Ang Ikapitong Tatak.
<< nakaraang
susunod >>
Katahimikan sa Langit.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang Ikapitong Tatak.At ngayon, nakita nating... Ganundin ating... Pinakuha sa atin ng Panginoon ang Kasulatan, ang Banal na Kasulatan, tungkol sa kung anong sinabi ni Jesus na magaganap. At papaano natin nagawang malaman iyon? Narito't ipinahahayag at inihahatid nito nang eksaktong-eksaktong (ang Kaniyang sermon do'n) tugon do'n, inilalahad nang tamang-tama ang anim na Tatak, ngunit di Niya binanggit ang Ikapito. Kita n'yo? At nang mabuksan ang mga Tatak, hindi hinayag ng Diyos (pansinin n'yo rito) maging anumang simbulo ng Ikapito. Kita n'yo? Ganap itong lihin sa Diyos. Pansinin n'yo, babasahin na natin ang Ikapitong Tatak sa Biblia. Iyon ay masusumpungan sa ika-8 kabanata ng Apocalipsis.
At nang buksan niya ang ikapitong tatak, ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras.
(At iyan lang ang mayroon tayo tungkol do'n.)Ngayon, wala sa ating nakaaalam; ngunit sasabihin ko sa inyo ang kapahayagan ko rito. At ngayon, hindi ako madaling magpakapanatiko. Kung ganun man ako, di ko iyon namamalayan. Kita n'yo? Hindi ako mahilig sa mga kahinahinala o mga pagwawala o mga hakahakang bagay. Nakapagsabi ako ng mga bagay na marahil ay medyo kakatuwa sa ilang mga tao, ngunit kapag dumarating ang Diyos at nagbibindika at sinasabi Niyang ito ang Katotohanan, kung magkagayo'y Salita iyon ng Diyos. Maaaring tila kakatuwa iyon sa gayong paraan. Kita n'yo? At ngayon, singtiyak ng pagkakatayo ko ngayong gabi sa plataporma, nagkaroon ako ng kapahayagan na inihayag... Nasa tatlo itong kaparaanan. Sasabihin ko sa inyo ang isang lupi niyon sa tulong ng Diyos. At pagkatapos inyong... Puntahan muna natin iyon. Narito ang kapahayagan upang pasimulan ang... Nais kong sabihin sa inyo kung ano iyon. Mangyari ang pitong kulog na iyon na narinig niyang umugong na ipinagbawal sa kaniyang isulat, iyon ang hiwaga na nasa likod ng pitong magkakasunod na kulog na dumagundong.
Ngayon, bakit? Patunayan natin iyon. Bakit? Iyon ang lihim na di nalalaman ninuman. Pinagbawalan si Juan na isulat ang tungkol doon, maging ang magsulat man lamang ng simbulo nito. Bakit? Ito ang dahilan kaya walang pagkilos na naganap sa langit; baka mabisto ang lihim. Nauunawaan n'yo na ba ngayon? Kung napakadakila nito dapat itong maisama, sapagkat mangyayari't mangyayari ito, ngunit nang ang pitong kulog ay... Ngayon, pansinin n'yo, nang dumating ang pitong anghel upang imihip ng kanilang mga trumpeta, tig-iisa lang pag-ihip ng trumpeta ang ginawa nila. Nang tipunin ang Israel, may isa lamang trumpeta. Kapag ang panahon ay di na magluluwat, ang huling trumpeta... Isang kulog, ngunit narito ang pitong magkakasunod na kulog: isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, ang sakdal na bilang na iyon. Pitong kulog na magkakasunod, hindi nangusap... lumikha ng isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pitong sunod-sunod. Nang magkagayo'y di iyon maisulat ng kalangitan. Hindi iyon maaaring malaman ng kalangitan, o ng anupamang bagay, sapagkat wala nang anumang maaaring makapagpatuloy. Isa iyong panahon ng pananahimik. Napakadakila niyon na iyon ay inilihim sa mga Anghel. Ngayon, bakit? Kung mahahawakan ito ni Satanas, maaaring makagawa siya ng malaking pinsala. Iyan ang isang bagay na di niya alam. Ngayon, maaari niyang bigyan ng kahulugan anumang nais niya, at gayahin anumang uri ng kaloob (Umaasa ako na natututo kayo.), ngunit hindi niya ito maaaring malaman. Ni hindi ito nakasulat sa Salita. Isa itong ganap na lihim. Ang mga Anghel, ang lahat ay nanahimik. Kung kumilos sila kahit minsan lang maaaring maglantad ito ng isang bagay, kaya't sila'y nanahimik na lang, tumigil sila sa pagtugtog ng alpa; ang lahat ay tumigil.
Pito, sakdal na bilang ng Diyos, Pitong [Tumuktok ng anim na beses si Brother Branham sa pulpito - Ed.] magkakasunod. Pitong kulog ang magkakasunod na tumunog na para pang nagbabaybay ng isang bagay. Pansinin n'yo, sa pagkakataong iyon, nagsimula nang magsulat si Juan, at ang sabi Niya, “Huwag mong isulat.” Hindi ito binanggit ni Jesus. Hindi ito nagawang isulat ni Juan. Walang kaalam-alam ang mga Anghel tungkol dito. Ano iyon? Ito 'yung bagay na sinabi ni Jesus na di nalalaman maging ng mga Anghel. Kita n'yo, kita n'yo? Siya mismo ay di nakaaalam nito, aniya Diyos lang ang makaaalam, ngunit sinabi Niya sa atin na kapag nag-umpisa na nating makita ang mga tandang ito na lumilitaw... (Ngayon, may nararating ba kayo? Sige.) Pansinin n'yo, nakikita na nating lumilitaw ang mga tandang ito. Kita n'yo? Kung mahahawakan lang ito ni Satanas...
Kung mayroon kayong nais na mangyari... Ngayon, kakailanganin n'yong tanggapin ang sinasabi ko para dito. Kung may binabalak akong gawin, alam kong makabubuting huwag ko itong sabihin kaninuman. Hindi dahil sa sasabihin ito ng taong iyon, kundi maririnig iyon ni Satanas. Kita n'yo? Hindi niya iyon makukuha sa aking puso, habang nakakubli iyon sa pamamagitan ng Espiritu Santo, kaya't iyon ay sa amin lang ng Diyos. Kita n'yo? Wala siyang alam do'n malibang sabihin mo, at iyon ay maririnig niya. At kapag sinasabi ko sa mga tao na gagawa ako ng ganito at ganiyang bagay, masdan mo't pupudpurin ng demonyo ang bawat gulong na kaya niyang pupudrin (Kita n'yo?) upang maunahan niya ako ro'n. Ngunit kung makukuha ko ang kapahayagan sa Diyos at di ako magsasabi ng anuman tungkol dito, iba iyon. Alalahanin n'yo, susubukan ni Satanas na manggaya. Susubukan niyang gayahin ang lahat ng gagawin ng Iglesia. Sinubukan na niyang gawin iyon. Napansin natin iyon sa anticristo; ngunit ito ang isang bagay na di niya kayang gayahin. Hindi magkakaroon ng pangagaya nito (Kita n'yo?), dahil hindi niya ito nalalaman. Walang paraan upang malaman niya ito. Ito ang ikatlong hatak. Sadyang wala siyang kaalam-alam tungkol dito. Kita n'yo? Hindi niya ito nauunawaan.
Ngunit may lihim na nakatago diyan. Luwalhati sa Diyos na nasa kataas-taasan. Di na ako maaaring mag-isip pa tulad ng dati buong buhay ko, nang makita ko... Ngayon, hindi ko alam kung anong... Alam ko ang kasunod na hakbang doon, ngunit hindi ko alam kung ano, kung papaanong ipaliwanag iyon. Hindi na magtatagal. Isinulat ko rito nang mangyari iyon, kung makikita n'yo, “HINTO! Huwag ka nang lalampas dito.” Hindi ako mahilig magpaka-panatiko. Sinasabi ko lang ang katotohan. Ngunit alalahanin n'yo, ang maliit na sapatos na noon pa man ay sinisikap ko nang ipaliwanag, kung papaanong ang kaluluwa ay katabi ng ganito-at-ganiyan at ng panloob na konsiyensya at lahat ng mga ganung bagay, na nagpasimula lamang ng isang malaking bungkos ng mga panggagaya. Kung papaanong kailangan mong kunin ang kamay, at hawakan ang mga tao at magkakaroon ng panginginig, ang lahat ay nagkaroon ng panginginig sa kanilang kamay. Ngunit tandaan n'yo na nang dalhin Niya ako roon ang sabi Niya, “Ito ang ikatlong hatak, at walang makaaalam nito.” Naaalala n'yo ba iyon? Ang mga pangitain ay hindi nabibigo. Ang mga ito ay ganap na katotohanan.
Ngayon, pansinin n'yo, naalala n'yo ba ang pangitain ng konstelasyon? Charlie, ako'y... Heto. May isang bagay na nagaganap, ang sabi ko sa iyo, nitong linggong ito na iyong... Ito'y nakapalibot sa iyo, ngunit iniisip ko kung napansin mo. Naaalala mo ba ang pangitain ng konstelasyon ng mga Anghel nang umalis ako rito patungo sa Arizona? Naaalala mo ba ang, (“Anung Oras Na, Ginoo”?) “What Time Is It, Sirs?” Naaalala mo ba iyon? Pansinin mo na nagkaroon ng isa lamang malakas na pagsabog ng kulog, at may pitong Anghel na lumitaw. Tama ba 'yon? Isang pagsabog ng kulog, pitong Anghel ang lumitaw. At nakita ko nang buksan ng Cordero ang Unang Tatak, narinig ko ang isang tinig tulad sa isang kulog, at isa sa apat na nilalang na buhay ay nagsabi, Halika. Pansinin n'yo, isang kulog, pitong mensaheng tinatakan at hindi maaaring maihayag hanggang sa huling araw, sa kapanahunang ito. Nakikita n'yo ba ang ibig kong sabihin?
Ngayon, napansin n'yo ba ang mga mahihiwagang parte ng linggong ito? Iyon 'yon. Iyon nga iyon. Hindi iyon tao; mga Anghel iyon ng Panginoon. Pansinin n'yo, may tatlong saksi na nakaupo rito, na nung nakaraang linggo (higit nang kaunti sa isang linggo) ako ay nasa kasukalan ng kabundukan, halos sa Mexico na, kasama ang dalawang kapatid na nakaupo rito, nag-aalis ako ng mga amorseko sa aking pantalon nang magkaroon ng pagsabog na parang nagpaguho sa kabundukan. Ngayon, tama 'yon. Hindi ko ito sinabi sa aking mga kapatid, ngunit may kaibahan silang napansin. At sinabi Niya sa akin, “Maghanda ka na. Magtungo ka sa silangan.” Heto ang interpretasyon ng pangitaing iyon. Kita n'yo? “Ngayon, para ipaalam sa inyo, hindi nakuha ni Brother Sothmann ang hayop na kaniyang hinabol.” Sinubukan naming kunin 'yon para sa kaniya. At ang sabi Niya, “Ngayon, sa gabing ito, bilang isang tanda para sa iyo, hindi niya iyon makukuha. Dapat mong italaga ang iyong sarili sa pagkakataong ito para sa pagbisita ng mga Anghel na ito.” At parang nawala ako sa aking sarili, kung naaalala n'yo. At ako ay napasa kanluran; ang mga Anghel ay dumarating galing sa silangan. At sa pagdaan nila, ako ay dinampot nila (Naaalala n'yo ba iyon?), galing sa silangan.
-----
At napansin n'yo ba ang isang Anghel na iyon, na sinabi kong naroroon, na kakaibang Anghel? Tumingin Siya nang higit sa akin kaysa sa iba pa sa kanila. Naaalala n'yo ba iyon? Sila ay nasa sa isang konstelasyon-tatlo sa magkabilang gilid at isa sa itaas. At ang isang katabing-katabi ko, kung bibilang ka mula sa kaliwa pakanan, ay ang ikapitong Anghel. Mas maliwanag Siya, mas may kahulugan Siya sa akin kaysa sa iba pa sa kanila. Naaalala n'yo, sinabi kong nakausli ang Kaniyang dibdib na ganiyan, at lumilipad papunta sa silangan. Naaalala n'yo ba yung ganun? At sinabi ko, “Dinampot ako Nito, itinaas ako.” Naaalala n'yo ba iyon?Heto iyon. Yaong may Ikapitong Tatak, ang pinag-isipan ko buong buhay ko. Amen. Ang iba pang mga Tatak ay napakahalaga sa akin, siyempre, ngunit, oh, di n'yo alam kung ano ang naging kahulugan nito. Sa isang pagkakataon sa aking buhay... Nanalangin ako; umiyak ako sa Diyos. A-a-ako'y- pagkatapos ng gawain sa Phoenix, alam ng sinumang naririto; namalagi ako sa kabundukan. Isang umaga nagbangon ako at tumungo sa Sabino Canyon; napakabako-bako at napakataas na kabundukan niyon. At umakyat ako ro'n, at mayroong maliit na daan pag paakyat ka na sa Lemmon Mountain at ito ay tatlumpung milyang paglalakad, at may mga tatlumpung piye ang niebe na naroroon sa itaas.
Kaya't, doon sa itaas ng bundok maagang-maaga bago magliwanag, umaakyat ako sa munting landas na ito, naggugulungan ang mga bato habang lumalakad ako, nadama kong pinangungunahan akong lumiko nang paganito. At pumihit ako at pumanik sa malalaking tulis-tulis na mga bato, ay, naku, daan-daang piye ang taas. At lumuhod ako sa pagitan ng mga batong iyon. Inilapag ko ang Bibliang ito at inilapag ko ang aklat na ito, ang munting sulatang ito. Ang sabi ko, “Panginoong Diyos, ano'ng ibig sabihin ng pangitaing ito?” A- a- ako'y... Ang sabi ko, “Panginoon, ang ibig sabihin ba nito ay mamamatay na ako?” (Alalahanin n'yo na sinabi ko sa inyong naisip ko na marahil ay nangangahulugan iyon ng aking kamatayan, dahil mayroong sumabog na sadyang nagpanginig sa akin nang husto. Naaalala n'yo? Ilan ang nakaaalam-nakarinig na ganun nga? Aba, tunay nga, lahat kayo.) At naisip kong maaaring ang pakahulugan niyon ay ang kamatayan ko. At pagkatapos niyon sa silid, ang sabi ko, “A- a- ano ba iyon, Panginoon? A- anong ibig sabihin niyon? Ang ibig sabihin ba niyon ay mamamatay na ako? Kung ganun nga, ayos lang; hindi ko sasabihin sa aking pamilya. Hayaan Mo na lang na pumanaw na ako (Kita n'yo?), kung tapos na ang aking trabaho.” At ang sabi ko... Ngayon, ano iyon? Ngunit nagsugo Siya ng saksi pabalik sa akin (Naaalala n'yo na sinabi ko sa inyo?) na hindi iyon 'yon, pag-ibayo pa iyon ng aking trabaho.
Oh, nakuha n'yo ba? Kita n'yo? At nakaupo ako sa Sabino Canyon... Alam ito ng Ama sa langit, kasing totoo na nakita n'yong natupad 'yon, ang mga Anghel na iyon ay bumaba at binindika na ganun din ang bawat mensahe. Kung gayo'y alam n'yo kung ito ay mula sa Diyos o hindi. Una na itong sinabi sa inyo sa pamamagitan ng isang pangitain. Hindi ko masabi sa inyo libang matapos na ang gawain, 'pagkat pinagbawalan ako.“ Sa Sabino Canyon, habang nakaupo ako roon nung umagang iyon, nakataas ang aking mga kamay, at natanggal ng ihip ng hangin ang itim kong sombrero. Nung nakatayo ako doon na nakataas ang aking mga kamay, nananalangin ako. Ang sabi ko, ”Panginoong Diyos, ano'ng ibig sabihin nito? Hindi ko iyon maunawaan, Panginoon. Ano'ng dapat kong gawin? Kung ito na ang oras ng aking pag-uwi, hayaan Mong umakyat ako rito kung saan ay di nila ako matatagpuan. Ayaw kong may nagdadalamhati sa paligid ko kung ako'y aalis na. Nais kong isipin ng aking pamilya na naglakad-lakad lang ako, at di nila ako masusumpungan. Ikubli mo ako sa isang dako. Kung ako'y aalis na, aba'y, hayaan mo lang akong umalis. Marahil ay makikita ni Joseph ang aking Biblia na nakalapag dito isang araw, at hayaan Mong gamitin niya ito. Kita n'yo? Kung ako'y aalis na, hayaan Mong yumao na ako, Panginoon.“
At nakaunat ang aking mga kamay, nang bigla na lang may lumapag sa aking kamay. Hindi ko alam. Hindi ko masabi. Nakatulog ba ako? Hindi ko alam. Nakakita ba ako ng pangitain? Hindi ko alam. Iyon ba ay isang pangitain? Hindi ko masabi sa inyo. Ang tanging masasabi ko ay kapag ako'y... Katulad din 'yon ng mga Anghel na iyon. At iyon ay lumapag sa aking kamay, at tinignan ko, iyon ay isang espada, at ang hawakan ay perlas, napakaganda; at sa itaas nito ay may harang na ginintuan, at ang itsura ng talim, parang chrome, parang pilak, kaya lang napakakintab. At napakatalas nito, ay, naku. At naisip ko, “Hindi ba't napakaganda niyan?” Sukat na sukat sa aking kamay. Naisip ko, “Kay gandaganda niyon.” Ngunit ang sabi ko, “Noon pa'y takot ako sa ganung mga bagay”-ang isang espada. At naisip ko, “Ano'ng gagawin ko do'n?” At nung sandaling iyon ay may isang tinig na yumanig sa dakong iyon na umuga sa mga bato, na ang sabi, “Ito ang Espada ng Hari.” At pagkatapos ay lumabas na ako sa pangitain. “Ang Espada ng Hari...” Ngayon, kung ang sabi niyon ay, “isang Espada ng Hari...” ngunit ang sabi, “Ang Espada ng Hari,” at iisa lang ang “ang Hari,” at iyon ay ang Diyos, at mayroon Siyang isang Espada; iyon ay ang Kaniyang Salita, ang ikinabubuhay ko. At kaya nga tulungan nawa ako ng Diyos, sa pagtayo ko dito sa banal Niyang pulpito kung saan nakalapag ang Kaniyang Salita, ito ay ang Salita. Amen.
Oh, napakadakila ng araw na kinabubuhayan natin, napakadakilang bagay. Nakikita n'yo na ba ang hiwaga at ang lihim? Ang ikatlong... Nung nakatayo ako ro'n, nang iwanan ako nito, may dumating sa akin na nagsasabi, “Huwag kang matakot. Ito ang ikatlong hatak.” Ikatlong hatak, naaalala n'yo ba iyon? Ang sabi Niya, “Napakaraming nanggaya sa iyo sa pinapaliwanag mo.” Ngunit ang sabi, “Huwag mong subukang ipaliwanag ito.” Naaalala n'yo ba iyon? Ilan ang nakaaalala sa pangitain? Aba'y, nasa mga tape iyon at lahat na. Anim na taon na iyon- pitong taon na ang lumilipas. Ang sabi, “Huwag mo iyong subukang ipaliwanag.” Ang sabi, “Ito ang ikatlong hatak, ngunit katatagpuin kita sa loob niyon.” Tama ba? Ang sabi Niya, “Huwag mong subukang...”
Nakatayo ako na may hawak na sapatos ng sanggol nang sabihin Niya sa akin doon, “Gawin mo ang una mong hatak; at pag ginawa mo iyon, hahabulin ng isda ang pain.” Ang sabi, “Pagkatapos ay abangan mo ang iyong ikalawang hatak” ang sabi, “sapagkat maliit na isda lang ang mahuhuli.” Ang sabi Niya, “Pagkatapos ay makukuha na iyon ng ikatlong hatak.” At lahat ng mga ministro ay nagsilapit sa akin, ang sabi, “Brother Branham, alam naming kaya mo iyon. Aleluia, Brother Branham.” (Diyan ako palaging nagagapos-sa isang bungkos ng mga mangangaral. Kita n'yo? Mahal ko ang mga tao; nais nilang ipaliwanag mo ang bawat bagay, ang ganito, ang ganun.)
At ang sabi ko, “Buweno, oh, ang lahat ...?...” Ang sabi ko, “Hin-hindi ko alam.” Ang sabi ko, “Naiintindihan ko ang pangingisda.” Ang sabi ko, “Ngayon, ang una mong gagawin... Ganito 'yon. Kapag nakita mo ang mga isda sa paligid mo; kailangan mong hatakin ang pain.” (Buweno, ganun nga ang taktika ng pangingisda.) Kaya't ang sabi ko, “Hatakin n'yo ang pain.” Ngayon, nang hatakin ko ang pain nung unang pagkakataon, hinabol iyon ng mga isda, ngunit ang liliit ng mga iyon. Iyon ay tulad lang sa nahuhuli nila. Kaya't ang sabi ko, “Pagkatapos niyon ay ikasa n'yo...” at hinaltak ko iyon papuntang dalampasigan at nakahuli ako ng isang isda, ngunit nagmistula iyong balat ng pain; sadyang napakaliit niyon. At sa pagkakatayo ko ro'n may nagsabi sa akin, “Sinabihan kita na huwag mong gawin iyon.” At nagsimula akong umiyak. Ang buong tanse ay nakapulupot sa akin nang ganito, at nakatayo ako ro'n na umiiyak at nakayuko nang ganiyan. Ang sabi ko, “Diyos, oh, ako'y... Patawarin Mo ako. Hangal ako. Panginoon, huwag Mong... Patawarin Mo po ako.” At nasa akin ang tanseng ito at iyon, ang hawak ko ay isang munting sapatos ng sanggol, mga ganiyan kahaba. At mayroon akong... Ang sintas na iyon ay mga gadaliri ko ang taba, mga kalahating pulgada, yata. At ang suutan ng sintas sa sapatos na ito ay mas maliit pa sa mga ikaanim na bahagi ng isang pulgada ang laki. At pinipilit kong sintasan ang sapatos na ito sa pamamagitan ng napakalaking taling ito. At may isang Tinig na dumating, ang sabi, “Hindi mo maaaring turuan ang mga sanggol na Pentecostal ng mga bagay na supernatural.” Ang sabi pa, “Hayaan mo na lang sila.”
At nung sandaling iyon ay dinampot Niya ako. At iniakyat Niya ako at iniupo nang mataas na mataas kung saan ay may pagtitipon na nagaganap, parang isang tolda o isang uri ng katedral. At sa pagtingin ko mayroong isang maliit na parang kahon, maliit na dako sa gilid. At nakita ko ang Liwanag na iyon na may kinakausap sa itaas ko, ang Liwanag na nakikita n'yo sa larawan. Paikot Itong lumayo sa akin, nang ganiyan, at nagtungo sa toldang iyon, at nagsabi, “Kakatagpuin Kita ro'n.” At ang sabi pa, “Ito ang magiging ikatlong hatak, at hindi mo ito sasabihin kaninuman.” At sa Sabino Canyon, ang sabi Niya, “Ito ang ikatlong hatak.” At may kalakip itong tatlong, dakilang bagay, at ang isa ay nalantad ngayong araw, o kahapon pala, ang isa pa ay nalantad nitong araw na ito, at may isang bagay na hindi ko maaaring ipaliwanag, sapagkat ito'y nasa isang di alam na wika. Ngunit nakatayo ako roon mismo at tinignan ko iyon ng direktahan, at ito ang paglitaw ng ikatlong hatak. At ang Espiritu Santo ng Diyos... Ay, naku. Iyan ang dahilan kaya ang buong kalangitan ay natahimik.
Basahin ang account sa... Ang Ikapitong Tatak.