Ang Ikalawang Tatak.
<< nakaraang
susunod >>
Pulang kabayo sakay.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang Ikalawang Tatak.At ngayong gabi, pag-aaralan natin itong Ikalawang Tatak. At... Sa unang apat na Tatak ay mayroong apat na mangangabayo. At sinasabi ko sa inyo na may nangyari ulit ngayong araw na ito, at ako'y- ako'y... Isang bagay na aking... Kinuha ko ang dating tala na ipinangusap ko matagal na panahon na ang nakalipas. At umupo ako roon, at inisip ko, “Buweno, gi- ginawa ko ang pinakamainam na magagawa ko.” At maraming mga manunulat at mga bagay-bagay... At naisip ko, “Buweno, magbabasa muna ako sandali, at titignan ko ang ganito at ganiyan,” at pagdaka'y, may bagay na naganap, at ito'y kakaibang-kakaiba. Iba ang dating nito. Kaya't dali-dali akong dumampot ng lapis at nagpasimulang sumulat nang simbilis ng aking makakaya habang naroon Siya.
-----
Ngayon, kagabi tulad ng sa tuwina ay nais natin sa pagtuturo tungkol sa mga Tatak, ating-itinuturo natin ito tulad ng ginawa natin sa- sa mga kapanahunan ng iglesia. At... Nang matapos nating ituro ang kapanahunan ng iglesia, nang huling iginuhit ko ang mga iyon dito sa pulpito sa isang pisara, ilan ang nakaaalala kung ano'ng nangyari? Bumaba Siya, pumaroon sa may dingding sa anyo ng isang Liwanag at iginuhit Niya ito mismo, doon sa dingding sa harapan nating lahat. Ang Anghel ng Panginoon ay tumayo dito mismo sa harap ng ilang daang tao. At ngayon, Siya- Siya'y gumagawa rin ng isang bagay na totoong supernatural. At kaya't tayo'y sadyang nag-aabang ng mga dakilang bagay. Hindi natin alam... Gusto n'yo bang abangan iyon- ang dakilang pananabik na iyon, na hindi natin alam kung ano ang susunod na mangyayari, alam n'yo na, basta't naghihintay lang tayo?Ngayon, napakadakila ng Diyos sa atin. At kamangha-mangha, kaya pinasasalamatan natin Siya. Ngayon babasahin ko ang una at ikalawang talata, upang medyo makapagbigay ng kaunting pundasyon, at pagkatapos ay kukunin natin ang Ikatlo at Ikaapat na talata para sa Ikalawang Tatak, at ang ikalima at ikaanim na talata naman ang Ikatlong Tatak. At ang ikapito at ikawalo ang—dalawang talata sa bawat mangangabayo.
At ngayon, gusto kong masdan n'yo kung papaanong ang taong ito na nakasakay dito sa kabayong maputla, marahil heto siya, sadyang nag-iiba-iba siya habang nagpapatuloy, at pagkatapos ay mabubuksan ang huling dakilang Tatak na iyon, kung loloobin ng Panginoon, sa susunod na Linggo ng gabi, at nang iyon ay maganap, ang tanging nangyari ay nagkaroon ng katahimikan sa kalangitan sa loob ng kalahating oras. Tulungan nawa tayo ng Diyos. Ngayon, babasahin ko na ang ikatlong talata.
At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika. At may lumabas na ibang kabayo... (Ika-4 na talata)... na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang mag-alis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't-isa- mangagpatayan ang isa't-isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak.
Ngayon, ito'y mahiwaga nang sabihin ng hayop kay Juan, “Basta't halika at tignan mo.” At hindi niya nakita kung ano iyon; nakakita lang siya ng isang simbulo. At ang simbulong iyon, kaya ganu'n... Ang sabi niya, “Halika, tignan mo.” Ngunit nakakita siya ng isang simbulo na kaniyang ipangsasagisag sa iglesia sa paraang mamamatiyagan nila hanggang sa humantong ito sa huling kapanahunan, at pagkatapos ay mabubuksan ang Tatak. Ngayon, nauunawaan na ba 'yon ng lahat? Kita n'yo, mabubuksan ang mga Tatak.
At hindi ba kayo nagagalak na kayo'y nabubuhay sa araw na ito? Iyang... Kita n'yo? Hindi lang iyan, mga kaibigan, kundi lagi ninyong pakatatandaan; noong nakaraang Linggo ng umaga nakita natin na ang kabuuan nito ay nakabase sa kasimplihan (Kita n'yo?), payak, hamak. Mangyayari ito sa paraang nilalampas-lampasan lamang ng mga tao at hindi malalamang ito ay naganap na. At tandaan, nagaabang tayo sa pagdating ng Panginoon anumang oras. At kapag ating... Nangusap ako na marahil ang pag-agaw ay magiging gayon din. Magwawakas ito, matatapos, nang walang sinumang nakaalam, at sadyang ganiyan ito darating. Kita n'yo? At karaniwan... Balikan ninyo ang Biblia at tignan n'yo kung papaanong ganiyan ang nangyayari (Kita n'yo?), maging ang isang dakilang bagay tulad ng pagdating ni Jesus Cristo. Walang sinumang nakaalam nito. Inisip nila, “Ang baliw na iyon, isang taong...” Ang sabi ng mga iglesia, “Isa lamang siyang panatiko. Kami'y... Talagang baliw siya.” Anila, “May sira siya sa ulo.” Alam naming baliw ka.“ Ang ”mad“ ay nangangahulugang ”baliw.“ ”Alam naming may diablo ka, at sinira nito ang ulo mo. At tinuturuan mo kami samantalang ipinanganak kang bastardo. Aba'y, ipinanganak ka sa pakikiapid, pagkatapos ay tinuturuan mo ang mga taong tulad namin, mga pari at iba pa, sa templo.“ Aba'y, naku, insulto 'yon sa kanila.
Nang dumating si Juan, nabanggit na siya sa mga panahong nagdaan mula kay Isaias hanggang Malakias-iyon ay sanlibo at dalawandaang-o nakita na siyang dumarating ng mga propeta sa loob ng pitong daan at labindalawang taon. Lahat ay nag-aabang sa kaniyang pagdating, inaasahan nila ito anumang oras. Ngunit ang paraan ng kaniyang pagdating, pangangaral, at paglilingkod, at pagpasok sa kaluwalhatian, ay hindi nalaman maging ng mga apostol. Dahil tinanong nila Siya; ang sabi nila, “Ngayon, paroroon ang Anak ng tao sa Jerusalem upang ihandog ang lahat ng mga bagay na ito,” at sabi nila, “bakit nga sinasabi ng Kasulatan na darating muna si Elias?” Ang sabi ni Jesus, “Dumating na siya; at hindi ninyo nalaman. At ganap niyang ginawa kung ano ang sinabi ng Kasulatan na gagawin niya, at ginawa nila sa kaniya kung ano ang nakatakda.” Kita n'yo, kita n'yo? At hindi nila ito mapag-unawa. Ang sabi Niya, “Si Juan 'yon.”
At pagkatapos ay, “Oh.” Kita n'yo, nagising sila ro'n. Kanilang... At nang... Maging sa huli, matapos ang lahat ng mga bagay na ginawa Niya at mga tandang ipinamalas Niya sa kanila, at tinawag pa nga Niya sila, ang sabi, “Sino sa inyo ang makahahatol sa Akin ng kasalanan (di-pananampalataya)? Kung hindi Ko ginawa kung ano ang sinabi ng Kasulatan na gagawin ng Aking opisina pagdating ko sa lupa, ipakita n'yo sa Akin kung saan ako nagkasala. (Kita n'yo?) At ipakikita Ko sa inyo kung ano ba dapat ang kahihinatnan n'yo, at tignan natin kung paniniwalaan n'yo ito o hindi.“ Kita n'yo? Maaari Niya sana silang balikan at sabihin, ”Dapat sana'y sumampalataya kayo sa Akin nang Ako'y dumating.“ Hindi nila ginawa iyon. Kita n'yo? Kaya't nalaman nilang hindi nila Siya dapat sinilo sa bagay na iyon. Ngunit ang sabi Niya, ”Sino sa inyo ang makapag-aakusa sa Akin ng di-pananampalataya? (Kita n'yo?) Hindi ba't ginawa Ko lang kung ano ang naitakda na?
-----
Ngayon, una ay tinawag siyang anticristo. Sa ikalawang yugto, tinawag siyang bulaang propeta, dahil nagkatawang tao ang espiritung iyon na nasa kalagitnaan ng mga tao. Natatandaan n'yo na ang nakakabayong puti ay walang putong nang siya'y magsimula, ngunit siya'y pinagkalooban ng isang putong. Bakit? Siya ang espiritu ng Nicolaitanes sa pasimula pa lamang. Pagkatapos ay nagkatawang tao siya sa isang lalaki, at siya'y pinutungan, at tumanggap ng isang trono, at pinutungan. At ginampanan niya iyon sa loob ng mahabang panahon, gaya ng makikita natin sa pagbubukas ng mga Tatak, at nakita natin na pagkatapos ng mahabang panahong iyon ay sinipa sa langit si Satanas. At bumaba siya, ayon sa Kasulatan at iniluklok ang kaniyang sarili. Isipin n'yo lang, iniluklok niya ang kaniyang sarili sa lalaking iyon at naging isa siyang hayop. At nagkaroon siya ng kapangyarihan, tulad sa kataas-taasang kapangyarihan, na nagawa niya ang lahat ng mga himala at bawat bagay na may- ang mga pagpatay at mga madugong labanan at lahat na- na naisagawa ng Roma.-----
Ngayon, narito ang aking kapahayagan dito: Si Satanas ito muli. Ang diablo ito muli sa ibang anyo. Ngayon, alam nating- ang Tatak na iyon ay patungkol... (Tulad ng sabi ko nung isang gabi) at ang mga trumpeta ay patungkol sa mga digmaang sibil (Nakita n'yo?), sa kalagitnaan ng mga tao, o sa pagitan ng mga bansa. Ngunit makikita n'yo rito na ang lalaking ito ay may tabak kaya siya'y tumutukoy sa pulitikal na digmaan sa iglesia. Ngayon, marahil ay hindi n'yo iyon iisipin, ngunit masdan n'yo sandali, sa ilang sandali lang. Pansinin n'yo ang pagpapalit ng kulay ng mga kabayong ito: iisang mangangabayo. Pagpapalit ng kulay ng mga kabayo... At ang kabayo ay isang hayop, at ang hayop sa Biblia ay nasa ilalim ng isang simbulo na kumakatawan sa isang kapangyarihan. Iisang sistema na nakasakay sa ibang kulay ng kapangyarihan mula sa inosenteng puti tungo sa madugong pula... Kita n'yo? Masdan ninyo ngayon kung papaano siya dumarating.Nang magsimula siya, isa lang siyang... Buweno isa lang siyang munting doktrina sa- sa kalagitnaan ng tinatawag na Nicolaitanismo. Siyempre hindi pa 'yon papatay ng anuman. (Iya'y sa Apocalipsis 2:6, kung gusto n'yong itala.) Hindi siya makapapatay ng anuman. Isa lang itong doktrina, isang espiritu lang sa kalagitnaan ng mga tao. Ngayon, hindi siya makapapatay ng anuman. Oh, napaka-inosente niya sa pagkakasakay niya sa kabayong puting ito. “Buweno, alam n'yo, maaari tayong magkaroon ng isang dakilang pandaigdigang iglesia. Maaari natin itong tawaging ang pandaigdigang iglesia.” Ganu'n pa rin ang tawag nila dito hanggang ngayon. Tama. Kita n'yo? Ngayon, “Maaari tayong magkakaroon... Oh, lubos itong inosente. At, oh, napakainosente nito. Isa lang itong lupon ng mga kalalakihan. Magtitipon tayo para sa isang samahan.” Kita n'yo, napaka-inosente nito; ito'y puti, ang puting kabayo. Kita n'yo?
-----
Tignan n'yo, pansinin n'yo. Nang si Satanas... Ngayon, nauunawaan ng bawat isa na kontrolado ni Satanas ang lahat ng kapangyarihang pulitikal ng sanlibutan... Sinabi Niya ito (Sa ika-4 na kabanata ng San Mateo ay makukuha n'yo ito, at sa ika-8 talata). Lahat ng mga kaharian ay sa kaniya. Iyan ang dahilan na naglalaban sila, nakikipagdigmaan, at pumapatay. Ngayon, tandaan, hindi ba't kakatwa 'yon? Ibinigay sa kanila ang tabak na ito upang magpatayan. Ay, naku. Pansinin n'yo ngayon. Ngayon, nang gawin niya iyon, wala pa siyang kapangyarihang eklesiastikal; ngunit nagsimula siya sa pamamagitan ng isang demonyo ng isang bulaang aral, at ang aral na yaon ay naging isang doktrina. Ang doktrinang iyon ay nagkatawang-tao sa isang bulaang propeta, at pagkatapos ay nagtungo siya sa tamang lugar; hindi siya nagtungo sa Israel, nagtungo siya sa Rome, Nicaea, Rome.Ginanap ang konseho, at naghalal sila ng isang punong obispo. At sa pamamagitan nito, napag-isa nila ang iglesia at ang estado. At pagkatapos ay binitiwan niya ang kaniyang busog; bumaba siya sa kaniyang kabayong puti; sumakay siya sa kaniyang kabayong pula, dahil do'n ay magagawa na niyang patayin ang sinumang di sasang-ayon sa kaniya. Hayan ang inyong Tatak. Ay, naku. Iisang persona. Masdan n'yo ang paghantong niya sa walang hanggan sa ganu'ng paraan. Kita n'yo? Pagsasanibin niya ang kaniyang mga kapangyarihan, tulad ng sinisikap nilang gawin ngayon.
-----
Ngayon, tandaan ninyong mayroon siyang isang tabak. Humayo siyang may hawak na tabak, nakasakay sa kabayong pula, tumawid siya sa dugo ng lahat ng sumasalungat sa kaniya. Ngayon, nauunawaan n'yo na ba? Ilan ang nakauunawa kung ano ang Tatak na ito ngayon? Mabuti. Ngayon, ano ang sabi ni Jesus? “Ang tumatangan ng tabak ay mapapahamak sa tabak.” Tama ba? Sige. Sige. Ang mangangabayong ito at ang lahat ng sakop niyang kaharian na pumatay sa buong kapanahunan at nagpatulo ng dugo ng mga martir at ng mga banal ay papatayin sa pamamagitan ng tabak ni Jesus Cristo sa kaniyang pagdating. “Ang tumatangan ng tabak ay mapapahamak sa tabak.” Kinuha nila ang tabak ng dogma at anticristo at nilupig ang tunay at totoong mananamba sa mga kapanahunang nagdaan na milyun-milyon ang dami, at sa pagdating ni Cristo na mayTabak (Pagka't iyon ay ang Kaniyang Salita na lumalabas sa Kaniyang bibig.), papatayin Niya ang lahat ng kaaway na nasa Kaniyang harapan. Naniniwala ba kayo rito?Basahin ang account sa...
Ang Ikalawang Tatak.
Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.
Pahayag 2:10