Ang ultimo.
<< nakaraang
susunod >>
Ang ultimo.
William Branham.Basahin ang account sa...
Si Cristo ay Nahahayag sa Sarili Niyang Salita.Ngayon ay mangungusap ako sa paksang ito ng, Si Cristo ay Nahahayag sa Sarili Niyang Salita. Kung paanong sa Beatitudes ay naroroon ang larawan ni Cristo, na nakalutang. Gaya ng... Doon ko naisip ang paksang ito.
Ngayon, si Cristo at ang Salita ay iisa. Kita n'yo?
Ang sabi nila, “Paanong ang Biblia...?” Ang sinasabi ng mga tao... Nakasakay ko ang isang lalaki hindi pa katagalan. Ang sabi niya, “Isipin mong maigi. Naririto tayo sa ibabaw ng lupa, nang ganito, at ang alam lang natin o masasabi natin na ligtas tayo dahil lang sa isang pabula ng mga Judio na tinatawag na Biblia.” Ang sabi ko, “Ginoo, hindi ko alam kung paano mong nasasabi iyan, ngunit hindi ako naniniwalang isa lamang iyong pabulang Judio.” Ang sabi ko... Ang sabi niya, “Buweno, nananalangin ka... Sa ano ka ba nananalangin? Humiling ako ng ganoo 't ganito at ng mga bagay-bagay; hindi ko naman nakamit.”
Ang sabi ko, “Mali ang paraan ng pananalangin mo. Hindi dapat tayo manalangin para baguhin ang isipan ng Diyos; dapat ay manalangin tayo upang mabago ang isipan natin. Hindi kailangang baguhin ang isipan ng Diyos.(Kita n'yo, kita n'yo?) Wasto na iyon.” Ang sabi ko, “Hindi ang ipinananalangin mo...” May kilala akong isang batang lalaking Catolico noon na - may aklat- dasalan siya at nagdadasal siya at ang kaniyang - para mabuhay pa ang kaniyang ina. At namatay siya, kaya itinapon niya ang aklatdasalan niya sa apoy. Buweno, kita n'yo... hindi ako sang-ayon sa aklat-dasalang iyon, ngunit gayon pa man... Kita n'yo, mali kasi ang asal n'yo. Tinuturuan n'yo kasi ang Diyos kung ano ang dapat gawin. Dapat ang panalangin ay, “Panginoon, baguhinMo ako upang umangkop ako sa Iyong Salita,” hindi para baguhin - hindi, “Hayaan Mong baguhin ko ang isipan Mo, kundi, baguhin Mo ang isipan ko. (Kita n'yo?) Baguhin Mo ang isipan ko upang umayon sa kalooban Mo, at ang kalooban Mo ay nakasulat sa Aklat na ito. At Panginoon, huwag- huwagmo akong paaalisin hanggang sa maisaayos Mo ang aking - ang aking isipan nang tulad sa isipan Mo. At kung ang isipan ko ay katulad na ng isipan Mo, magagawa ko nang paniwalaan ang bawat Salitang isinulat Mo. At sinabi Mo roon na lahat ng bagay ay paglalakip-lakipin Mo sa ikabubuti ng mga nagsisi-ibig sa Iyo, at iniibig Kita, Panginoon. Lahat ng ito ay nagkakalakiplakip para sa ikabubuti.”
-----
Pansinin n'yo. Ngayon ay babalik tayo, kailangang magkaroon tayo ng isang bagay, kung ano man iyon, na dapat nating panghawakan. Kailangang magkaroon ng posteng-ikitan, sa ibang pananalita, isang ultimo. At bawa't isa ay kailangang magkaroon ng isang ultimo o ng isang dimapapasubaliang pamantayan. Nangaral ako tungkol dito maraming taon na ang lumipas, tungkol sa pamantayan, isang puntong maituturing na huling salita. Tulad ng ampayr sa isang larong bola, kapag sinabi niyang strike iyon, iyon na talaga iyon. Kahit ano pa angmaging tingin mo roon, sinabi na ng ampayr na strike iyon. Ang sabi mo,“Hi- hi- hi... Hindi strike iyon. Nagpa... Nakita Ko ang...” Hindi na mahalaga kung ano iyon, nang sabihin niyang,“Strike,” Iyon na iyon, at tapos na iyon, kung ano ang... Si- siya ang ultimo. At ang ilaw ng trapiko ang ultimo. 'Pag sinabi nitong, “Sulong,” ako... Sasabihin mo, “Buweno, nagmamadali ako, may ga...” Hindi, hindi, ang sabi nito, “Tumigil ka muna habang sumusulong ang iba.” Kita n'yo? Iyon ang ultimo.Ngayon, kailangang mayroon ng pantapos sa lahat ng bagay na ginagawa mo. Kailangang may pantapos ka pag namili ka ng mapapangasawa. Kailangang may babae kang mapili. Ngayon, kailangang dumating ang oras na kakailanganin mong bumili ng kotse, anong uri ng pantapos ang gagawin mo. Ford kaya iyon, Chevy, Plymouth, kotseng dayuhan, anuman iyon, kailangan mong magkaroon ng pantapos.
-----
Buweno, bawat denominasyon ay isang pantapos sa kanila ng mga tagasunod. Datapuwa't para sa akin at sa mga taong inaasahan kong inaakay ko kay Cristo, at sa pamamagitan ni Cristo, ang Biblia ang aming Pantapos. Kahit pa... 'Pagkat sinabing Diyos, “Ang salitang tao ay kasinungalingan, at ang Akin ay Katotohanan.” At naniniwalaako na ang Biblia ang Pantapos ng Diyos. Kahit ano pa ang sabihin ninuman, Iyon ang Pantapos. Ang Biblia ay hindi isang aklat ng mga sistema. Hindi po! Hindi ito isang aklat ng mga sistema, o isang kodigo ng kabutihang asal. Ang Biblia ay hindi isang aklat ng mga sistema, napakaraming sistema at iba pa. Hindi po! Hindi ito aklat ng kabutihang asal. Hindi po, hindi ito gano'n. Hindi rin naman ito akIatng kasaysayan, at hindi rin naman ito aklat ng teolohiya, dahil Ito ang kapahayagan ni Jesus Cristo. Ngayon, kung nais ninyong basahin iyon, kayo na may mga papel, na naglilista nito, iyon ay sa Apocalipsis 1:1-3. Ang... Ang Biblia ay kapahayagan ni Jesus Cristo.-----
Ngayon, pansinin ninyo ang Bibliang ito. Ang ilan sa kanila ay nagsasabi, “Oh, buweno, ganito ang ginawa niyan, ganoon ang ginawa niyan.” Subali't may sasabihin ako sa iyo, tayo nang- tunghayan natin ang kasaysayan ng Biblia sandali at tingnan natin kung saan Ito galing. Isinulat ito ng apat-napung iba't-ibang manunulat. Apat-na-pung tao ang sumulat sa Biblia sa loob ng labing anim na raang taon, at sa iba't ibang. pagkakataon, inihula nila ang pinakamahahalagang pangyayaring naganap sa kasaysayan ng mundo, at kadalasan pa nga ay daang taon bago iyon maganap. At walang isa mang pagkakamali sa kabuuan ng animnapu't anim na aklat. Ay, naku! Walang sinumang may-akda maliban sa Diyos ang ganiyan ka-wastung wasto. Walang isa mang salita ang sumasalungat sa iba. Alalahanin n'yo, sa loob ng labing anim na raang taon, ay naisulat ang Biblia, mula kay Moises hanggang sa- sa kamatayan ni - ni Juan sa Isla- o sa Isla ng Patmos, labing anim na raang taon. At isinulat ng apat na pung iba't-ibang may-akda. Ni hindi sila magkakakilala, at hindi pa nila taglay Iyon bilangang Salita. Ang iba sa kanila ay ni hindi pa nga nakakakita ng Salita. Ngunit nang isulat nila lyon, at naunawaan sila bilang mga propeta, at nang pagsama-samahin nila ang kanilang mga hula, bawa't isa sa kanila ay tumugma sa isa't-isa.-----
Ngayon, halimbawa, mula... Ano kaya't kumuha tayo ngayon ng anim na pu't anim na mga aklat sa medisina na tumutukoy sa katawan, na isinulat ng apat na pung iba't-ibang paaralan, isandaan at anim na pu... o labing anim na raang taon ang pagitan nila? Ano kayang uri ng pagkakadugtungdugtong ang makuha natin?Wala, walang pagkakadugtong doon, datapuwat walang isa mang salita sa Biblia ang sumasalungat sa iba. Walang isa mang propeta ang sumalungat sa isa pa. Bawat isa sa mga iyon ay sakdal, at sakaling may darating at manghuhula, kaagad tatayo ang tunay na propetang iyon at ipatatawag siya. Kung magkagayon ay naipamamalas ito. Kita n'yo, kita n'yo? Kaya't ang Biblia ay Salita ng Diyos sa lahat ng mga mananampalataya.
-----
At matutuklasan din nila balang araw na hindi rin sila nakakakita ng isang daan at limampung milyong taon ng liwanag sa kalawakan; umiikot lang sila. Ganiyang ganiyan nga. Matutuklasan ninyo isa sa mga araw na ito na pagpuntamo sa Langit, ay hindi ka lilipad ng mataas kung saan; naririto ka pa rin, lamang ay sa isang dimensiyong mas mabilis kaysa rito. Sa loob ng silid na ito ay may nagdaraang mga kulay. Bawat kulay ng kamiseta, baro, anumang suut-suot ninyo ay eternal, nakatala, paikut-ikot sa mundo. Sa tuwing ikukurap mo ang mata mo ay nakatala ito. Masdan n'yo, ang telebisyon ang magpapatunay niyan.-----
Ngayon, pansinin. At walang anumang pagkakamali sa Kasulatan. Si Jesus, ang Salita ng Diyos, ay nakakikilala ng mga haka ng puso. Ang Salita ng Diyos ay higit na malakas, higit na matalas, Hebreo 4:12: “Ang Salita ng Diyos ay higit na matalas, higit na makapangyarihan kaysa dalawang talim na tabak, at nakakikilala ng mga kaisipan at mga haka ng diwa.” Kita n'yo? Nararating Nito ang loob ng diwa, at humuhugot ito, at kumikilala. Ano ba ang pagkilala? “Ang ipabatid, ipahayag.” At iyan ang ginagawa ng Salita ng Diyos. Ngayon ay sinasabi natin, “Ang Simbahang Catolico ay ang Salita ng Diyos, ang mga Baptist, ang mga Metodista, ang Pentecostal, ang tabernaculo.” Mali iyan. Ang Salita ang kapahayagan, ang Diyos na nahahayag sa pamamagitan ng Salita!-----
Sakdal na sakdal... Ang Salita ng Diyos ay sakdal na sakdal, na maging ang Luma at ang Bagong Tipan ay dalawang kalahati at bumubuo sa isa. Tama. Ang Lumang Tipan ang Kalahati, at ang Bagong Tipan naman ang kalahati Nito. Pagsamahin mo, at makukuha mo ang kabuuan ng kapahayagan ni Jesus Cristo. Naroon ang propetang nangungusap, at naririto Siya sa Persona. Kita n'yo? Dalawang kalahati at isang kabuuan. Ngayon, ayaw nating masyadong magtagal.Alalahanin ninyo, na ang Lumang Tipan ay hindi magiging kumpleto kung wala ang Bago. At ang Bago ay hindi makukumpleto kung wala ang Luma. Iyan ang dahilan kung bakit ang sabi ko ay, dalawang kalahati - isang buo. Kaya't ang sabi ng propeta, “Siya'y paririto; Siya'y paririto; Siya'y paririto! Ganito ang gagawin nila sa Kaniya; ganito ang gagawin nila sa Kaniya!” at naririto na nga Siya, ''Naparito na Siya; naparito na Siya! Napa... Ganito ang ginawa nila sa Kaniya, at ganito ang ginawa nila sa Kaniya.” Katatapos ko pa lang mangaral tungkol diyan ilang gabi pa lang ang nakalilipas.
Ngayon, para mapag-aralan ang Mga Kasulatan- sinabi ni Pablo kay Timoteo, “Pag-aralan mo Ito, gamitin mong matuwid ang Salita ng Diyos na siyang Katotohanan,” - at may tatlong dapat sa Kasulatan. Sa paggamit ng Salita ng Diyos ay may tatlong,bagay kang hindi dapat gawin. Ngayon ay pagaralan natin iyan sa susunod na sampung minuto: Tatlong bagay na hindi mo dapat gawin. At sa buong lupain, saan man kayo naroroon sa buong bansa, tiyakin ninyong mailalagay ninyo ito sa inyong isipan kung wala kayong lapis. Hindi dapat gawin ang mga bagay na ito. Lagi naming sinasabi sa inyo kung ano ang mga dapat gawin; ngayon naman, ay sasabihin ko sa inyo kung ano ang hindi dapat gawin. Ngayon, hindi mo dapat minamali ang pagpapaliwanag sa Salita. Sasabihin mo, “Buweno, sa paniwala ko ay ganito ang ibig sabihin nito.” Ang ibig sabihin Niyan ay kung ano ang sinasabi Niyan. Hindi na Iyan nagangailangan pa ng tagapagpaliwanag. At hindi mo dapat minamali ang pagkakalagay ng Salita. At hindi mo dapat alisin sa tamang puwesto ang Salita. At kung gagawin natin ang alin man sa mga ito, nailalagay ang buong Biblia sa isang kalituhan at sa isang kaguluhan.
Pansinin. Ang mamali ka ng pagkaunawa kay Jesus sa anyo ng Diyos na nasa isang tao, baka gawin mo Siyang - baka gawin mo Siyang isa sa tatlong Diyos. Ang mamali ka ng pagkaunawa kay Jesus Cristo,sa Kaniyang pagiging Salita, baka gawin mo Siyang isa sa tatlong Diyos. o baka gawin mo Siyang ikalawang Persona ng isang pagkadiyos. At 'pag ganiyan, ay guguluhin mo ang buong Kasulatan. Wala kang mararating. Kaya't hindi dapat Ito minamali ng pagpapaliwanag. At kung sasabihin mo na ang isang bagay na ito, lalagyan mo Ito ng sarili mong pagpapaliwanag, at gagamitin mo Ito sa ibang panahon o sasabihin mong naganap na Ito sa ibang panahon, gumagawa ka rin ng maling pagpapaliwanag.
-----
Ang tatlong dapat na ito, ay kailangang isagawa. Hindi dapat minamali ang pagpapaliwanag o mali ang paghawak Dito, maliin ang paliwanag, o maliin ang pagpupuwesto Dito. Kailangang panatiliin Ito kung paano talaga Ito sinabi ng Diyos. Sa sanlibutan, Ito'y isang Aklat ng hiwaga. Ang paniwala ng mga tao ay isa lamang Itong mahiwagang Aklat. Minsan ay kausap ko ang isang bantog na tao dito sa lungsod, na napakagandang kaniyang estado sa Cristianismo, at ang sabi niya,“Sinikap Kong basahin ang Aklat ng Apocalipsis isang gabi.” Ang sabi, “Siguro ay kumain si Juan ng siling maanghang kaya binangungot siya.” Kita n'yo, isang aklat ng hiwaga, ngunit...samantalang sa isang tunay na mananampalataya, Ito ang kapahayagan ng Diyos na ipinahahayag sa kapanahunang kinabibilangan natin. Ang sabi Niya,“Ang Salita Ko ay Espiritu at Buhay.” Sinabi iyan ni Jesus. Muli ay sinabi Niya, “Ang Salita ang Binhi na inihasik ng manghahasik.” Alam nating iyan ay totoo. Ito ang Diyos sa anyo ng Salita, at Siya lamang ang maaaring makapagpaliwanag Nito. Hindi kaya ng kaisipan ng tao ang ipaliwanagang kaisipan ng Diyos. Paanong magagawa ng maliit na- isang maliit at limitadong isip ang magpaliwanag sa impinit na Isip, samantalang hindi nga natin magawang ipaliwanag ang isipan ng isa'tisa sa atin? At ansinin ninyo, Siya lamang ang maaaring makapag paliwanag Nito, at ipinaliliwanag Niya Ito sa kanino mang naisin Niya. Hindi sinabing, “Ang mga taong mortal noong unang panahon sa paglalakad nila sa ibabaw ng lupa noong araw at sa iba't-ibang pamamaraan.” Ang Diyos noong arawat sa iba'tibang paraan ay nagpahayag ng Kaniyang Sarili sa mga propeta. Kita n'yo?
Basahin ang account sa...
Si Cristo ay Nahahayag sa Sarili Niyang Salita.