Ang magiging tahanan ng Makalangit na Nobyo at Makalupang Nobya.

<< nakaraang

susunod >>

  Dulo ng panahon serye.

Bagong Langit at isang Bagong Lupa.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Ang magiging tahanan ng Makalangit na Nobyo at Makalupang Nobya.

2 Pedro 3:5-7,
5 Sapagka’t sadyang nililimot nila, na mayroong sangkalangitan mula nang unang panahon, at isang lupang inanyuan sa tubig at sa gitna ng tubig sa pamamagitan ng salita ng Dios:
6 Na sa pamamagitan din nito ang sanlibutan noon na inapawan ng tubig, ay napahamak:
7 Ngunit ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatan talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.

Anong gandang pangako, ng mga propetang ito at mga dakilang paham, mga guro ng Biblia, mula pa sa napakatandang panahon, na nakakakita ng pagsapit ng maluwalhating Araw na ito! Sa pamamagitan ng mga siping ito, maaaring isipin ng isang tao, o siya’y mapaniwala, pala, na ang buong planeta, ng mundong ito, ay mawawasak. “Lumilikha Ako ng isang Bagong Langit at isang Bagong Lupa,” kita n’yo, na ang kalangitan ay mawawala at ang lupa ay mawawala, lubos na maglalaho. Ngunit sa isang masusing pag-aaral, at sa tulong ng Espiritu Santo, makikita natin ang Katotohanan nito; at diyan tayo tutungo.

Ang mga atmospera lamang sa paligid nito, at ang kasalanang nasa lupa, ang mawawasak. Kita n’yo? Ngayon, nauunawaan natin na ang mga langit ay nangangahulugang “mga atmospera sa itaas.” Kita n’yo?

Ano’ng gagawin nito? Ito kung magkagayon, ang mga tinik na ito, sakit, kamatayan, pulitika, lalaking makasalanan, babaeng makasalanan, at mga masasamang espiritu, ay pawang mawawala at maglalaho. Kita n’yo? Kailangang magkaganiyan, sapagkat dito tayo maninirahan. Patutunayan natin iyan sa pamamagitan ng Biblia. Dito mismo tayo maninirahan. Ngayon ay pansinin, ang mga tinik, mga mikrobyo, lahat ng mga sakit at mga bagaybagay, ay lubusang aalisin. Lahat ng ito, ang pag-iral nito sa lupa ngayon, mga sistemang gawa ng tao, pulitika, kasalanan, lahat ng uri ng masasamang espiritu na nagpaparumi sa sanlibutan, at ang buong kalangitan sa ibabaw natin dito, ay dinudumihan ng masamang espiritu. Ngayon tayo’y magpakalalim at magpakahaba rito, kita n’yo. Lahat ng ito ay umiiral sa mga kalangitan, o sa mga atmospera, at sa mundong kasalukuyan. Taglay ng mundong ito ang mga bagay na ito ngayon, ngunit hindi ito ginawa sa gayong layunin. Kasalanan ang dahilan kaya ito nagkagano’n. Kita n’yo? Ito ay ginawa ng Diyos, ang Manlilikha. Ngunit lahat...

At lahat ng ating mga katawan, na pinanahanan natin ngayon, ay nailagay na sa lupa nang lalangin ito ng Diyos, sapagka’t kayo’y nagmula sa alabok ng lupa. Inilagay ng lahat ito rito. Nang lalangin ito ng Diyos mismo, kayo ay nasa Kaniyang kaisipan. At taglay Niya, ang Dakilang Eternal, ang kaisipan, na siya Niyang katangian. At ngayon, kasalanan ang nagin dahilan kaya nangyaring lahat ito. At ang Diyos, sa buong panahong ito, ay nagtitipon ng Kaniyang sangkap.

Si Satanas ay naririto pa rin. Iyan ang dahilan kung bakit ang lahat ng mga bagay na ito ay nagaganap. Naririto pa rin siya, at ang lahat ng kaniyang masasamang puwersa ay naririto pa rin. Pansinin n’yo, kaya nga napakarumi ng mundo ngayon. Kaya ang mga dumi at mga kakutya-kutyang bagay ay nagpapatuloy; ang pagdanak ng dugo, digmaan, pulitika, kasalanan, pakikiapid, lahat ng uri ng karumihan ay nagpapatuloy, dahil si Satanas ang tagapamahala ng lupang ito at ng atmosperang ito. Sasabihin mo, “Ang atmos...?” Opo!

Kapwa ang kalangitan at ang lupa ngayon ay narurumihan ng mga diablo na nagagawang akusahan tayo sa harapan ng Diyos. Naroroon si Jesus upang mamagitan sa atin. Siya nga. Kita n’yo? Habang ang mga taga-akusa ay patuloy na tumuturo, “ginawa nila ito, ginawa nila ito, ginawa nila ito,” ngunit ang Dugo ay tumatakip pa rin. Naparito Siya upang tubusin ang Hinirang na iyon na noon pa’y nakita na Niya. Kaya nga napakarumi na nito ngayon.

Dito, ang apostol, sa Ikalawang Pedro, ika-2 kabanata, at ika-5 at sa... Ika-5 at ika-6 na talata. Oo, nakuha ko na. Tumutukoy siya sa tatlong yugto ng mundo. Kita n’yo, siya-- tinalakay niya ang tatlong antas nito. Pansinin n’yo kung paano niya inihayag ang mga ito. “Ang dating lupa na inanyuan sa tubig,” ngayon, iyan ang lupa bago bumaha. Ngayon, ang isang ito, ang kasalukuyang lupang kinabubuhayan natin ngayon, tinawag niya itong “sanlibutan.” “Ang dating lupa na lumitaw sa tubig,” Genesis 1:2. Ngayon at ang “mundo” na nagyo’y naririto. At pagkatapos, muli, ay tinukoy niya ang isa pa, ang mundong darating, ang Bagong Mundo. Tatlong mundo; tatlong yugto ng mundo.

At pansinin n’yo kung paanong nilinaw ng Diyos sa atin ang Kaniyang plano ng katubusan. O, ito’y sadyang nagpasigla sa aking kaluluwa nang makita ko ito, kung paanong nililinaw ng Diyos sa atin dito ngayon ang Kaniyang plano ng katubusan. Ngayon ay ihambing natin kung ano ang nakikita ng sarili ntig mga mata. Kung ano ang ginawa ng Diyos upang tubusin ang Kaniyang mundo, ay gayundin ang ginawa Niyang plano upang tubusin ang Kaniyang bayan, sapagkat ang di-nagbabagong Diyos ay hindi nagbabago sa alin mang plano NIya o ano pa man. Napakaluwalhating bagay!

Kung paano Niya tayong inakay sa Kaniyang Sarili, upang makapanahan sa atin, sa pamamagitan ng tatlong yugto ng biyaya; tulad din ng pag-akay Niya sa sanlibutan sa tatlong yugto, upang mapasa-sanlibutan. Kung paanong ang Diyos at darating sa sanlibutan matapos itong dumaan sa tatlong magkakaibang yugto ng pagdalisay, ganiyang-ganiyan Siya dumarating sa atin sa pamamagitan ng tatlong antas ng biyaya. Mula’t sapol ay iyun na ang itinuturo ko; hindi pa ako nagbabago, mula noon. Ito’y Salita ng Diyos.

-----
Ngayon, ang unang yugto ng pinagdadalhan Niya sa atin... Alam n’yo, ang Kaniyang plano ng katubusan ay magkatulad na magkatulad sa bawat bagay. Ginagamit Niya ang gayon ding kaparaanan. Hindi Siya nagbabago. Sinabi Niya, sa Malakias 3, “Ako ang Diyos, at hindi Ako nagbabago.” Kung papaano Niya ito ginagawa, samakatuwid, kung iniligtas Niya ang unang tao, sa pamamagitan ng dugong ibinubo ng Isang inosente, kailangan Niyang iligtas ang kasunod; at ang bawat isang ililigtas Niya ay kinakailangan sa gayon ding paraan.

Kung pinagaling Niya ang isang tao sa alin mang pagkakataon sa lakbayin ng buhay; maging sa araw man ni Jesus, ng mga apostol, ng mga propeta, kailanman ito; kapag ang kundisyon ding iyon ay nakatagpo, kinakailangan Niyang gawin itong muli. Tama iyan. Hindi Siya nagbabago. Ang tao ay nagbabago, ang oras ay nagbabago, ang panahon ay nagbabago, ang dispensasyon ay nagbabago, subalit ang Diyos ay nanatiling gayon. Siya ay sakdal. Anong pag-asa ang dapat maibigay niyan sa mga taong maysakit.

Kung Siya ma’y nakapagpapagaling ng isang tao, kailangan Niyang gawin itong muli kapag nakatagpo ang gayunding kundisyon. Kung Siya ma’y, Siya man ay nakapagligtas ng isang tao, kailangan Niyang gawin din iyon sa batayang iyon na ginamit Niya sa unang pagkakataon. Kung naibangon Niya ang isang to mula sa libingan, kailangan Niyang gawin ito sa pangalawang pagkakataon, at sa bawat iba pang pagkakataon, sa gayon ding prinsipyo.

Hindi Siya nagbabago. O, anong pag-asa ang ibinibigay niyon sa akin! Ano iyon? Hindi sa kung anong teoriya na gawang-tao, sa bagay na pinagkasunduan ng pangkat ng tao, kundi sa Kaniyang di-nagbabagong Salita. Sasabihin mo, “Iyan ba ang Katotohanan?”
Ang sabi Niya, “Hayaang ang salita ng bawat tao’y maging kasinungalingan, ang sa Akin ay katotohanan.” “Dahil ang langit at ang lupa ay lilipas, ngunit ang Aking Salita ay hindi mabibigo.” “Ang lahat ng mga Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, samakatuwid, ito’y mabuti at kapakipakinabang sa pagtuturo.” At alalahanin n’yo, na, “Ang lahat ng Kasulatan ay matutupad,” bawat bahagi nito.

-----
Sa Bagong Lupa at sa Bagong Sangkalangitan, ay hindi na muling magdidilim, kapag dumating na ang Bagong Lupang ito. Ang diablo ay igagapos... Si Satanas, siya ay nakakawala pa rin ngayon; siya ay tagabintang. Ngunit sa Bagong Lupa, siya ay igagapos at itatapon sa Dagatdagatang Apoy, sa banal na Apoy na ito.

Pagkatapos, sa Bagong Lupang ito, tingnan natin ito ng ilang sandali ngayon. Sa Bagong Lupang ito, ang kalangitan ay hindi na muling magdidilim; hindi, iya’y gawa ng sumpa, kita n’yo. Hindi na muling magdidilim pa sa nagngangalit na mga ulap. Ang hangin ay hindi na muling iihip pa sa kaniya sa gayong paraan. Hindi na. Hindi na niya sisirain ang mga puno, at wawasakin ang mga bahay, at itataob ang mga bagay. At kidlat at ang kuloy hindi na kailanman bubuga mula kay Satanas patungo roon, at papaslang ng taong naglalakad sa lansangan, o susunog man ng isang gusali. Kita n’yo? Hindi, hindi na. Hindi na magkakatoon ng mga bagyong dumadaluyong, o mga unos at mga buhawi, at wawasak sa mga bahay at kikitil sa buhay ng mga mumunting anak, at mga bagay-bagay. A-ha, hindi na magkakaroon nito. Pinipilit niyang manira, ngunit hindi na mangyayari. Si satanas ay naitaboy nang palabas.

-----
Maging ang mga bagay na ito, si Satanas, ang makasalanan, ay wala na, magpawalang-Hanggan; hindi na kailanman lilitaw. Lahat... Kita n’yo, si Satanas ay hindi nakakalikha. Kung siya’y makalilikha, siya’y Diyos. Kita n’yo? Magagawa lamang niyang baluktutin kung ano ang nalikha na. At lahat ng kalikuan ay mawawala na. At ang kamatayan ay pagbaluktot sa buhay, at kapag ang kalikuan ay wala na, wala na ring kamatayan. Ang pagtanda ay tanda ng kamatayan, at kapag ang pagtanda ay naglaho na, papasok ang buhay. Lahat ng tanda ng kalikuan ay wala na. Ang mga dawag at tinik ay tanda ng kasalanan, “Ang lupa ay susumpaing kasama nila,” at ang mga ito’y aalisin na. Ang karamdaman ay dumarating sa pamamagitan nito; ito’y aalisin na. Ang kamatayan ay aalisin na. Ang pagdanak ng dugo ay aalisin na.

Walang anumang sasayad sa lupang iyon, maliban sa kabanalan, ang mga Tinubos. Ay, naku. Siyanga. O, napakainam ng pakiramdam ko. Ang Diyos at ang Kaniyang nilikha; at ang Kaniyang mga nilalang sa paglikhang ito ay tinubos ng Sarili Niyang Dugo. Nilinis ng sariling proseso ng paglilinis; ng Kaniyang pamatay-mikrobyo, pamatay-kasalanang proseso!

Tulad ng anumang bagay na ini-sterilize, ang pinakamainam na pangsterilize ay ang apoy. Maaari kang kumuha ng alinmang bagay at hugasan ito ng bula ng sabon at lahat ng mga kemikal na ito na kanilang pinag-uusapan, hindi pa rin ito ligtas. Ngunit minsan mo itong sunugin!

At kapag na-sterilize ng banal na Apoy ng Diyos ang lupa kasama ng mga kemikal, naitaas na Niya ang Kaniyang Nobya, na makakasama Niyang tumungo sa Langit, samantalang nangyayari ito. At babalik muli sa lupa, sa isang Bagong Sangkalangitan at isang Bagong Lupa. Ang maginaw na taglamig ay hindi na makakasakit dito. Ang mainit na tag-araw ay hindi na makakasakit dito. Ang disyerto ay mamumukadkad na tulad ng isang rosas. Ang kasalanan at ang mga makasalanan ay naglaho na.

Ang Diyos, at ang Kaniyang mga nilalang at nilikha, ay magkasamang mananahan na may sakdal na pagkakaisa. Kung paanong ang sangkalangitan at ang lupa ay mag-asawa, gayon din si Cristo at ang Iglesia, at silang lahat ay magtatagpo sa isang dakila’t maluwalhating plano ng katubusan at muling dinala sa sinapupunan ng Diyos. Nakikita n’yo ba?

At sa Bagong Lupa ay may Bagong Lungsod. Ay, naku! Ngayon, makinig kayong mabuti. Huwag n’yong kalimutan ito, na sinabi ni Jesus sa Juan 14, na Siya ay aalis upang maghanda. “Huwag magulumihanan ang inyong mga puso.” Nang Siya’y paalis na, “Mayroon akong dahilan para umalis. Kayo’y sumampalataya sa Diyos,” ang sabi Niya, “sumampalataya rin kayo sa Akin.” Hindi nila makita na Siya ay Diyos. “Kayo’y sumampalataya sa Diyos, ngayon kayo ay sumasampalataya sa Akin. At Ako’y maghahanda ng lugar para sa inyo. Sa bahay ng Aking Ama ay maraming tahanan; sa Kaharian ng Aking Ama ay maraming palasyo.” Si Cristo ay naroon, na nagtatayo ng Bagong Jerusalem ngayon. Ngayon, makinig kayong mabuti. Huwag kayong kikilos. Huwag, huwag n’yong palagpasin ito. Si Cristo ay nasa langit ngayon, inihahanda ang Bagong Jerusalem.

Kung paanong nilalang ng Diyos ang lupa sa loob ng anim na araw, nilikha ang lupa sa loob ng anim na araw, o anim na libong taon. Tulad ng sinabi Niya, “Huwag na hindi n’yo malaman,” nababasa natin sa Kasulatan, “ang isang libong taon ay isang araw.”

At si Cristo ay umalis at naghahanda ng isang lugar, na matagal ng binubuo, libu-libong taon na, inihahanda ang isang lugar. “Ang kung Ako’y makaparoon at kayo’y maipaghanda ng Dakong Kalalagyan, ay muling paririto Ako, at Kayo’y tatanggapin Ko; upang kung saan Ako naroroon, kayo man ay maparoon din.” Pansinin n’yo, ang Manunubos at ang mga Tinubos!

Basahin ang account sa...
Ang magiging tahanan ng Makalangit na Nobyo at Makalupang Nobya.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

At nakita koang isang bagong langit ant ang isang bagong lupa; sapagka’t ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.

At akong si juan, nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.

Apocalipsis 21:1-2


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.

(PDFs)

Sirs, is this the time?

(PDF Ingles)
Bundok Sunset.
Kung saan
lumitaw ang ulap.

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)


Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.