Leong ito Juda.

<< nakaraang

susunod >>

  Buhay Salita serye.

Sino ang karapat-dapat?


William Branham.

Basahin ang account sa...
Ang puwang sa pagitan ng Pitong Kapanahunan ng Iglesia at ng Pitong Tatak.

Pahayag 5:2-4,
2 At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito? 3 At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. 4 At ako'y umiyak na mainam, sapagka't hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man:

Ngayon, at may isang malakas ng Anghel... Ngayon, sa ika-2 talata, ang malakas na Anghel na nagtataniyag nang may malakas na tinig, “Sino ang karapat-dapat?” Karapat-dapat para sa ano? “Sino ang karapat-dapat na kumuha sa Aklat na iyon?” Ngayon, nalaman natin... Nasaan ba ang Aklat ngayon? Nasa orihinal na May-ari nito, sapagkat ito ay naiwala ng isang anak, ang unang anak ng Diyos sa sangkatauhan. At nang isuko niya ang kaniyang mga karapatan upang makining kay Satanas, isinuko niya... Ano ang ginawa niya? Tinanngap niya ang karunungan ni Satanas imbes na ang Salita ng Diyos.

-----
Ang panawagan ng Anghel ay isang panawagan para magpakita ang Kaanak na Manunubos. Ang sabi ng Diyos, “Mayroon akong batas, maaaring maging kahalili ang isang Kaanak na Manunubos.” Nasaan ang Kaanak na Manunubos? Sino ang may kakayahang kumuha nito? At mula kay Adan hanggang sa lahat ng mga apostol, at mga propeta, at lahat na, walang sinumang nasumpungan. Ngayon, papaano na iyon? Walang sinuman sa langit, walang sinuman sa lupa, walang sinumang nabuhay... Nakatayo ro’n si Elias. Nakatayo si Moises do’n. Lahat ng mga namatay na apostol ay nakatayo ro’n, lahat ng mga taong banal, sina Job, at ang mga paham. Ang bawat isa ay nakatayo ro’n, at walang sinumang karapat-dapat na tumingin man lamang sa Aklat, lalo pa ang kunin Ito at kalasin ang mga Tatak. Ngayon, saan pumapasok ang papa at lahat ng mga ito? Nasaan ang inyong mga obispo? Nasaan ang ating pagiging karapat-dapat? Wala tayong kabuluhan. Tama.

-----
Ngunit si Juan ay tumangis. Heto ang palagay kong dahilan kung bakit siya tumangis: sapagkat kung walang isa mang karapat-dapat at makapagbubukas ng Aklat na ito ng Katubusan, ang buong sannilikha ay napahamak na. Narito ang Aklat; narito ang titulo; at ito ay inialok sa Kaanak na Manunubos na makatutugon sa mga kuwalipikasyon. Iyon ay sariling batas ng Diyos, at hindi Niya maaaring dungisan ang Kaniyang batas-hindi Niya maaaring suwayin ang Kaniyang sariling Batas, ang ibig kong sabihin. Kita n’yo, humiling ang Diyos ng isang kaanak na manunubos na karapatdapat, na may kakayahang gumanap niyon, na may kayamanan upang gampanan iyon. At ang sabi ng Anghel, “Ngayon hayaang lumabas ang Kaanak na Manunubos.” At tumingin si Juan, at tinignan niya ang buong mundo; tumingin siya sa ilalim ng lupa, at walang sinumang karapat-dapat. Ang sannilikha at lahat na ay napahamak. Anupa’t tumangis si Juan; ang lahat ay napahamak. Gayunman ang pagtangis niya ay sandali lang nagtangal. Pagkatapos ay tumindig ang isa sa mga matatanda na nagsabi, “Huwag kang tumangis, Juan.” Ay, naku. Sandali lang ang itinagal ng kanyang pag-iyak. Naisip ni Juan, “Ay, naku, nasaan ang taong iyon? Nakatayo roon ang mga propeta; isinilang sila tulad ng pagkakasilang ko. Nakatayo roon ang mga paham; nakatayo roon ang... Oh, wala bang sinuman dito?”

-----
At ang Leong ito mula sa angkan ni Juda ay nagtagumpay. Ang sabi niya, “Huwag kang tumangis, Juan, sapagkat ang Leon mula sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David ay nagtagumpay; Siya’y nagtagumpay na. Nagawa na Niya iyon; tapos na, Juan.” Ay, naku. Nakagawa Siya ng klorox na makapagpapabalik sa kasalanan sa maruming mga kamay na-kasama ng karunungan niyaong sumalaula dito: sa tao. Siya nga.

Ngunit nang lumingon si Juan, nakakita siya ng isang Cordero. Ibang-iba sa Leon. Ang sabi niya, “Ang Leon ay nagtagumpay.” Kita n’yo, maaari ko namang gamitin iyan doon “Ang Diyos ay Nagkukubli sa Kasimplehan.” Ang sabi niya, “Siya’y isang leon.” Iyon ang hari ng mga hayop. Ang Leon ay nagtagumpay. Ang Leon ang pinakamalakas sa lahat.

Humiga ako sa kagubatan sa Africa at narinig kong sumigaw ang mga giraffe at ang napakalaking elepante na nakataas ang ilong, “Whee, whee, whee,” at narinig ko ang atungal ng mababangis na hayop sa ilang, at ang- ang mga kuliglig hanggang sa... At nakahiga kami ni Billy Paul sa isang maliit na dako na madawag at narinig namin mula sa isang malayong lugar na umungal ang isang leon, at lahat ng nasa ilang ay tumahimik. Maging ang mga kuliglig ay huminto sa paghuni. Nagsalita ang hari. At ito ang Hari. Iyon ang Kaniyang Salita.

-----
Ngayon, ang sabi Niya, “Ang Leon mula sa angkan ni Juda.” Bakit? Mula sa Juda... “Oh, si Juda na isang tagapagbigay ng kautusan ay hindi mauuna o mapapasa pagitan ng kaniyang mga tuhod hanggang sa ang Shiloh ay dumating.”; ngunit Siya ay magmumula sa Juda. At ang Leon (ang simbulo ng angkan ni Juda) ay nanaig; Siya’y nagtagumpay. At nang tumingin siya sa paligid upang makita kung saan naroroon ang Leon, ang nakita niya ay isang Cordero: kataka-taka, naghahanap siya ng isang Leon at ang nakita niya ay isang Cordero. Tinawag Siya ng matanda na isang Leon, ngunit nang lumingon si Juan, ang nakita niya ay isang Cordero-isang Cordero na tila pinaslang mula pa nang itatag ang sanlibutan: isang Cordero, na pinaslang... Ano iyon? Ano ang Corderong iyon? Iyon ay duguan, sugatan, isang Corderong pinaslang ngunit muling nabuhay; at siya ay duguan. Ay, naku. Papaano n’yong matitignan iyon, bayan, at pagkatapos ay manatili kayong isang makasalanan?

May isang Corderong lumapit; ang sabi ng matanda, “Isang Leon ang nagtagumpay, ang Leon mula sa angkan ni Juda. At lumingon si Juan upang makita ang Leon, at may dumating na isang Cordero, nanginginig, duguan, sugatan; Siya ay nanaig. Masasabi mong Siya ay nanggaling sa pakikibaka. Siya’y pinaslang, ngunit Siya ay nabuhay na muli.

Hindi napansin ni Juan ang Corderong ito dati, malalaman n’yo rito. Hindi Siya nabanggit nung una. Hindi ito nabanggit saan man. Hindi Iyon nakita ni Juan sa buong kalangitan sa kaniyang pagtingin, ngunit heto’t Ito’y dumating. Pansinin n’yo, kung saan ito nanggaling... Saan Ito nanggaling? Nanggaling ito sa luklukan ng Ama kung saan Siya ay naupo mula pa nang Siya ay paslangin at magbangong muli. Siya’y umakyat at umupo sa kanang kamay ng Diyos, magpakailan ma’y namamagitan. Amen. Nagtindig Siya ro’n sa araw na ito bilang isang Tagapamagitan taglay ang Kaniyang Sariling Dugo upang mamagitan sa kawalang-kamalayan ng mga tao. Ngayon, oh, Siya ang aking inaasahan. Siya ay nababalutan pa rin ng klorox, ng klorox ng kapatawaran ng kasalanan.

-----
Ngayon, masdan n’yong maigi. Ito ay isang bagay na dapat n’yong makuha. Ngayon, dati Siyang namamagitan para sa mananampalataya. Sa loob ng dalawang libong taon naroon Siya bilang isang Cordero. Ngayon, Siya ay lalabas na mula sa walang hanggan upang kunin ang tituladong Aklat, at upang kalasin ang mga Tatak, at ihayag ang mga hiwaga. Kailan? Sa huling panahon. Nakukuha n’yo ba? Sige, magpapatuloy na tayo kung gayon.

Ngayon, kakalasin Niya ang Tatak at ilalantad ang mga hiwaga sa ikapitong anghel na ang mensahe ay maghahayag ng lahat ng mga hiwaga ng Diyos. Ang mga hiwaga ng Diyos ay napapaloob sa Pitong Tatak na ito. Kita n’yo? Iyon ang Kaniyang sinabi rito. Ang lahat ng mga hiwaga ay napapaloob sa Pitong Tatak na ito.

At ang Cordero ay darating na ngayon mula sa pagiging isang Tagapamagitan sa Diyos at tao; magiging isa Siyang Leon. At kapag naging isa na Siyang Leon, kukunin Niya ang Aklat; iyon ang Kaniyang mga karapatan. Hawak-hawak dati ng Diyos ang hiwaga, ngunit ngayon ay dumating na ang Cordero.

Walang sinumang maaaring makakuha ng Aklat. Nasa kamay pa rin Ito ng Diyos. Walang papa, pari, anuman iyon, hindi nila magawang kunin ang Aklat. Hindi pa nahahayag ang Pitong Tatak. Kita n’yo? Ngunit kapag natapos na ang pamamagitan bilang isang Tagapamagitan, darating Siya, at si Juan... Ang sabi ng matanda, “Siya’y isang Leon,” at Siya ay lumabas. Masdan n’yo Siya. Ay, naku. Kita n’yo?

Dumating Siya upang kunin ang Aklat (Ngayon, masdan n’yo.) upang ihayag ang mga hiwaga ng Diyos na dating hinulaan ng iba sa lahat ng mga nagdaang panahon ng denominasyon. Kita n’yo na, ang ikapitong anghel... Kung ang Aklat na ito ng mga hiwaga ay ang Salita ng Diyos, kailangang maging isang propeta ang ikapitong anghel upang datnan ng Salita ng Diyos. Walang mga pari, mga papa, o anupamang maaaring makakuha nito. Hindi dumarating sa ganu’n ang Salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay dumarating lamang sa isa isang propeta: sa tuwina.

Nangako ng gayon ang Malakias 4. At kapag lumabas Siya, kukunin Niya ang mga hiwaga ng Diyos, na kinalituhan ng iglesia sa lahat ng mga denominasyong ito, at isasauli ang pananampalataya ng mga anak sa mga magulang; at pagkatapos ay darating na ang paghatol sa sanlibutan, at ang lupa ay masusunog; at pagkatapos ay lalakaran ng matutuwid ang mga abo ng masasama sa milenyo. Nauunawaan n’yo na ba? Sige.

Ang iba ay nagpalagay tungkol dito sa panahong makadenominasyon, ngunti kita n’yo, siya na dapat ang lalaking ito, ang ikapitong anghel ng Apocalipsis 10:1-4 ay isang... Ibinigay sa ikapitog anghel ang mga hiwaga ng Diyos at tatapusin niya ang lahat ng hiwagang naiwan sa mga kapanahunang makadenominasyon.

Ngayon, makikita n’yo kung bakit hindi ko tinitira ang mga kapatiran sa denominasyon. And sistema ng denominasyon ang tinitira ko. Hindi hila... Hindi nila ito kailangang subuking alamin, sapagkat ito ay hindi maaaring maihayag. Iyan ay ayon sa Salita. Nagsapantaha lang sila tungkol dito, at naniwalang iyon nga ay naroroon, at nilakaran nila ito sa pananampalataya, ngunit ngayon ito’y napatunayan na nang may ebidensya. Amen. Ay, naku, napakagandang Kasulatan.

-----
Ang batas ng Diyos ay humiling... Siya ang may hawak nito. Ang batas ng Diyos ay humiling ng isang Kaanak na Manunubos, at ang Cordero ay buong tapang na lumabas. “Ako ang kanilang Kaanak. Ako ang kanilang Manunubos. Namagitan na Ako para sa kanila, at ngayon naparito Ako upang angkinin ang kanilang mga karapatan.” Amen. “Naparito Ako upang angkinin ang kanilang mga karapatan. Doon ay may karapatan sila sa lahat ng naiwala sa pagkahulog, at binayaran Ko na ang halaga.” Oh, kapatid. Whew. Hindi ba ito nagpapasaya sa inyo nang husto?

Hindi sa pamamagitan ng mabubuting gawa na ating nagawa, ngunit sa pamamagitan ng Kaniyang kahabagan. Oh, sandali lamang. At ang mga matatanda at iba pa ay nagsimulang maghubad ng kanilang mga putong, at ang matataas na pinuno ay nagsimulang magpatirapa. Kita n’yo?

Walang sinumang makagagawa niyon. At Siya ay lumapit sa kanan ng Diyos at Kaniyang kinuha ang Aklat mula sa Kaniyang kanang kamay at inangkin ang Kaniyang mga karapatan, “Namatay ako para sa kanila. Ako ang kanilang Kaanak na Manunubos. Aking-Ako ang Tagapamagitan. Ang Dugo Ko ay nabubo. Ako’y naging tao, at ginawa Ko ito upang mabawi ang iglesia, yaong nakita Ko na bago pa itatag ang sanlibutan. Nilayon Ko iyon; ipinangusap Kong iyon ay mapaparoon, at walang sinumang maaaring kumuha niyon, ngunit Ako’y nanaog at Ako na mismo ang gumawa niyon. Ako ang kanilang Kaanak... ?... Ako’y naging kaanak nila.” At kinuha Niya ang Aklat. Amen.

At Sinong naghihintay sa akin doon ngayong gabi? Sino ang Isang iyon, iglesia, na naghihintay ro’n? Sino pa ba ang maghihintay ro’n sa inyo kundi ang Kaanak na Manunubos? Ay, naku. Kahanga-hangang pahayag o gawa.

Ngayon, nasa Kaniya ang Titulo ng katubusan. Hawak Niya iyon sa Kaniyang kamay; tapos na ngayon ang pamamagitan. Nasa kamay Niya ito. Alalahanin, dati itong nasa kamay ng Diyos, ngunit ngayon ay nasa kamay na ito ng Cordero. Ngayon, masdan n’yo, ang Titulo ng Katubusan ng lahat ng nilikha ay nasa Kaniyang kamay, at Siya’y dumating upang bawiin ito para sa sangkatauhan, hindi para sa mga Anghel; binawi Niya ito pabalik sa sangkatauhan na siyang pinagbigyan nito upang makagawa muli ng mga anak na lalakit at babae ng Diyos, maibalik sila sa halamanan ng Eden, pati na ng lahat ng kanilang naiwala: ang buong sannilikha, ang mga punong kahoy, ang mga hayop, at lahat ng iba pa. Ay, naku. Hindi ba napapaigi niyan ang inyong pakiramdam?

Basahin ang account sa...
Ang puwang sa pagitan ng Pitong Kapanahunan ng Iglesia at ng Pitong Tatak.


Ang Aklat na
ito na may
pitong tatak ay
naihayag sa panahon
ng Pitong Kulog
ng Apocalipsis 10.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit,

At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon:

Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.

Pahayag 10:5-7


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.

(PDFs)

Kabanata 14
Sabino Canyon.

(PDF)
Kung saan lumitaw
ang espada.

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)


Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.