Ang Pag-agaw.

<< nakaraang

susunod >>

  Buhay Salita serye.

Ang Pag-agaw.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Ang Pag-agaw.

Mga Awit 27:4-5,
4 lsang bagay ang hiningi ko so Panginoon na aking hahanapin; na ako y makatahan sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay, upang malasin ang kagandahan ng Panginoon, at magusisa sa kaniyang templo.
5 Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong; sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.

Ngayon, may paraan ang Diyos ng paggawa .ng mga bagay at hindi Siya kailanman nagpapalit ng panuntunan. Kailan ma'y hindi Siya nagpapalit ng... Siya'y Diyos na hindi nagbabago. Sa Amos 3:7, sinabi Niya na wala Siyang gagawing anuman hangga't hindi Niya ito naipapaalam sa Kaniyang mga lingkod, na mga propeta. At singtiyak ng pangako Niya, ay tutuparin Niya ito.

Ngavon, dumaan na tayo sa mga kapanahunan ng iglesia, ngunit sa Malakias 4 ay ipinangako sa atin na sa mga huling araw ay muling magbabalik ang isang propeta sa lupain. Tama 'yan! Masdan ninyo ang kaniyang kalikasan at kung ano ang magiging gawi niya. Siya'y... Oh, siya... Limang beses ginamit ng Diyos ang espiritung iyon: minsan kay Elias, kay Eliseo, kay Juan Bautista, upang tawagin ang Igiesia, at ang natira sa mga Judio; limang ulit, grace, J-e-s-u-s,.fa-i-t-h, at ito ang bilang ng biyaya. Kita n 'yo? Tama.

Ngayon, tandaan, ang Mensahe ay naipangako na. At kapag ang lahat ng mga hiwagang ito ay napagbalu-balumbon na ng lupon ng mga eklesiastiko, kakailanganin ang isang — isang propetang mula sa Diyos upang maghayag nito. At iyan nga ang ipinangako Niyang gawin. Kita n'yo? Ngayon tandaan, ang Salita ng Panginoon ay dumarating sa isang propeta, hindi sa isang teologo, kundi sa isang propeta. Siya ang tagasinag ng Salita ng Diyos. Wala siyang maaaring sabihing anuman; hindi niya maaaring salitain ang sariIi niyang kaisipan. Ang tanging sasalitain niya ay kung ano lang ang ipinahayag sa kaniya ng Diyos. Maging ang propetang si Balaam, nang siya'y subukin kung ipagbibili niya ang kaniyang karapatan; ang sabi niya “Paanong makapagsasalita ang isang propeta ng anum an maliban sa mga salitang inilalagay ng Diyos sa kaniyang bibig?” Itinakda ng Diyos na wala siyang masabing iba pa. At ganito ka isinilang. Tulad ng di mo maaaring...

Kung sasabihin mo, “Hindi ko maidilat ang mga mata ko,” kung ika'y may tinitingnan. Maididilat mo ito. Hindi mo maaaring sabihing hindi mo maaabot ang iyong kamay samantalang kaya mo naman. Hindi ka maaaring maging aso kung ika'y isang tao. Nilalang ka ng Diyos nang ganito at kailangan Niyang - mula sa panahon ni Isaias, ni Jeremias, at lahat ng - ni Elias, at sa mga panahong nagdaan. nang ang mga lupong marurunong na tagapagturo tungkol sa mga bagay ng Diyos ay nangalito, na magsusugo Siya ng isang propeta, palilitawin siya mula sa kawalan. Ang propetang ito'y hindi magiging kabilang sa anumang mga institusyon nila, nguni't sasalitain niya ang Kaniyang Salita, at kaagad siyang'mawawala sa tagpo at aalis, isang lalaking totoong matapang na nananangan sa Katotohanan ng Diyos. At kadalasan... Para mo siya makilala, ang sabi Niya, “Kung sinoman sa inyo ang espirituwal O isang propeta...”

Ngayon ang isang propeta... Mayroong tinatawag na kaloob na panghuhula sa iglesia, nguni't ang isang propeta ay itinalaga at itinakda na para sa oras niya. Kita n 'yo? Opo! Ngayon, kung may hulang lalabas, dapat ay may dalawa O tatlong dapat magpasya kung ito'y tama O mali bago ito tanggapin ng iglesia. Datapuwat walang makahahatol sa isang propeta sapagka't siya ang - siya ang di mapapasubaliang Salita ng Diyos. Siya ang Salitang iyon sa kaniyang panahon. Nakita niya ang Diyos na pinasisinag ang... Ngayon, kung nangako ang Diyos na muli Siyang magsusugo ng gayon sa mga huling araw upang mailabas ang Nobya mula sa Eklesiastikong kalat, at ito'y... Ito lamang ang tanging paraan upang maisakatuparan ito.

At hindi ito maisasakatuparan sa... Hindi matatanggap ng iglesia si Cristo. Ang mga Pentecostal, hindi nito maaaring dalhin ang Mensaheng ito sa kasalukuyan nitong kalagayan. Paano nating matutupad ang hula sa huling kapanahunan sa kasalukuyan nilang kalagayan ngayon, samantalang ang bawat isa sa kanila'y laban sa isa't isa, at lahat na, sa larangang eklesiastika? O, habag. Isang napakalaking kalat nito. Humantong na sila sa iba't-ibang denominasyon. At sa bawat pagkakataon, nais kong tanungin ang sinumang mananalaysay kung hindi ganito ang laging nagaganap. Sa tuwing may lalabas na mensahe sa lupa at kanila itong inorganisa, kaagad itong namamatay. At ganito rin ang ginawa ng Pentecostal, tulad din ng ginawa ng mga nauna. Ang Pentecostal na lumabas...

Kayong mga Assemblies of God, nang lumabas ang inyong mga ninuno mula sa mga kapisanan doon sa dating Pangkalahatang Konseho, sila'y nagtitili at nagpuri sa Diyos at tinuligsa ang mga bagay na iyon; at pagkatapos para kayo ngayong asong kinakaing muli ang kaniyang isinuka O parang isang baboy na nagbalik sa kaniyang dumi at ginagawa na rin ninyo ang mga gawang ginagawa nila; at ngayo'y labis na kayong nagpaka-eklesiastiko at ipininid n 'yo na ang lagusan ng inyong habag, at kailangan pa ngayong may panghawakang tarheta ng kapisanan bago makipag-ugnayan ang sinuman sa inyo. At kayong mga oneness, binigyan kayo ng Diyos ng isang mensahe at sa halip na magpatuloy kayo rito at magpakumbaba, ay sumige kayo't kumalas at nagtatag ng sarili ninyong grupo. At nasaan na kayo ngayon? Sa iisang timba rin. Ganiyang-ganiyan nga! At ang Espiritu ng Diyos ay patuloy na kumikilos. “Akong Panginoon, ang magtatanim, didiligin Ko ito araw at gabi at baka may mga maparitong...” Itinakda Niyang maganap ang mga bagay na ito, at kailangan Niyang isugo ito.

Ang unang bagay na magaganap kapag nagpasimula na Siyang bumaba mula sa langit, ay may isang sigaw! Ano iyon? Iyon ay isang Mensahe upang tipunin ang mga tao. Kailangan munang may isang mensaheng lumabas. Ngayon, “Oras na upang isaayos ang mga ilawan. Magbangon at ihanda ang inyong mga ilawan.” Anong pagpupuyat ba iyon? Ang ika-pito, hindi ang ikaanim, kundi ang ika-pito. “Narito, dumarating na ang Nobyo. Magbangon kayo't isaayos ang inyong mga ilawan.” At sila'y tumalima. Nalaman ng iba sa kanila na walang langis ang kanilang mga ilawan. Kita n'yo? Ngunit oras na upang isaayos ang mga ilawan. Oras na ng Malakias 4, at ng Lukas 17, at ng Isaias... Lahat ng mga hulang iyon — na matamang isinaayos sa Kasulatan para sa araw na ito, nakikita nating ito'y nabubuhay na rito ngayon. Walang...

Nakikita na nating nagaganap ang mga bagay na ito, minamahal kong kapatid na lalaki, kapatid na babae, kung kailan, ang Diyos lang sa langit ang nakababatid kung mamamatay na ako, sa entabladong ito ngayon; kayo'y — kailangan n'yo lang na maglakad-Iakad ng ilan pang panahon. Ako'y... Talagang ito'y... Matindi ito. Kung makikita ninyo ang Diyos na dumarating mula sa langit at Siya'y tatayo sa harap ng kalipunan ng mga tao, at tatayo roon, at ipakikilala ang Kaniyang Sarili, gaya ng nagawa na Niya... At iyan ang katotohanan, at ang Bibliang ito ay bukas. Kita n'yo? Naririto na tayo! At ang sistemang maka-denominasyon ay patay na. Wala na ito. Hindi na ito makababangon pang mulL Ito'y susunugin. lyan ang ginagawa samga ipa sa bukid. Lumayo kayo rito. Kay Cristo kayo magsipasok. Huwag n'yong sabihing, “Kasapi ako sa Metodista!”; “Kasapi ako ng Baptist!”; “Kabilang ako sa Pentecostal!” Kay Cristo ka pumasok. At kung ikaw ay na kay Cristo, walang anumang nasusulat dito kundi yaong pinaniniwalaan mo. Hindi mahalaga sa akin kung ano ang sinasabi ng iba. At ipinamamalas ng Diyos ang bagay na ito, dahil ikaw ay... Kapag ibinuhos Niya ang Espiritu sa Salita, anong mangyayari? Tulad ng kung tutubigan mo ang anumang binhi. Ito'y mabubuhay at magbubunga ayon sa uri nito.

Sasabihin mo, “Bautismado na ako sa Espiritu Santo.” Hindi iyan nangangahulugang ligtas ka na, napakalayo. Tumingin ka rito. ikaw ay isang nilalang na may tatlong bahagi. Ikaw ay... Sa loob ng munting taong ito ay mayroong kaluluwa; bukod dito ay may espiritu; at bukod dito'y mayroon siyang katawan. Ngayon, mayroon kang limang pandama sa katawang ito upang makapamuhay ka rito sa iyong makalupang tahanan. Hindi magawang maabot ng mga pandamang ito ang iba pa. Dito' y mayroon kang limang pandama ng espiritu, pag-ibig, kunsensiya, at ang iba pang tulad noon. Datapuwat dito ka namumuhay. Ito yaong ikaw. Di ba't sinabi ni Jesus na pumapatak ang ulan kapuwa sa matuwid at sa hindi matuwid? Maghasik ka ng panirang— damo sa isang bukid at tabihan mo ng trigo at kapuwa sila diligin, at lagyan sila ng pataba at lahat ng kailangan, hindi ba't kapuwa sila umiinom at nabubuhay sa iisang tubig? Siyanga! Nguni't ano iyon? Ang isa sa kanila ay mamumunga ng amorscko dahil iyon talaga siya. Ang damong ligaw ay magtataas ng kaniyang mga kamay at sisigaw din siya katulad ng ginagawa ng trigo.

Hindi ba't sinabi ng Biblia na sa mga huling araw ay magsisidating ang mga vulaang Cristo, hindi mga bulaang Jesus, kundi mga bulaang Cristo, mga pinahiran, hmvad na pinahiran sa Salita. Pinahiran ng denominasyon nguni't hindi sa Salim, dahil ipakikilalang Salita ang Kaniyang Sarili. Hindi ito nangangailangan ng iba pa; Siya mismo ang magpapakilala sa Kaniyang Sarili. At magdadatingan ang mga bulaang pinahiran. Nasa inyo ang teyp ko tungkol dito. At ang pinahi... O, kung tatanungin mo ang isa ng ganito, “Oh, lka...— ikaw ba'y isang Jesus?”, “Aba 'y, hindi!” Hindi nila ito mapaninindigan. Ngunit pagdating sa, “O, luwalhati, nasa akin ang pagkapahid...” At ito'y isang tunay na pagkapahid.

Alalahanin, si Caifas man ay maroon nito at siya'y nakapanghula. Gayon din naman si Balaam at siya rin ay nanghula, datapuwat walang kinalaman iyon doon sa nasa loob. Malibang iyon ay isang binhi ng Diyos, ang binhingpunla Niya noon pang pasimula, nakatalaga, tapos ka na. Hindi mahalaga kung gaano ka kalakas magsisigaw, O magsalita ng iba't-ibang wika, magtatakbo, O magtitili; wala itong kinalaman dito. Ang panirang damo ay makakikilos ng katulad ng ikinikilos ng iba pa sa kanila. Nakakita na ako ng mga paganong bigla na lang tatayo at sisigaw, at magsasalita ng iba't- ibang wika, at— pagkatapos ay iinom ng dugo mula sa bungo ng tao at tatawag sa diablo. Kita n 'yo? Kaya't hindi n 'yo nanaisin ang anumang mga sensasyon at anumang bagay na katulad nito; kalimutan n'yo 'yan. Ang mahalaga ay nasa Salita ang puso ninyo, at iyon si Cristo. Dalhin mo Ito rito at masdan kung paano Nitong ipina'kikilala ang Sarili Nito at kung paanong mamurnukadkad Ito tulad ng alin mang binhi at ipinapahayag ang Sarili para sa panahong kinabubuhayan Nito.

Ang napalitaw ni Luther ay pawang mga mumunting usbong ng dahon. Nagawa naman ng iba na makapagpalitaw ng iba pa. Nasa panahon na tayo ng butil ng trigo ngayon. Ang mga Lutheran, ang mga tunay ng Lutheran ay kailangang mamunga ng tunay na Luther. Ang mga tunay na Pentecostal ay dapat magbunga ng tunay na Pentecostal. Iyon lang. Ngunit nalampasan na natin ang panahong iyon at patuloy tayong umuusad. Alam ba ninyong nang mag-umpisa ang iglesia Catolica ay Pentecostal din ito? At kung tatagal pa ang iglesiang Pentecostal ng dalawang libong taon, magiging mas masahol pa ito sa kasalukuyang lagay ng Catolico ngayon. Ganiyan nga! Ngayon, sinasabi ko ito sa mga kapatiran kong mga lalaki't babae na minamahal ko, at batid iyan ng Diyos. Magkikikita tayo roon sa paghuhukom. At maaaring hindi na iyon magluwat. Kailangan kong saksihan kung ano ang katotohanan.

Nang makisama ako sa inyo sa mga pagtitipon upang manalangin para sa mga maysakit, minabuti n'yo ito, ngunit nang ako'y maparitong taglay ang Mensahe... Kung may anumang mensaheng lalabas, at kung ito'y totoo, kung ito'y isang tunay at totoong himala ng Diyos, at ika'y mananatiling nakakapit sa iyong samahan, samantalang alam mong ito'y hindi sa Diyos dahil naipakilala na iyon ng bagay na iyon. Si Jesus ay humayo at nagpagaling ng mga maysakit upang makuha ang pansin ng mga tao, at pagkatapos ay saka Niya inilabas ang Mensahe Niya! Siyanga! Kailangan munang magkaroon ng isang bagay na maipapakilala ng Diyos. Kaniya lamang... Ang pagpapagaling ng Diyos ay... Ang mga Himalang ito ay para lamang matawag ang pans in ng mga tao. Ang pinakamahalagang bahagi nito ay ang Mensahe. lyon ang mahalaga. Kung ano ang nagmurnula rito sa loob. Sinisikap Niyang lugurin ng mga tao upang sila'y manatili at makinig sa Kaniya. Sapagkat may mga tao roong nakatakdang mabuhay. At ahg ibang trigo ay nahulog sa daan at tinuka ang mga iyon ng mga ibon. Ang iba'y nahulog sa mga dawagan, at ang iba'y sa— nahulog sa inilaang lupa at nagsipamunga.

Hindi, ito'y... Una ay ang pagtunog— O una muna ang pagtunog ng pakakak at isang— O ang isang tinig - isa munang sigaw, at pagkatapos ay ang tinig, at pagkatapos ay ang pakakak. Sigaw, isang mensahero ang naghahanda sa mga tao. Ang ikalawa ay isang tinig. Ang ikalawa ay ang tinig ng pagkabuhay na maguli. Ang siya ring tinig, ang isang malakas na tinig sa Juan 11:38 at 44 na tumawag kay Lazaro mula sa kaniyang libingan. Tinitipon muna ang Nobya; kasunod ang pagkabuhay na maguli ng mga patay (kita n 'yo?), upang makasama silang maagaw pataas. Ngayon, masdan ninyo ang tatlong bagay na magaganap. Ang kasunod ay ang ano? Ang pakakak. Isang tinig— isang sigaw, isang tinig, isang pakakak.

Ngayon ang ikatlo ay ang pakakak, na sa pagdaraos nila ng Pista ng mga Pakakak ay pinatutunog nila ito upang anyayahan ang mga tao sa isang piging at ito yaong hapunan ng Nobya, ang hapunan ng Kordero kasalo ang Kaniyang Nobya sa kalangitan. Tingnan n'yo, ang unang magaganap ayang pagpapalabas ng Kaniyang Mensahe upang sama-samang tawagin ang Nobya. Ang kasunod ay ang pagbangon ng mga nangatutulog na Nobya mula sa mga patay, ya— yaong mga namatay sa mga panahong nagdaan. Sabay silang aagawin, at ang pakakak ay ang piging sa ]angit— sa himpapawid. lyan ang mangyayari, mga kaibigan. Naririto na tayo at nakahanda na ngayon. Ang kailangan na lamang mangyari ay ang mabilad sa araw ang Iglesiang lumabas upang mahinog. Ang dakilang lupon ng mga manunugtog ay dadaan na paglipas pa ng ilang panahon. Ang mga uhay ay susunugin ngunit ang mga butil ay titipunin sa bangan. Kita n'yo?

Basahin ang account sa...
Ang Pag-agaw.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;

Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.

Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

1 Mga Taga-Tesalonica 4:16-18


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Tubig sa bato.

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)

Pearry Green personal
testimony.
(PDF Ingles)

Kasal at Diborsiyo.

(PDF)


Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.