Ikatlong Exodo.
<< nakaraang
susunod >>
Espirituwal na Exodo.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ikatlong Exodo.Ngayon, anupa't marami nang naganap na exodo sa kanila, ngunit ang ipinangungusap ko ay ang pagkakataong ang Diyos ay tumawag ng isang exodo, isa itong paghiwalay sa kinalalagyan nila sa kasalukuyang panahon. Dito ay handa nang tuparin ng Diyos ang Makalangit Niyang Sal itang pangako na ipinangako Niya kay Abraham, at kay Isaac, at kay Jacob. Maraming taon, daan-daang taon ang lumipas, gayon man, hindi kinalilimutan ng Diyos ang Kaniyang pangako. Sa tamang kapanahunan, sa takdang panahon, laging pinatutunayan ng Diyos ang Kaniyang pangako. Kaya nga makaaasa kayo na anumang ipinangako ng Diyos sa Bibliang ito, ay tutuparin Niya. Hindi na kailangang mag-isip ng anumang iba pa at sabihing, “Buweno, ang propeta ay- marahi I ay mali siya, o hindi maaaring mangyari ang bagay na iyan sa araw na ito.”
Halos ay parang imposibleng mangyari iyon noon, mas imposible pa nga kaysa ngayon, ngunit ginawa pa rin iyon ng Diyos; sapagkat ipinangako Niyang gagawin Niya iyon. At tingnan n'yo kung gaano Niya kapayak iyong isinasagawa. “Nanaog Ako, narinig ko ang inyong hinaing; naalala Ko ang Aking pangako, at nanaog Ako upang tuparin Ko iyon, at isinusugo kita Gawin mo; Ako ay sasaiyo; tiyak ngang sasamahan Kita. Ang Aking hindi nabibigong Presensiya ay laging sasaiyo saan ka man magtungo. Huwag Kang matakot. (Kita n'yo?) Ako'y bababa upang magligtas.” Natitiyak kong masasapo iyan ng diwang espirituwal. Kita n'yo, kita n'yo? “I- I- isusugo Kita upang dalhin mo ang Aking bayan sa isang exodo, tawagin mo silang palabas at sasamahan Kita.”
Ngayon, maaari tayong mamahinga, makapangungunyapit ang pananampalataya sa bagay na iyan. Tutuparin iyon ng Diyos; ipinangako kasi Niya. Kahit ano pa, anuman ang maging kalagayan, o anuman ang sabihin ninuman, tutuparin at tutuparin iyon ng Diyos, dah i I ipinangako Niya. At napakapayak ng pagkakagawa N iya kaya lam- lampas ito sa pangunawa ng I inang na diwa, na pilit na nangangatwiran laban dito. “Paanong mangyayari ito?” Hindi ko sinasabing ang isang lalaki, na may mahusay at malakas na diwa, mataas ang pinag-aralan, na hindi ito mauunawaan ng taong iyon. Walang masama riyan, maganda iyan, basta ba ginagamit niya iyon hindi para pangatwiranan ito, kundi ginagamit niya ang kaniyang kalinangan upang sumampalataya sa Diyos.
Nawa ay mapalitan ito ng kapayakan ng pakikinig sa kung ano ang sinabi ng Diyos at sampalatayanan ito. Doon lang makakatulong sa kaniya ang kaniyang kalinangan. Pansinin n'yo, ngunit kapag pinilit ng taong mangatwirang hindi ito maaaring mangyari, kung gayon ay ilalayo siya nito sa Diyos, laging ganito ang mangyayari sa tuwina. Habang sinisikap niyang- pakinggan ang- ang sarili niyang pangangatwiran. Kita n'yo? Kung hindi ninyo maunawaan at may sinabing isang bagay ang Biblia, sagutin lang ninyo ng, “Amen.” Ganiyan lang ang gawin n'yo.
----
Tayo'y Bago natin tuklasin kung ano' ng kahulugan ng exodong ito, ititipo ko ngayon ang exodo- ang exodo noon sa exodo ngayon. At masdan n'yo, kung hindi ba naman angkop na angkop ang pagkakahanay nito. Ang isa sa mga ito ay natural, at kung ano ang ginawa Niya sa natural, ay mull Niyang itinitipo, ginagawan Niya ng antetipo sa espirituwal: “Ang Espirituwal na Exodo.”Kamangha-manghang maunawaan ang Salita ng Diyos- bakit nga ba nasasabi ng iba na hindi Ito kinasihan. Ito'y naganap mga dalawampu't walong daang taon na ang nakalilipas, alam n'yo. At kung paanong nangako Siya, at kung ano ang ginawa Niya, at inilatag Niya iyon upang maging hat imbawa. Kung- kung paanong gumagawa Siya ng anino ng isang bagay upang magpatotoo tungkol sa- sa positibo.
Ngunit balikan muna natin ang Genesis at nang makita natin kung bakit si la naroroon sa Egipto, paano nga bang nawala sa lupaing iyon ang bayan ng Diyos. At ang totoo ay ipinangako iyon ng Diyos doon doon sa pasimula kina Abraham, Isaac, at Jacob, sa Palestina, ibinigay ng Diyos sa kanila ang lupaing iyon at ang sabi, “Ito na iyon.”
Buweno, kung gayon, bakit nga ba ang bayang iyon ay wala sa dakong ipinagkaloob ng Diyos sa kanila? Iyan din ang katanungan ngayon. Binigyan tayo ng Diyos ng isang Pentecostes. Binigyan Niya tayo ng Aklat ng mga Gawa. Binigyan Niya tayo ng Espiritu Santo upang manguna sa atin at gumabay sa atin. Binigyan Niya tayo ng lupain at bakit nga ba wala tayo roon? Buweno, bakit nga ba wala ang iglesia roon? Bakit nga ba ang dakilang Iglesiang Cristiano ngayon ay hindi nabubuhay na gaya ng nakatala sa Aklat ng mga Gawa, at di ni la mapalabas ang kapareho ng naipalabas nila? May dahilan kung bakit ganito.
Alam nating lahat na watak-watak tayo, at napakasama ng kalagayan natin; at ang pi nakamasamang kalagayang ki- kinasad I akan ng Cristiano-ismo ay ang kalagayan nito sa araw na ito. At tayo ay nasa- nasa bingit na tayo ng- ng isang dakila, kahindik-hindik na kahatulang nakaabang sa iglesia. At bago maganap ang kahatulang ito, tumatawag ang Diyos ng isang exodo gaya ng ginawa Niya noon. Ang mga kasalanan ng mga Amorita ay umabot na sa sukdulan. Kaya't tumatawag na Siya ng isang espirituwal na exodo. Ngayon, magbalik tayo sandal i at magtipo tayo at tuklasin natin. Nagpunta sila sa Egipto, dahil sa inggit sa isang kapatid. Iyan ang dahilan kung bakit nasa Egipto ang Israel noong panahong iyon, nasa labas sila ng lupain. Alalahanin n'yo, ang mga pangako ng Diyos ay magkakabisa sa kanila habang nananatili sila sa loob ng lupaing iyon.
Ngayon, nakikita na ba ninyo kung ano ang ipinangusap natin sa panalangin Hang minuto pa lamang ang nakalipas? Bakit kailangang patigasin ng Diyos ang puso ni Faraon? Para pabalikin ang mga tao sa lupang pangako bago Niya sila pagpalain, upang maipadala Niya sa kanila ang Mesiyas. Bakit niya pinatigas ang puso ni Hitler upang magalit siya sa mga Judio samantalang Judio Siya? BakitNiya nagawa iyon kay Stalin, kay Mussolini? Kita n'yo, mga taong hindi kinasihan, tulad ng isang bansa, sila'y- sila'y... Kinailangang alisin ng Diyos ang- ang mga bagay na ipinamumuhay nila, ang mga batas ng lupa, napakaraming pagkakataon, upang magkatotoo ang Kaniyang mga pangako. Kaya nga kailangan niyang patigasin ang mga puso ng mga diktador na iyon upang itaboy ang mga Judio pabalik sa lupang pangako. Kailangang magkagayon.
Ngayon, makikita nating nang magtungo sila roon, si Jose... alam natin ang kuwento kung babalikan natin ang Genesis. At basahin na lang ninyo, dahil medyo- medyo tanghali na akong nagsimula sa napakahabang araling ito na pang Sunday school. At sisikapin kong magmadali. Pansinin n'yo ngayon, basahin na lang ninyo kung may pagkakataon kayo, ang tungkol kay Jose na huling isinilang sa magkakapatid, ikalawa siya sa bunso. Masasapo agad iyan ng espirituwal na isip ngayon din. Hindi siya ang bunso. Si Benjamin ang bunso; ngun it sa pagtitiwalag, masdan n'yo. Magkapatid na tunay sina Jose at Benjamin, at silang dalawa lang ang tunay na magkapatid. Hindi nabigyan ng pagkakilala si Benjamin hanggang sa makita niya si Jose. At higit sa kanilang lahat, binigyan si Benjamin ng doble ng ibinigay sa kanila ni Jose.
Mabuti, pansinin n'yo ngayon, makikita nating doon pala, ay may mga nailayo siya sa kaniyang mga kapatid sapagkat siya ay espirituwal. Isa siyang dakilang tao, bagama't siya ang pinakamapagkumababa sa lahat, pinakabata siya sa lahat, at namuhi sila sa kaniya nang walang dahilan. Hindi si la dapat namuhi sa kaniya. Dapat sana'y iginalang nila siya, sapagkat... Bakit nila siya kinamuhian? Dahil ba sa isa siyang kapatid? Hindi talaga iyon ang dahilan. Kinamuhian nila siya dahil mas ginagamit siya ng Diyos kaysa sa iba sa kanila. Kita n'yo?
Pinagkalooban Niya siya ng espirituwal na pang-unawa. Nakakapagpaliwanag siya ng mga panaginip nang sakdal na sakdal, at nagagawa niyang manghula ng mga pangyayaring nagaganap ayon sa pagkakahula niya, tamang tama sa pagkakasabi niya; at hindi siya- hindi niya sila sinanto. Nagkaroon siya ng panaginip tungkol sa bungkos ng halamang trigo na yumuyukod sa kaniyang bungkos ng trigo, at nagalit sa kaniya ang mga kapatid niya gawa nito. Ang sabi niya, wari ko'y doon na nga... “Ikaw na bansot na holly roller.” Sa ibang salita, “Yuyukod kamo kami sa iyo balang araw?” Ngunit iyon nga ang nangyari. Paanong mangyayari na ang mga higanteng iyon ay yuyukod sa abang hindi kilalang taong iyon, ngunit yumukod nga sila. Tiyak ngang yumukod sila at nagmakaawa. Ngunit wala pa kasi siya sa kapangyarihan noon. Nakikita ba ninyo? Nasa anyong bata pa lamang siya.
At pagkatapos, makikita natin na dahil sa ginawa niya iyon, na nailayo si Jose sa kaniyang mga kapatid, ang mga denominasyon at nagsolo na lang siya (Kita n'yo?), ang mga kapatid niya ay naroon nang lahat sa lupain. At nangyari ang dakilang bagay na iyon. Nauunawaan nating ang Israel, hangga't doon sila nakatahan sa dakong tahanan nila at tinupad nila ang... Ngayon, mabuting bagay ang tumigil sila sa lugar na iyon; tama iyon kung tutuusin, ngunit iwinaksi nila ang Espiritu. Ang mga pundamental sa araw na ito, alam nila ang posisyon nila sa pamamagitan ng intelektuwal na pagkaunawa ng Biblia, ngunit wala sa kanila ang Espiritu. Itinakwil nila si Jose, itinaboy nila siya. Ayaw nilang makilahok doon, sa lupong ng mga holy-roller; isa iyong “Ayaw naming makilahok diyan.” Itiniwalag nila siya. Ipinagbili nila siya sa sanlibutan. Hindi sila kasama sa kanilang pagsasama-sama.
Ngayon, dahil ginawa nila iyon, naalis sila sa lugar nila, dinala sila sa Egipto nung huli. Ngayon, ang kuwento ng mga inggiterong kapatid ay isang napakagandang paghahambing sa nangyayari sa espirituwal sa araw na ito.
A- alam nating lahat iyan, na dalisay na inggit lang iyon, hindi pala dalisay, iyon pala'y ang dati nang marumi, nakapandidiring inggit. Kita n'yo? Walang anumang kadalisayan sa inggit. (Kita n'yo?); ito'y dili't iba kundi inggit na nakapandidiri. Samantalang kitang-kita nila ang Biblia at at kalikasan ng Diyos na sumulat ng Biblia, na nagpapatunay sa sarili Nito, pagkatapos ay tatanggihan nila ito nang walang kadahi-dahilan, dalisay ito . Buweno hindi pala dalisay, gaya ng nasabi ko na; ito'y inggit na napakarumi. Napapanood nila kung paanong ang diyos ay nagpapagaling ng mga maysakit, at bumubuhay ng patay . ang Diyos na nabuhay sa mga kaarawan ng mga apostol, ito ring Ebanghelyong isinulat nila sa espirituwal na lakbaying ito; Ito pa rin ang dating Diyos na gumagawa ng dati pa ring mga bagay, hanggang sa wala nang ibang naging dahilan ng pagkakatiwalag niya, at, “Hindi namin papayagang magkaroon ng ganiyan sa aming mga kinasasakupan.” Kita n'yo? Pinalalayas sila.
lnakala nila, ng magkakapatid, na walang magiging silbi sa kani la ang isang taong tulad niya, kaya bakit hindi na lang siya iligpit. Iyan nga ang... lyan din ang nangyari sa.araw na ito. Iniisip nilang dahil ang mga iglesia natin ay naging masyado nang intelektuwal, na sa atin sumisimba ang mga taong pinakamahusay manamit, ang pinaka malaking organisasyon, ang pinaka matalinong ministro, kaya hindi na naming kailangan ang Espiritu Santo tulad ng nangyari noon.
Na busog na sila . Sa ibang Salita, mas malakas mangusap ang kilos kaysa salita, na ang kanilang mga seminaryo at ang kanilang- ang utak ng- ng kanilang mga pagsasama-sama at pagtalakay tungkol sa bagay na ito, na mas higit ang kakayanan nilang mamahala sa iglesia kaysa sa Espiritu Santo; kaya't hindi na ni la Ito kailangan pa. “Isang bagay iyan na hindi na natin kailangan ngayon. Ang mga kaarawan niyan ay lipas na.” Ngayon, hindi ba't ganiyan nga ang nangyayari? “Hindi natin kailangan ang Espiritu Santo upang magpagaling ng maysakit; may mga duktor naman tayo. Hindi na natin kailangang magsalita pa ng ibang wika ang Espiritu Santo; lahat naman tayo ay matatalinong tao.” At pag ganiyan ang nagyari, pinahihina ninyo ang inyong balangkas, ang pinakadaluyan ng buhay. Sinabi ni Jesus sa mga Judio sa panahon Niya, “Hindi ba ninyo nabasa na ang batong tinanggihan ay ang Punong panulukang Bato, na siyang kinasasaligan ng buong gusali?”
Ngayon, nakikita ba ninyo kung ano'ng gusto kong sabihin? Ngayon, tiyak ko namang nasasapo ninyo iyan. Na ang- ang dah i Ian nito ngayon, ay inakala nilang hindi na nila ito kailangan. “Hindi na namin kailangan ang mga taong nagsasalita ng ibang wika. Hindi na namin kailangan ng mga taong nagpapaliwanag ng ibang wika. Hindi na namin kailangan ang mga propeta ng Lumang Tipan upang maglagay sa atin sa tamang kaayusan sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Nauunawaan natin ito.”
Kita n'yo, tumanggap na si la ng sistemang gawa ng tao upang ipamal it sa Espiritu Santo. Kaya naman, may mga taong hinirang, ang mga pangalan nila ay nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Kordero; hindi sila maaaring sumangayon doon. Siba y mga taong espirituwal kung mag-isip; kung kaya't hindi sila maaaring sumang-ayon doon. Hindi nila iyon matitiis. Kahit pa ang ama't ina nila ay matagal nang namuhay sa boob ng anumang organisasyon o iglesia....
Kapag ang iglesia ay gumagawa o nakagagawa ng... Marahil ay hindi niyan ito tutukuyin kaagad Oh, hindi, hindi nila iyan sasalitain ngunit ang ikinikilos nila ang nagpapatunay. Naririto ang Salita, at pinatutunayan Ito ng Espiritu Santo sa mga tao kung magagawa lamang Niyang pagsamasamahin ang mga ito, na Siya ay nagpapagaling pa rin ng rnaysakit, at bumubuhay pa rin Siya ng mga patay, at nagsasalita pa rin Siya ng ibang wika, at nagpapalayas ng diablo. Kaya depende iyan sa- kung ano ang nasa kalooban ng tao.
----
Sa pakiwari ng iglesia ay hindi na nito kailangan ang Espiritu Santo. Iyan ang sasabihin sa inyo ng mga iglesia. At maaaring tumayo ang tao at makapagbibigay siya ng isang intelektuwal na pananalita at halos ay mapaniwala ka niya. Ngayon, huminto nga tayo riyan sandali.Hindi ba't sinabi ni Jesus na magiging magkahawig na magkahawig ang dalawa hanggang sa dadayain nito pati na ang hirang kung maaari tang? Ang pananalita ng mga intelektuwal ay magiging napakahusay, na- na madadaya ang mga tao. Iyan ang Ebanghelyo, mga lalaki ito na kayang humawak sa Salita, sa hanggang ang sinumang taong intelektuwal, kung sa karunungan ka lang aasa, ma- magagawa nilang ikundena ang Espiritu Santo at paraan ng tao ang pipiliin nila. Nakikita natin iyan.
Ngayon, ganiyan din ang naging kaisipan nila tungkol kay Jose, at iniligpit nila siya. At doon sa Egipto... Oh, iyan kasi ang akala natin. Kaya kong gumugol ng maraming oras... Maaari kang tumigi I dito ng tatlong taon at hindi mo matatapos ang paksang iyan, araw at gabi, at makatutuklas ka pa rin ng mga dakilang aral ng Espiritu Santo.
Ang espirituwal na kaisipan ay makatitingin sa Egipto at makikita nito ang pagdating ng pag-uusig, makikita nito kung bakit inilayo si Jose nang sa gayon ay magsimula ang pag-uusig, at pagkatapos ay makikita nito ang Diyos sa gulong na nasa boob ng gulong, lahat ng bagay ay umiinog nang sakdal na sakdal. Makikita nitong itinakwil ni Potipar si Jose. Makikita nito ang kasinungalingang iyon at makikita nitong nakakulong si Jose, mahaba na ang balbas niya, itiniwalag ng kaniyang mga kapatid; ngunit bigla na lamang pumasok ang Diyos.
Kung paanong nakikita nating umiiinog ang gulong na nasa boob ng gulong, ang dakilang piano ng Diyos ang nagpapakilos sa lahat ng bagay tungo sa exodo, hanggang sa sumapit ang oras na ito kung kailan ay tatawagin Niya silang pabalik sa lupain, pabalik sa lugar na iyon, sa isang kalagayan kung saan ay maaari Niya silang pagpalain at ipadala Niya sa kanila ang Isang iyon na ipinangako Niyang ilalagay Niya sa kalagitnaan nila. Kailangang maparoon muna sila sa kanilang lupain. Alalahanin n'yo, kailangan muna nilang lumabas sa lupaing kinaroroonan nila at magtungo sa lupang pangako bago dumating ang naipangakong Mesiyas sa kanila.
At ganito rin ang kailangang gawin ng iglesia: Ang lumabas sa lupong iyon ng mga tagatakwil tungo sa pangako bago maipamalas ang Mesiyas sa kanilang harapan. Nakikita ba ninyo? Ang Buhay ng Mesiyas na naipapamalas, hinahanda ang isang iglesia, isang Nobya... Kung pakakasalan ng isang babae ang isang lalaki samantalang hindi sila nagkakasundo, ito'y magmimistulang isang uri ngaway itong walang katapusan. Ngunit kapag ang lalaki at ang kaniyang asawang babae, ang kaniyang kasintahan, ang babaeng nakatakda niyang pakasalan, kung lubos ang kanilang pagkakasundo tulad ng isang kaluluwa at isang diwa, dahil sila ay magiging isang laman... At kung magagawa lang ng iglesia na makipagkasundo nang lubusan sa Diyos hanggang sa ang manipestasyon ng Nobyo ay maipamalas na sa Nobya, sapagkat magiging Isa na sila... Oh, isang dakilang aralin ito. Mabuti, ngayon, alalahanin n'yo, ang espiritwal na kaisipan na nakasasagap nito, makikita nito ang tipo at ang antetipo at masasagap nito ito. Maaari tayong gumugol ng maraming oras dito. Masdan n'yo kung ano'ng nangayayari.
Basahin ang account sa... Ikatlong Exodo.