Huwag Kang Manalig sa Iyong Sariling Kaunawaan.

<< nakaraang

susunod >>

  Buhay Salita serye.

Ano ang mali sa Edukasyon?


William Branham.

Basahin ang account sa...
Huwag Kang Manalig sa Iyong Sariling Kaunawaan.

Mga Kawikaan 3:1-6,
Anak ko, huwag mong kalilimutan ang aking kautusan; kundi ingatan ng iyong puso ang aking mga utos: Sapagkat karamihan ng mga araw, at mga taon ng buhay, at kapayapaan ay madadagdag sa iyo. Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; Ikintal mo sa iyong puso: Sa gayon ay makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Diyos at tao. Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.

Oh, sa palagay ko ay iyan ang pinakamagandang Kasulatan. Ngayon, nais kong kunin bilang teksto, mula sa ika-5 talata, “Huwag Kang Manalig sa Iyong Sariling Kaunawaan.”

Ngayon, isa itong napakakakatwang teksto para sa araw na ito na kinabubuhayan natin, sapagkat ang binibigyang diin sa araw na ito ay ang edukasyon at ang ating sariling pagkaunawa tungkol sa mga bagay-bagay, dito sa araw na ito ng — ng karunungan. Ngunit makikita natin dito na ang kakatwang pangungusap na ito, gaya rin naman ng ibang mga Kasulatan, mayroon itong tamang lugar, at umaasa tayong ipakikita sa atin ng Diyos kung nasaan ang lugar na iyon. Sa araw na ito ay pinapapasok natin ang mga anak natin sa paaralan upang magkaroon sila ng kaunwaan. At pagkatapos nila ng mababang paaralan, pinapapasok naman natin sila sa mataas na paaralan para magkaroon sila ng higit na malinaw na kaunawaan tungkol sa kaalaman. At kapag natapos na nila iyon, ang ibang mga bata ay pinapalad na makatungtong sa kolehiyo, at magtatapos sila ng kolehiyo upang kumpletuhin nila ang kanilang edukasyon sampu ng kaunawaan nila tungkol sa kaalaman. Ang hinihingi sa kanila ng... Kadalasan, para matanggap sa trabaho, kailangang kahit paano’y magkaroon ka ng pang-unawa ng mataas na paaralan, o kaya’y ng edukasyon sa kolehiyo, o ng iba.

Gayon man, sinabi sa atin ng matalinong si Solomon na huwag tayong sasandig dito, huwag sa sarili nating kaunawaan; huwag tayong sasandig sa mga bagay na ito. Kaya nga nagtataka tayo kung bakit siya nagsasalita ng ganito, ito’y dahil ang ating makabagong kaunawaan ay karaniwang karunungan ng tao, na taliwas sa Salita ng Diyos. Sa palagay ko, iyan ang sinisikap ipayo ni Solomon sa mga anak niya, na hindi naman sa ayaw na niya silang mag-aral, kundi huwag silang sasandig sa pansarili nilang kaunawaan. At sa palagay ko ay magiging isang magandang pahayag ito ngayon, kung sasabihin natin sa mga anak natin at sa mga anak ng Diyos, na walang masama sa pagkakaroon ng edukasyon; wala tayong tutol diyan, ngunit kapag ang edukasyong iyan ay tumaliwas na sa Salita ng Diyos, kung magkagayon ay sumandig ka sa Salita at bitiwan mo na ang edukasyon mo (Kita n’yo?), dahil sa Salita. At pakikinabangan mo ang edukasyon at mabibigyan ka nito ng magandang trabaho, marahil ay mabibigyan ka nito ng magandang katayuan kasama ng mga taong intelektuwal, ngunit, wala namang masama riyan at marahil ay malaki pa nga ang maitutulong nito sa iyo, makatutulong ito sa iyong pinansiyal at sa — sa iyong kabuhayan, giginhawa ka marahil ng kaunti sa buhay.

Ngunit alalahanin mo ang isang bagay, anak ko; kailangan mong mamatay. Kahit gaano pa kataas ang ping-aralan mo, o gaano man karaming kalinangan ang maipon mo, kailangan mo pa ring harapin ang kamatayan, sapagakat nasusulat, na kailangang mamatay ng tao, at pagkatapos nito ay ang kahatulan. At ang Diyos, nang... Hindi gasinong masama ang kamatayan, ngunit ang pagharap sa kahatulan ang bahaging masama. Ngayon, maaari kang mamatay, “ngunit kasunod nito ay ang kahatulan.” At hindi ka tatanungin ng Diyos kung gaano kataas ang pinag-aralan mo nang naririto ka pa sa ibabaw ng lupa, kung gaano karaming kaalaman ang naipon mo, kung mayroon ka bang Bachelor of Art, o anumang titulo ang nakuha mo, maging bilang isang ministro. Hindi iyan ang ipagsusulit dito. Ngunit ang ipagsusulit mo ay kung ano ang ginawa mo sa kaunawaan mo sa Salita ng Diyos. Iyan ang hihingin sa iyo, sapagkat... Mabuti ang iyong edukasyon ngunit ang Salita ng Diyos ay Buhay. “Ang Salita Ko ay Buhay,” at ang malaman Ito ay Buhay. At Siya, ang sabi Niya, “Kilalanin mo Siya.” Siya ang Salita. Kaya’t makikilala mo lamang Siya sa pamamagitan ng Salita. Iyan lang ang tanging paraan upang makilala mo Siya, sa pamamagitan ng Kaniyang Salita.

Maaaring may lumapit dito at sasabihin niya, “Ito ay Diyos,” o “Iyan ay Diyos,” o “Ito ay Diyos,” o “Ito ay tama,” at “Iyan ay tama,” ngunit nagbabalik tayo sa Salita, na siyang Katotohanan. At ang Salita ay walang pinagkaiba sa — sa Hilagang Tala; isa itong totoong tala. Kahit paano pa lumutang ang mundo, ang Hilagang Talang iyon ay nakatutok sa gitna ng mundo. Ang kompas n’yo ay nakabatay sa Hilagang Tala. Lagi itong nasa gita ng mundo. Ang ibang mga tala ay nagpapalutanglutang na kasama ng sanlibutan, ngunit hindi natitinag ang Hilagang Tala. Ngayon, ang kompas ay ang Espiritu Santo, at (ang) iyong posteng-ikitan ay ang Hilagang Tala, kaya’t ang Espiritu Santo ay laging nakaturo sa Salita. Hindi ka aakayin ng Espiritu Santo sa iba pang bagay maliban sa Salita ng Diyos. Kaya’t paanong magagawa ng isang tao na tumanggap sa isang kredo samantalang taliwas ito sa Salita, pagkatapos ay sasabihin niyang nasa kaniya ang Espiritu Santo? Ituturo ka ng Espiritu Santo palayo riyan. Kakailanganin ang Espiritu Santo upang ituro ka sa Salita, sapagkat Siya ang Salita. Siya ang Salita at ang tanging... Kung — kung paanong ang magnet ng kompas ay nakabatay sa North Pole, doon lang ito maaaring tumuro. At kung ang Espiritu Santo ang siyang May Akda at Tagasulat, at Siya ang nagbibigaybuhay sa Salita, paano Nito magagawang ituro ang tao sa iba pang bagay maliban sa Salita.

Kaya’t kapag sinabi ng isang tao na nasa kaniya ang Espiritu Santo, pagkatapos ay tatanggap siya ng isang bagay na salungat sa Salita, ipinapakita nito na hindi totoong Espiritu Santo ang nasa kanila. Kita n’yo? Maaaring espiritu nga iyon; hindi ko iyan pamamalian, ngunit hi — hindi iyan ang Banal na Espiritu ni — ni Cristo. Ngayon, alam n’yo, kadalasan, ang nakukuha nila ay ang espiritu ng isa’t isa; kaya’t maaaring tumuro iyon sa isang — tulad ng isang lupon ng kalalakihang tumuturo sa isang bagay, ngunit hindi — hin — hindi ito tumuturo kay Cristo. Ngunit ang Espiritu Santo ay laging tumuturo kay Cristo, at si Cristo ay ang Salita. Napakalinaw natin itong makikita sa Biblia. O, ganito ang nakikita ko. Maaaring mali ako, ngunit — sa pag-iisip ng ganito, ngunit sa palagay ko’y hindi; dahil dito. “Huwag kang mananalig sa sarili mong kaunawaan ng mga bagay-bagay.” Kung mananalig ka sa sarili mong kaunawaan, tiyak na malilihis ka ng landas. Hindi ka maaaring manalig sa kaunawaan ninuman kapag Buhay na ang pinag-uusapan. Upang makasumpong ng buhay, kailangan mong manalig sa Salita. Iyan ang Buhay.

Makikita natin ito mula pa sa pasimula. Napakalinaw na naipabatid ito sa atin mula pa sa pasimula, na ipinagkaloob ng Diyos sa Kaniyang unang pamilya sa lupa ang Kaniyang Salita upang kanila itong ipamuhay. Ngayon, hindi iyon sa pamamagitan ng pagkain ng Salita at iba pa. Datapwat ang Salita Niya ang dapat nilang ipamuhay sa walang hanggan. At habang sinusunod nila ang Salitang iyon, mabubuhay sila nang walang hanggan. Datapwat nang may isang Salitang namali ng puwesto, napatid ang buong kadena, at ang buong sangkatauhan ay nasadlak sa kamatayan. Kita n’yo? Ngayon, mapapansin natin si Eva, na walang alinlangang isang matalinong tao; ang kauna-unahang taong lumabas mula kay Adan, na — na anak ng Diyos... At si Eva, na tiyak na nakaranas ng kalagayang iyon na walang kasalanan, walang puwang ang kasalanan, tiyak na mayroon siyang napakagandang konsepto ng kung ano ang Diyos noon. Sapagkat tuwing hapon, siya at ang kanyang asawa ay namamasyal sa halamanan tuwing dapithapon, at mukahaan nilang nakakausap ang Diyos. Isang bagay na hindi mapangangatwiranan ang magawa ng isang tao ang makasama ang Diyos ng mukhaan araw-araw, pagkatpos ay babaling siya sa pangangatwiran ng isang bagay na maglalayo sa kanila sa Salita ng Diyos.

Hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga taong ganiyan. Napakadali pa rin nilang mailayo ng pangangatwiran sa Salita ng Diyos, matapos nilang maupo sa Presensiya ng Diyos. Nakita nila kung paanong naipangaral ang Salita ng Diyos, naipamamalas ang Salita ng Diyos, ang mga lasenggo at mga taong makasalanan ay nagpupunta sa altar at nababago sila at nagiging mga bagong nilalang kay Cristo, ang mga taong masasama ang reputasyon ay nagiging mga kagalang-galang na babae at mga maginoong lalaki; at pagkatapos ay tatalikuran nila ang mabiyayang bagay na iyon na umakay sa kanila sa Buhay na ito, pagkatapos ay maililiko sila sa isang uri ng kredo para lang sumikat o — o kaya nama’y para mapabilang sa kung tawagin ay higit na mataas na uri ng mga tao. Aba, kabilang na kayo sa pinakamataas na uri: mga anak na lalaki at babae ng Diyos. Buweno, mas gusto kong kasama ang mga taong iyan kaysa sa mga hari at mga taong nasa kapangyarihan, at iba pa. Ang gusto ko ay ang mga taong mapagpakumbaba kahit pa nga hindi nila matukoy kung alin ang kanan at ang kaliwang kamay nila. Basta ba kilala nila ang Diyos, at mahal nila Siya, at naglilingkod sila sa Kaniya, iyan ang mga taong sikat sa Langit, para sa akin. Opo.

Ngayon, datapuwat makikita nating madaling nakumbinsi ni Satanas si Eva na lumihis sa Salita, at nanalig siya sa sarili niyang kaunawaan, sapagkat ang paliwanag ni Satanas sa kaniya ay iba kaysa sa tunay na pagkaunawa niya sa Diyos. Datapuwat iba ang sinabi sa kaniya ng kaaway, ni Satanas, at pinaniwalaan naman niya. Ngayon, ay makikita nating ang ibinunga nito. Dahil dito ay nasadlak ang sangkatauhan sa kamatayan, sapagkat ang unang ina sa ibabaw ng lupa ay nanalig sa kaniyang sariling kaunawaan, na taliwas sa Salita ng Diyos at nasadlak ang buong sangkatauhan sa kamatayan. Ngayon, naniniwala ba kayo rito? Iyan ang Salita. Buweno, ang babae ay laging... Ang iglesia sa Biblia ay katipo ng isang babae. At ang isang iglesia sa araw na ito ay maaaring tumanggap ng kung anu-anong dogma at kredo, at magiging dahilan ito ng pagkasadlak ng buong kongregasyon sa pagkahiwalay sa Diyos. Ang mga taong iyon na tumatanggap ng mga bagay na iyon sa halip ng Salita ng Diyos ay walang pinagkaiba kay Eva. At paulit-ulit itong nangyayari, hanggang sa ang buong salinglahing ito ay masadlak sa pagkalayo sa Salita ng Diyos.

At kapag ang Salita a naipamalas na, nahayag na ang Salita, hindi nila Ito tatanggapin sapagkat ayaw nila Itong sundin, sapagkat nananalig sila sa sarili nilang kaunawaan. “Dito itinatag ang iglesiang ito. Napakaganda ng lugar na ito. Isa itong malaking organisasyon. Kabilang dito ang isang malaking kalipunan ng mga tao. Bakit hindi kami sasali rito? Dito ako nagtitiwala.” Huwag kang magtitiwala sa sarili mong pang-unawa, bagkus ay magtiwala ka sa Salita ng Panginoon. Ngayon, ngayon, sa kahuli-hulihan ay nagwakas iyon sa kamatayan para sa buong sangkatauhan, gaya ng sinabi ko, tulad din naman ngayon, sa napakaraming taong nakasandig sa sarili nilang pagkaunawa, sa kanilang mga dogma at kredo at iba pa, at ang sinasabi, “Hindi totoong lahat ng Salita ng Diyos, at ang iba nito ay kinasihan at ang iba naman ay hindi.” Paano ka sasampalataya sa isang Biblia, kung ang bahagi nito ay kinasihan at ang bahagi nito ay hindi? Kung ang isang — kung isa sa mga sipi nito ay mali, baka mali rin ang kabuuan nito. Dapat ay tamang lahat, tamang-tama.

At ilan sa mga naturingang mga likong Bible school, na nagtuturo ng kaalaman ng tao, ang pagdagsa nito, kung saan ay magtitipun-tipon sila at mauupo sa isang konseho ng mga tao at magsasabi, “Ngayon, tingnan n’yo ang tungkol sa mga kaarawan ng himala, natapos na iyon noon pang panahon ng mga apostol.” At maraming tao, sa ilalim ng pamamahala ng obispo o ng taong nakatataas, ay uupo roon at magsasabi, “Buweno, kung sasang-ayon ako sa kaniya, tiyak na ako na ang kasunod na papalit sa kaniya sa kaniyang posisyon.” Kita n’yo, kung gayon ay nananalig ka sa sarili mong pang-unawa, imbes na tumayo ka sa dalawang paa mo sa Salita ng Diyos. Iyan ang dahilan ng mga bagay na ito.

Ilang panahon na ang nakalilipas, may isang tao na... Nagkaproblema ako tungkol sa income tax. At ang sabi nila sa akin, ang sabi, “Aba, mga trustee mo’y pawang mga puppet lamang, sa palagay ko.” Ang sabi ko, kung mayroon akong kasamang trustee sa aming lupon na iba ang ideya kaysa akin, pagkatapos ay hindi niya kayang manindigan, at (kahit sino pa ang nagsasalita) ipahayag ang sarili niyang pananaw, aalisin ko siya sa lupon.” Opo. Kahit pa nga salungat iyon sa paniniwala ko, nais ko pa ring ihayag niya kung ano sa palagay niya ang tama. Kaya ko nga siya kinuha eh, para malaman kung ano ang masasabi niya. Ngunit mayroon tayo niyan.

Pansinin n’yo, ang sabi ni Jesus sa San Juan 10, “Nakikilala ng Aking tupa ang Aking Tinig.” Anupa’t ang Tinig ay ang Kaniyang Salita kapag nangungusap Siya. “Kilala ng Aking tupa ang Aking Tinig. Napatunayan na nilang totoo ang Aking Tinig. Nabindika na sa kanila na Ito nga ang Aking Tinig.” Ngayon, ngayon pansinin n’yo, hindi sila susunod sa ibang tinig. Hindi sila susunod. “Nakikilala ng Aking tupa ang Aking Tinig, at sa isang dayuhan ay hindi sila susunod.” Sa ibang pananalita, hindi nila mauunawaan ang isang makateolohiyang tinig na nagtuturo ng taliwas sa Salita ng Diyos. Hindi iyan mauunawaan ng tupa gaya rin naman ng agila, kagabi, hindi niya maunawaan ang pagputak ng inahing manok. Hindi nila iyon maunawaan sapagkat isa siyang agila. At ganiyan din ang nangyayari sa isang tunay na isinilang na muling anak ng Diyos, ang tanging nauunawaan nila ay yaon lamang mga bagay na patungkol Diyos. Ngayon, maaaring may magsabi, “Ngayon, tingnan mo, maaari mong gawin ito, sa palagay ko. Ito’y, sa palagay ko ay hindi ito ganito. Ang paniwala ko’y lipas na ang mga kaarawan ng himala. Hindi ako naniniwalang ang kagalingang iyan ay nagmula sa Diyos. Hindi ako naniniwala rito.” Ngayon, ang isang tunay na isinilang na muling Cristiano, hinding-hindi iyan titigil sa kaniyang tainga; hindi niya iyan mauunawaang lahat. At paano mangyayari na ang isang taong sumasampalataya sa Diyos, at nakababasa ng Biblia, at nakauunawang Siya’y kahapon, ngayon, at magpakailan man, paano niya magagawang tanggapin ang isang bagay na tulad niyan, hindi ko maunawaan.

Kaya’t hindi sila nananalig sa kanilang sariling pang-unawa.

Basahin ang account sa...
Huwag Kang Manalig sa Iyong Sariling Kaunawaan.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Ang puso niyaong naguunawa ay humahanap ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kamangmangan.

Mga Kawikaan 15:14


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

The Pillar of Fire.

(PDF Ingles)

Bago...

Pagkatapos...

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)

Hindi ka
aakayin ng
Espiritu Santo
sa iba pang
bagay maliban sa
Salita ng Diyos.



Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.