Ang pinakadakilang digmaan sa lahat.
<< nakaraang
susunod >>
Lugar ng sagupaan. Isipan ng tao.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang Pinakadakilang Digmaan sa Lahat.Ngayon, bago maihanda ang anumang pakikidigma, kailangan munanilang pumili ng lugar ng sagupaan o ng isang lugar kung saan silamaglalaban, isang piling lugar. Nung Unang Digmaang Pandaigdig sadyangginanap ito sa lupaing walang nagmamay-ari at sa mga dakong pinaglabanannila, at sadyang mayroon silang pinipiling lugar. Tulad nang makipagdigma ang Israel laban sa mga Filisteo, samagkabilang panig ay may burol silang pinagtitipunan. At doon lumalabas siGoliat at naghahamon sa hukbo ng Israel. Doon siya sinagupa ni David samay lambak, nang makalampas siya sa maliit na sapang umaagos sa pagitan ngdalawang burol na iyon, kung saan ay pinulot ang mga bato. Kailangang mayisang lugar na mapili.
At dito, may isang dakong pinagkakasunduan, “lupaing walang may-ari”,at dito sila naglalaban. Di sila basta-basta naglalaban sa isang lugar, atpagkatapos ay dito naman; may isang lugar ng sagupaan kung saan silanagtatagpo at sinusubukan nila ang kanilang mga kapangyarihan, kung saansinusubukan ng bawat hukbo ang lakas nito laban sa isat isa - isangpinagkasunduang lugar ng pagtatagpo. Ngayon, huwag ninyo itong palalampasin. Nang magsimula ang dakilangpakikipagbakang ito sa lupa, kinailangang magkaroon ng isangpinagkasunduang lugar ng pagtatagpo; kinailangang magkaroon ng pinilinglugar para pagsimulan ng labanan, at doon ito unang magsisiklab; at ang dakong sagupaang iyon ay nagsimula sa isipan ng tao. Doon nagsisimula angdigmaan. Ang isipan ng tao ang napiling maging lugar ng sagupaan, kungsaan ito nagsisimula; at iyon ay dahil ang mga pagpapasiya ay ginagawa sapag-iisip, sa ulo. Ngayon, hindi nila ito sinimulan sa isang organisasyon; hindi nila itosinisimulan sa isang mekanikal na ugnayan, hindi iyon ang lugar napinagmulan nito; samakatuwid ang organisasyon ay hindi kailan manmakagaganap ng gawa ng Diyos, sapagkat ang dakong sagupaan, kung saanmo dapat kaharapin ang iyong kaaway, ay sa pag-iisip. Kailangan monggumawa ng pagpili. Haharapin ka nito. Nais ko sana, na ang munting batang babaeng ito na maysakit, tiyakinniyang pakikinggan niya itong maigi.
Ang mga pagpapasiya ay ginagawa sa pag-iisip, sa ulo. Doon kahinaharap ni Satanas. At doon din ang mga pagpapasiya, sapagkat ganiyanginawa ng Diyos ang tao. Ngayon, mayroon akong... kung nakatingin kayosa tala ko rito, may nakaguhit ditong mapa. Nilagay ko ito rito di pa katagalansa - ginamit ko ito sa pisara. Ang balangkas ng isang tao ay tulad sa isang butil ng trigo. Isa itongbinhi, at ang tao ay isang binhi. Sa pisikal ikaw ay isang binhi ng iyong ama'tina, at ang buhay ay nagmula sa ama, ang sapal ay nagmula sa ina. Kayamagkasama ang dalawa, ang itlog at ang dugo ay nagsasama, at nasa selyulang dugo ang buhay, at doon ito nagisismulang mabuo bilang isang bata.
Ngayon, anumang binhi ay may balat sa labas; nasa loob ang sapal at nasaloob ng sapal ang semilya ng buhay. Buweno, ganiyan ang pagkakayari saatin. Tayo ay binubuo ng katawan, kaluluwa, at espiritu. Ang labas ay angkatawan, ang balat, sa loob naman nito (ang kunsensiya at iba pa) ay angkaluluwa, at sa loob ng kaluluwa ay ang espiritu. At pinamamahalaan ngespiritu ang lahat.
Ngayon, kung uupo kayo pag uwi ninyo at iguguhit ninyo ang tatlongmaliliit na bilog na ito, makikita ninyo na ang labas na bahagi nito ay angkatawan ng tao. Sa loob ng katawan ay may kaluluwa, at ang kaluluwang iyonay kontrolado ng imahinasyon, kunsensiya, alaala, pangangatuwiran, atdamdamin; iyon ang kumukontrol sa kaluluwa. Ngunit ang espiritu, iisa langang taglay na pandama nito - ang espiritu. Oh, kunin natin ito! Ang espirituay may isang pandama at ang pandamang iyon ay - ang nangingibabaw ditoay kung hindi pananampalataya ay pag-aalinlangan. Iyon nga. At may iisangdaan lamang patungo roon, at iyon ay ang kalayaang pumili. Maaari mongtanggapin ang pag-aalinlangan o ang pananampalataya, alin man ang naismong gamitin. Samakatuwid, nagsisimula si Satanas sa pangunahing bahagi upang pagalinlanganin ang espiritu ng tao sa Salita ng Diyos. Ang Diyos ay nagsisimulasa pangunahing bahagi upang mailagak Niya ang Kaniyang Salita sa espiritungiyon. Hayan, iyan ang dahilan.
Kung ang iglesiang ito ngayon ay maagbubuklod at magkakaisa nanglubusan, na ang bawat isa ay magkakasundo nang walang anumang bahid ngpag-aalinlangan, walang matitirang isa mang mahinang tao sa atingkalagitnaan sa kasunod sa limang minuto; walang sinuman dito angmagnanasa ng Espiritu Santo na hindi makatatanggap Nito. Kung magagawalang sana ninyong ayusin ang isang bagay na iyon.
Ngayon, doon nagsisimula ang digmaan - sa isipan ninyo mismo, kungikaw ba ay... Ngayon, tandaan ninyo, hindi ito Christian Science, mind overmatter; wala iyong... Tinatanggap ng pag-iisip ang Buhay na walang ibakundi ang Salita ng Diyos, at doon ay naihahatid ang Buhay. Hindi angkaisipan mo lang ang gumagawa nito, kundi ang Salita ng Diyos na naihatid sadaluyan ng iyong kaisipan. Nauunawaan n'yo ba? Ano ba ang kumukontrolsa pag-iisip mo? Ang espiritu mo; at nasasapo ng espiritu mo ang Salita ngDiyos, at iyon ang bagay na may Buhay. Naghahatid ito ng Buhay sa iyo. Oh, kapatid, kapag nangyari iyan, kapag dumaloy ang Buhay sa daluyangpapasok sa iyo, ang Salita ng Diyos ay naipapamalas sa iyo. “Kung kayo'ymananatili sa Akin at ang mga Salita ko'y sa inyo, hilingin ninyo ang ibigninyo at ito'y tatanggapin ninyo.”
Kung magkagayo'y ano'ng gagawin nito? Mula sa kalagitnaan ng puso, na siyang kaluluwa, mula roon ay hahayo ito, dadaluyan ang bawat daluyan.Ang problema ay nakatayo tayo rito taglay ang maraming pagdududa atsinisikap nating tanggapin kung ano ang naroon sa labas. Kailangan mongpigilin iyon at dumaan ka sa daluyuang iyon taglay ang Salita ng Diyos, atpagkatapos ay kusa na lamang iyong lalabas. Ang mahalaga ay kung ano ang nasa kalooban. Iyon ang mahalaga, ang kalooban. Ang paglapit ni Satanas aymula sa kalooban.
Ngayon, sasabihin mo, “Hindi ako nagnanakaw; hindi ako umiinom; hindiko ginagawa ang mga bagay na ito.” Walang kinalaman iyan doon (Kitan'yo?); ang mahalaga ay ang kalooban. Gaano ka man kabuti, gaano mankataas ang iyong moralidad, gaano ka man katapat, ang mga bagay na iyan ayakagalanggalang, ngunit ang sabi ni Jesus, “Malibang ang tao ay isilang namuli...” Kita n'yo? Dapat ay may mangyari sa kalooban. Kung hindi, iyonay isa lamang pagbabalat-kayo, saagkat sa kaibuturan ng puso mo ay gusto mopa rin itong gawin.
Hindi puwedeng artipisyal; dapat ay maging totoo ito. At iisa lamang angmaaaring pagdaanan nito, at iyon ay sa pamamagitan ng kalayaang pumili,pumapasok ito sa kaluluwa sa pamamagitan ng iyong mga kaisipan.“Sapagkat kung ano ang iniisip ng tao sa kaniyang puso ay gayon siya. Kungsasabihin mo sa bundok na ito, 'Makilos ka' at hindi ka mag-aalinlangan saiyong puso, bagkus ay sasampalataya kang magaganap ang sinabi mo;mapapasaiyo ang sinabi mo.” Nakuha ba ninyo? Hayan. Kita n'yo? Hayanang lugar ng sagupaan.
Kung sisimulan mo lang muna sana iyan. Sabik na sabik tayong makitangnagaganap ang mga bagay; sabik na sabik na tayong may magawa para saDiyos. Ang munting babaeng ito ay gustung-gusto - walang dudanggustung-gusto niyang mabuhay; nais niyang gumaling. Ang ibang mga taongnaririto ngayon ay nais ding gumaling. At kapag naririnig natin ang tungkol sakasong iyon, tulad ng duktor na iyon, ang pagkabuhay na muli ng patay, mgadakila at makapangyarihang bagay na ginawa ng ating Diyos, kung gayo'ynasasabik tayo. Kaso nga lang, sinusubukan natin iyong abutin sapamamagitan ng mga pandamang ito para natin mahawakan ang isang bagayna naririto, tulad ng kunsensiya.
Kaya't madalas namamali ang maraming tao ng pakahulugan sa Salita, atdi ako nauunawaan tungkol dito, tngkol sa pagtawag ng altar call. Ang sabi ko“Hindi ako masyadong nagbibigay-diin tungkol sa altar call,” hindi ibigsabihing hindi ka dapat manawagan sa altar, ngunit hahatakin ng isa angkasama niya sa braso at sasabihin, “O, Kapatid na John, alam mo? Matagal natayong magkapit-bahay; halika dito sa altar; manikluhod tayo.” Anong ginagawa niya? Sana mayroon akong pisara dito, gusto ko sanangipakita sa inyo kung ano'ng ginagawa niya. Sinisikap niyang maabot angkaniyang kaluluwa sa pamamagitan ng damdamin. Hind iyan uubra. Hindiiyan ang daan. Tiyak ngang hindi. Ano kaya ang ginagamit niya? Isangalaala, sa pamamagitan ng pandama ng kaluluwa. “O, Kapatid na John, napakabait ng nanay mo; matagal na siyang namatay”: isang alaala. Kitan'yo? Hindi mo maaaring gawin iyan, kailangang dumaan ito sa kalayaanmong pumili. Ikaw mismo, hayaan mong ang Salita ng Diyos... Hindi kalumalapit dahil mabait ang nanay mo; hindi ka lumalapit dahil isa kang mabaitna kapit-bahay; lumalapit ka dahil pinapalapit ka ng Diyos, at tinatanggap moSiya batay sa Kaniyang Salita. Ang Salitang iyon ang lahatlahat sa iyo. Ang Salitang iyan, kung kaya mong isantabi ang lahat ng bagay, ang buomong kunsensiya, ang lahat ng iyong pandama, at hahayaan mong makapasokang Salita, magbubunga ng tama ng Salitang iyan.
Heto, nakikita n'yo ba kung anong nakatakip dito? Sasabihin mo,“Buweno ngayon, ah...” Sasabihin mo, “Buweno ang kunsensiyang ito, angmga pandama, at iba pa ay wala namang kinalaman dito, di ba, Kapatid na Branham?” Tiyak ngang mayroon. Ngunit kung papapasukin mo ang Salita atpagkatapos ay hahayaan mong matabunan Ito ng kunsensiya, kungmagkagayo'y hindi Nito magagawang tumubo; magiging isa Itong Salitangsira ang anyo. Nakakita na ba kayo ng magandang butil ng mais na itinanimsa lupa, at nabagsakan ng isang patpat, lalaki itong baluktot. Sinuman atanumang bagay na lumalaki ay magkakagayon, mayroon kasing nakasagabal.
Buweno, iyan ang problema sa ating paniwalang Pentecostal sa araw naito. Hinayaan nating mahadlangan ng napakaraming bagay angpananamapalatayang itinuro sa atin, ang Espiritung nabubuhay sa atin.Pinayagan natin ang napakaraming mga bagay: sa iba tayo nakatingin. At satuwina ay itinuturo kayo ng diablo sa kabiguan ng kung sino, ngunit iniiwaskayo sa tunay na patotoo. Minsan ay ituturo niya kayo sa isang ipokritonglumabas at nanggaya ng kung ano. Hindi Siya ang may gawa niyon, sapagkatnanggaya lamang siya. Ngunit kung nanggaling iyon sa totoong bukal ngSalita ng Diyos, “Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit ang Salita Ko ay hindimaaaring lumipas.” Mananatili't mananatili ito. Nauunawaan mo ba, Sis?
Kailangang tanggapin ito sa isipan; pagkatapos ay sampalatayanan sapuso; kung magkagayo'y magiging katotohanan ang Salita ng Diyos; kungmagkagayo'y ang bawa't pandama ng kaluluwa at katawan ay sadyangnakuskos na ng Espiritu Santo. Kung magkagayo'y ang pandama mo ay mulana sa Diyos; ang kunsensiya mo ay mula na sa Diyos; lahat ng bagay namakadiyos ay dumadaloy na sa iyo. Wala nang isa mang pag-aalinlangan.Wala nang anumang bagay na maaari pang lumitaw. Wala nang maaari pangsumagi sa alaala na ang sabi, “Buweno, naaalala kong sinubukan ni MisssJones na magtiwala sa Diyos. Si Miss Ganito-at-ganun, si Miss Doe aysumubok na magtiwala minsan sa Diyos para sa kaniyang kagalingan, at siya'ynabigo.” Kita n'yo? Ngunit kung ang daluyang iyon ay naalisan na ng sagabal at nalinis na, at napuspos na ng Espiritu Santo, ni hindi na iyon sasagipa sa alaala. Di na mahalaga ang tungkol kay Miss Jones at kung ano'ngginagawa niya; ikaw at ang Diyos ang nagkakaalaman, at wala nang ibamaliban sa inyong dalawa. Hayan; hayan ang inyong pakikibaka.
Basahin ang account sa...
Ang Pinakadakilang Digmaan sa Lahat.