Ang paglalantad ng Diyos.
<< nakaraang
susunod >>
Ang Diyos ay natabingan kay Moises.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang paglalantad ng Diyos.Ikalawang Corinto 3:13-15,
13 At hindi gaya ni Moises, na nagtalukbong ng kaniyang mukha upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig sa katapusan niyaong lumilipas:
14 Datapuwa't ang kanilang mga pag-iisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, pagka binabasa ang matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo.
15 Datapuwa't hanggang sa araw na ito, kailan ma't binabasa ang mga aklat ni Moises, ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang mga puso.
16 Nguni't kailan ma't magbalik sa Panginoon, ay maaalis ang talukbong.----
Taglay ni Moises ang Salita. Ngayon alalahanin, matapos maipamalas ang Salita, si Moises ay naging si Moises muli. Kita n 'yo? Datapuwat habang ang Salitang iyon ay nasa kaniya upang maipamahagi, siya ay Diyos; aba'y, hindi na siya si Moises. Taglay niya ang Salita ng Panginoon para sa panahong iyon. Walang makasasaling sa kaniya hanggang sa maganap iyon, taglay niya ang Salitang iyon. Kaya nga, nang dumating siya, iniwas ng mga tao ang mga ulo nila; hindi nila maunawaan. Nagbago sila. Ibang tao na siya. Dumating siyang tag lay ang Salitang iyon. “At naglagay siya ng lambong,” ang sabi ng Biblia, “sa kaniyang mukha,” sapagka't taglay niya ang Salita. At Siya ang Salita sa kanila.Ngayon tingnan, kung si Moises... o kapatid, ito'y magiging insulto. Ngunit kung si Moises... Gaya ng sinabi ni Pablo rito sa Ikalawang Corinto, sa ika-3 kabanata. Kung kinailangang tabingan ni Moises ang sarili niya dahil sa angkin niyang Kaluwalhatiang iyon; kita n 'yo, sapagkat iyon ay natural na kaluwalhatian, iyon ay natural na katuruan. At kung si Moises, nalalamang ang kautusang iyon ay lilipas, datapuwat napakaliwanag ng Kaluwalhatiang iyon na binulag niyon ang mga tao, kaya't kinailangan nilang lambungan ang kaniyang mukha. Gaano pa kaya ang mangyayari Rito? Mga taong bulag sa Espirituwal! A-ha. Ang kaluwalhatiang iyon ay magmamaliw, datapuwat ang Kaluwalhatiang Ito ay hindi magmamaliw. Kita n 'yo? Taglay ni Moises ang kamal na kautusan, ang kahatulan, walang biyaya, walang anuman; hahatulan lang kayo nito. Ngunit Hong pinaguusapan natin... Walang kapatawaran doon, sinabi lang nito kung ano ka. Ito ang nagbibigay sa inyo ng daan upang makalabas.
At kapag ang Salitang iyon ay nalantad, ay, naku, anong uri kaya ng mukha Iyon? Kakailanganing matabingan Iyon. Dapat ay matabingan Iyon. Ngayon pansinin. Kung gayon ang Espiritu ay nalalambungan sa isang temp long tao, kita n 'yo, upang maipangusap Niya ang mga natural na salita nang may natural na tabing.
Ngayon, si Pablo ang nagsasalita rito ngayon, at dito― sa ganitong pakahulugan, ang Espiritung- Salita, “Kami ay mga ministro, hindi ng titik, Ang kautusan; kundi mga may kakayanang ministro ng Espiritu,” na kinukuha ng Espiritu ang titik at ipinamamalas Ito. Iyon ay kautusan pa lamang, kailangan mo pang tingnan iyon, sabihin, “Huwag kang makikiapid. Huwag kang magnanakaw. Huwag kang magsisinungaling. Huwag mong gagawin ito, iyon, at ang iba pa.” Kita n 'yo? Kailangan mong tingnan iyon. Ngunit ito ay Espiritu na lumulukob sa ipinangakong Salita para sa panahong ito, at namumunga, at nagpapamalas, hindi dalawang tipak na bato, kundi ang Presensiya ng buhay na Diyos. Hindi ang isang makaalamat na kaisipan na binuo ng kung sino, o kung anong panlalansi ni Houdini; kundi ang pinaka pangako ng Diyos na naipahayag at naipamalas sa harapan mismo natin. Anong uri kaya ng belo ang mailalagay doon? At para― para maiwala ang...
Kita n'yo, napakadakila niyon hanggang sa maging ang mga tao ay nagsabi, ang sabi nila nang makita nilang bumababa si Jehova sa anyo ng Haliging Apoy na ito, at nagpasimulang yanigin ang lupa, at― at ang mga bagay na ginawa Niya, at ang nagliliyab na bundok. At sinumang mangangahas na magtungo sa bundok na iyon, ay mapapahamak. Napakadakila niyon hanggang sa maging si Moises ay natakot sa lindol. At, kung noon ay bundok lang ang niyanig Niya, sa pagkakataong ito ay yayanigin Niya ang sangkalangitan at ang lupa.
Paano naman kaya ang Kaluwalhatiang Ito? Kung iyon ay nalambungan ng natural na tabing, ito naman ay... nalalambungan ng espirituwal na tabing. Kaya huwag n'yong sikaping tumingin sa natural; lumagos kayo sa Espiritu at tingnan n 'yo kung nasaan na kayo, tingnan n 'yo kung anong oras na ang kinabubuhayan natin.
May kabuluhan ba Ito sa inyo? Kita n 'yo, Espirituwal na tabing ang nasa mga tao, nagsasabing, “Metodista ako. Kasingbuti ako ng sinuman. Baptist ako. At Pentecostal ako.” Hindi ba ninyo napapagtanto, na iyan ay isang makatradisyong tabing? Iyan ang nagkukubli sa Diyos sa iyo. Iyan ang humahadlang sa iyo upang masiyahan ka sa lahat... O, sasabihin mo, “Sumisigaw ako at naglululundag.” Ang sabi Niya, “Bawat Salita!” Sinampalatayanan ni Eva ang bawa't Salita maliban sa isa. Kita n'yo? Ito'y ang kabuuan ng Salita ng Diyos, ang pangako ng oras na ito na naipamalas. Kita n'yo?.
Natabingan Siya ng natural na tabing bago Niya maipangusap. ang Salita sa mga tao. Ngayon, kailangang tabingan ng Diyos ang Sarili Niya, gaya ng ipinangako Niya, sa laman ng tao. Ang Diyos! Nakukuha n'yo ba Ito? Kailangang maglambong ang Diyos ng laman ng tao, at maglagay ng espirituwal na tabing sa kanila, (na nagsasabi, “Buweno, ganito ako at ganoon ako”), para makapangusap sa mga tao. Kapag ang tabing na iyon, na isang makatradisyong tabing, ay nahapak, kung gayon... ang sinasabi nila, “Aba, ang mga araw ng mga himala ay lipas na.”
----
Ngayon ang natural na tabing. Ang Diyos, ang Salita, na natatabingan ng laman ng tao. Ano iyon? Ang Diyos ay natabingan kay Moises. Ang Diyos ay nakay Moises, natatabingan, at ang Presensiya ng Diyos ay nasa kaniya. Naging napakasakdal niya dahil ang Salitang iyon ay nasa Kaniya nang gaya no'n, hanggang sa kailanganin niyang tabingan ang mukha niya. At isang bindikadong propeta ang nagladlad sa Salita at nagsabi sa kanila, “Huwag kang gagawa nito! Gawin mo ito! Huwag kang gagawa nito!” Kita n 'yo?Upang ibigay ang Salita Niya sa salinglahing iyon, tinabingan Niya ang Sarili Niya ng tao, kung hindi ay bubulagin ng Salita maging yaong mga tinawag palabas. Kita n'yo? Maging ang mga taong nangaroroon sa malayo, hindi nila matagalang tumingin doon. Sa- sa Exodo ay makikita natin iyan, ang sabi nila, “Si Moises na lang ang pagsalitain, huwag na ang Diyos.” Nakikita n'yo ba kung bakit hindi masyadong nagpakita ang Haliging Apoy? Kita n'yo?
Ang sabi ng Diyos, “Gagawin Ko iyan. Magbabangon Ako ng isang Propeta sa kanila.” Amen! “Ibabangon Ko ang isa sa kanila.” At dumating Siya nang akmang-akma. “Magbabangon Ako, at tataglayin Niya, magiging Salita Siya.” Ang sabi Niya, “Kung nais nilang makita kung ano ang Salita...” Ang sabi, “Ngayon, Moises, nagpakita Ako sa iyo doon sa anyo ng nagliliyab na palumpong.” Ang sabi, “Bababa Ako at pagliliyabin Ko ang bundok na iyon.” Ang sabi, “Makikita nila na katotohanan ang sinabi mo. Magpapakita Ako rito sa gayon ding nagliliyab na paraan. Magpapakita Ako rito at patutunayan Ko sa mga tao, ibibindika Ko ang iyong lingkuran.” Iyan ang sinabi Niya kay Moises dito, sa maraming pananalita.
Pansinin, ang sabi Niya, “Ngayon, Akin kang― luluwalhatiin Kita sa harap ng mga tao.” Ang sabi, “Ngayon, sinabi mo sa kanila na kinatagpo Kita roon sa anyo ng nagliliyab na palumpong; ngayon ay bababa Ako, ang Apoy ding iyon, at ipahihintulot Kong makita ng mga tao na hindi ka nagsinungaling tungkol Dito.” Magagawa mo pa nga Itong patunayan sa pamamagitan ng agham, kahit, kung nais mo. Kita n 'yo? “Mananaog Ako at ipababatid ko ito sa kanila.”
At nang magpasimula Siyang kumulog, nang magsimulang kumulog si Jehova, ang sabi ng mga tao, “Huwag! Huwag! Huwag! Huwag mo nang pagsasalitain si Jehova; ma― mamamatay kaming lahat.” Kita n 'yo, kinailangan Niyang matabingan, kaya't tinabingan ng Diyos ang Sarili Niya kay Moises at ibinigay kay Moises ang Salita. At bumaba si Moises at ipinangusap ang Salita ng Panginoon, na may tabing sa kaniyang mukha. Tama ba 'yon? Si Jehova na natatabingan sa anyo ng isang propeta, 'pagkat walang pasubaling... At sinabi ng Diyos na hindi na Siya muling mangungusap sa kanila sa gayong paraan. Mangungusap na lamang Siya sa kanila sa pamamagitan ng isang propeta. Iyon na lamang ang tanging paraan ng pakikipag-usap Niya mula noon. Iyon na lamang ang tanging paraan ng pangungusap Niya. Tama iyan. Hinding-hindi na muli sa iba pang paraan. Hindi Siya nagsisinungaling.
Pansinin, na kay Moises lang ang Salita. Ngayon, walang pangkat na― na bumaba, walang mga Fariseo lang, o ang mga Saduseo, o hindi iyon isang― isang uri ng sekta o samahan. Si Moises 'yon! Iisang tao lang ang kinuha Niya. Hindi Siya maaaring kumuha ng dalawa o tatlong magkakaibang isip. Isang lalaki lang ang kinukuha Niya. Nakay Moises ang Salita, at kay Moises lang. Ni wala nga Iyon kay Josue. Walang ibang nagtaglay Nito. Amen! Si Josue ay isang ― isang heneral; si Josue ay pinuno ng hukbo; si Josue ay isang mananampalataya, isang Cristiano. Datapuwat si Moises ay isang propeta! Ang Salita'y hindi maaaring dumating kay Josue; kailangan Itong dumating kay Moises. Siya ang propetamayor sa oras na iyon. Pansinin, hindi dumating ang Salita kay Josue hanggang sa mawala si Moises. Hindi po. Ang Diyos ay nakikitungo sa isa lamang sa bawa't pagkakataon. Ang Diyos ay iisa. Kita n'yo? Ngayori, si Moises lang ang may taglay ng Salita. Hindi isang grupo.
Tingnan n'yo, binalaan ng Diyos ang ibang tao na huwag magtatangkang sumunod kay Moises sa loob ng tabing; mga manggagaya. Kita n'yo? Babae, lalaki, pari, sinoman iyon, banal man, makadiyos, gaano man karangal, ano man sila; nagbabala Siya, “Hayaan n'yong si Moises lang ang pumasok! At kung may tao, o maging hayop man, na hihipo nito, ay papaslangin kaagad.” Huwag kayong papasok sa tabing na iyon. Ang tabing na iyon ay para lamang sa isang tao. Ang Mensaheng iyon ay iisa. Kita n'yo? Sa templo, ay isang tao lang ang pumapasok taun-taon, pinahiran at inayusan upang pumasok; hindi upang ilabas ang Salita, kundi upang maghandog ng dugo. At lumakad man lang sa harap Nito, isa lang. Ang iba pang tao ay mamamatay. Kita n 'yo?
Sila sa espirituwal ay nangamamatay ngayon. Ito ang espirituwal na tabing. Kita n'yo? Iyon ay ang natural na tabing. Ito ang espirituwal na tabing. Patuloy lang sila sa paglalakad papasok doon sa likod, hindi mo sila masabihan. “o, alam ko! Alam ko iyan, ngunit ako'y...” Kita n'yo, Sige lang, mabuti iyan, nangungusap lang iyan... Alalahanin n 'yo, ang huling salot sa Egypto ay kamatayan, bago ang paglabas. Ang huling salot sa lupa ay espirituwal na kamatayan, bago ang paglabas. Pagkatapos ay susunugin sila at magbabalik sa pagiging alabok, at lalakad ang matuwid sa kanilang mga abo. Ngunit ang huling magaganap ay ang espirituwal na kamatayan, ang pagtanggi sa Salita.
Ngayon pansinin, binalaan ng Diyos ang sinumang tao na huwag magtangkang sumunod kay Moises papasok sa tabing ng Apoy. Si Moises ay matatabingan, kailangan niyang lumabas doon. Si Moises ay pumasok doon bilang Moises, pumasok sa Haliging Apoy, at nang lumabas siya, siya'y nalalambungan. Dahil, pumasok siya Roon, palabas sa kaniyang mga tradisyon, sa mga tradisyon ng mga matatanda. Nakita niya ang Haliging Apoy, ngunit ngayon ay papasok na siya sa Haliging Apoy. Kita n'yo? Amen! At lumabas siyang, may lambong. Ang Salita ng Diyos sa isang tao, nalalambungan! Heto siya't naglalakad palabas, ay, naku, nakikita ko ito. Binalaan ang bawa't isa na huwag tangkain iyon, walang maaaring makagaya Noon. Makabubuting huwag mong tangkain. Kita n 'yo? Kahit pa saserdote o taong banal, sino man iyon, cardinal man, obispo, ano pa man, na nagtangkang pumasok sa loob ng tabing na iyon, ay nangamatay. Binalaan sila ng Diyos. Hindi tayo magkakaroon ng panggagaya.
Ang Salita Niya'y ihinahayag lamang sa iisa. Laging gayon, isang propeta ang dumating taglay ang Salita ng Panginoon, sa bawa't panahon, sa bawa't pagkakataon, sa buong Kasulatan. Ang Salita ay dumarating lamang sa isa. Sa bawa't panahon ay laging ganito, maging sa mga kapanahunan ng iglesia, mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli. Ang iba ay may kani-kaniyang lugar, tama iyan, pansinin, ngunit lumayo kayo sa Haliging Apoy na iyon. Kita n 'yo? Anong gandang aralin ang natutunan natin ngayon dito! Kita n 'yo, lahat na lang ay nagnanasang maging si Moises, at bawat isa...
Naaalala ba ninyo ang sinabi ni Dathan at ng mga iyon noon doon? Ang sabi nila, “Ngayon, Moises, teka nga muna! Masyado mo nang dinadakila ang iyong sarili, alam mo ba 'yon. Ngayon, may iba pang mga kalalakihan dito na tinawag ng Diyos.” Totoo 'yon. Sila, bawat isa, ay maayos na nagsisunod habang sila'y sumasang-ayon, ngunit nang mayroon nang humakbang at kumuha ng posisyong ipinagkaloob ng Diyos kay Moises, na naitalaga at pinili upang tumupad ng tungkuling iyon, tinangkang kunin iyon, bumuhos ang apoy at bumuka ang lupa at nilulon silang lahat nito. Kita n 'yo? Kita n 'yo? Magingat kayo. Kita n 'yo? Maging mabuti lang kayo at makadiyos na Cristiano, na sumasampalataya sa Salita. Kita n'yo? Iwasan n'yo ang Haliging iyon. Anong gandang aral nito!
Unang nagpakita ang Diyos kay Moises sa isang nagliliyab na palumpong, ang Diyos ay natatabingan ng Haliging Apoy. Ngayon makinig maigi ngayon sa loob ng isang sandali. Nang unang dumating ang Diyos kay Moises, Siya ay nalalambungan. Ang Diyos ay nasa isang Haliging Apoy, na nakatago sa isang palumpong, kita n 'yo; gaya ng sa likod ng mga balat, kita n'yo, sa likod, sa may luklukan ng awa sa altar. Kita n'yo? Siya'y natatabingan. Lagi Siyang may tabing. At nang dumating Siya kay Moises, nasa Haliging Apoy Siya, natatabingan ng Haliging Apoy. Ngunit dito, sa harap ng mga tao, binindika siya ng Diyos sa pamamagitan ng Haliging Apoy ding iyon. Kita n 'yo? Ang sabi ni Moises...
Ngayon masdan. Nababasa n'yo ba? Hinahayaan n'yo lang bang tangayin ang diwa n'yo nang malayung-malayo? Magagawa ba ninyo? Maaari bang... “Ang may pakinig, ay makinig.” Kita n'yo? Nang magpakita ang Diyos kay Moises, iyon ay sa isang Haliging Apoy, nang tawagin Niya siya sa lingkuran. At dumating si Moises at sinabihan ang mga tao tungkol dito. Hindi nila ito mapaniwalaan. Kahit pa nga ginawa niya ang mga himala at mga bagay-bagay. Ngunit, sa pagkakataong ito, ay nagpakita Siya, sa paraang nakikita ng mata at ng agham at binindika ang lingkuran ni Moises bilang siya ring Diyos na nangusap sa kaniya, 'pagkat nagpakita Siya sa anyong Haliging Apoy at pinagliyab ang bundok. At dumating Siya kay Moises sa isang palumpong, nangusap sa kaniya. Tama.
Ang unang pagpapakita ng Diyos kay Moises, ay sa isang tabing na nagliliyab na palumpong, nalambungan. Sa harap ng mga tao, ang Diyos ay nalambungang muli at binindika si Moises sa pamamagitan ng tabing, sa pamamagitan ng pagtatabing ng Sarili Niya ng Haliging Apoy ding iyon, ang siya ring Haliging Apoy ay bumaba. Mula― mula noon... Mula noon, upang ang tanging dinggin nila ay ang Salita ng Diyos. Nakukuha ba ninyo? Tanging ang Salita, narinig nila ang Tinig Niya. Dahil, si Moises, sa kanila, ay ang buhay na Salita, si Moises! Kita n'yo, Lubos na pinatunayan ng Diyos ang Salitang iyon sa pamamagitan ni Moises! Kita n'yo, ang sabi ni Moises... Ang sabi ng Diyos kay Moises, “Lumusong ka roon. Ako'y sasaiyo. Siya'y... walang makatatayo sa iyong harapan. AKO SI AKO NGA.”
Bumaba si Moises, at nagsabi, “Maaaring hindi ninyo paniwalaan ito, marahil, ngunit nagpakita ang Diyos sa akin sa anyo ng Haliging Apoy, at sinabi Niya sa akin ang mga bagay na ito.” “O, maraming ganiyan dito.” Ang sabi ni Faraon, “Aba!” Ang sabi ni Pastor Faraon, “Buweno, napakahinang klaseng palabas iyan ng salamangka. Aba'y, may mga salamangkero rin ako rito at magagawa nilang gawing serpente... ang isang tungkod― ang isang tungkod na isang serpente. Halina kayo rito, mga salamangkero.” At nagsilapit sila at nagawa rin nila ang gayon.
Basahin ang account sa... Ang paglalantad ng Diyos.