Binhi ng Kamalian.

<< nakaraang

susunod >>

  Dulo ng panahon serye.

Ang ulan ay kapuwa pumapatak sa matuwid at sa di-matuwid.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Binhi ng Kamalian.

Nananalangin ako sa kuwebang pinupuntahan ko para pagdasalan. Masyadong maalikabok doon, kaya isang hapon ay lumabas ako, inilapag ko ang aking Biblia sa ibabaw ng isang troso, at hinipan ito ng hangin at bumukas sa ika-6 na kabanata ng Mga Taga Hebreo, na nagsasabing sa mga huling araw, kung papaanong wala nang natitira pang hain para sa kasalanan kung lalayo tayo sa katotohanan at muling magbabago sa pagsisisi, at kung papaanong ang mga tinik at dawag na malapit sa pagtakwil ay susunugin; ngunit ang ulan sa tuwina ay lumalagpak sa lupa upang diligan ito, at pagyamanin; ngunit ang mga tinik at mga dawag ay itatakuwil, samantalang ang trigo naman ay titipunin. At na- aisip ko, “Buweno, umihip lang ang hangin kaya ito bumukas.” Kaya't inilapag ko muli ang Biblia. At naisip ko, “Buweno, ngayon ay akin lamang...” At heto't umihip na naman ang hangin upang Ito'y buksan. Nangyari ito nang tatlong beses. At naisip ko, “Buweno, teka, nakakapagtaka 'yan.”

At sa pagtayo ko, naisip ko, “Panginoon, bakit Mo binuksan ang Biblia sa akin upang basahin iyan, aking... Pagdating ko sa salitang, 'mga tinik at dawag, na malapit ng itakuwil, na ang kahihinatnan ay sunugin'?” naisip ko, “Bakit Mo binuksan iyon sa akin doon?” At habang nakatingin ako sa...

Ngayon, ang mga tunay na pangitaing ito ay dumarating nang hindi pinipilit. Ito'y sadyang gawa ng Diyos. Kita n'yo? Tumingin ako at nakita kong umiikot ang mundo sa harapan ko, at nakita kong ito'y pawang naararo na. May humayong isang lalaking nakabihis ng puti na naghasik ng trigo. At pag-ikot niya sa kurbada ng mundo, dumating naman ang isang lalaki, nakakikilabot kung tignan; nakasuot siya ng itim, at siya'y naghasik ng mapanirang damo sa lahat ng dako. Magkasamang tumubo ang mga ito. At ng magkagayon, pareho silang nauhaw, dahil kailangan nila ng ulan. At ang bawat isa ay tila nananalangin nang nakayuko, “Panginoon, magsugo ka ng ulan, magsugo ka ng ulan.” At lumitaw ang makakapal na ulap, at kapuwa sila nabuhusan ng ulan. Nang magkagayon, ang munting trigo ay lumundag at nagpasimulang magsabi, “Purihin ang Panginoon. Purihin ang Panginoon.” At ang munting damo ay lumundag din sa tabi niya, at nagsabi, “Purihin ang Panginoon. Purihin ang Panginoon.”

At naipaliwanag ang pangitain. Ang ulan ay kapuwa pumapatak sa matuwid at sa di-matuwid. Maaaring bumuhos ang iisang Espiritu sa mga pagtitipon, at ang bawat isa ay masiyahan dito: mga mapagpaimbabaw, mga Cristiano, at lahat na. Tama nga. Ngunit ano ito? Sa pamamagitan ng kanilang mga bunga ay makikilala sila. Kita n'yo? Iyon lang ang tanging paraan para ito'y makilala. Kaya nakikita n'yo na ngayon, na minsan ang ligaw na trigo o binhi ay nagagaya ang tunay, at domestikadong binhi, magkahawig na magkahawig na anupa't dadayain maging ang mga pinili. Sa palagay ko'y nabubuhay na tayo sa ganoong panahon, na kung kailan dapat ay ipinapangaral at pinag-uusapan ang mga bagay na ito.

Pansinin n'yo sa talatang 41, ang dalawa ay magkahawig na magkahawig din, hawig na hawig na sa huling mga araw hanggang sa hindi Niya maiasa sa isang iglesia ang paghihiwalay sa mga ito, halimbawa, sa Methodist o sa Baptist, o sa mga Pentecostal, para paghiwalayin ang mga ito. Sinabi Niya, “Susuguin Niya ang Kanyang mga anghel upang paghiwalayin sila.” Ang anghel ay darating upang maghatid ng paghihiwalay, ng pagbubukod sa pagitan ng tama at ng mali. At walang makagagawa noon maliban sa Anghel ng Panginoon. Siya ang magsasabi kung sino ang tama at kung sino ang mali. Sinabi ng Diyos na susuguin Niya ang Kanyang mga anghel sa huling panahon. Hindi mga anghel sa mga nagdaang panahong ito, ngunit mga anghel sa huling panahon, at sila ang magtitipon. Alam nating ito na ang paparating na pag-ani. Ngayon, at ang anghel sa katunayan ay nangangahulugang isang “mensahero.” At nakita nating may pitong anghel sa pitong iglesia, at ngayon... Hindi, sa mga kapanahunan ng iglesia...

Pansinin kung sino ang sinabi Niyang mga manghahasik, at kung ano ang binhi. Una, ang manghahasik ay Siya, ang Anak ng Diyos, na humayo't naghasik ng Binhi. At ang kaaway ay dumating pag-alis Niya, walang iba kundi ang diablo, at naghasik ng binhi ng kamalian, matapos ang paghahasik ng tamang Binhi. Ngayon, mga kaibigan, ganyan ang nangyari sa bawat kapanahunan simula ng matatag ang sanlibutan. Tama nga. Mula pa sa pasimula, naumpisahan na ang ganiyang bagay.

----
Napansin nating ang unang naghasik ng binhi ng kamalian ay tinawag na diablo, at alam nating nangyari iyon sa Genesis 1. Doon ay nakita natin, at dito sa- sa aklat ni Mateo sa ika-13 kabanata, na ibinibilang pa rin ni Jesus sa diablo anumang kamalian sa Kanyang Salita. At sa taong ito ng 1956, anumang naghahasik ng kamalian, na salungat sa naisulat na Salita ng Diyos, o nagbibigay ng sariling interpretasyon Dito, ay binhi ng kamalian. Hindi ito kikilalanin ng Diyos. Hindi. Hindi ito maaaring ilahok. Tulad ito ng binhi ng mustasa; hindi ito maaaring ihalo sa anumang iba pa; hindi ito maaaring ihybrid; kailangang ito'y tunay. Binhi ng kamalian...

Ngayon, nakita natin, nang ihasik ng Diyos ang Kanyang Binhi sa halamanan ng Eden, nagbunga ito ng isang Abel. Ngunit ng ihasik ni Satanas ang kanyang binhi ng kamalian, namunga ito ng isang Cain. Ang isa'y namunga ng matuwid; ang isa nama'y namunga ng liko. Dahil nakinig si Eva sa salita ng kamalian, na salungat sa Salita ng Diyos, nagsimulang gumulong ang bola ng kasalanan, at patuloy itong gumulong magmula noon. At hindi natin ito lubusang matatanggal hanggang sa dumating ang mga anghel upang ihiwalay ang bagay na ito, at dalhin ng Diyos ang Kanyang mga anak sa Kaharian, at sunugin ang mga damo.

Pansinin n'yo, ang kanilang mga binhi ay magkasamang lumago tulad ng sinabi ng Diyos dito sa ika-13 talata ng ating teksto ngayong gabi, sa Mateo, “Pabayaan ninyo silang kapuwa magsitubo.” Ngayon, nagtungo si Cain sa lupain ng Nod, at nakasumpong ng mapapangasawa, at nag-asawa; at si Abel ay pinatay, at pinalitaw ng Diyos si Seth upang humalili sa kaniya. At nagpatuloy ang pagsulong ng lahi, sa pagitan ng tama at mali. Ngayon, napansin nating nagkakatipon sila, sa bawat panahon, at kinailangan ng Diyos na... Naging napakasama nito na kinailangan nang wasakin ng Diyos.

Ngunit sa kawakasan ay umusbong ang mga ito hanggang sa kapuwa ang mga binhing iyon, ang binhi ng kamalian at ang Binhi ng Diyos ay nag-usbong ng kanilang mga tunay na ulo, at humantong ito kay Judas Iscariote at kay Jesus Cristo. Dahil Siya ang Binhi ng Diyos; Siya ang pasimula ng paglalang ng Diyos, Siya's walang iba kundi ang Diyos mismo. At si Judas Iscariote naman ay isinilang na anak ng kapahamakan, galing sa impyerno, at babalik sa impyerno. Si Jesus Cristo ay Anak ng Diyos, ang Salita ng Diyos na nahayag. Si Judas Iscariote sa kanyang kamalian ay ang binhi ng diablo, pumarito sa sanlibutan, para mandaya, tulad din ni Cain, na kanyang ama nung pasimula.

Naglaro lang si Judas sa iglesia. Hindi naman talaga siya sinsero; wala naman talaga siyang pananampalataya: hindi niya sana ipinagkanulo si Jesus. Ngunit siya- kita ny'o, naghasik siya ng binhi ng kamalian. Inisip niya na maari siyang makipagkaibigan sa sanlibutan, sa mamon, at kay Jesus, ngunit nahuli na ang lahat sa kanya para may magawa pa siya tungkol dito. Nang dumating ang oras ng kamatayan, nang gawin niya ang masamang bagay na ito, tinawid niya ang linyang naghihiwalay sa pagitan ng pagsulong at pagtaliwakas. Kailangan niyang tahakin ang daan na tinungo niya bilang mandaraya. Naghasik siya ng binhi ng kamalian; sinikap niyang makasumpong ng lingap sa malalaking organisasyon ng panahong iyon, sa mga Fariseo at mga Saduceo, at inisip niyang magkakapera siya, at magiging sikat sa mga tao. Kung hindi ba naman iyan ang nagiging dahilan upang ang maraming tao ay mahulog sa kamalian, ang pagsisikap na makasumpong ng lingap sa mga tao. Humanap tayo ng lingap sa Diyos, hindi sa tao. Ngunit iyon ang ginawa ni Judas nang ang kamalian ay humantong sa kanya.

At alam nating si Jesus ang Salita; sa San Juan 1, ang sabi, “Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos, at ang Salita ay Diyos. At ang Salita ay nagkatawang-tao at nanahang kasama natin.” Kung gayon ang Salita ay isang Binhi; at ang Binhi ay naging laman at nanahan sa atin.

Kung si Judas ang binhi ng kaaway at ng kamalian, nagkatawang-tao rin ito at nanahan sa kalagitnaan natin sa katauhan ni Judas Iscariote. Hindi siya nagkaroon kailan man ng tunay, tunay na pananampalataya. Nagkaroon siya sa akala niya ng isang pananampalataya. Mayroong pagtataglay ng pananampalataya at pakunwaring pananampalataya. At ang tunay na pananampalatayang mula sa Diyos ay sasampalataya sa Diyos, at ang Diyos ay ang Salita; hindi ito magdadagdag ng anuman Dito. Ang Biblia ay nagsasabi sa atin na kapag nagdagdag tayo o nagbawas ng isang salita, ang bahagi natin ay aalisin sa Aklat ng Buhay: Apocalipsis 2:18, ang huling patapos na kabanata.

Sa pasimula, ang unang Aklat ng Biblia, Sinabi sa kanila ng Diyos na huwag suwayin isa man sa mga Salita Niyon; bawat Salita ay dapat ingatan; kailangang mabuhay sila sa Salitang iyon. Dumating si Jesus, sa kalagitnaan ng Aklat, at binanggit iyon sa Kanyang panahon, na nagsasabi, “Hindi nabubuhay ang tao sa tinapay lamang, kundi sa bawat Salita na- na namumutawi sa bibig ng Diyos.” At sa nagtatapos na kapanahunan ng Apocalipsis, pinaunahan na tayo, na, “Sinumang magbawas ng isang Salita mula sa Aklat, o kaya'y magdagdag ng isang Salita Dito, ang kanyang bahagi ay aalisin sa Aklat ng Buhay.”

Kaya nga, sa Diyos, walang bagay na malabo, kundi isang tunay, walang halong Salita ng Diyos. Iyan ang mga anak na lalaki ng Diyos, mga anak na babae ng Diyos, na hindi ipinanganak sa kalooban ng tao, o sa pakikipagkamay, o sa kung ano'ng anyo ng bautismo; ngunit ipinanganak sa Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, at naihahayag ang Salita sa pamamagitan nila. Iyan ang tunay na Binhi ng Diyos.

Ang kaaway ay sumasapi sa iglesia at nagiging lubhang orthodox sa kredo o sa kung anuman. Ngunit hindi iyan ang... Iya'y kamalian, anumang sumasalungat sa katangian ng tunay na Katotohanan ng Salita ng Diyos. At paano natin malalaman? Sasabihin natin, “Buweno, sila'y... May karapatan ka bang magpaliwanag Nito?” Wala po. Walang sinumang taong may karapatang magpaliwanag ng Salita ng Diyos. Siya mismo ang Sarili Niyang Tagapagpaliwanag. Ipinangangako Niya ito; pagkatapos ay tinutupad Niya; iyon ang kapaliwanagan Nito. Kapag ipinangako Niya Ito, pagkatapos ay Kanyang tinupad; iyon kapaliwanagan Nito. Anumang bagay na salungat sa Salita ng Diyos ay isang kamalian. Tunay nga.

Ngayon, gaya ng sinabi ko, Si Judas ay walang tunay na pananampalataya. Ang taglay niya'y pakunwaring pananampalataya. Taglay niya ang isang pananampalatayang nag-akalang iyon nga ang Anak ng Diyos, ngunit hindi niya alam na iyon nga talaga ang Anak ng Diyos. Hindi niya sana ginawa iyon. At ang taong makikipagkompromiso sa Salita ng Diyos bilang Katotohanan, ay nagtataglay ng pakunwaring pananampalataya. Ang tunay na lingkod ng Diyos ay mananatili sa Salitang iyon.

Basahin ang account sa...
Binhi ng Kamalian.




Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Sapagka't ang lupang humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila'y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios:

Datapuwa't kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.

Mga Taga Hebreo 6:7-8


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Kasal At Diborsiyo.

(PDF)

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel, At
Ang Kaniyang Atas

(PDF)


Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.