Tatlong luping layunin ng Diyos.

<< nakaraang

susunod >>

  Buhay Salita serye.

Si Cristo ang hiwaga ng Diyos na nahayag.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Si Cristo ang hiwaga ng Diyos na nahayag.

Pansinin, ang Diyos ay may tatlong luping layunin na napapaloob sa dakilang hiwagang lihim na ito. Ang Diyos, sa Kaniyang dakilang hiwagang lihim na taglay na Niya bago pa magpasimula ang sanlibutan, mayroon Siyang tatlong luping layuning nakapaloob dito. At ngayon, ang nais nating talakayin ngayong umaga, ay, ano ang tatlong-luping layuning iyon? Kita n'yo? Ngayon, naniniwala ako, na sa pamamagitan ng tulong ng Diyos, na naririto ngayon, at Kaniyang — ipakikita Niya ito sa atin. Ngayon, kung mayroon Siyang tatlong layunin, nais nating malaman kung ano ang tatlongluping layuning ito.

Una, nais ng Diyos na ipahayag ang Kaniyang Sarili sa mga tao. Hindi Niya magawa ito bilang dakilang Jehovang-Diyos na sumasakop sa lahat ng puwang, oras, at Kawalang Hanggan. Hindi Niya ito magawa. Siya'y lubhang napakadakila upang maipahayag sa tao, dahil ito'y magiging lubhang mahiwaga. Paanong ang dakilang Isang yaon na hindi nagpasimula. . . na kahit pa abutin mo ang siklo ng daang bilyon at trilyong taon ng liwanag at kalawakan, at hanggang doon sa 'di mabilang, tungo sa Walang Hanggan, at isang Nilalang na Siyang lahat ng iyon, at magpahanggang ngayon ay Siya pa rin iyon.

Ngunit ang nais Niyang gawin, inibig Niyang maging Ama, sapagkat Siya'y isang Ama. At ang tanging paraan upang maipahayag Niya ito ay ang maging Anak ng tao. Iyan ang dahilan kung bakit laging sinasabi ni Jesus, “Ang Anak ng tao”. Kita n'yo, hindi nila alam kung ano ang ibig Niyang sabihin, marami sa kanila. Ngunit ngayon, nakukuha n'yo ba? Kita n'yo? Nais Niyang ipahayag ang Kaniyang Sarili. Iyon ang isa sa Kaniyang dakilang tatlongluping layunin, ay ang ipakilala ang Kaniyang Sarili, ipakilala ang Kaniyang Sarili kasama ng mga tao, upang ilantad ang Kaniyang Sarili kay Cristo.

Ikalawa, upang magkaroon ng tanging-kadakilaan sa Kaniyang Katawan ng mga mananampalataya, iyon ay, ang Kaniyang Nobya, upang Siya ay makapanahan sa tao.

Ngayon, maaari Niyang gawin iyon kina Adan at Eva, ngunit sila'y inihiwalay ng kasalanan, kung kaya't kailangang magkaroon ng ibang paraan upang maipanumbalik silang muli. Ay, naku! 0, ngayon, napakayaman nito, para sa akin, maging ang isipin man lamang ito. Kita n'yo? Nakikita n'yo ba kung ano ang layunin ng Diyos? Ngayon, bakit hindi na lang Niya hinayaan sina Adan at Eva sa gayong kalagayan? Kung magkagayon ay hindi Niya magagawang ihayag ang Kaniyang kapuspusan, ang buo Niyang katangian. 'Pagkat, bagamat Siya'y Ama na noon, iya'y totoo, datapuwat Siya ay dapat din namang maging Tagapagligtas. Sasabihin mo, “Paano mong nalaman na Siya nga ay gayon?” Siya ay gayon, 'pagkat naranasan ko na. Kita n'yo? Kita n'yo? Siya ay isang Tagapagligtas, at kinailangang maipahayag Niya iyon. At paano Niya ito magagawa? Sa pamamagitan lamang ni Cristo. Paano Siyang magiging isang anak na lalaki? Sa pamamagitan lamang ni Cristo. Paano Siyang magiging Tagapagpagaling? Sa pamamagitan lamang ni Cristo. Kita n'yo, lahat ng bagay ay humahantong sa isang Persona, kay Jesus Cristo. Ay, naku! Nang ako...

'Pag naiisip ko ito, ako'y — nakikita ko ang mga denominasyon na nawawala sa eksena, at lahat ng iba pang bagay ay lumilipas, kita n'yo, kapag nakikita ko ang dakilang layunin ng Diyos, ang paglalantad ng Kaniyang Sarili. At kinailangang una Niyang ilantad ang Kaniyang Sarili kay Cristo, “ang kapuspusan ng Pagkadiyos ayon sa laman.” At, pagkatapos, ay dalhin ang “kapuspusan ng Pagkadiyos ayon sa laman” na iyon, sa mga tao, upang magkaroon siya ng tanging kadakilaan, at pamamatnubay, at pangunguna.

Isa pa, nung gabi, kung hindi ninyo nakuha ang teyp, nangaral ako rito nu'ng isang gabi, tungkol sa, /sang Bilanggo ni Jesus Cristo. Si Pablo, isang bilanggo! Kita n'yo? Kapag kinuha ka ng Diyos upang maging bilanggo Niya, wala kang magagawang ano man maliban sa sinasabi ng Espiritu na gawin mo. Si Pablo, taglay ang lahat ng kaniyang dakilang katalinuhan, siya'y nagturo... tinuruan siya ni Gamaliel na maging isang dakilang saserdote o guro, balang araw. At matataas ang kaniyang mga pangarap. Sa katalinuhan, siya'y isang lalaking may dakilang kapamahalaan, isang dakilang tao sa bansa. Ngunit kinailangang isakripisyo niya ang lahat ng ito upang maging bahagi ng Salita, upang maipahayag si Jesus Cristo. Alam niya ang kabuluhan ng pagsasabi ng...

Naisip niyang tumungo sa isang lugar, may ilang kapatirang tumawag sa kaniya, ngunit hindi siya pinahintulutan ng Espiritu na gawin ang kaniyang sariling kalooban. 0, kung ang mga taong kalahati man lang ng pagka-espirituwal ni Pablo ay makaunawa nito! Kita n'yo? Pinagbawalan siyang gawin ang sarili niyang kalooban. Ang tanging magagawa niya... “Pinagbawalan ako ng Espiritu.” Kita n'yo? Siya ay bilanggo ni Cristo.

Tapos, mayroong isang manghuhula isang araw, na kilala niya, alam ni Pablo na may kapangyarihan siyang taglay upang itaboy ang diablong iyon, ngunit magagawa lamang niya iyon ayon sa kalooban ng Diyos. Araw-araw, sinusundan siya nito, naghihihiyaw sa likuran niya, ngunit isang araw, pinahintulutan siya ng Espiritu. Noon niya siya sinaway, ang espiritung nasa kaniya. Kita n'yo? Alam niya kung papaanong maging isang bilanggo.

Si Moises, ang kaniyang mga kaisipang intelektuwal, kailangan niyang maiwala ang mga iyon upang matagpuan si Cristo, upang maging isang bilanggo. At nang maitaboy nang lahat ng Diyos ang sanlibutan mula sa kaniya, at lahat ng kaniyang pagiging makapangyarihang lalaki, at nang siya'y tumayo sa Presensiya ng Haliging Apoy nang araw na 'yon, siya ay nasumpungang umid. Ni hindi nga siya, hindi niya magawang magsalita, ang sabi niya. Noon nagkar000n ng isang tunay na bilanggo ang Diyos. Kita n'yo? Huwag kayong susubok sa inyong sariling pagsasaliksik. Kung magkagayo'y kinailangang bigyan ng Diyos ang taong ito, pagkalooban siya ng kapangyarihang sapat upang makababa siya roon.

At ang sabi niya, “Panginoon, sinabi ko kay Faraon ang iyong bilin ngunit ayaw niyang sumunod.” Wika Niya, “Kung &ayo'y kunin mo ito, ang iyong tungkod,” ang Diyos ang nagsasalita, iyo'y Salita ng Diyos, “pumaroon ka at itutok mo ito sa Silangan at tumawag ka ng mga langaw.” At ang mga langaw ay nalikha, sapagkat mayroon Siyang isang bilanggo na hindi maaaring bayaran ni Faraon ng kahit magkano. Walang sinumang makapagpapaliko sa kaniya. Siya ay lubos na bilanggo ng mga kadena ng Salita ng Diyos, mahigpit na nakatali tanging sa ITO ANG SABI NG PANGINOON.

0, kung makakukuha lamang ang Diyos ng mga bilanggong tulad noon! Ngayon, doon lamang Niya maipapahayag ang Kaniyang pagkakaroon ng tanging kadakilaan, nakikita ba ninyo? Kaniyang, nadakip na Niya ang lalaki, o ang taong iyon, kung kaya't wala na siyang ibang nalalaman kundi si Cristo. Nakukuha n'yo ba kung ano ang ibig kong sabihin? Tama. Iyan ang pangalawa.

Una, upang ipahayag nang lubos ang Kaniyang Sarili, ang Diyos na nananahan kay Cristo. Ikalawa, upang magkaroon tanging kadakilaan, sa pamamagitan nito, sa Kaniyang Iglesia, na Siyang Kaniyang katawan, ang Nobya, upang mapasakaniya ang tanging kadakilaan upang maipahayag Niya ang Kaniyang Sarili sa pamamagitan nila. Tama.

At ikatlo, upang maisauli ang Kaharian sa marapat nitong kalagayan, na bumagsak dahil sa kasalanan ng unang Adan, sa dating kalagayan nito kung saan Siya'y lumakad sa lamig ng gabi, kasama ang Kaniyang bayan, nakipag-usap sa kanila, nakisalamuha sa kanila. At ngayon ay naihiwalay sila ng kasalanan at kamatayan sa Kaniyang Presensiya at sa kabuuan ng Kaniyang pagpapahayag. Nababasa ba ninyo ito? Bago pa itinatag ang patibayan ng sanlibutan, upang maipahayag ang lahat ng Kaniyang katangian, kung ano Siya.

Kaya't kung may Trinitaryan man dito at luluwangan niyang sumandali ang kaniyang pag-iisip, mauunawaan mo na ang Ama, Anak, at ang Banal na Espiritu ay hindi tatlong Diyos. Ang mga ito ay tatlong katangian ng iisang Diyos. Kita n'yo? Iyon ay pagpapahayag. Bilang Ama, nais Niyang maging Ama. Siya ay naging Ama, Siya ay naging Anak, at Siya ngayon ay Banal na Espiritu. At ang Ama, at ang Banal na Espiritu ay iisang Espiritu. Hindi n'yo ba nakikita? Nakukuha ba ninyo? Hindi tatlong diyos. Ang mga demonyo ang nagturo sa inyo ng mga bagay na ito upang gawin kayong mga mapagsamba sa mga diyus-diyosan. Kita n'yo? Iisang Diyos iyon na naipahayag sa tatlong katangian. Ang pagiging Ama, Tagapagligtas, Anak, Tagapagpagaling, kita n'yo, ay Kaniyang mga pagpapahayag.

Nais kong magpalawig pa ng kaunti upang maging ang mga nakikinig sa teyp ay makaunawa at makita ito. Gugugol ako ng buong ikot ng orasan, para sa bawat isa sa mga paksang iyon. Ngunit umaasa akong naipapaliwanag ko ito nang maigi upang maunawaan ninyo kung ano ang nais kong tunguhan. Kita n'yo?

Ang Diyos, naipahayag kay Jesus Cristo, na Siya ring Ama, Anak, at Banal na Espiritu, ang “buong kapuspusan ng Pagkadiyos ayon sa laman.”
Ngayon “ang buong kapuspusan ng Pagkadiyos ayon sa laman” ay nananahan sa Kaniyang Iglesia, ang tanging kadakilaan. Ang lahat ng nasa Diyos, ay isinalin kay Cristo; at ang lahat ng na kay Cristo, ay isinalin sa Iglesia, sa mga mananampalataya.

Hindi sa denominasyon! Dadako na tayo riyan sa loob ng ilang sandali, at aalisin nito ang mga ganitong kaisipan mula sa ating diwa magpakailanman, kita n'yo; ipapakita ko sa inyo kung ano ang sanhi nito sa tulong ng Diyos, kung pahihintulutan Niya tayo.

Ano na nga ba ang kaniyang layunin ngayon? Ang ihayag ang Kaniyang Sarili bilang Anak, kita n'yo, at ngayon, upang sa Kaniya ay manahan “ang kapuspusan ng Pagkadiyos ayon sa laman.” Ako'y, nasa harapan ko ngayon ang akiat ng mga taga-Colosas. Kita n'yo? Iyan, sa lahat ng mga Kasulatan, iyan ang layunin ng Diyos. Nang magkagayon, at sa pamamagitan ng Buhay na Ito ng Anak, ang Kaniyang krus “ang Dugo,” ang sabi rito, “ng Kaniyang krus,” upang Kaniyang ipakipagkasundo sa Kaniyang Sarili ang Tsang Katawan, isang Nobya; na si Eva, ang ikalawang Eva. At ibinigay ito ng Diyos sa isang tipo na tulad ng ginawa niya kay Moises at sa lahat sa kanila. Katulad din ng ginawa niya kay Adan at Eva, nagbibigay ng pagtitipo, na sila ang Cristo at ang Nobya. Siya ang ikalawang Adan; ang iglesia ang ikalawang Eva.

At kapag ang ikalawang Eva ay nakikipagkompromiso laban sa Salita, 'di ba't ginagawa rin niya ngayon ang ginawa ng unang Eva? [Ang kongregasyon ay nagsabi,“Amen.”— Ed.] Pinipilit sabihing, “Puwes, iya'y para sa ibang kapanahunan.” At dadako tayo riyan sa boob lamang ng ilang sandali, kung tunay ngang sinabi Niya na ito'y para sa ibang kapanahunan. Paano itong magiging para sa ibang kapanahunan, kung Siya ay “Siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman”? Ngunit iyo'y nilayon ng Diyos at “itinago sa mga mata ng mga maiingat at matatalino, at ipinahayag ito sa mga predestinadong sanggol” na nakatalagang tumanggap nito.

Basahin ang account sa...
Si Cristo ang hiwaga ng Diyos na nahayag.



 


Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.

Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

1 Mga Taga-Corinto 12:12-13


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Kasal At Diborsiyo.

(PDF)

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)