Aklat na may pitong tatak.

<< nakaraang

susunod >>

  Pitong Tatak serye.

Aklat na ito ng Katubusan.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Ang puwang sa pagitan ng Pitong Kapanahunan ng Iglesia at ng Pitong Tatak.

Ngayon, umakyat ako sa [Sabino] canyon, at umakyat ako sa pinakamataas na maaari kong akyatin, at tinanong ko ang Panginoon, habang nakaupo ako roon, kung ano’ng ibig sabihin ng lahat ng ito at iba pa. Medyo nagugulumihanan ako at hindi ko alam kung ano’ng dapat kong gawin. Kaya’t habang nananalangin ako, may kakatuwang bagay na naganap. Nais kong maging tapat. Ngayon, marahil ay nakatulog ako. Maaaring nangarap ako, o maaaring iyon ay isang pangitain. Mas naniniwala akong iyon ay isang pangitain na... Nakaunat ang aking mga kamay at ako’y nagsasabing, “Panginoon, ano’ng ibig sabihin ng pagsabog na ito, at ano’ng ibig sabihin ng pitong Anghel na nagkumpol sa anyong pyramid, na dumampot sa akin mula sa lupa at lumingon sa direksyon ng silangan: ano’ng ibig sabihin no’n?”

Nakatayo ako ro’n sa pananalangin, at may kung anong nangyari. At ngayon, may lumagpak sa aking kamay. Ngayon, alam kong kung hindi kayo nakauunawa ng mga espirituwal na mga bagay, maaaring maging tila napakakakatuwa nito. Ngunit may tumama sa aking kamay; at nang tignan ko, iyon ay isang espada. At ang hawakan ay yari sa perlas, ang pinakamagandang perlas na nakita ko. At ang harang sa hawakan (alam n’yo na, wari ko’y iyon ay upang hindi kayo masugatan, alam n’yo na, habang kayo’y-ang mga tao’y nagduduwelo) ay ginto. At ang talim ng espada ay hindi masyadong mahaba, ngunit napakatalim, at iyon ay kulay pilak na kumikinang. At iyon ang pinakamagandang bagay na nakita ko. Sukat na sukat sa aking kamay, at hawak-hawak ko iyon. Ang sabi ko, “Hindi ba’t ang ganda niyan?” Tinignan ko iyon, at naisip ko, “Ngunit alam mo, dati pa’y takot na ako sa espada.” Natuwa nga ako na hindi ako nabuhay sa mga panahong ginagamit nila ang mga iyon, sapagkat takot ako sa kutsilyo. Kaya’t naisip ko, “Ano’ng gagawin ko diyan?” At habang hawak-hawak ko iyon, may isang tinig na nanggaling kung saan na nagsabi, “Iyan ang espada ng Hari.” At nilisan ako.

-----
Kaya’t ang mga bagay na iyon ay ipinapalagay lamang natin, dahil sa kawalan ng edukasyon, ako ay nagtitipo lamang. Tinitignan ko kung ano ang nagaganap sa kasalukuyan o ang naganap sa Lumang Tipan, na tipo o anino ng Bago, nang sa gano’n ay magkaroon ako ng ideya kung ano ang Bago. Kita n’yo? Tulad ng kung si Noe ay pumasok sa arka bago magsimula ang kapighatian-isang tipo... Ngunit bago pa pumasok si Noe sa arka (Kita n’yo?), umakyat na si Enoch (Kita n’yo?) bago maganap ang anupamang bagay. At si Lot ay tinawag palabas ng Sodoma bago pa magsimula ang katiting man na kapighatian, o ng pagkawasak. Ngunit sa buong panahong iyon si Abraham ay nasa labas na (Kita n’yo?): tipo.

Ngunit ngayon, babasahin na natin ang unang talata. Babasahin ko ang unang dalawang talata nito.

At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.
At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at mangtanggal ng mga tatak nito?
At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man.
(Napakadakilang aklat.)
At ako’y umiyak na mainam, sapagka’t hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.
(Ngayon, kung paguusapan ang pagiging di karapat-dapat, ni hindi karapat-dapat na tumingin: walang sinuman, kahit saan.)
At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat ng pitong tatak nito.
At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay,... sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa.
At siya’y lumapit at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.

Hihinto tayo riyan sa ilang sandali sa pagbasa ng Apocalipsis 5 hanggang sa-kasama ang ika-7 talata.

Ang Aklat na ito na may pitong tatak ay naihayag sa panahon ng Pitong Kulog ng Apocalipsis 10.

-----
Ngayon, nakikita n’yo, ang hiwaga ng Aklat na ito na may pitong Tatak ay mahahayag sa pagtunog ng mensahe ng ikapitong anghel. Kita n’yo? Sa pagsisimula ng pagtunog ng ikapitong anghel, at nakasulat na riyan ang mga mensahe, at nasa atin na iyon sa anyo ng tape at aklat. Ngayon, sa pasimula ng pagtunog ng mensahe, ang hiwaga ng Diyos ay dapat nang matapos sa panahong iyon (Kita n’yo?). Ngayon, mapapansin natin, ang Aklat ng hiwaga ng Diyos ay hindi mahahayag hanggang sa tumunog na ang mensahe ng ikapitong anghel. Ngayon, ang mga puntong ito ay magiging mahalaga sa mga Tatak; tiyak ako dahil ang bawat bahagi nito ay kinakailangang magdugtong-dugtong. Ngayon, mahiwaga ang pagkakasulat nito, sapagkat walang sinuman saan mang lugar na nakaaalam nito: ang Diyos lamang, si Jesus Cristo. Kita n’yo?

Ngunit isa itong Aklat, isang mahiwagang Aklat. Isa itong Aklat ng Katubusan. (Tatalakayin natin ‘yan maya-maya.) At ngayon, alam nating ang Aklat ng Katubusang ito ay hindi lubusang mauunawaan: siniyasat na ito sa loob ng anim na kapanahunan ng iglesia, ngunti sa dulo, kapag sinimulan nang patunugin ng ikapitong anghel ang kaniyang hiwaga, tatapusin niya lahat ng mga di naresulbang katanungang siniyasat ng mga taong ito, at ang mga hiwaga ay bababa mula sa Diyos bilang Salita ng Diyos at ihahayag ang buong kapahayagan ng Diyos. Kung magkagayon ang Pagkadiyos at lahat na ay maaayos na. Lahat ng mga hiwaga: ang binhi ng serpente at anupamang kailangang maihayag.

-----
Pansinin n’yo, may Pitong Tatak sa Aklat na... Natatatakan ng Pitong Tatak na ito ang Aklat. Kita n’yo? Ang Aklat ay lubusang naseselyuhan. Nauunawaan n’yo ba? Ang Aklat ay lubos na selyadong Aklat hanggang sa makalag ang Pitong Tatak. Ito’y selyado ng Pitong Tatak. Ngayon, iba iyon sa Pitong Kulog. Kita n’yo? Ito ay Pitong Tatak na nasa Aklat, at ang mga Tatak ay hindi makakalag hanggang sa pagdating ng mensahe ng ikapitong anghel. Kita n’yo? Kaya’t tayo’y nagpapalagay lamang, ngunit ang tunay na kapahayagan ng Diyos ay magaganap sa pagtunog na iyon at sa binindikang Katotohanan. Ngayon, ganiyan nga ang sinabi ng Salita. Ang mga hiwaga ay dapat nang matapos sa panahong iyon. At ang Aklat na ito na may pitong tatak, tandaan n’yo, ay nakasara dito sa ika- 5 kabanata ng Apocalipsis, at sa ika-10 kabanata ng Apocalipsis ay nabuksan na.

At ngayon, makikita natin kung anong sinasabi ng Aklat tungkol sa kung papaano ito nabuksan. At hindi ito ipinaalam hanggang sa kunin ng Cordero ang Aklat, at kalasin ang mga Tatak, at buksan ang Aklat. Kita n’yo? Kinakailangang kunin ng Cordero ang Aklat; ito’y sa Kaniya. Ngayon tandaan n’yo, walang sinuman sa langit, o sa lupa: papa, obispo, cardinal, state presbyter, o sinumang maaring magkalas ng mga Tatak o maghayag ng Aklat maliban sa Cordero. At nag-usisa na tayo, at nagpalagay, at natalisod, at nagtanong, at-at iyan ang dahilan kung bakit tayo’y nasa ganitong kalituhan: ngunit may pangako ang Diyos na ang Aklat na ito ng Katubusan ay ganap na mabubuksan ng Cordero, at ang mga Tatak niyaon ay kakalasin ng Cordero sa huling araw na ngayon ay kinabubuhayan natin. At hindi ito mahahayag malibang kunin na ng Cordero ang Aklat at kalasin ang mga Tatak, sapagkat alalahanin n’yo, ang Aklat ay hawak Niyaong nakaupo sa luklukan. At ang Cordero ay lalapit sa Kaniya na nakaupo sa luklukan at kukunin ang Aklat mula sa Kaniyang kanang kamay: kukunin Niya ang Aklat.

Oh, malalim ‘yon. Sisikapin nating lutasin ito kung magagawa natin sa tulong ng Espiritu Santo. Ngayon, umaasa tayo sa Kaniya. At makikita natin mamaya na sa huling panahon ay mauubos ang oras. Walang denominasyong may karapatang magpaliwanag ng Aklat. Walang sinumang taong may karapatang magpaliwanag Nito. Ang Cordero ang magpapaliwanag Nito, at ang Cordero ang mangungusap Nito, at ipahahayag ng Cordero ang Salita sa pamamagitan ng pagbibindika at pagbibigay-buhay sa Salita. Kita n’yo? Eksakto.

-----
Hiniling ng batas ng Diyos ang isang inosenteng panghalili, at sino ang inosente? Bawat tao ay isinilang sa seksuwal na paraan, ayon sa sex: bawat isa. At ang nag-iisang hindi gayon ay nagsuko ng mga karapatan sa Buhay na Walang Hanggan at upang maghari sa ibabaw ng lupa. Oh, kapag pinag-iisipan ko ang Kasulatang iyon, “Sapagkat binili Mo kami pabalik sa Diyos, upang kami’y maghari at maging mga hari at saserdote sa ibabaw ng lupa.” Ay, naku, anong... Ang Kaanak na Manunubos... Oh, napakagandang kuwento ang tatalakayin natin dito. Pansinin, humiling ang batas ng isang Kaanak na Manunubos upang tubusin ang isang nawalang kayamanan. Kinatagpo ng biyaya ang kahilingang ito sa Persona ni Jesus Cristo. Ang Kalahi ay kilangang isilang sa lahi ng tao.

Ngayon, papaanong mangyayaring magiging tayo iyon? Samantalang bawat tao na isinilang ay kinakailangang... At sinumang hindi makakita na pagtatalik ang naganap do’n, aba’y, bulag na bulag siya (Kita n’yo?), ‘pagkat bawat taong isinilang ay isinilang ng isang babae. At humiling ang Diyos ng isang Kaanak na Manunubos, at dapat ay isa Siyang tao. Ay, naku, ano nang gagawin n’yo ngayon? Humiling ng isang Kaaanak na Manunubos. Ngayon, hindi Niya maaaring tanggapin ang isang Anghel; kinakailangang isang tao ang makuha Niya, ‘pagkat hindi tayo kaanak ng Anghel; ang isa’t isa ang kaanak natin. Hindi nahulog kailanman ang Anghel. Ibang uri siya ng nilalang, iba ang kaniyang katawan. Hindi siya nagkasala o anuman; iba siya. Ngunit ang batas ay humiling ng isang Kaanak na Manunubos, at ang bawat tao sa ibabaw ng lupa ay isinilang sa sex. Ngayon, hindi n’yo ba nakikita, du’n iyon nagmula. Du’n nagsimula ang kasalanan. Nakikita n’yo ba kung nasaan na ito ngayon? Diyan pumapasok ang inyong binhi ng serpente. Kita n’yo?

Ngayon, pansinin n’yo: humiling ng isang Kaanak na Manunubos, at ang Manunubos, Kaanak na Manunubos, ay dapat isinilang sa sangkatauhan. Naiwan tayo niyan sa alanganin, ngunit hayaan n’yong hipan ko ang trumpeta sa inyo. Iniluwal ng birheng kapanganakan ang bungang iyon. Amen. Nagbunga ng Kaanak na Manunubos ang birheng kapanganakan, walang iba kundi ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat na naging Emanuel, kaisa natin, Emanuel. Nakatagpo ang Kaanak na Manunubos. Amen.

-----
Ngayon, tignan natin. Ang Aklat ni Ruth ay nagpapakita ng isang magandang larawan nito: kung papaanong naiwala nina Booz at Noemi ang kanilang pag-aari. (Alam n’yo na-narinig n’yo na akong nangaral tungkol dito, hindi ba? Itaas n’yo ang inyong mga kamay kung narinig n’yo nang ipinangaral ko ito, kaya’t naiintindihan n’yo. Kita n’yo?) Kinailangang maging isang manunubos ni Booz, at siya lamang ang tanging makagagawang... Kinailangan niyang maging isang kaanak, isang malapit na kaanak, at sa pagtubos niya kay Noemi ay nakuha niya si Ruth. Si Jesus iyon, tinitipo ni Booz si Cristo; at nang tubusin Niya ang Israel, nakuha Niya ang Nobyang Hentil. Kaya nga, nakikita n’yo ba... Napakaganda... Nailagay natin iyon sa tape, tiyak ako, mayroon iyon dito, kung nais n’yong magkaroon niyon.

-----
Ang biyaya ay nagbunga ng Persona ni Jesus Cristo. At makikita natin ang Aklat na ito ngayon... Binatak ng Diyos ang Kaniyang tolda, mula sa Diyos ay naging tao Siya. Binago Niya ang Kaniyang katangian mula sa pagiging Makapangyarihan sa lahat patungo sa pagiging tao, nang sa gano’n ay magawa Niyang mamatay upang matubos ang tao. Hintayin n’yong makita natin Siya, nung walang sinumang karapat-dapat. Kita n’yo?

Sige, sa Biblia, sa Aklat ni Ruth habang binabasa n’yo ito malalaman n’yo na ang gayong tao ay tinatawag na goel, G-o-e-l, ang tawag ay goel, o iyon ang tao na makatutugon sa kahilingan; at ang isang goel ay dapat may kakayahang gumanap niyon, dapat ay laan siyang gumanap niyon, at dapat ay malapit na kamag-anak, pinakamalapit na kamag-anak upang maganap niya iyon. At ang Diyos, na Manlilikha na nasa anyong espiritu, ay naging kaanak natin nang Siya’y maging tao upang maako Niya ang ating kasalanan, at mabayaran ang halaga, at matubos tayo pabalik sa Diyos. Hayan. Hayan ang Manunubos. Natubos na tayo ngayon ni Cristo. Natubos na tayo ngayon, ngunit hind pa Niya naaangkin ang Kaniyang pag-aari. Ngayon, maaaring iba ang pananaw n’yo riyan ngunit sandali lamang (Kita n’yo?); makikita natin. Kita n’yo?

Hindi pa Niya ito naaangkin. Kita n’yo? Kung kinuha Niya ang Aklat ng Katubusan, lahat ng taglay ni Adan noon at lahat ng kaniyang naiwala, ay natubos ni Cristo; at natubos na Niya tayo, ngunit di pa Niya tayo naangkin. Hindi Niya iyon magagawa hanggang sa dumating ang takdang panahon, at pagkatapos ay darating na ang pagkabuhay na muli, at ang mundo ay muling babaguhin, at pagkatapos ay aangkinin na Niya ito, ang Kaniyang pag-aari nang tubusin Niya tayo, ngunit gagawin Niya iyon sa itinakdang pagkakataon. Ay, naku. Ito ay nailarawan sa Aklat na ito na may Pitong Tatak na ating pinag-uusapan ngayon. Tama. Ang Aklat ng Katubusan, nailarawan lahat ng ito rito. Lahat ng gagawin ni Cristo sa wakas ay maihahayag sa atin sa linggong ito sa Pitong Tatak kung ipahihintulot sa atin ng Diyos. Kita n’yo? Tama; ito’y maihahayag...

Basahin ang account sa...
Ang puwang sa pagitan ng Pitong Kapanahunan ng Iglesia at ng Pitong Tatak.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap; at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy;

At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay: at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa ay sa lupa;

At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal: at pagkasigaw niya, ay ang pitong kulog ay umugong.

Pahayag 10:1-3


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)
 

Kabanata 14
Sabino Canyon.

(PDF)
Kung saan lumitaw
ang espada.

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)

Ang Aklat na
ito na may
pitong tatak ay
naihayag sa panahon
ng Pitong Kulog
ng Apocalipsis 10.



Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.