Nakikita natin kung saan ito nanggaling, nakita natin kung anong ginawa nila, nakita natin kung saan ito dapat humantong, nakikita natin iyon diyan, at nakikita natin kung anong nakatakda nilang gawin. Iyon mismo ang kanilang ginawa. Ngayon, nakikita n'yo ba kung saan na tayo naroroon? Kayo ang humatol. Hindi ako makahahatol. Ang pananagutan ko lang ay ang paghahatid ng Salitang ito. Kung papaanong ipinagkaloob Ito sa akin, ganun ko rin ito maipagkakaloob. Malibang ipagkaloob ito sa akin, hindi ko ito maipagkakaloob. Walang sinupamang makagagawa nito.
Ang nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko ang ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay.
At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak.-----
Ngayon, masdan n'yo kung nasaan na tayo ngayong gabi, sa ibang kapanahunan ng iglesiang iyon. Kita n'yo? Dumating na tayo ngayon sa ikatlong kapanahunan ng iglesia. Kita n'yo? Katulad na katulad ng ikatlong kapanahunan ng iglesiang iyon ang ikatlong kabayong ito. Kita n'yo? Ngayon, anong nangyari sa unang kapanahunan ng iglesia? Nagkaroon ng isang doktrina ang Nikolaitanes (Kita n'yo?) ang kauna-unahan. Tama. At nalaman na lang natin na pinagtibay ang doktrinang ito at agarang kumilos. At pinutungan nila ang lalaking ito. Nang magkagayon ang espiritung ito, ang anticristo, ay nagkatawang tao. Kita n'yo? At makikita natin paglaon na siya ay magiging isang diablo rin na nagkatawang tao. Pagalis ng demonyo, pumasok naman ang diablo.At kung papaanong sumulong ang iglesia halos ganun din sumulong ang anticristo, ganun din dumating ang Nobya taglay ang iba't ibang bagay; dumaan sa pag-aaring ganap, pagpapakabanal, bautismo ng Espiritu Santo, patuloy itong umusad (Kita n'yo?), nang ganun. Kaya lang nauna silang nagkaroon ng kanilang revival, at sa huli na ang Iglesia. Ang kanilang unang tatlong taon-ang kanilang unang tatlong yugto ng pagtungo sa panahon ng karimlan, pagkatapos ay dumating naman ang tatlong yugto ng paglabas ng Iglesia simula sa pag-aaring ganap, pagpapakabanal, muling bautismo ng Espiritu Santo, pagkakatawang tao ng Diyos na muling nahayag sa ating kalagitnaan.
Heto't dumating siya bilang anticristo, bilang bulaang propeta, at bilang hayop, noong panahon ng karimlan. At ang Iglesia ay lumabas sa panahon ng karimlan, pag-aaring ganap, pagpapakabanal, bautismo ng Espiritu Santo, pagkakatawang tao ng Salita, ganiyan na ngayon. A-ha. At siya ay pumanaog. Siya'y... Siya ay pumanaog; ang Iglesia naman ay pumanik. Kita n'yo? Tamang tama. Oh, ang ganda nito. Sadyang gustung-gusto ko ito. Iisa ang mangangabayo ngunit nasa ibang yugto ng kaniyang ministeryo. Ang unang yugto, isang kabayong puti (Kita n'yo), isa pa lang siyang tagapagturo, isa pa lamang anticristong tagapagturo; siya ay laban sa Salita ng Diyos. At ngayon, papaano ka magiging anticristo? Sinumang tumatanggi na totoo ang bawat Salita nito at dapat na ituro sa gayon ding paraan, ay isang anticristo, 'pagkat itinatanggi niya ang Salita, at Siya ang Salita.
-----
Ngayon, ngayon, heto na ang hiwaga nito. At ngayon, Ito'y... Nang maihayag ito sa akin maagangmaaga kanina bago pa magliwanag, dali-dali akong nagtungo sa Kasulatan at ito'y sinimulan kong saliksikin. Heto 'yon. Tatlo sa mga ito hanggang sa mga sandaling ito ay lubos na naipahayag sa paraang supernatural. Tama. Ngayon, narito ang hiwaga ng kabayong itim ayon sa ipinahayag sa akin. Kita n'yo? Sinimulan niya itong sakyan sa panahon ng karimlan. Iyon ang kinakatawan ng kabayong itim, sapagkat iyon ay isang panahon ng hatinggabi sa mga tunay na mananamapalataya na natitira noon. Masdan n'yo ngayon ang kapanahunan ng iglesiang iyon, ang kapanahunan ng iglesiang iyon na nasa gitna, ang madilim na kapanahunan ng iglesia. Masdan n'yo kung papaano niya sinabi, “Ikaw ay mayroong kaunting kapangyarihan.” Isa itong hatinggabi para sa mga tunay na mananampalataya.Ngayon, masdan n'yo. Halos lahat ng pag-asa ay naalis na sa tunay na iglesia sapagkat kontrolado ng lalaking ito kapuwa ang iglesia at ang estado. Ano ang kanilang gagawin? Kita n'yo? Sinakop ng Catolisismo kapuwa ang iglesia at ang estado, at lahat ng hindi sumang-ayon sa Catolisismo ay pinagpapatay. Kaya't siya ay nakasakay sa kabayong itim. At masdan n'yo kung ano'ng madilim na bagay ang ginawa niya (Kita n'yo?), at makikita n'yo. At inyo lamang... Kung alam n'yo ang inyong kasaysayan, masdan n'yo 'yon. At kayo'y... Buweno, ni hindi mo na nga kailangang alamin ito upang ito'y malaman.
Ngayon, masdan n'yo. Lahat ng pag-asa ay nawala na; iyon ang kaniyang kabayong itim. Ngayon, sumakay siya sa kaniyang kabayong puti, tuso; pagkatapos ay pinagkalooban siya ng kapangyarihan, kinuha niya ang kapayapaan, milyun-milyon ang pinagpapatay. Iyon ang kaniyang ginawa habang naglalakbay siya; at ginagawa niya pa rin iyon. Kita n'yo? Ngayon, narito siya't nakasakay na sa kaniyang kabayong itim, humahayo, panahon ng karimlan, iyon ang panahong 'yon, halos kaalinsabay ng pagkakatatag ng iglesia at pagsampa nito sa kapangyarihan, kanilang sinugpo ang lahat at nagpatuloy ito sa loob ng daan-daang taon, ito ang alam ng bawat mambabasa bilang panahon ng karimlan. Ilan ba ang nakaaalam niyan? Tunay nga, ang kapanahunan ng karimlan. Hayan ang inyong kabayong itim, na kumakatawan sa kapanahunan ng karimlang iyon.
Ngayon, lahat ng pag-asa'y nawala na, wala nang kapag-a-pag-asa; mukhang madilim na ang lahat para sa kakaunting mananamapalataya. Ngayon, iyan ang dahilan kaya't ito'y tinawag na isang kabayong itim. Ang timbangan o ang panukat na nasa kaniyang kamay (Kita n'yo?), habang sumisigaw siya, “Isang denario sa isang takal ng trigo, at isang denario sa tatlong takal na sebada.” Kita n'yo? Sa katunayan iyon ay... Ang trigo at sebada ay mga natural na pangsuporta ng buhay. Gawa diyan ang tinapay at iba pang mga bagay. Ngunit nakikita n'yo ba, pinababayaran niya ito. Ang kahulugan nito ay pinababayaran niya sa mga sakop niya ang uri ng pag-asa ng buhay na kaniyang ipinadadala sa kanila sa pamamagitan ng... Nagsimula siya sa panahong iyon mismo na magpabayad para sa panalangin, naniningil para sa panalangin. Ginagawa pa rin nila 'yon-mga nobena. Sapagkat ano ang ginagawa niya?
Kinakamkam ang kayamanan ng mundo, sinusukat ng panimbang ang takal ng trigo na nagkakahalaga ng isang denario at tatlong takal na sebada na nagkakahalaga rin ng isang denario. Sinasamsam ng mangangabayo na nakasakay sa kabayong itim (Kita n'yo?) ang pera ng kaniyang mga sakop, sa panahong inihula ng Biblia na kakamkamin niya ang kayamanan ng mundo. Tulad ng sinabi natin kagabi tungkol sa Russia at iba pa, basta't kinukuha na lang nila ang lahat ng pera at hinuhubaran ang mga tao ng lahat ng taglay nila, lahat. Kaya't hayan na nga.
-----
Pansinin n'yo... Narito na ang magandang bahagi. Pansinin n'yo, “Huwag mong ipahamak ang alak at ang langis.” Kakaunti na lang nito ang natitira, kapatid. “Huwag mong gagalawin 'yan.” Ngayon, ang langis ay sumisimbulo sa Espiritu, sa Espiritu Santo. Bibigyan ko kayo ng ilang mga talata kung gusto n'yo, ilang mga Kasulatan sa Levitico 8:12, kung saan si Aaron, bago siya pumasok kailangan niyang mapahiran ng langis, alam n'yo 'yon; at sa Zacarias 4:12, tungkol sa langis na lumalabas, dumadaloy sa mga tubo at ang sabi, “Ito ay Aking Espiritu,” langis. Isa pa, kung nais n'yong makita ang Mateo 14:25, mayroong mangmang na dalaga (25:3) siya ay walang langis, walang Espiritu. At sa Mateo 25:4, ang matalinong dalaga ay mayroong langis sa kaniyang ilawan, puspos ng Espiritu. Espiritu... Ang langis ay tumitipo sa Espiritu. Oh, luwalhati. Nakuha n'yo ba? Tama.Ngayon, ang langis ay tumitipo sa Espiritu, at ang alak ay sumisimbulo sa kasiglahang dulot ng kapahayagan... Kita n'yo? Ang Langis at ang alak ay magkasama sa tuwina sa Biblia. Kinuha ko ang concordance at tinignan ko, at may isang hilera ng mga ito na ganiyan, kung saan ang alak at langis ay magkasama palagi. Kita n'yo?
Kapag ang katotohanan ng isang pangako ng Salita ng Diyos ay tunay na nahayag sa Kaniyang mga banal na puspos ng Espiritu Santo, lahat sila ay napapasigla. Ang alak ay isang pampasigla. Luwalhati, nararamdaman ko ito ngayong mismo, napapasigla na may kalakip na kagalakan, mga pagsigaw. At kapag nangyayari ito, mayroon itong kaparehong epekto sa kanila na siya ring epekto ng alak sa isang natural na tao; sapagkat kapag ang kapahayagan ay naibigay tungkol sa isang katotohanan ng Diyos, at ang tunay na mananampalatayang puspos ng langis, at ang kapahayagan ay naihayag, ang estimulasyon ay tumitindi nang husto na siya ay umaasta nang di normal. Tama. Luwalhati. Marahil iyan ang nangyayari sa kanila ngayon. Tama. Napapakilos sila nang masagwa.
-----
Nang makita kong nangako ang Diyos na gagawa Siya ng isang bagay sa araw na ito, nang ipangako Niyang kakalasin Niya ang mga Tatak na ito sa huling araw na ito, hindi n'yo alam ang kagalakan, ang kaluwalhatian, nang makita kong ipinapahayag Niya ito, nakatayo ako ro'n at minamasdan ko itong nagaganap, at alam kong mahaharap ko ang sinumang tao o akusasyon, wala Siyang sinabi sa ating anuman kundi yaong naganap ayonsa sinabi Niya. At ang makita ang kagalakan na nasa aking puso dahil nakita ko ang Kaniyang mga pangako para sa mga huling araw na ito ayon sa pagkapangako Niya, at narito't nakikita ko itong nabibindika at ganap na napatutunayan.Ngayon, ako'y sadyang... Naririnig n'yo akong nagsasabi, “Ang pakiramdam ko'y relihiyoso ako,” iyan ang dahilan. Napakatindi ng estimulasyon, handa na akong magsugat, alam n'yo 'yon, estimulasyon dala ng kapahayagan. Tama. Lubos silang napasigla hanggang sa sabihin ng mga tao, “Sila'y mga lasing sa bagong alak,” nang ihayag ng Diyos ang Kaniyang pangako sa kanila; at hindi Niya lang inihayag, kundi pinatunayan Niya pa ito. Iyon ang palagi kong sinasabi: “Maaaring magsabi ang isang tao ng kahit ano (Siya nga, sadyang mahilig siyang magsabi ng kahit ano.) ngunit kapag dumating ang Diyos at iyon binindika...”
Ngayon, ang sabi ng Biblia, “Kung mayroong isa sa inyo na nagaangking siya ay espirituwal o isang propeta, at kapag nagsabi siya ng mga bagay na ito at hindi natupad, kung gayo'y huwag n'yo siyang pansinin. Huwag na huwag n'yo siyang katatakutan. Huwag n'yong katakutan ang taong iyon; ngunit kapag sinabi niya at natupad, Ako iyon,” ang sabi Niya, “Ako ay naroroon. Iyon ang nagpapatunay kung bakit Ako 'yon.”
Basahin ang account sa...
Ang Ikatlong Tatak.
Apan ang adlaw sa Ginoo moabut sama sa usa ka kawatan, ug unya ang mga langit mawagtang uban sa dakung dinagook, ug ang mga kasugdanan sa kalibutan mangatunaw sa hilabihang kainit, ug pagasunogon ang yuta ug ang mga buhat nga ania niini.
Sanglit kining tanang mga butanga pagatunawon man sa ingon, pagkakinahanglanon gayud diay nga magkinabuhi kamo sa pagkabalaan ug pagkadiosnon,
2 Pedro 3:10-11