Ang diyos ng masamang kapanuhang ito.
<< nakaraang
susunod >>
Tumatawag sa isang Nobya para kay Cristo.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang diyos ng masamang kapanuhang ito.Ngayon, ang teksto ko sa umagang ito ay Ang Diyos ng Masamang Kapanahunang ito. Gaya ng nabasa natin sa Kasulatan, ang diyos ng sanlibutang ito, ng masamang kapanahunang ito... Ngayon, ipinakikita ng mensaheng ito ang mga kasamaan ng kapanahunang ito. At sa paniwala ko, ang bawat-- na may tugon ang Biblia para sa bawat kapanahunan na nakasulat sa Biblia para sa mananampalataya ng panahong iyon. Naniniwala ako na lahat ng bagay na kailangan natin, ay nakasulat na rito, ang kailangan lang ay ang pagpapaliwanag ng Espiritu Santo. Hindi ako naniniwala na may taong nabubuhay sa ibabaw ng lupa na may karapatang magbigay ng sarili niyang pagpapaliwanag sa Salita. Hindi nangangailangan ang Diyos ng taong magpapaliwanag ng Kaniyang Salita. Siya ang tagapagpaliwanag ng Sarili Niya. Sinabi Niyang gagawin Niya iyon, at ginagawa nga Niya.
Gaya ng maraming ulit ko nang nasabi, ang sabi Niya, “Isang birhen ang maglilihi.” Sinalita Niya iyon sa pamamagitan ng bibig ng isang propeta. At naglihi nga siya. Hindi na kailangang ipaliwanag pa iyon ninuman. Nang pasimula ay sinabi Niya, “Magkaroon nawa ng liwanag!” at nagkaroon nga. Hindi na kailangang ipaliwanag pa iyon ninuman. Sinabi Niyang sa huling mga araw ay ibubuhos Niya ang Kaniyang Espiritu sa lhat ng laman, at ginawa nga Niya. hindi na kailangang ipaliwanag pa.sinabi Niya na sa mga huling araw ang mga pangyayaring nakikita nating nagaganap ngayon ay magaganap. Hindi na kailangan nito ng anumang pagpapaliwanag. Naipaliwanag na ito. Kita n'yo?
Ngayon, pansinin ninyong maigi ngayon habang pinag-aaralan natin ang Salita, ang diyos ng masamang kapanahunang kinabibilangan natin ngayon. Tila kakatwa, napakakatwang bagay sa kapanahunang ito ng biyaya, kung kailan kumukuha ang Diyos ng isang bayang tatawagin sa Kaniyang Pangalan, iayon ay, ang Kaniyang Nobya, sa masamang kapanahunang ito na dapat ay tawaging kapanahunan ng kasamaan. Ang kapanahunan kung saan ay tumatawag ang Diyos ng bayan para sa Kaniyang Pangalan-- sa pamamagitan ng biyaya-- pinalabas at pagkatapos ay tinawag itong masamang kapanahunan. Ngayon, patutunayan natin sa Biblia na ito ang kapanahunang tinutukoy Niya.
Napakakatwang isipin niyan, na sa isang masamang kapanahunang gaya nito ay ditto pa tatawagin ng Diyos ang Kaniyang Nobya. Napansin ba ninyo, ang sabi Niya ay isang bayan, hindi isang iglesia. Bakit? Gayunman ay tinatawag itong ang Iglesia, ngunit ang tatawagin Niya ay isang bayan. Ngayon, ang iglesia ay ang pagsasama-sama ng iba't-ibang uri ng mga tao. Datapuwat tumatawag ang Diyos ng isa rito. Hindi Niya sinabing, “Tatawagin ko ang Metodista, ang Baptist, ang Pentecostal”; ang sabi Niya ay tatawag Siya ng isang bayan tungo saan? Sa Kaniyang Pangalan. Kita n'yo? Isang bayan. Isa sa Metodista, isa sa Baptist, isa sa Luheran, at isa sa Catolico. Kita n'yo? Datapuwat tumatawag Siya hindi ng isang grupo ng iglesia, kundi ng isang bayan sa Kaniyang Pangalan, tumatanggap sa Kaniyang Pangalan, nakipagtipan sa Kaniyang Pangalan, patungo sa isang kasalan upang magpakasal sa Kaniya, upang maging bahagi Niya (kita n'yo?), sa pamamagitan ng predestinasyon. Gaya ng pagpili ng isang lalaki ng babaeng dapat niyang mapangasawa sa buhay, siya'y nakatalagang maging bahagi ng kaniyang katawan. Kaya nga, ang Nobya ni Cristo ay magiging gaya at ngayon pa man mula pa noon ay itinalaga na g Diyos na maging bahagi ng Kaniyang Katawan. Kita n'yo? Oh, napakayaman ng mga Kasulatan, punung-puno ng pulot.
Pansinin ninyo, hindi kung ano ang sinabi ninuman, kung sino ang tinawag ng kung sino, kundi kung ano ang pinili ng Diyos bago pa itatag ang sanlibutan, at tinatawag Niya ang mga taong ito sa huling mga araw. Hindi isang organisasyon, kundi isangbayang tatawaging sa Kaniyang Pangalan. At dito Niya sa masamang kapanahunang ito ginagawa ito, ang kapanahunang ito ng pandaraya.
Noong nakaraang lingo, sa Mateo 24, iyon ang pinakamadadayang kapanahunan sa lahat ng mga kapanahunan. Lahat ng mga kapanahunan ng pandaraya mula pa sa hardin ng Eden pababa, wala nang iba pang kapanahunang ito. Magsisilitaw ang mga bulaang propeta at magpapakita ng mga tanda at kababalaghan, kung maaari lang ay dadayain pati na ang Hinirang. Kta n'yo? Ngayon, ang mga malalamig, pormal, maalmirol na mga iglesia, at iba pa, na nananangan sa teolohiyang gawa ng tao, hindi iyan-- hindi iyan papansin ng Hinirang. Ngunit naririto iyon sa itaas, hawig na hawig sa totoo. Laktawan lang ninyo ang isang Salita, iyan lang ang kailangan mong gawin. Ipinangako ito sa kapanahunang ito, isang dakilang panahon... Mga Cristiano sa lahat ng dako, pakinggan ninyo, at makinig kayong mabuti.
Bakit kailangang tumawag ang Diyos ng isang bayan palabas ng masamang kapanahunang ito para sa Kaniyang Pangalan? Ang dahilan ay upang subukin Siya, ang Kaniyang Nobya. Ito'y upang... Kapag naipamalas na Siya, nasubok at napatunayan, napatunayan kay Satanas...Kung ano ang naganap sa pasimula ay siya ring magaganap sa wakas.
Tulad sa isang binhi na nagpapasimula sa ilalim ng lupa, tumutubo iyon sa pamamagitan ng mga tagapagdala, ng buhay nito. Ngunit ang kahahantungan nito ay siya ring binhi na naibaon sa lupa. At kung paanong ang binhi ng pandaraya ay nahulog sa lupa doon sa Eden, ganito rin itong magwawakas sa huling mga araw. Katulad ng naganap sa ebanghelyo nang ito'y mahulog sa isang denominasyon sa Nicaea, Roma, hahantong ito sa pagiging isang super organization. Gaya nang ang Binhi ng Iglesia ay nahulog noon taglay ang mga tanda, mga kababalaghan, at kapiling nila ang buhay na Cristo, hahantong ito sa mga huling araw sa ilalim ng lingkuran ng Malakias 4 at isasauli nitong muli ang orhinal na pananampalataya na minsang ipinagkaloob.
Makikita natin ngayon na ang masamang kapanahunang ito ang magpapatunay kay Satanas na hindi Siya katulad ni Eva, ni Hindi Siya ganoong uri ng babae. At susubukin Siya sa pamamagitan ng Kaniyang Salita, ang Nobya, gaya rin naman na ang Nobya ni Adan ay sinubok ng Kaniyang Salita. At pinaniniwalaan ng Nobya ni Adan ang bawat Salita subalit nalito siya sa isang pangako (na Siya'y katulad pa rin kahapon, ngayon, at magpakailan man sa araw na ito. Kita n'yo?)-- subalit nabigo siya sa isang pangako, sa ilalim ng panunukso ng kaaway, nang mukhaan. At ngayon, ang bayang tinawag para sa Kaniyang Pangalan, ay wala nang iba kundi ang Kaniyang Nobya. Kailangan na naman siyang iharap sa gayon ding bagay, hindi sa isang makadenominasyong katotohanan o kung anong bagay, kundi sa bawat Salita.
Sapagkat sa pasimula ng Biblia ipinagkaloob sa tao ang Salita ng Diyos upang ditto siya mabuhay. Isang Salita ang inilihis ng isang-- isang lalaki na ang tawag ay Satanas sa katauhan ng isang hayop na kung tawagin ay serpente... Si Satanas, sa katauhang ito ay nakikipag-usap kay Eva, at inilihis niya ang pagpapaliwanag ng Salita sa kaniya, at napahamak siya. Kita n'yo? Dapat ay bawat Salita.
Sa kalagitnaan ng Biblia ay dumating si Jesus at nagsabi, “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat Salita,” nang tuksuhin Siya ni Satanas. Ngayon, sinasabi sa atin ng Diyos dito sa mga huling araw na lilitaw ang diyos ng sanlibutan ito sa mga huling araw, at sinumang magdaragdag ng isang salita Dito, o magbabawas ng isang salita Rito, ay aalisin ang bahagi niya sa Aklat ng Buhay. Mahabag nawa ang Diyos sa atin. At huwag tayong lumalakad na animo tayo'y mga matitigas na kamiseta, nakaliyad ang dibdib, nakataas ang noo, alam lahat ng bagay, sapagkat tayo rin naman noon ay nasumpungan sa pagsuway. Lumapit tayong taglay ang biyaya, at habag, at damdamin sa Diyos, at buong nagpapakumbaba, sa luklukan ng awa.
Nakapagatataka, na pagkalipas ng mga labing-siya na taong pangangaral ng Ebanghelyo, at ngayon siya, ang tinutukoy ko ay ang sistema ng sanlibutan, ay higit na masama kaysa noong-- naririto Siya. Higit na masama ang sistema ng sanlibutan. Ang sanlibutan ay patungo na sa isang dakilang wakas. Alam n'yo iyan. Tinutupad ng Diyos ang Salita Niya sa lahat ng dako.
Pahayag 18:4-5,
4 At narinig ko ang ibang tinig mula sa langit, na nagsasabi,Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot.
5 Sapagkat ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.----
Anong pagbibigay babala. Ibinabalik nito ang iglesia sa Apocalipsis 3:14, sa kapanahunang Laodicea, kawalan ng pagkilala sa batas, totoong napakarelihiyoso subalit di-kumikilala sa batas. “Ikaw, dahil sinasabi mong ikaw ay mayaman, wala nang kinakailangan, hindi mo nalalamang ikaw ay hubad, kahabaghabag, bulag, at hindi mo nalalaman!” Akmang-akma sa Kasulatan ng kapanahunang ito, hindi sa Kasulatan ng kapanahunan ni Daniel, hindi para doon sa mga nasa pangalan ni-- sa kapanahunan ni Noe, kundi sa huling masamang kapanahunang ito.Pansinin ninyo rito. Ikaw ay hubad! Hayaan ninyong bumabad iyan nang husto. Alam kong marami ang maaaring sumalungat sa kaisipang ito, ngunit humahantong na tayo sap unto na ang isang Cristiano ay hindi na halos makalabas ng bahy nang hindi nadadala ang presensiya ng masamang kapanahunang ito dahil sa mga babaeng hindi sapat ang pananamit.
Mga babae, sasabihin ko ito, at nais kong makinig ,kayo. At kayong mga lalaki't babae, maaaring hindi kayo sumang-ayon dito, ngunit nadarama kong pinangungunahan akong sabihin ito. Alam ba ninyong ang isang babaeng nagdadamit nang ganoon ay wala sa tamang katinuan? Alam ba ninyo na, sa maniwala siya o hindi, o sa maisip man niya o hindi, na isa siyang patotot? Bagama't magawa ng babaeng ion na itaas ang kamay niya sa Diyos at manumpung hindi siya nahipo kailan man ng ibang lalaki maliban sa kaniyang asawa, at maaaring iyon ay tapat na katotohanan, ngunit gayon man, ay isa pa rin siyang patotot. Ang sabi ni Jesus, “Ang sino mang tumingin sa isang babae na may pagnanasa sa kaniyang puso ay nagkasala na ng pakikiapid sa kaniya.” At maaaring ang babae...
Kita n'yo, hubad siya, ayon sa Biblia, at hindi niya iyon nalalaman. Ang Espiritung pumahid sa kaniya upang gawin ang mga bagay na iyon ay masama, patotot na espiritu. Ang panlabas niyang katauhan, ang pisikal niyang katawan, ang laman niya, ay maaaring malinis nga. Maaaring hindi talaga siya nagkasala ng pakikiapid at magagawa niyang manumpa sa harap ng Diyos-- at maaaring totoo nga iyon-- na talagang hindi niya iyon ginawa kailan man, datapuwat ang espiritu niya ay isang espiritung patotot. Nabulag na siya nang husto ng diyos ng daigdig ng moda; nagbihis siya ng kaakit-akit at lumabas siya roon.
----
Ang panlabas na katauhan ay isang pisikal na nilalang na pinakikilos ng anim na pandama, o limang pandama pala. Ang panloob na katauhan ay isang taong-espiritu na pinakikilos ng limang pandama: ang kunsensiya, at pagmamahal, at iba pa. Ang panlabas na tao: paningin, panlasa, pakiramdam, pangamoy, pandinig. Datapuwat ang nasa loob ng espiritung iyan ay ang kaluluwa, at pinakikilos iyon ng isang bagay: ang iyong malayang kalooban. Maaari mong tanggapin kung ano ang sinasabi ng diablo o kaya nama'y tanggapin kung ano ang sinasabi ng Diyos. At iyan ang magpapakita kung anong espiritu ang naririyan sa loob. Kung iyan ay Espiritu ng Diyos, manginginain iyan sa mga bagay patungkol sa Diyos, at hindi iyan manginginain ng anumang bagay sa anlibutan. Ang sbi ni Jesus, “Kung iniibig mo ang sanlibutan o ang mga bagay ng sanlibutan, iyon ay dahil hindi pa nakakapasok ang pag-ibig ng Diyos sa panloob na bahaging ito.” Nadaya ka ni Satanas. “At ang tao ay hindi lamang sa tinapay nabubuhay kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.”Pansinin. Ngayon, makikita na siya ay hubad, malaswa, at nakahubad. At ang sanlibutan ay nasa pinakamasamang kapanahunang... hindi nagawa ng kababaihan ang umasta ng ganito sa alinmang kapanahunan, hindi pa kailan man, kundi hindi noong bago was akin ang sanlibutan sa pamamagitan ng baha. At tinukoy iyon ni Jesus. Dadako tayo riyan maya-maya.
Nawalan nab a ang Diyos ng kapamahalaan, o pinahihintulutan lang Niya ang ibang ahensiya upang mamahala? Nagtataka ako. Ang tunay na sagot sa tanong na ito ay... Sa aking opinion, may dalawang magkasalungat na espiritu na kumikilos sa sanlibutan sa araw na ito. Ngayon, hindi maaaring humigit ito sa dalawa, dalawang ulo. At ang isa sa kanila ay ang Espiritu Santo na kumikilos; ang isa naman ay ang espiritu ang diablo, at ito'y sa mga huling araw na ito, sa pandaraya. Ngayon, ay ibabatay ko rito ang mga kaisipan ko para sa kabuuan ng teksto, ang kabuuan ng-- ng ating mensahe.
Ang dalawang espiritu, ang isa sa kanila ay ang Espiritu Santo ng Diyos, ang isa naman ay ang espiritu ng diablo na kumukilos sa pandaraya. Ang mga tao sa lupa ay namimili na ngayon. Naririto ang Espiritu Santo tumatawag sa isang Nobya para kay Cristoo. Ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pagbibindika sa Kaniyang ipinangakong Salita sa Kaniya para sa kapanahunang ito, ipinakikitang ito'y si Cristo. Kung dapat kumilos ang daliri sa kapanahunang ito, kikilos ang paa. Kung ang mata ay nakatakdang makakita sa kapanahunang ito, makakakita ang mata. Kita n'yo?
Ang Espiritu ng Diyos, habang Ito'y lumalaki sa kabuuan ng sukat ng Diyos ay... Ang kapanahunang kinabibilangan natin ngayon, ang Espiritu Santo ay naririto, binibindika ang Mensahe ng oras na ito. At ginagawa ito ng Espiritu Santo upang ang mga taong sumasampalataya sa Diyos ay matawag palabas sa kapanahunang ito. Ang masamang espiritu ng diablo ay naririto at tumatawag sa kaniyang iglesia sa pamamagitan ng kamalian, gaya pa rin ng dati, sa pamamagitan ng pagbaluktot sa Salita ng Diyos gaya ng ginawa niya sa pasimula. Nakikita ba ninyo na nagbabalik itong muli sa panahon ng binhi? Mula sa Eden, ay naririto na naman itong muli.
Basahin ang account sa...
Ang diyos ng masamang kapanuhang ito.