Ikalawang pagpapapako kay Jesus Cristo sa krus.
<< nakaraang
susunod >>
Ang Pagsasakdal.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang Pagsasakdal.At ngayon, sa araw na ito, nais kong bumasa ng isang Kasulatan, sa boob lamang ng isang sandali, mula sa banal at sagradong Salita ng Diyos, na masusumpungan sa Aklat ng San Lucas. Sa ika-23 kabanata ng San Lucas, upang pagbatayan, pagkuhanan ng isang- isang plataporma ng kung anong- nais kong- kong sabihin, isang panimulang kaisipan ng nais kong ipangusap. At kayo ay nagbubukas na ngayon sa San Lucas, ika23 kabanata, at nais kong bumasa ng isang talata. Iyan lang ang kailangan kong pagbatayan sa umagang ito, upang aking pagsaligan. Ngayon babasahin natin ang ika-23 kabanata, ang ika-23 talata ng ika-23 kabanata.
At nang sila'y dumating sa dakong kung tawagin ay Kalbaryo, ay kanila siyang pinako roon sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan, at isa sa kaliwa.
Ngayon nais kong kumuha ng apat na salita mula riyan, mula sa pagbasang iyan, upang pagbatayan ng nais kong ipangusap, “doon kanilang ipinako Siya,” apat na Salita. At ngayon ang aking paksa ay pinamagatang... Ako- ako'y maghahatid ng isang pagsasakdal sa mga makadenominasyong iglesia sa araw na ito, at gayon din sa maraming mga independiyente, dahil sa muling pagpapako kay Jesus Cristo sa araw na ito. 1pinagsasakdal ko sila! Sa umagang ito, ang pamagat nito ay: Ang Pagsasakdal.
At nais kong gamitin ito na parang ito ay isang silid ng hukuman, kung saan ay may... At sa bagay, ang pulpito at ang simbahan ay isang hukuman. Ang sabi ng Biblia, “Ito'y isang lukiukan ng paghuhukom, na- na kailangan itong magsimula sa bahay ng Panginoon.” At tulad ito sa sa trono at sa- at sa husgado, at sa mga saksi, at iba pa. At ang Salita ng Diyos ang aking saksi sa araw na ito. At ang pagsasakdal ko ay laban sa mga iglesia ng araw na ito. Hindi ko ibinibilang ang makasalanan dito. Ang tinutukoy ko rito ay ang iglesia. At ito'y- ito'y maitatala na- sa- sa teyp ngayon, at si- sisikapin kong matapos kaagad sa abot ng aking makakaya.
Ipinagsasakdal ko ang salinglahing ito dahil sa ikalawang pagpapapako kay Jesus Cristo sa krus.
At ngayon para gawin ito sa panahong ito na kinabubuhayan natin, aking- gagawin ko ito, kailangan kong magpakita ng ebidensiya. Kung kailangan kong magharap ng pagsasakdal, kailangan mong magpakita ng ebidensiya ng kriminal na pagkakasala na naisagawa. Ako'y- kailangan kong ipagsakdal sila, ako'y- kailangan kong dalhin ang- ang ebidensiya upang patunayan ito, na gayon nga iyon, na ang sinasabi ko ay makatitindig sa harapan ng pangulong Hukom. Na siyang... at kinukuha ko ang lugar ng abogado sa... sa pagsasakdal na ito. Na, saksi ko ang Salita ng Diyos, ipinagsasakdal ko ang salinglahing ito sa salang pagpapapako sa krus.
Kailangan kong ipakita, at ipakikita ko, na ang siya ring espiritung iyon ang nasa mga tao ngayon na siyang naging sanhi ng unang pagkapako, at ganoon pa rin ang ginagawa nito. Ako'y- kailangan kong gawin iyon, kung ito'y magiging isang pagpapapako sa krus, na sila ang nagsagawa. Kailangan kong ipakita sa mga- mga tao na ang inaasal ng mga tao ngayon ay tulad din ng dati ang ginagawa sa diwa, na noo'y ginawa nila sa pisikal. Ipinako nila, nang pisikal, si Jesus Cristo, ang Anak ng Diyos.
At ngayon, sa araw na ito, sa pamamagitan ng Salita ding iyon, at sa pamamagitan ng-ng Banal na Espiritu ring iyon at ng Salita ring iyon, na- nais kong ;pakita sa mga iglesia na doon- doon sa kinatatayuan nila, na gayon din ang ginagawa nila sa araw na ito, at sinabi ng Bibliang gagawin nila ito, at pinatutunayang ito ang araw na kinabubuhayan natin. Hindi ito maaaring isagawa noong mga nakalipas na ilang taon. Sasabihin kong, noong nakaraang limampung taon hindi ito maaaring mangyari, subalit sa araw na ito ay talagang napapanahon ito. At ito ay hindi maaaring isagawa, marahil, sa nakalipas na sampung taon, ngunit ito ay maaari nang isagawa ngayon dahil ang- ang oral ay paubos na. Tayo ay- tayo ay nasa huling panahon na. At naniniwala ako, bilang lingkod Niya, na tayo ay- tayo ay napipinto nang tumawid mula sa lupaing ito, patungo sa Isa pa.
Samakatuwid, ang panahon para magsisi, para sa isang bansa, ay wala na. Ang paniniwala ko'y hindi na makapagsisisi ang bansang ito. Ang paniwala ko'y natawid na nito ang guhit sa pagitan ng awa at kahatulan. Ang paniwala ko'y nakabingit na ito sa pagkahulog.
“Kapatid na Branham, bago mo simulan ang kaso mo, paano mo patutunayan iyan?” Ito lang, na tayo'y nagkasala ng katulad na mga pagkakasala na dahilan ng pagwasak ng Diyos sa mundo, noong bago bumaha. Tayo'y nagkasala nang katulad sa nagawa nila na naging dahilan at winasak Niya ang mundo sa Sodoma at Gomorra. Narito na sa atin ang lahat ng espirituwal na ebidensiyang iyon sa ating harapan, lahat ng gayon ding espirituwal na ebidensiya, na alam sa buong mundo, na nagpababa sa habag ng Diyos sa mga salinglahing iyon. Iyon din naman, iyon din, ang pagtanggi ay nagdala ng paghuhukom. Kaya kung tinanggihan ng konsehong ito ang gayon ding habag na tinanggihan sa mga araw na iyon, magiging hindi matuwid ang Diyos kung sila'y palalampasin Niya ng walang paghatol.
Ngayon, alam natin na sa espirituwal ay gayon din ang ginagawa nila sa araw na ito, sapagkat ginagawa rin nila ito, sa gayon ding layunin, at sa paraang ginawa nila sa pisikal na pagpapapako sa Panginoon. Ginagawa nila ito dahil sa inggit, gawa ng espirituwal na pagkabulag. Ayaw nilang makita iyon. Hindi nila gustong pakinggan Iyon. Si Jesus, sa Kaniyang paglalakbay dito sa lupa, ay nagsabi, “Mahusay ang pagkakapangusap ni Isaias tungkol sa inyo. 'May mga mata kayong hindi makakita, at mga taingang hindi makarinig.”
Iyon din ang dahilan, iyon din. Iisang layunin at iisang kadahilanan, muli nilang ipinapapako si Cristo, minsan pa, panibago, (katulad ng tatalakayin natin maya-maya), sa dati ring kadahilanan na ginawa nila ito noon. Wala silang makita anumang laban Dito. Hindi sila makapangahas na hamunin ito. At alam nilang naririyan ang ebidensiya. At alam nilang sinasabi ito ng Biblia. Ang tanging magagawa nila ay pusungin Ito. Ganiyang-ganiyan nga. Kaya nga, at ang lahat ng ito, sa gayon ding mga kadahilanan.
At ngayon, batay dito, hinahamon ko ang salinglahing ito tungkol sa pagpapapako kay Jesus Cristo; dahil sa isang pagpapapako sa krus, at ito'y nagkasala; sa pamamagitan ng marumi, tampalasan, makasariling kamay ng denominasyon ay ipinapapako ang Prinsipe ng Buhay na nagnasang iprisinta ang Kaniyang Sarili sa mga tao. Sasabihin mo, “Iisa bang Persona iyon?” “Nang pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay Diyos. At nagkatawang tao ang Salita, at ipinamalas ang Sarili.” Ang Salita ay nahayag sa laman, at hinatulan nila ang laman at Ito'y pinaslang, dahil naipamalas ang Salita. Ang sabi sa Hebreo 13:8, “Si Jesus Cristo ay siya ring kahapon, ngayon, at magpakailan man.” Ito'y ang Salita ring Iyon. Kita n'yo? At, sa gayon ding dahilan, ay sinisikap nilang ipako ang Salita.
Ngayon, sa aking teksto, pabalik sa paksang nais kong kunin doon, ang apat na salita. Ipaliwanag natin, “doon.” “Doon,” ang pinakabanal na lungsod sa mundo, ang Jerusalem. “Doon,” ang pinakarelihiyosong lungsod sa mundo. Doon, “kanilang,” ang pinakarelihiyosong mga tao sa mundo, sa isang relihiyosong kapistahan, ang pista ng Paskua. “Doon,” ang pinakarelihiyosong dako, ang pinakarelihiyosong lungsod, ang- ang pinakadakila sa lahat ng organisasyon, ang ulo ng lahat ng ito. Doon, “kanilang,” ang pinakarelihiyosong mga tao sa buong mundo, kung saa'y nagkatipon sila mula sa buong mundo. Kanilang “ipinako,” ang pinakakahiya-hiyarig kamatayang maaaring mangyari, ang patayin ang isang tao sa gayong paraan; nakahubad, hinubaran Siya. “Winalang bahala Niya- Niya ang kahihiyan.” Kanilang... Sa krusipiho ay- ay- ay may balabal Siya; subalit Siya'y hinubaran nila. Ang pinaka-kahiya-hiya!
“Doon,” ang pinakadakilang relihiyosong lungsod, “kanilang,” ang pinakarelihiyosong mga tao, “ipinako,” ang pinakanakahiya-hiyang kamatayan, “Siya,” ang pinakamahal na Persona. Kundi pa naman sapat iyan upang hatulan ang salinglahing ito!
“Doon,” ang pinakarelihiyosong organisasyon, ang pinakamalaki sa lahat ng mga iglesia na tinipon sa isang lugar. “Kanilang,” ang pinakarelihiyosong mga tao sa lahat ng lahi, ang mga taong dapat lang na magsisamba sa Diyos. Nagtipon sila sa pinakadakilang banal na kapistahang idinadaos nila, ang paglilinis ng... ang Paskua, kung kailan mula sa pagkagapos ay pinalaya sila. At “doon” sa panahong iyon, “kanilang” sa panahong iyon, ang pinakarelihiyosong mga tao, at ang pinakarelihiyosong kapistahan, sa pinakarelihiyosong dako, ginawa nila sa Prinsipe ng buhay ang pinakanakahihiyang bagay na maaaring gawin, ang hubaran ang isang Tao at ibitin Siya sa puno. Sapagkat, “Sumpain siya,” ang sabi ng batas no pinagbabatayan nila ng kanilang pagsamba, “sumpain ang taong mabibitay sa punong kahoy.” “At naging sumpa Siya alang-alang sa atin.” Hinubaran Siya, binugbog Siya, at inalipusta Siya, ang mismong Diyos ng Langit; Hinubaran Siya, at ipinako Siya sa krus. Siya! “Doon ay kanilang ipinako Siya,” sa bisa ng pinakamabigat na kaparusahan ng Roma.
Ang pinakanakahihiyang kamatayan ngayon ay hindi ang mabaril. Ang pinakanakahihiyang kamatayan ngayon ay hindi ang masagasaan ng kotse at mamatay, ang malunod sa tubig, o ang masunog. Kundi ang pinakanakahihiyanag kamatayan ngayon ay ang pampublikong pinakamabigat na kaparusahan, kung saa'y hinahatulan ka ng buong mundo at sinasabing ika'y nagkasala.
At pinaratangan ng buong mundo ang Taong ito at sinabing Siya'y nagkasala, samantalang Siya'y inosente. At namatay Siya sa ilalim ng pagpapako ng Kaniyang kaaway, (hindi ng Kaniyang mga kaibigan, hindi ng Kaniyang batas), kundi sa bisa ng krusipiksiyon ng kaaway. Ang Prinsipe ng Buhay, ang pinakamahal na Persona na nabuhay kailan man, o maaring mabuhay, si Jesus Cristo. “Siya,” ang pinakamahal na Persona! Pakatandaan n'yo iyan ngayon habang itinatayo natin ang plataporma sa araw na ito.
-----
Ngayon ang apat na salitang iyon, kanilang, “Doon ay kanilang ipinako Siya.” Ngayon, ipinapakita n'yo pa rin ang Biblia, kita n'yo. Ito'y apat na salita lamang, subalit pinaiikli ng Biblia ang nilalaman nitong mga Katotohanan. Ngayon, ako, kailangang kong magpaliguy-ligoy pa, magpaliwanag ng aking sinasabi, subalit ang Biblia ay hindi nagpapaliwanag ng anuman. Basta't Ito'y katotohanang lahat, kaya ang- ang- ang Biblia ay hindi nangangailangang magpaliwanag ng anuman. Hi- hindi Nito kailangang ipaliwanag ang anuman, sapagkat ang kabuuan nito ay Katotohanan.Narito ang apat na salita ng dakilang tanikala ng Katotohanan Nito. Sisikapin kong ipaliwanag ito, at ang subukang ipaliwanag Ito nang malinaw, ay bubuo ng isang aklatan. Walang paraan upang maipaliwanag ko ang apat na salitang iyan. Ngunit ngayon, sa tulong Niyaong nagpasulat Nito, susubukan nating ipaliwanag ang apat na salitang ito, upang maihatid ito sa paraang mauunawaan ng mga tao. Ang nasa harapan natin ngayon, nakalatag sa ating harapan ang unang pagkakapako; sa pinakabanal na dako, ang pinakarelihiyosong mga tao, ang pinakanakahihiyang kamatayan, ng pinakamahal na Persona. 0, napakalaking salungatan nito. Naku, ay naku, kahiya-hiya ito!
-----
Pansinin, “kanilang,” ang mga nagsisisamba, ang taong naghintay sa pangako, ang taong naghintay dito, sa boob ng maraming taon at panahon, at walang ginawa kundi ang magbabad sa seminaryong iyon. Ngunit hinimay nila ang Salita ayon sa turo ng seminaryo, at hindi nila nakita ang pinaKatotohanan Nito. “Kan ilang,” ang mga pari, ang lingkuran ng araw na iyon! “Doon,” sa kanilang punong-himpilan, “kanilang,” ang lingkuran ng araw na iyon, ang pumaslang sa Mismong Diyos, sa Mismong Kordero. Yaong sinasabi nilang sinasamba nila, siyang kanilang pinaslang.At, sa araw na ito, ipinagsasakdal ko ang lupon ng mga ordinadong ministrong ito; sa kanilang mga kredo at mga denominasyon, pinapako nila, sa mga tao, mismong ang Diyos na sinasabi nilang kanilang minamahal at pinaglilingkuran. Ipinagsasakdal ko ang mga ministrong ito, sa Pangalan ng Panginoong Jesus, batay sa kanilang doktrina, na nagsasabing “lipas na ang panahon ng mga himala,” at ang “bautismo sa tubig sa Pangalan ni Jesus Cristo ay hindi sapat at hindi tama.” Sa alinmang mga Salitang ito, na pinalitan nila ng mga kredo, ipinagsasakdal ko sila, bilang nagkasala, at ang Dugo ni Jesus ay nasa mga kamay nila, dahil sa pagpapapako sa Panginoong Jesus, sa ikalawang pagkakataon. 1pinapako nila si Cristo, sa publiko, ipinagkakait sa kanila ang bagay na dapat sana'y ibinibigay nila sa kanila. At pinalitan nila Ito ng ibang bagay; ng kredo ng iglesia, para sa popularidad.
-----
At hinahatulan ko ang lupong ito, at ipinagsasakdal ko sila, na sila'y nagkasala sa harapan ng Diyos, sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, dahil sa paggawa ng bagay ding iyon. Ang henerasyong ito ay isinasakdal. Alalahanin ang Hebreo 13:8, “Siya'y kahapon, ngayon, at magpakai lanman.”Paano nila Siya ipinagsakdal? Sapagkat hindi Siya matanggap ng kanilang mga kredo, ngunit sa kaibuturan ng puso nila ay iba ang kanilang nalalaman. Hindi ba't si Nicodemo, sa ikat-3 kabanata ng San Juan, ay buong sakdal na naghayag nito? “Guro, kaming mga Fariseo,” ang mga mangangaral, ang mga guro, “nalalaman naming Ika'y isang gurong mula sa Diyos, sapagkat walang taong makagagawa ng mga bagay na Iyong ginagawa malibang ang Diyos ay sumasakaniya.” Kita n'yo? Lantarang sinasaksihan ito ng isa sa kanilang bantog na kalalakihan, at mga katiwa... dahil sa kanilang mga kredo, ipinako nila si Cristo.
At ngayon walang sinumang mambabasa na hindi makababasa ng Mga Gawa 2:38 nang katulad ng pagbasa ko Rito, at ng iba pa Nito, nang katulad din naman ng pagkabasa ko Rito. Ngunit dahil sa kanilang mga kredo, at dahil sa mga tiket ng kanilang denominasyon na nasa kanilang mga bulsa, ang tatak ng halimaw na lagi nilang dala-dala bilang tarheta ng pakikisama; at, at sa pagtanggap ng mga bagay na iyon, ipinapako nilang muli sa kanilang Sarili si Jesus Cristo, at ipinapako Siya sa harap ng madla, at pinupusong nila ang mismong Diyos na nagakong gaganap Nito, naghahatid ng sumpa sa lahing ito.
Basahin ang account sa... Ang Pagsasakdal.