Pagkauhaw.

<< nakaraang

susunod >>

  Buhay Salita serye.

Pagkauhaw.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Pagkauhaw.

Ngayon, ang salitang nais kong ipangusap sa gabing ito, isang salita na galing sa Biblia, at matatagpuan ito sa ika-2 talata, “Uhaw,” ang salitang “Uhaw.” Hinahanap ko sa diksyunaryo ang kahulugan ng salitang ito.
Pinag-iisipan ko ang isang sermon na minsan ay ipinangaral ko noon tungkol sa “Uhaw sa Buhay.” At kinuha ko rin ito sa Mga Salmo, nung sabihin ni David, “Ang iyong mga palatuntunan,” sa paniwala ko, “ay higit na mahalaga kaysa buhay.”
Pagkatapos ay hinahanap ko at pinag-iisipan ang tungkol sa salitang “pagkauhaw,” kaya hinanap ko sa diksyunaryo upang malaman ang kahulugan nito. At ganito ang sabi ni Webster, “ito'y masidhing kagustuhan,” masidhi, kapag mayroon kang isang bagay na gustung-gusto hanggang sa ito ay maging isa nang makirot na pagnanasa.

Ngayon, natural lang na mauhaw. Ang pagkauhaw ay isang natural na bagay. Ito'y isang bagay na ibinigay ng Diyos sa atin, upang magkaroon tayo ng pagnanasa sa isang bagay. Magkaminsan ay binibigyan ka rin ng Diyos ng isang control tower, isang bagay na nasa boob mo, na siyang kumukontrol sa mga pagnanasang ito. At ang pagkauhaw na ito, ang control tower na nasa puso ng tao, ay bagay na ibinigay ng Diyos sa kaniya upang bigyan siya ng babala tungkol sa mga bagay na kakailanganin niya.

Ngayon may dalawang magkaibang uri ng pagkauhaw. Mayroong pagkauhaw na pisikal. At mayroon ding pagkauhaw na espirituwal. Gusto kong basahin itong muli, yung sinabi ni David. Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Diyos, ang buhay na Diyos:...
Hindi Diyos ng kasaysayan, o isang bagay na nangyari ilang taon na ang nakalipas, o isang pabula na kinuwento ng kung sino; kundi “sa Diyos na buhay,” ang Diyos na laging pangkasalukuyan. At kinauuhawan iyon ng kaniyang kaluluwa, hindi ang isang bagay na natala sa kasaysayan.

Ngayon, nalaman natin, ibinibigay ng Diyos sa iyo ang control tower, upang ibigay nito sa iyo ang iyong pangangailangan. Ang control tower na ito ang siyang nangunguna sa iyo. At ang pagkauhaw na ito ay dumadaloy sa iyong kon — tower, contol tower, at sinasabi nito sa iyo ang iyong pangangailangan, kung espirituwal ang pag-uusapan. May control tower na nasa iyong katawan at nasa iyong kaluluwa. May control tower na nasa katawan na nagsasabi sa iyo ng pangangailangan ng iyong katawan, at hinahatid ito sa iyo sa pamamagitan ng pagkauhaw. Mayroon ding control tower na nasa iyong kaluluwa, na nagsasabi sa iyo ng pangangailangan mong espirituwal, bagay na nasa iyong espiritu, at sa pamamagitan nito ay matutukoy kung anong uri ng buhay ang kumukontrol sa iyo.

Kapag nakikita mo ang mga bagay na ninanasa mo, kung gayon ay masasabi mo kung anong bagay ang nasa iyo, ito ang lumilikha ng iyong nasa. Kita n'yo, may isang bagay kang kinauuhawan, at masasabi nito sa iyong kaluluwa kung anong nasa nito sa pamamagitan ng kalikasan ng pagkauhaw na taglay mo. Inaasahan kong mauunawaan ninyo ang bagay na iyan.

Mayroong control tower para sa kaluluwa, at para sa katawan, at ang bawat tower na ito ay panawagang babala para sa pangangailangan ng isa. Ang bawat isa ay nananawagan para sa katugunan ng nananawagan; nagpapadala ito ng babala.

Halimbawa, ang laman ay nauuhaw sa pangangailangan ng laman, at ang espiritu naman ay nagnanasa sa pangangailangan ng kaluluwa, at kadalasan ay naglalaban ang dalawang ito. Nalalaman natin sa bagay na iyan, kung ano ang malaking problema sa araw na ito, na maraming mga tao na gustong mabuhay sa pagitan ng dalawang pagnanasang ito. Dahil ang isa sa kanila ay nagnanasa sa mga bagay na makalupa; ang isa naman ay nagnanasa sa mga bagay na makalangit.

Tulad ng sinabi ni Pablo, inilarawan niya ito sa Mga Taga Roma 7:21, “Kapag gumagawa ako ng mabuti, nariyan ang diablo.” Kapag sinubukan mo, naranasan na ba ninyo ang bagay na iyan, mga Cristiano, na kapag sinisikap ninyong gumawa ng isang bagay na kapakipakinabang, o gumawa ng isang bagay na mabuti, saka mo masusumpungan na ang Diablo ay abot kamay, upang sirain ang boob mo, ang lahat ng iyong... At iyan ang isang mabuting bagay na gusto kong sabihin, na kailangang malaman ng isang Cristiano na kapag ika'y nagsisimulang gumawa, at may isang bagay na pumipigil sa iyo na gawin ang bagay na ito, gawin mo lang. Ang Diablo iyan na humahadlang sa iyo upang gawin ang tama.

Ngayon, kadalasan, nakakatagpo ako ng mga taong medyo nerbiyoso. Kapag mayroon silang ginagawa at kabi-kabila ang mga hadlang, sasabihin nila, “Siguro hindi ito kalooban ng Panginoon.” Kita n'yo? Ngayon, huwag n'yong hayaan na lokohin kayo ng Diablo ng ganiyan. Una ay kailangang tiyakin kung kalooban ba ito ng Diyos o hindi. At kung gusto ninyong malaman kung kalooban ba ito ng Diyos, tingnan ninyo sa Biblia. lyan ang bagay na magtutuwid sa inyo, ang Salita ng Diyos; at kapag nakita n'yo na ito'y nasa Salita ng Diyos, na nararapat n'yong gawin...

Tulad na lang halimbawa, sa paghingi ng bastismo ng Espiritu Santo. kadalasan nakakatagpo ako ng mga tao, sinasabi nila, “Aba, hinahanap ko ang Espiritu Santo, at talagang hindi ko Ito matanggap. Hindi ako naniniwalang para sa akin Ito. Sa tuwing madadapa ako, nagkakasakit ako. At nananalangin ako, kapag ako'y nag-ayuno, nagkakasakit ako. At kapag sinubukan kong manatili ng magdamag, o manatiling gising, inaantok naman ako. Hindi ako makatayo.” Alalahanin mo, ang diablo iyan. Sapagkat ang gusto ng Diyos ay taglayin mo ang Espiritu Santo. Ito'y para sa sinumang maghahangad.

Kadalasan, kapag ipinanalangin ka sa isang pagtitipon, para sa Makalangit na kagalingan, tapos sa susunod na araw malalaman mo na mas lumala ka pa kaysa nung unang araw, walang pag-aalinlangan, na magagawa ng diablo na doblehin pa ang sakit mo. Kita n'yo?
Alalahanin n'yo, si Satanas lang iyan na nagsisikap na ilayo kayo sa pagpapala na inilaan ng Diyos sa inyo. Kita n'yo? Huwag ninyo siyang pakinggan. Kita n'yo? Magpatuloy lang kayo palagi.

-----
Ngayon, kunin muna natin ang ilang natural na kauhawan. Kunin nating halimbawa ang kauhawan sa tubig. Tulad ng sinabi ni David na pagkauhaw sa tubig. Kauhawan sa tubig, nangangailangan ang katawan ng tubig. At kung hindi mo tutugunan ang pagkauhaw na iyan, ikamamatay mo. Matutuyuan ka, at hindi ka mabubuhay. Kung hindi ka kukuha ng tubig upang maibsan ang kauhawan ng natural na katawan, di maglalaon ay mamamatay ka. Hindi tatagal ang buhay mo. Mabubuhay ka ng matagal kahit walang pagkain kaysa kung walang tubig. Sapagkat makapag-aayuno ka ng apat na pung araw (ginawa iyan ni Jesus, sa palagay ko, walang pagkain, ngunit hindi mo iyan magagawa ng ganiyan katagal ng walang tubig. Matutuyuan ka at ikamamatay mo iyan. Kailangan mo kasi ng tubig. At ang kauhawang dumarating sa iyo, aba'y, upang ipakita na may isang bagay na kailangan ng katawan upang mapanatili itong buhay. Kinakailangang magtaglay ng tubig ang katawan upang manatili itong buhay. Ika'y mga walumpung porsiyentong tubig at petrolyo, at kailangan mong taglayin ang mga bagay na ito upang manatili kang buhay. Tulad ng sinabi ko, kung kaliligtaan mo ang mga bagay na ito ay ikamamatay mo.

Ang kauhawan ay isa ring alarma. Ito'y isang alarm clock na nauuhaw. Ang kaluluwa ang siyang naglalapat sa alarm clock, isang munting buzzer na nasa boob mo nagbababala na ang kamatayan ay papalapit nang papalapit, na kung hindi ka magmamadaling uminom ng tubig, ikamamatay mo ito. At palakas ito nang palakas, hanggang sa huli ay aalisin mo na ito at mamamatay ka na, sapagkat ito'y isang alarm clock.

-----
Ngayon, may dakilang aral dito (Kita n'yo?) at sinasabi ni David dito, “Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig ng batis, gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa Iyo, 0 Diyos.”
Ngayon, nalalaman ng usang iyon na kung hindi siya makasusumpong ng tubig ay ikamamatay niya. Hindi na siya mabubuhay. Maraming ulit na akong tumugaygay sa mga ito matapos silang masugatan. Kapag nakatagpo siya ng sapa, tatawid siya at iinom, aahon siya sa burol; babalik siyang muli at tatawid na naman siya at muting iinom ng tubig at aahon na naman siya. Hindi ka makahahabol sa kaniya, habang sinusundan niya ang agos ng sapang iyon. Subalit kapag iniwan niya ang ilog na iyon, kung hindi siya makahahanap ng isang batis sa i bang dako, madali mo siyang mahuhuli. At ngayon, alam iyon ng usa, kaya mananatili siya sa gilid ng tubigan, kung saan madali siyang makababalik. Ngayon, maiisip n'yo ba ang usa habang nakataas ang ilong niya, doon siya masasakmal sa isang dako na walang tubig?

At sasabihin niya, “Kung paanong nauuhaw o humihingal (ito'y pagkauhaw) ang usa sa mga batis ng tubig, humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa Iyo, 0 Diyos. Malibang masumpungan Kita, Panginoon, mamamatay ako. Hindi ako maaaring magpatuloy malibang masumpungan muna Kita.” At kapag ang isang lalaki o babae, ang batang lalaki o batang babae ay nagkaroon ng ganiyang uri ng pagkauhaw sa Diyos, mayroon siyang masusumpungan. Kita n'yo?
Ngunit kung dudulog tayo nang maligamgam, “Buweno, luluhod ako at titingnan ko kung ano ang gagawin ng Diyos. (Kita n'yo?), hindi ka pa totoong nauuhaw. Kinakailangang ang pagkauhaw mo ay nasa pagitan ng kamatayan at Buhay, kung gayon ay mayroong mangyayari.

Ang usa, siya rin naman ay... Nalaman natin na mayroon din siyang pandamang pangamoy, na nagbibigay sa kaniya ng babala kapag malapit na ang kaaway. Mayroon siyang taglay, ang munting nilikhang ito ay may taglay na pandama upang ingatan ang kaniyang sari I i. At siya'y mayroong munting alarma sa loob niya, isang munting bagay, na kumikiliti sa ilong niya kapag malapit na ang kaaway. Kapag ang tayo ng kaaway ay paayon sa hangin, malalaman niya kaagad na nariyan ka, tatalilis agad siya. Magkaminsan kahit kalahating milya ang layo mo, amoy ka pa rin niya at tatakas na siya, o kahit nga ang lobo o ang anumang panganib. Nararamdaman niya ito sapagkat gayon ang pagkakalikha sa kaniya. Isa siyang usa, iyon ang kalikasan niya. At ang pandamang iyon na nasa kaniya ay isa lamang sa mga pandamang bigay ng Diyos upang ipamuhay niya.

At naisip ko, kung ihahambing ang usa sa tao na nauuhaw sa Diyos. Bago pa man makalapit ang kaaway, may isang bagay sa isang anak ng Diyos, na kapag ika'y naipanganak ng Espiritu ng Diyos at tinanggap mo ang bautismo ng Espiritu Santo, may isang bagay sa isang tao na nararamdaman niya ang kaaway. Makikilala mo ang isang tao kapag kinuha niya ang Kasulatan, at nagbabasa siya ng Kasulatan at nagsingit siya ng isang bagay sa Kasulatang iyon, na taliwas sa Kasulatan, mararamdaman agad ito ng isang taong puspos ng Espiritu Santo. May bagay na wala sa lugar. Kapag humantong siya sa isang dako, at ang munting pandamang iyon na naroroon ang siyang mag-iingat sa iyong buhay. Hindi ka dapat sumang-ayon sa isang bagay malibang tumugma ito sa Salita ng Diyos. Kinakailangang manatili ka sa Salitang iyon. At ngayon, ligtas tayo dahil sa pandamang iyon habang nananatili tayo sa Espiritu Santo.

-----
May isa pang kalikasan, isang natural na kalikasan na taglay ng pagkauhaw na iyon ng kaluluwa. Maaaring sabihin mo, “Ang pagkauhaw bang iyon ng kaluluwa ay natural?” Siyanga, natural lamang na mauhaw ang kaluluwa. At ito'y... Sapagkat ganito ka ginawa ng Diyos upang ikaw ay mauhaw sa Kaniya. Gusto Niyang mauhaw ka sa Kaniya. Ngayon, ganiyan ka ginawa ng Diyos. Hindi Niya kailangang gawin iyan sa iyo, gayon man ay ginawa Niya ito. At kung hindi ka niya ginawang ganiyan, magkakaroon ka ng katuwiran sa araw ng paghatol, masasabi mong, “Hindi ko kinauhawan ang Diyos.”
Ngunit hindi mo maaaring idahilan ang bagay na iyan. Oo nga't magagawa mo. Maaaring ito ay ang iyong asawa; o ang iyong kotse o maging anoman ito; maaaring nagsisimba ka at sinisikap mong punuan ito. At wala akong ano mang laban sa pagsisimba, ngunit hindi iyan ang katugunan. Kailangang masumpungan mo ang Diyos, ang buhay na Diyos, ang Diyos ng kalangitan sa iyong kaluluwa, diyan lamang maiibsan ang pananabik at pagkauhaw na hinahanap mo.

Ngayon. Ginawa ka Niyang ganiyan upang kauhawan mo Siya, ang pakikisama sa Kaniya. Ngayon, mayroong tunay na kauhawan para sa pakikisama. Ngayon, gusto nating magkita-kita. Ginagawa natin iyan sa gabing ito. Nagkakatipon tayo sa gabing ito sapagkat gusto nating magsamasama. Bakit natin ginagawa ang bagay na ito? Dahil may isang bagay sa boob natin na gusto nating magkita-kita. Natural lamang iyan. At ngayon, nagkikita tayo rito dahil sa isang bagay; iyan ay dahil nauuhaw tayo sa Diyos. Kita n'yo? At ngayon nagkakaunawaan tayo dahil sa iisang paniwala tungkol safellowship. Sa boob ng simbahang ito ngayong gabi, marahil ay maraming magkakaibang makadenominasyong pananaw at kung anu ano pa; ngunit pagdating sa pagkauhaw na iyan, maaari tayong magpang-abot, sa iisang paniniwala: tayong lahat ay nauuhaw. Maaaring ang iba ay naniniwala sa wisik, ang isa naman ay sa bautismo, at ang isa ay sa buhos, at iba pa; subal it pagdating sa pagkauhaw sa Diyos, nagkakaunawaan tayo. At ginawa tayo ng Diyos na ganiyan upang magawa natin iyan: ang mauhaw sa Kaniya at sa Kaniyang pakikisama.

Basahin ang account sa... Pagkauhaw.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig ng mga batis, gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.

Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, ang buhay na Dios: kailan ako paririto, at haharap sa Dios?

Mga Awit 42:1-2



 

I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Kasal At Diborsiyo.

(PDF)

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)


Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.