Mga makabagong kaganapang pinaglinaw ng propesiya.
<< nakaraang
susunod >>
Ang Salita ng Diyos ay dumarating sa mga propeta.
William Branham.Basahin ang account sa...
Mga makabagong kaganapang pinaglinaw ng propesiya.Sinabi nila sa inyong mga Pentecostal may apatnapu't lima, limampung taon na ang lumilipas... Ang mga ama't ina ninyo, nung sila ay mga tunay na Pentecostal pa na nagsilabas sa organisasyon at sinumpa ang bagay na iyon at nagsilabas. Pagkatapos tulad ng isang asong bumalik sa kaniyang isinuka, nagbalik silang muli dito, ginawa ang dating bagay na kumitil sa iglesia, iyon din ang pinangkikitil n'yo sa inyong sarili. Wala akong laban sa mga tao na nasa loob nito, wala akong laban diyan, ang kinakalaban ko ay ang mga sistema ng bagay na ito na siyang may kagagawan niyaon.
At pansinin n'yo, hindi nila nakita ang kumpirmasyon ng mga propesiya ng Salita ng Diyos na natutupad. Kung ang mga saserdoteng iyon... Binuo na nila sa kanilang kaisipan kung papaano ba talaga darating ang Mesias; alam na nila kung anong magaganap. Ang mga Fariseo ay may sariling ideya, gayon din ang mga Saduceo, ang mga Herodian, at, o, mayroon silang kaniyakaniyang ideya. Ngunit dumating Siya nang salungat sa bawat isa sa kanila, ngunit akmang-akma sa Salita. Gayon din ang sinabi ni Jesus dito: “Kung nakilala n'yo Ako, nakilala n'yo sana ang Aking kaarawan. Kung nakilala n'yo lang, inyong... Sinasabi n'yo, 'Buweno, si Moises... Mayroon kaming Moises,'” Ang sabi Niya, “Aba, kung naniwal kayo kay Moises, paniniwalaan n'yo Ako; sapagkat Siya ay sumulat tungkol sa Akin.”
Ngunit, kita n'yo, nang kinukumpirma na ng Diyos kung ano talaga ang Kaniyang ipinangako, ay mayroon na silang mararangal na paran ng pagdating ni Jesus, at ang... ang nais kong sabihin ay ang Mesias. Ang Mesias ay kinakailangang dumating sa kanilang grupo at kung hindi'y hindi Siya ang Mesias. Buweno, ganiyan din halos ang nangyayari ngayon, “Kung hindi ka sisilip sa aking salamin ay hindi totoong tumitingin ka.” Kita n'yo? Kaya nga ganiyan talaga ang nangyayari. Tayo'y... Iyan ang totoo. Ayaw nating magisip ng ganito, datapuwat iyan ang di mapamamaliang katotohanan.
Sa Hebreo 1:1, ang Diyos sa mga nakalipas na panahon, sumulat ng Biblia sa pamamagitan ng Kaniyang sariling piniling kaparaanan. Hindi Niya ito kailan man isinulat sa pamamagitan ng mga teologo. Kailan man ay hindi pa nangyari na ang mga teologo ang nagbigay ng interpretasyon sa Salita ng Diyos. Ang interpretasyon ang dumarating lamang sa pamamagitan ng isang propeta. Ang tanging paraan upang makalabas tayo sa kalat na ito ay ang magsugo ang Diyos sa atin ng propetang iyon, akmangakma, ang tanging paraan upang ito'y maisagawa. Ito'y sinampalatayanan, inabangan, at ang katuparan. Kita n'yo, hindi ito isinulat ng tao, kundi ito'y isinulat ng Diyos. Hindi ito Aklat ng isang tao, hindi ito Aklat ng isang teologo. Ito'y Aklat ng Diyos, isang Aklat ng hula na isinulat ng mga propeta at binigyan ng interpretasyon ng mga propeta. Ang Biblia ay nagsabi, “Ang Salita ng Diyos ay dumarating sa mga propeta.” Tamang-tama nga.
Napakaganda ng pagsasalarawan nito, o, ng pagkakapamalas nito nang su Jesus ay paumarito sa lupa, at si Juan ang propeta ng araw na iyon, at siya'y nagpupropesiya. Ang sabi nila, “O, ang ibig mo bang sabihin ay wawasakin ng Diyos ang aming malalaking asosasyon na naririto, at lahat ng bagay na ito? At darating ang panahon na ang mga templo namin ay hindi na pananambahan?” Ang sabi niya, “Darating ang panahon kung kailan ay gagawa ang Diyos ng isang hain, Cordero ng Diyos, isang tao.” At sinabi niyang tiyak na tiyak siya sa kaniyang mensahe; aniya, “Siya ay nakatayo na ngayon sa inyong kalagitnaan hindi ninyo Siya nakikilala. Sila'y kasa-kasam ninyo at hindi ninyo namamalayan.”
At isang araw nang si Jesus ay naglalakad, tumingala si Juan at nakita niya ang tanda sa ulunan Niya, sinabi niya, “Narito ang Cordero ng Diyos na nagaalis ng kasalanan ng sanlibutan.” Sa sandali ring iyon ay nalaman ni Jesus na Siya ay nabindika sa harap ng madla. Ngayon, Siya ang Salita, pagaalinlanganan ba natin iayan? Ang Biblia ay nagsabi na Siya ang Salita, “Sa pasimula ay ang Salita at ang Salita ay sumasa Diyos, at ang Salita ay Diyos. At ang Salita'y nagkatawang-tao at nanahang kasama natin.” At narito Siya, ang... narito ang Salita sa lupa (Tignan n'yo, akmang-akma.) lumitaw Siya at lumusong sa tubig patungo sa propeta.
Tama. Ang Salita ay laging dumarating sa Kaniyang propeta. Kaya't hindi natin maaasahang Ito'y dumating sa mga denominasyon. Kinakailangan Itong dumating sa daluyan ng Diyos ngayon na noon pa'y sinabi na Niya sa atin, at kailan man ay iyon lamang ang tanging paraan upang ito'y dumating. Ito'y kamumuhian, hahamakin, tatanggihan. Kapag ito'y dumating, Ito'y maitatapon sa isang tabi, at lahat na, ngunit gagawin pa rin ito ng Diyos. Tinanggihan ito kay Jesus Cristo; tinanggihan ito kay Juan; tinanggihan ito kay Jeremias; tinanggihan it okay Moises. Palaging gano'n ang nangyayari. Datapuwat ang Diyos ay nagpapatualoy sa paraang Kaniyang ipinangako na Ito'y Kanyang gagawin. Opo, hindi Niya ito kailan man nabigong gawin sa gayon ding paraan.
-----
Tignan ninyo sa Biblia kung magkagayo'y makikita n'yo kung saan, kung anong panahon ang kinabubuhayan natin, kapag nakita n'yo ang mga dakilang bagay na ito na kasalukuyang naipapahayag. Kapag ipingako ng Diyos na ito'y gagawin Niya, lagi Niya itong ginagawa sa hulihan ng bawat panahon kung saan ang iglesia ay humantong na sa dakong pagliko, at lumiko palayo sa Salita pabalik sa kasalanan at pagiging makasanlibutan. Ang pagiging makasanlibutan ay kasalanan. Ang sabi ng Biblia, “Kung iniibig n'yo ang sanlibutan, o ang mga bagay ng sanlibutan ang pag-ibig ng Diyos ay wala sa inyo.”Nangusap ako kagabi, nangusap ako tungkol sa haing inialay, ang Cordero. Kinakaialangang ito'y pitong araw, kumakatawan sa pitong kapanahunan ng iglesia. Wala dapat masusumpungang lebadura sa kalagitnaan ng mga tao, walang lebadura sa loob ng pitong araw. Ibig sabihin nito ay dapat walang maihalo rito, Ito'y walang lebadura, sa tuwina. At ayaw natin anumang kredo, mga lebadura, at mga bagay-bagay na maihalo sa atin. At ayaw nating ang sanlibutan ay maihalo sa atin. Kinakailangang Ito ay maging walang lebadurang Tinapay, ng Diyos, ang Salita ng Diyos, ang di-nahaluang Salita ng Diyos, na, “Ang tao'y mabubuhay sa bawat Salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.”
Ang mag sistema nating makadenominasyon, at mga pagkakaiba at mga bagay-bagay, at naglagay ng lebadura sa atin, at ito at iyon at ang ayos ng sanlibutan. At, ito'y humantong na sa halos ay parang Hollywood na kahit saan. Mangyayari na magiging katulad na ito ng Inglatera, at ang panawagan sa altar ay magiging kahiya-hiya. Naku! Tulad ng sinabi ng isang kapatid, “Paano mo bang mailalagay ang isda sa bangka?” Tama.
Kailangang maipangaral ang Ebanghelyo sa kabuuan Nito, na kalakip ang kapangyarihan ng Diyos upang ibindika Ito ayon sa pangako para sa panahong iyon at patunayan na iyon ang akmang kalooban ng Diyos. Sa labas Nito ikaw ay isa lamang miyembro ng iglesia, kahit gaano ka pang magsikap, magsikap na makapaglingkod sa Diyos. Marahil ay dumalo ka sa isang pangkat ng mananahi, marahil ay napakatapat mo sa iglesia; datapuwat malibang ang mikrobyo ng Walang Hanggang Buhay ay itinalaga sa iyo, upang maging anak na lalaki o babae ng Diyos, lalaki kang isang bagay na wasak ang anyo; datapuwat hindi kailan man magiging totoo at tunay na anak na lalaki at anak na babae ng Diyos.
-----
Pansinin, makikita natin ang mga tao ngayon... Napakaraming mga tao ang hindi makapaniwala dito, maging mga taong puspus ng Espiritu. Bibigyan ko kayo ng isang makabibilaok sa inyo. Ang bautismo ng Espiritu Santo ay hindi nangangahulagan na kayo'y makapapasok, hinding-hindi, hindi riyan nakabatay, walang kinalaman iyan sa inyong kaluluwa. Iyan ay ang bautismo, nakikita n'yo ba? Narito ang nasa loob na kaluluwa, dito sa loob, iyon ay dapat na magmula sa Diyos. Datapuwat sa labas ay mayroon kayong limang pandama, at limang pasukan... Pasukan sa inyong... Upang makontak n'yo ang inyong makalupang tahanan. Sa loob ay mayroon kayong espritu, at dito ay mayroon kayong limang lagusan. Ang inyong konsesiya, at pagmamahal, limang lagusan sa espiritung iyon. Alalahanin ninyo, sa espiritung iyan ay maaari kayong mabautismuhan ng tunay na Espiritu ng Diyos at manatili pa ring ligaw. Ang kaluluwa ang nabubuhay, iyon ay itinalaga ng Diyos.Hindi ba sinabi ni Jesus, “Marami ang magsisilapit sa Akin sa araw na iyon, at magsasabi, 'Panginoon, hindi ba kami nagpalayas ng mga demonyo, gumawa ng dakila at makapangyarihang mga gawa, nanghula, at mga dakilang kaloog ng Diyos?” Ang sabi Niya, “Magsilayo kayo sa Akin, kayong mga mangagawa ng katampalasanan, hindi Ko kayo nakilala kailan man. Marami ang magsisilapit sa araw na iyon.”
Hinda ba't si Caifas ay nakapanghula rin? Siya ay isang demonyo. Natagpuan natin doon... at ang mga saserdoteng iyon, ang mga dakilang taong iyon, ang dapat sana'y mga dakilang tagapamuno sa mga araw na iyon, na may taglay na pagpapakumbaba at lahat na, datapuwat nabigo nilang Makita ang mismong Salita ng Diyos na naipahayag sa kanilang harapan.
Maaarin nating kunin ang ilan sa kanila na isinulat ko rito. Paano ang tungkol kay Balaam? Siya ay isang... Sasabihin mo, “Binabago ng Diyos ang Kaniyang isip.” Hindi Niya binabago ang Kaniyang isip! Nang si Balaam ay lumabas bilang isang propeta ay siya'y bumaba roon, isang Obispo, isang mangangaral, o anuman ang nais ninyong tawag sa kaniya, siya'y isang dakilang lalaki. Datapuwat nang konsultahin niya ang Diyos tungkol sa pagbaba niya roon upang sumpain ang Israel; hindi niya sila gusto sa simula pa lang, kaya't nagpaalam siya sa Diyios na tumungo roon. Ang sabi ng Diyos, “Huwag kang tutungo!”
At sila'y nagsugo ng mga dignitaryo ng mga... marahil ay mga obispo o mga presbiter, o kung anuman, nagsidating sila, ang sabi... mas mataas ang pinag-aralan nila, upang mahikayat nila siya. Siya'y bumalik at tinanong ang Diyos. Hindi mo na kailangang tanungin ang Diyos sa ikalawang pagkakataon! Kapag sinabi ng Diyos minsan, iyon na iyon! Hindi ninyo kailangan pang maghintay ng anumang bagay.
Hindi naghintay si Rebekang marinig ang ikalawang utos. Tinanong nila siya, ang sabi, “Sasama ka ba?”
“Hayaan nating siya ang magsabi.”
Ang sabi niya, “Sasama ako1” Siya'y mahigpit na kinasihan ng Diyos. Siya ay naging isa sa mga reyna ng Biblia dahil sa pagkilos niya bilang pagtugon sa pintig ng Espiritu ng Diyos na kumikilos sa kaniya upang matanggap kung ano ang di mapag-alinlanganang katotohanan, at sinampalatayanan niya ito.Ngayo'y makikita natin na si Balaam, siyempre pa, ay hindi makakita. Lumabas siya at tinignan ang mga tao, at nagsabi, “Ngayon, sandali lang! kami'y isang dakila't malaking bayan na narito sa itaas, kayo nama'y isang liping nagpangalat.” Nakita n'yo? “At tayong lahat— tayong lath ay nananampalataya sa iisang Diyos.” 110 Totoo iyon. Lahat sila'y sumasampalataya iisang Diyos, at l ahat sila'y sumasamba kay Jehova. Tignan n'yo ang hain ni Balaam, pitong altar, sakdal sa bilang ng Diyos; ang pitong iglesia, kita; pitong tupang lalaki, na nangungusap tungkol sa pagdating ng Panginoon. Kung pagiging pundamental ang pag-uusapan, siya ay kasing pundamental ni Moises; ngunit makikita n'yo na wala siyang maka-Diyos bindikasyon. Naroon, kapuwa sila mga propeta.
Datapuwat sa ilalim ng ministeryo ni Moises ay mayroong isang supernatural na Haliging Apoy, isang Liwanag na nakabitin sa kampamento. May pagpapagaling ang Diyos, may isang sigaw ng Hari sa kampamento, mga dakilang tanda, pagpapagaling ng Diyos, at mga kababalaghan, at mga bagay na naipamalas sa kanilang kalagitnaan. Ito'y tanda ng isang buhay na Diyos na nasa kalagitnaan ng Kaniyang bayan. Kung sa pagiging pundamental, sila ay kapuwa tama. At sinisikap ni Balaam na himukin ang mga tao, at ginayuma niya sila tung sa bagay na iyon. Kialan? Bago nila marating Luapang Pangako. Isa o dalawang araw na lang ay makararating na sila sa Lupang Pangako.
Basahin ang account sa...
Mga makabagong kaganapang pinaglinaw ng propesiya.
God, who at sundry times and in divers manners spake in time past unto the fathers by the prophets,
Hath in these last days spoken unto us by his Son, whom he hath appointed heir of all things, by whom also he made the worlds;
Hebrews 1:1-2