Kapangyarihang bumago ng Diyos.
<< nakaraang
susunod >>
Pagbabago ng inyong pag-iisip.
William Branham.Basahin ang account sa...
Kapangyarihang bumago ng Diyos.Ngayon, sa Aklat ng Mga Taga Roma, sa ika-12 kabanata at sa una at ikalawang talata, nais nating basahin ang Kasulatang ito.
Kaya nga , mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong giharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at ganap... mabuti, kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.Ngayon, kung loloobin ng Panginoon, nais kong kunin ang paksa ko para sa umagang ito: “Ang Kapangyarihang Bumago Ng Diyos.” Na huwag kayong magsiayon sa sanlibutang ito: ngunit mag... mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip,... (ngayon) at mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, ganap, at kaayaayang kalooban ng Diyos.
Isa itong dati na at pamilyar na tekstong ginamit ng marami sa inyong mga pastor nung nagdaang panahon. Ngunit, isang bagay sa Salita ng Diyos, hindi Ito naluluma, sapagkat ito'y Diyos. Hindi Ito naluluma. Sa bawat henerasyong nagdaan sa halos mga dalawampu't walong daang taon na o higit pa, ang Salitang ito ng Diyos ay binasa ng mga tao, mga pari, at iba pa, at hindi ito kailan man naluluma. Tatlumpu't limang taon ko na rin itong binabasa. At sa tuwing babasahin ko Ito, mayroon akong bagong nakikita na nalampasan ko nung una. Sapagkat Ito ay kinasihan. Ito ay Diyos sa anyong titik. Kita n'yo, mga katangian ito ng Diyos na ipinahayag at inilagay sa papel.
Maraming beses sinasabi ng mga tao, “Buweno, tao ang sumulat ng Biblia.” Hindi. Ang Biblia mismo ang nagsasabing Diyos ang sumulat Nito. Ito ang Salita ng Diyos. At ito'y... 35 Hindi Ito kailan man mabibigo. Ang sabi ni Jesus, “Langit at lupa ay maaaring mabigo, lilipas, ngunit ang Aking mga Salita ay hindi mabibigo.” Hindi Ito mabibigo sa pagiging Diyos, sapagkat Ito'y bahagi Niya. 36 At kayo bilang mga anak niyang lalaki at babae, bahagi rin kayo Nito; bahagi Niya kayo dahil diyan. Kaya't nagsasama-sama tayo sa paligid ng Salita ng Diyos.
Ngayon, ang salitang ito na “nabago” (transformed), ay tinignan ko sa diksyunaryo kahapon nang halos ay di ko na namalayan ang oras na dapat ay maparito ako, nung naghahanap ako ng isang teksto. At nakita ko ang salitang ito, o ang tekstong ito, pala, ang Kasulatan. At sinasabi sa diksyunaryo na ito ay “isang bagay na nabago.” Ito'y ang “mabago, mag-iba ng anyo, maiba sa dati.” “Ang katangian at lahat ng naririto ay nabago”: ang baguhin (to transform).
At iniisip ko kaninang umaga, sa Genesis 1. Ang mundong ito ay walang anyo, at walang laman; natatakpan ng kadiliman ang ibabaw ng lupa, ganap ang kaguluhan. At nang ang mundong ito ay nasa gayong kalagayan, ang Espiritu ng Diyos ay kumilos sa ibabaw ng tubig, at nabago ang buong larawan nito mula sa kaguluhan patungo sa isang halamanan ng Eden. Ang kapangyarihang bumago ng Diyos, na nakagagawang kumuha ng isang bagay na walang kabuluhan at gumawa ng isang kamangha-manghang bagay mula rito, kapangyarihang bumago ng Diyos...
At nauunawaan natin sa pagbabasa ng Kasulatan, na anim na libong taong hinanda ng Diyos ang Eden na ito. Ngayon, maaaring hindi Siya nagtagal ng gayon; ngunit nagpapalagay lang tayo, at kinukuha natin iyon sa Kasulatang nagsasabing ang isang araw sa Diyos ay isang libong taon sa lupa, 'yun ay, kung magbibilang ang Diyos ng panahon. At sabihin nating anim na libong taon Niyang ginawa ang mundo, at itinanim Niya lahat ng mabubuting binhi sa lupa. Ang lahat ay sadyang sakdal. Sa palagay ko, kadalasan, kapag sinisimulang basahin ng mga kritiko ang Aklat ng Genesis, pinupulaan nila Ito, sapagkat tila Ito'y paulit-ulit, o pinapadpad ka paroo't parito. Kung mapapansin lang natin sandali, bago tayo magtungo sa ating teksto, na si Moises ang nakakita ng pangitain. At ang Diyos ay nangusap sa kaniya. Nangusap ang Diyos kay Moises nang mukhaan, bibig sa tainga. Ngayon, hindi siya nangusap kanino man tulad ng ginawa Niya kay Moises. Si Moises ay isang dakilang, isa sa mga pinakadakilang propeta. Katipo Siya ni Cristo. At ngayon, magagawang magsalita ng Diyos, mayroon Siyang tinig. Narinig na ito. Maaaring magsalita ang Diyos.
At maaaring sumulat ang Diyos. Sinulat ng Diyos ang sampung utos sa pamamagitan ng Kaniyang Sariling daliri. Sumulat Siya minsan sa pader ng Babilonia minsan sa pamamagitan ng Kaniyang daliri. Yumukod siya at sumulat sa buhangin minsan sa pamamagitan ng Kaniyang daliri. Magagawang magsalita ng Diyos. Magagawang bumasa ng Diyos. Magagawang sumulat ng Diyos. Ang Diyos ang Bukal ng lahat ng biyaya at kapangyarihan, at lahat ng Makalangit na karunungan ay nasa Diyos. Kaya nga, dahil nalalaman nating Siya ang tanging Manlilikha... Wala nang ibang manlilikha maliban sa Diyos. Hindi kayang lumikha ni Satanas, sa anumang paraan; binabaluktot lang niya kung ano'ng nalikha na. Ngunit ang Diyos ang tanging Manlilikha. Samakatuwid, lumikha Siya sa pamamagitan ng Kaniyang Salita. Isinugo Niya ang Kaniyang Salita. Kaya lahat ng mga binhing inilagay Niya sa ibabaw ng lupa, nilikha Niya ang mga binhing iyon sa pamamagitan ng Kaniyang Sariling Salita, sapagkat wala nang iba pang pagmumulan ang binhi. Siya ang naglagay ng mga ito, at ang mga ito ay nasa ilalim ng tubig. Sinabi Niya lang, “Magkaroon ng ganito, magkaroon ng ganiyan.”
Ngayon, makikita nating kadalasan ay parang paulit-ulit ang Biblia o nagsasaad ng isang bagay na hindi Nito sinasabi... Halimbawa, sa Genesis 1 makikita nating, “Nilikha ng Diyos ang tao sa Kaniyang Sariling larawan, sa larawan ng Diyos siya'y nilikha Niya; lalaki't babae nilikha Niya sila.” At nagpatuloy Siya, at maraming bagay na naganap sa ibabaw ng lupa. At nalaman nating walang taong bumubungkal ng lupa. Nang magkagayon ay nilikha ng Diyos ang tao mula sa alabok ng lupa. Ibang tao iyon. At hiningahan Niya siya ng espiritu ng buhay, at siya'y naging isang kaluluwang may buhay.
Ang unang tao ay nasa larawan ng Diyos, na Espiritu, ang sabi ng Juan 4, “Ang Diyos ay isang Espiritu, at ang mga sumasamba sa Kaniya ay dapat sumamba sa Kaniya sa Espiritu at Katotohanan.” Ngunit ang Diyos ay isang Espiritu. At ang unang taong nilikha Niya ay espiritung-tao, at siya ay nasa larawan at wangis ng Diyos. At pagkatapos ay inilagay Niya ang taong ito sa laman, at ang tao ay nahulog. Kaya't ang Diyos ay nanaog at napasalarawan ng tao, upang matubos Niya ang nahulog na tao. Iyan ang tunay na kuwento ng Ebanghelyo, sa aking pakiwari.
Ngayon, ang Diyos, sa loob ng anim na libong taon ay nagtanim ng lahat ng mga kamanghamanghang mga binhing ito, o ipinangusap Niya ang Kaniyang Salita. “Ito'y magkakaganito. Magkakaganito ang punong ito. Ito ay magkakaganito.” Ang lahat ay sakdal. Sadyang mabuti. At inutusan Niya ang bawat isa sa mga binhing iyon na mabago patungo sa halamang ayon sa uri ng buhay na binigkas ng Salita ng Diyos na dapat mapasakanila. Kung iyon ay isang oak tree, ito ay magsisibol ng isang oak. Kung iyon ay sasa, magsisibol iyon ng sasa. Sapagkat basta't isinugo ng Diyos ang Kaniyang Salita, at ang Salitang binhi ay naroroon na bago maanyuan ang tunay na binhi. Kita n'yo, ginawa Niya ang mundo mula sa mga bagay na hindi nakikita. Kita n'yo, ginawa Niya ang mundo sa pamamagitan ng Kaniyang Salita. Ipinangusap ng Diyos ang bawat bagay at nagsilitaw ang mga ito.
At bilang Diyos, na Manliklikha, na nagsalita upang magsilitaw ang lahat ng bagay, tiyak na isang sakdal na mundo iyon. Napakagandang lugar niyon. Isa iyong tunay na paraiso dito sa ibabaw ng lupa. Ngayon, kung papaanong ang bawat lugar ay kailangang magkaroon ng punong himpilan... Ang kumbensyong ito ay may punong himpilan, at ang tsapter na ito ay may punong himpilan. Ang Diyos ay may punong himpilan. At gayudin ang dakilang bansang ito na ating tinitirhan, mayroon itong punong himpilan. Kung kaya't ang dakilang Eden na ito ay mayroon din punong himpilan, at ang punong himpilang ito ay patungo sa halamanan ng Eden, o nasa Eden, sa silanganan ng hardin. At inilagay Niya rito, upang pamunuan ang Kaniyang dakilang sannilikha sa lupa, ang Kaniyang anak na lalaki at ang kaniyang nobya, sina Adan at Eva.
Ang Diyos ang Ama ni Adan. Siya ay anak na lalaki ng Diyos, ayon sa Kasulatan. Anak na lalaki siya ng Diyos. At ginawan siya ng Diyos ng isang katuwang mula sa kaniyang sariling katawan, marahil ay isang tadyang na nakatakip sa kaniyang puso, nang sa gayon ay maging malapit siya sa kaniya; at ginawan siya ng isang katuwang. Hindi pa naman niya talaga iyon asawang babae, kung papaanong hindi pa rin siya asawang lalaki; ipinangusap Niya lang ito. At doon dumating ang problema, nauna siyang nasumpungan ni Satanas bago ni Adan. Kaya Salita Niya lang iyon na binigkas.
-----
At lahat tayo ay nasa larawan pa rin ng Diyos. Ngunit ang ilan ay lubos nang nasira ang anyo bilang mga anak ng Diyos, na lumalakad nang salungat sa Kaniyang Salita at sa daang ipinagkaloob Niya upang ating lakaran. Naglalagay siya ng isang bagay, pinipilipit tayo ng sanlibutan papalihis sa daang iyon, inilalapit tayo sa kaniya, at papalayo sa matuwid, makitid na hanay na pinagtamnan sa atin, upang maging mga anak na lalaki at babae ng Diyos... Ang kasalanan ang gumawa ng kasamaang ito sa mga anak na lalaki at babae ng Diyos.-----
Ngayon, sa inyo na nasa brodkas, saan man kayo naroroon, nais kong tanggapin n'yo si Cristo diyan sa kinaroroonan n'yo, bilang personal ninyong Tagapagligtas at kayo'y mapuspos ng Kaniyang Espiritu. Ang mga salitang nabanggit ngayong umaga, nawa'y mahulog sa inyong puso. At doon ay tanggapin n'yo nawa si Jesus. At bantayan n'yo ang inyong buhay, at tignan n'yo kung anong ipamumuhay n'yo matapos ito. At tanggapin n'yo ang Panala ng taong nag-iisip na naririto. Kapag nakita n'yong gumagawa kayo ng isang bagay na salungat sa Salitang ito, layuan n'yo ito, nang mabilis. Kita n'yo? Sapagkat may Panalang naglalayo sa inyo sa kamatayan; iyan ay ang Salita ng Diyos. Ang Kaniyang mga Salita ay Buhay, at ilalayo kayo nito sa kamatayan.Basahin ang account sa...
Kapangyarihang bumago ng Diyos.
At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
Genesis 1:2