Ang Unang Tatak.

<< nakaraang

susunod >>

  Pitong Tatak serye.

Puting kabayo sakay.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Ang Unang Tatak.

Ngayon, dito sa ika-5 kabanata, sa pagbubukas ng mga Tatak... At ngayon, ang Aklat na may pitong tatak... Una ay nais nating basahin ang Unang Tatak. Kagabi (upang makapagbigay ng kaunti pang background) natuklasan natin na nung lumingon si Juan upang tignan ang Aklat na hawak pa ng orihinal na May-ari, ng Diyos... Naaalala ba ninyo kung papaano ito nawala? Sa pamamagitan ni Adan. Ipinagpalit niya ang Aklat ng Buhay sa karunungan ni Satanas kung kaya't naiwala niya ang kaniyang mana, naiwala niya ang lahat, at wala nang paraan para matubos. At ang Diyos, na ginawang kawangis ng tao, nanaog Siya at naging isang Manunubos natin upang tayo ay matubos. At ngayon, nalaman natin na ang mga bagay na ito na naging mahiwaga nung mga nakalipas na panahon, ay mabubuksan sa atin sa huling mga araw.

Ngayon, nalaman din natin dito, na pagkarinig ni Juan sa pagkakaanunsiyo ng paglabas ng Kaanak na Manunubos upang gumawa ng Kaniyang pag-aangkin, walang sinomang tao na maaaring gumawa nito. Walang sinumang tao sa langit, walang sinumang tao sa ibabaw ng lupa, walang sinomang tao sa ilalim ng lupa, at walang sinumang karapatdapat na tumingin man lamang sa Aklat. Pag-isipan n'yo lang ang bagay na iyan: walang tao na karapatdapat na tumingin man lamang do'n. At nagsimulang tumangis si Juan. Alam niya na ang lahat... Hindi na maaaring magkaroon ng katubusan. Ang lahat ng bagay ay nabigo, at nakita natin na ang pagtangis niya ay dagliang huminto, sapagkat inanunsiyo ng isa sa apat na nilalang—o ng mga matatanda pala. Isa sa mga matatanda ay nagsabi, “Huwag kang tumangis, Juan, sapagkat ang Leon mula sa angkan ng Juda ay nagtagumpay,” sa ibang salita, “nanaig at nanlupig.”

Paglingon ni Juan, nakakita siya ng isang Corderong lumalabas. Malamang ito ay duguan at sugatan. Ito'y pinaslang, ang sabi ang Cordero daw ay pinaslang, at anupa't duguan pa rin ito. Kapag ginilitan mo ang isang cordero at—at kinatay mo ito tulad sa pagkakapatay sa Corderong iyon, ito'y tinadtad sa krus, sinibat sa tagiliran, at ipinako ang mga kamay at paa, at may mga tinik sa kaniyang noo. Kalunus-lunos ang Kaniyang kalagayan. At ang Corderong ito ay lumabas at lumapit doon sa nakaupo sa Luklukan na Siyang may hawak ng buong Titulo ng Katubusan; at lumapit ang Cordero at kinuha ang Aklat sa kamay Niyaong nakaupo sa Luklukan at—kinuha Niya at binuksan ang mga Tatak at binuksan ang Aklat. At nung mangyari 'yon, nalaman natin na malamang ay may isang dakilang bagay na naganap sa langit, sapagkat ang mga matatanda at ang dalawampu't apat na matatanda, at ang mga nilalang na buhay, at —at ang lahat ng nasa langit ay nagsimulang maghiyawan, “Karapat-dapat Ka.” At dumating ang mga Anghel at ibinuhos ang mga mangkok ng panalangin ng mga banal. Ang mga banal na nasa silong ng dambana ay sumigaw, “Karapatdapat Ka, O Cordero, sapagkat tinubos Mo kami, at ngayon ay ginawa Mo kaming mga hari at mga saserdote, at kami'y maghahari sa ibabaw ng lupa.” Ay naku. At ang kaluluwang iyon ay... Siya... upang buksan ang Aklat...

Makikita n'yo na ang Aklat sa katunayan ay pinlano at isinulat bago pa itatag ang sanlibutan. Ang Aklat na ito, ay talagang naisulat na bago pa itatag ang sanlibutan. At si Cristo, bilang Cordero, ay pinaslang bago pa itatag ang sanlibutan. At ang pangalan ng mga miyembro ng Kaniyang Nobya ay naitala na sa Aklat ng Buhay ng Cordero bago pa itatag ang sanlibutan, subalit ito ay sinelyuhan. At ngayon nga'y naihahayag ang mga pangalang naroon, lahat ng tungkol do'n. Napakadakilang bagay. At nang makita ito ni Juan, ang—ang sabi niya, “Ang lahat ng naroon sa langit, ang lahat ng nasa ilalim ng lupa, ang lahat ay narinig siyang nagsabi ng, 'Amen, at mga pagpapala at kapurihan.'” Sadyang napakasaya niya nung oras na iyon, sapagkat karapatdapat ang Cordero.

At ngayon, ang Cordero ay nakatayo sa gabing ito samantalang pinapasok natin ang ika-6 na kabanata; hawak Niya ang Aklat at sinisimulan na Niyang ipahayag. At, oh, tunay ngang sa araw na ito ay akin sanang... Umaasa ako na espirituwal ang mga tao. Nakagawa sana ako ng isang kakilakilabot na pagkakamali kung hindi dumating ang Espiritu Santo sa silid at itinuwid ako kaninang mag-aalas dose tungkol sa isang bagay na isinusulat ko upang ipahayag. Ibinabatay ko ito sa isang lumang konteksto. Wala akong alam tungkol dito. Wala akong kaalam-alam tungkol sa Ikalawang Tatak, maliban sa mga luma kong konteksto na ipinangusap ko maraming taon na ang nakalipas at isinulat ko at tinipon ko ang mga kontekstong ito... At sina Dr. Smith, sampu ng maraming mahuhusay na mga guro na pinagkuhanan ko, lahat sila ay ganun ang paniniwala, kaya't isinulat ko. At sasabihin ko na sana, “Buweno, pag-aaralan ko iyon sa ganung pananaw.” At nung magaalas dose na ng tanghali ay biglang pumasok ang Espiritu Santo doon sa silid, at ang kabuuan nito ay nabuksan sa akin, at hayan na nga...?... itong—ang pagbubukas ng Unang Tatak na ito.

Positibo ako tulad ng pagkakatayo ko rito ngayong gabi na ang sasabihin ko sa inyo ay ang Katotohanan ng Ebanghelyo. Sadyang alam ko. Sapagkat kapag ang isang kapahayagan ay taliwas sa Salita, hindi ito kapahayagan. At alam n'yo, may mga bagay na tila ba totoong totoo, ngunit hindi naman. Kita n'yo? Mistula itong ganun, subalit hindi naman pala.

Ngayon, makikita natin na hawak ng Cordero ang Aklat. At ngayon, sa ika-6 na kabanata ay mababasa natin.

1 At nakita ko nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika.
2 At tumingin ako, at narito ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.

Ngayon, iyan ang Unang Tatak, iyan ang sisikapin natin sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ngayong gabi na ipaliwanag sa abot ng ating makakaya... At napagtatanto ko na ang sinomang taong sumusubok na magpaliwanag niyan ay lumalakad sa mapanganib na dako, kung hindi mo nalalaman ang iyong ginagawa. Kita n'yo? Kaya't kung ito ay dumarating sa akin sa pamamagitan ng kapahayagan, sasabihin ko sa inyo. Kung ito naman ay kailangan kong kunin sa pamamagitan ng aking sariling kaisipan, sasabihin ko rin sa inyo na ganun iyon bago ko ito ipangusap. Subalit positibo ako tulad ng pagkakatayo ko rito ngayong gabi, na sariwa itong dumating sa akin sa araw na ito mula sa Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Hindi ako mahilig na basta na lamang mangusap ng mga bagay bagay na ganiyan pagdating sa bahaging ito ng Kasulatan. Ako— ako'y—umaasa ako na nalalaman ninyo kung ano ang sinasabi ko. Kita n'yo? Ngayon, alam n'yo, hindi mo magagawang mangusap ng mga bagaybagay kung dapat ay mayroon munang nakalagay dito bago ito maganap . Hindi mo—mo ito magagawang ipangusap kung malibang may maglagay nito do'n. kita n'yo? Ngunit nababasa n'yo ba; may napakikinggan ba kayo? Kita n'yo?

Ngayon, ang nakabalumbong Aklat na may pitong tatak ay inilaladlad na ngayon ng Cordero. Tatalakayin natin ang dakong iyan ngayong gabi. Tulungan nawa tayo ng Diyos. Habang nakakalag at nalaladlad ang mga Tatak, nahahayag naman ang mga hiwaga ng Aklat. Ngayon, kita n'yo, ito ay isang selyadong Aklat. Ngayon, 'yan ang paniwala natin, hindi ba? Naniniwala tayo na ito ay isang selyadong Aklat. Ngayon, hindi natin ito alam dati, ngunit ganun nga 'yon.
Naseselyuhan ito ng Pitong Tatak; at ang likuran ng Aklat ang nakaselyo ng Pitong Tatak.

Kung ganitong klase ng aklat ang pinag-uusapan natin, parang nilagyan natin ito ng tali, pitong tali. Ngunit hindi ganitong klase ang aklat na 'yon. Iyon ay isang scroll. At kapag ang scroll ay iniladlad, isa na iyon; at nakapaloob sa scroll ang ikalawa, at nakasaad doon kung ano iyon, subalit isa itong hiwaga. Gayunpaman siniyasat na natin 'yon; ngunit alalahanin n'yo, ang Aklat ay selyado, at ang Aklat ay isang Aklat ng hiwaga ng kapahayagan. Kapahayagan ito ni Jesus Cristo (Kita n'yo?), isang Aklat ng kapahayan. At ngayon, nalalaman n'yo na sa buong nagdaang panahon, sinaliksik at sinikap ng taong ito'y talakayin. Lahat tayo.

-----
At nang kunin ng Cordero ang Aklat at buksan ang unang Tatak na iyon, nangusap ang Diyos mula sa Kaniyang eternal na luklukan upang sabihin kung ano ang ipahahayag ng Tatak na iyon. Subalit nung ito ay ipakita kay Juan, ito ay nasa isang simbulo. Nang makita ito ni Juan, isa pa rin itong hiwaga. Bakit? Hindi pa ito naipahahayag noon. Maipapahayag lamang ito ayon sa Kaniya sa huling kapanahunan. Ngunit ito ay dumating sa anyo ng isang simbulo. Nung kumulog.... Alalahanin n'yo, ang tinig ng Diyos ay isang malakas at nakatutulig na kulog. Iyan ang sabi ng Biblia (Kita n'yo?), isang nakatutulig na kulog. Akala nila kumulog, subalit ang Diyos 'yon. Naunawaan Niya ito, sapagkat ipinahayag ito sa Kaniya. Kita n'yo? Isa itong kulog. At pansinin n'yo, nabuksan ang Unang Tatak—nang mabuksan ang Unang Tatak kumulog. Ngayon, papaano pa kaya kapag ito ay aktuwal na nabuksan?

-----
At pansinin n'yo, hindi na muli pang nakita si Cristo (Kita n'yo?) magmula diyan. Subalit Siya ay nakasakay sa kabayong puti; kaya kung ang lalaking ito ay nakasakay sa isang kabayong puti, isa lamang siyang impostor ni Cristo. Kita n'yo? Nakuha n'yo ba? Pansinin n'yo, ang nakakabayong puti ay walang pangalan. Maaari siyang gumamit ng dalawa o tatlong titulo, ngunit wala siyang pangalan. Subalit si Cristo ay may Pangalan. Ano ito? Ang Salita ng Diyos. Iyon 'yon. “Sa pasimula ay ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos.” At ang Verbo ay nagkatawang-tao. Kita n'yo?

Ang mangangabayong iyon ay walang pangalan, ngunit si Cristo ay tinawag na ang Verbo ng Diyos. Iyon nga Siya. Iyan ang tawag sa Kaniya. Ngayon, may Pangalan Siya na walang sinomang nakaaalam, ngunit Siya'y tinawag na Verbo ng Diyos. Walang itinawag na anuman sa lalaking ito (Kita n'yo?), subalit siya ay nakasakay sa isang kabayong puti. Ang mangangabayo ay walang mga palaso para sa kaniyang busog. Napansin n'yo ba 'yon? Mayroon siyang busog, subalit walang nabanggit na mayroon siyang mga palaso; kaya malamang ay isa siyang maninindak. Tama. Marahil ay marami siyang kulog subalit wala namang kidlat, subalit makikita n'yo na si Cristo ay may kidlat at kulog; sapagkat mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang Tabak na magkabila ang talim, at sinasaktan Niya ang mga bansa. At ang lalaking ito ay walang kakayahang manakit ng anuman(Kita n'yo?), subalit ginagampanan niya ang papel ng isang ipokrito. Humahayo siyang sakay ng isang kabayong puti, humahayo upang manakop.

Si Cristo ay may isang Tabak na matalas, at masdan ninyo. Galing ito sa Kaniyang bibig—ang buhay na Salita. Iyan ang Salita ng Diyos na ipinahayag sa Kaniyang mga lingkod, tulad ng sinabi Niya kay Moises: “Tumayo ka sa dakong iyan at iunat mo ro'n ang tungkod, at tumawag ka ng mga langaw,” at nagkaroon ng mga langaw. Tunay nga. Anumang sinabi Niya, ginawa Niya, at natupad. Ang buhay Niyang Salita... Ang Diyos at ang Kaniyang Salita ay iisang Persona. Ang Diyos ay ang Salita. Sino ang mahiwagang mangangabayong ito ng unang kapanahunan ng iglesia kung ganu'n? Sino Siya? Pag-isipan natin. Sino ang mahiwagang mangangabayong ito na nagpasimulang humayo sa unang kapanahunan ng iglesia at magpapatuloy hanggang sa walang hanggan, at hahantong sa kaniyang kawakasan.

Ang Ikalawang Tatak ay lalabas at magpapatuloy hanggang sa huling kapanhunan. Ang Ikatlong Tatak ay lalabas at magpapatuloy hanggang sa huling kapanahunan. Ang Ikaapat, Ikalima, Ikaanim, Ikapito; ang bawat isa sa mga ito ay pawang hahantong dito sa wakas. At sa huling kapanahunan, ang mga Aklat na ito nakabalumbon sa buong panahong ito kalakip ng mga hiwagang dito, ay mabubuksan. At mahahayag ang hiwaga upang malaman kung ano nga ba ito. Ngunit ang totoo nagpasimula na ang mga ito sa unang kapanahunan ng iglesia, sapagkat sa unang kapanahunan ng iglesia ay nakatanggap sila ng mensaheng tulad nito. May lumabas na isang nakakabayong puti. Kita n'yo? Sino siya? Siya'y makapangyarihan sa lakas ng kaniyang panlulupig, dakilang lalaki sa lakas ng kaniyang panlulupig. Gusto ba ninyong sabihin ko sa inyo kung sino siya? Siya'y ang anticristo. Iyon nga siya talaga. Ngayon, dahil, mangyari kasi, kung ang isang anticristo... Ang sabi ni Jesus ang dalawang ito ay magiging magkahawig na magkahawig na dadayain nito maging ang pinaka hirang, ang Nobya, kung maari lang. Anticristo, espiritu ito ng anticristo.

Basahin ang account sa...
Ang Unang Tatak.



Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.

At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito?

At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man.

At ako'y umiyak na mainam, sapagka't hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man:

Pahayag 5:1-4


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Kasal at Diborsiyo.

(PDF)

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)

As the Eagle
Stireth her nest.

(PDF Ingles)

Kabanata 14
Sabino Canyon.

(PDF)