Ang pagpili ng Nobya.

<< nakaraang

susunod >>

  Kristiyano lakad serye.

Ang kalayaang mamili ay isang napakagandang bagay.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Ang pagpili ng Nobya.

Ngayon sa ika-9 na talata, ng ika-21 talata ng Apocalipsis:
At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.

Sa napakaraming bagay sa buhay ay binigyan tayo ng pagkakataong mamili. Maging ang paraan ng pamumuhay ay isang pagpili. May karapatan tayong gumawa ng sarili nating pamamaraan, mamili ng sarili nating paraan ng pamumuhay. Ang edukasyon ay isang pagpili. Maaari nating piliing mag-aral o kaya'y huwag mag-aral. Iyan ay isang pamimiling maaari nating gawin. Ang tama at mali ay isang pamimili. Bawat lalaki, bawat babae, batang lalaki o babae, ay kailangang mamili kung mamumuhay sila ng tama o mamumuhay sila nang hindi tama. Ito'y isang pagpili. Ang kalayaang mamili ay isang napakagandang bagay. Ang iyong kahahantungan sa walang hanggan ay isang pagpili, at marahil sa gabing ito, ang ilan sa inyo ay nakatakdang mamili kung saan ninyo gugugulin ang walang hanggan — bago matapos ang gawaing ito ngayong gabi. Darating ang isang pagkakataon na... maaaring ilang ulit mo nang tinanggihan ang Diyos, ngunit darating ang isang pagkakataon na tatanggihan mo Siya sa huling pagkakataon. May guhit na naghihiwalay sa awa at kahatulan, at magiging mapanganib para sa isang lalaki o babae, sa isang batang lalaki o babae ang tumawid sa guhit na iyon, sapagkat hindi ka na makababalik pang muli kapag tinawid mo ang guhit ng kamatayang iyan. Kaya't sa gabing ito, marahil ay ito na ang oras upang magpasiya ang marami sa inyo kung saan ninyo gugugulin ang walang katapusang eternidad.

Mayroon pa tayong isang pinipili sa buhay na ito. lyon ay ang makakasama natin sa buhay. Ang isang binata o dalaga na papasok sa buhay ay may... ay pinagkalooban ng karapatang mamili. Mamimili ang binata, ang dalaga naman ay may karapatang tanggapin siya o kaya naman ay tanggihan siya, ngunit kailangan pa ring mamili ang magkabilang panig; kapuwa ang lalaki at babae, mayroon silang karapatang mamili. Gayon din naman, mayroon din kayong karapatang mamili bilang mga Cristiano. Maaari kayong mamili ng isang iglesia dito sa America na inyong mapagsisimbahan. lyan ay pribilehiyo ng isang Americano na taglay mo, ang makapamili ka ng anumang iglesiang nais mong kabilangan. Datapuwat kung nais mong lumipat mula sa Methodist, tungo sa Baptist, o mula sa Catolico tungo sa Protestante, at sa iba pa, walang maaaring magsabi sa iyo o maaaring pumilit sa iyo na pumunta ka sa alin mang iglesia. lyan ay kalayaan natin. Kaya nga may demokrasya tayo. Makapamimili ang sinumang tao para sa kaniyang sarili — kalayaan sa relihiyon, at isa iyang dakilang bagay. Tulungan nawa tayo ng Diyos na ingatan ito hangga't makakaya natin.

Maaari ka ring mamili kung... kapag pinili mo ang iglesiang Ito, maaari kang mamili sa iglesiang ito kung ika'y... kung ang pipiliin mo ay isang iglesiang aakay sa iyo patungo sa iyong walang hanggang hantungan. Maaari mong piliin ang isang iglesiang may hinahawakang isang uri ng kredo — kung sa palagay mo ay ang kredo ngang iyon ang hinahanap mo; o mayroon din namang kredo ang ibang iglesia. At nariyan din naman ang Salita ng Diyos na maaari mong piliin. Kailangan mong pumili. Mayroon tayong batas na hindi nakasulat at iyon ay ang kalayaang pumili. Wari ko ay si Elias iyon sa tuktok ng Bundok ng Carmel pagkatapos ng paghaharap na iyon sa isang dakilang oras ng krisis na atin ngayong tatalakayin. At marahil, ikaw o ako sa gabing ito, ang kailangang mamili tulad ng nangyari sa Bundok ng Carmel. Ang totoo, sa palagay ko'y nagaganap ito sa buong mundo ngayon. Datapuwat malapit nang dumating ang oras kung kailan ay dapat kang mamili;

At kayong mga lalaking naririto na kasapi ng inyong mga iglesiang denominasyon, basta't paniwalaan lang ninyo ito, na nalalapit na sa inyo ang oras kung kailan ay mamimili kayo. Kung hindi kayo sasapi sa Pandaigdigang Konseho ay hindi na kayo maaaring magpatuloy na isang denominasyon. Kakailanganin ninyong gawin iyan at ang pagpiling iyan ay malapit nang mangyari. At mapanganib na hintayin pa ninyo ang huling oras na iyon, sapagkat maaaring makakuha pa kayo ng isang bagay na maaaring pagdating ng panahon ay hindi n'yo na kayang iwaksi. Alam n'yo, may panahon ng pagbibigay babala, at kung tatawirin ninyo ang guhit ng babalang iyan, ay matatatakan na kayo sa kabilang panig — may tatak na kayo.

Alalahanin n'yo na pagsapit ng taon ng Jubileo, ang saserdote ay mangangabayo dala ang kaniyang pakakak, patutunugin iyon upang ihudyat na ang bawat alipin ay maaari nang lumaya, ngunit kung tatanggihan niya ang kaniyang kalayaaan, ay kailangang dalhin siya sa isang poste upang butasan ang tainga niya ng isang bakal na pambutas, at pagkatapos nito ay paglilingkuran niya ang panginoon niya magpakailan man. At sa tainga niya iyon inilalagay bilang katipo ng pakikinig. Ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig. Narinig niya ang pakakak, ngunit ayaw niyang pakinggan iyon. At kadalasan, naririnig ng mga lalaki at mga babae ang Katotohanan ng Diyos at nakikita nilang nabibindika ito at napatutunayan, ngunit ayaw pa rin nila Itong pakinggan. Mayroon pang ibang kadahilanan. Mayroon silang ibang pagpiling ginagawa maliban sa harapin ang katotohanan at ang mga tunay na pangyayari. Kung kaya't maaari nang ipinid ang mga tainga nila sa Ebanghelyo. Hindi na nila lyon muli pang mapakikinggan. Ang payo ko sa inyo, kapag nangusap ang Diyos sa inyong puso, kumilos na kayo kaagad. Binigyan sila ni Elias ng kalayaang pumili at ang sabi, “Piliin ninyo sa araw na Ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Kung ang Diyos ay Diyos, paglingkuran n'yo Siya; Kung si Baal ang Diyos, paglingkuran n'yo siya.”

Ngayon, makikita natin na ang lahat ng mga bagay na natural ay katipo ng mga bagay na espirituwal gaya ng natalakay natin sa aralin natin kaninang umaga — katulad ng araw at ng kalikasan nito. lyon ang aking unang Biblia. Bago pa ako makabasa ng isang pahina Biblia ay alam ko na na may Diyos. Sapagkat ang Biblia ay nakasulat sa buong kalikasan, at ito'y umaayon sa Salita ng Diyos: Kung paano ang kamatayan, libing, at muling pagkabuhay ng kalikasang ito, at ang araw ay sumisikat, tumatawid, lumulubog, namamatay, muling sumisikat — napakaraming bagay tungkol sa kalikasan na maaari nating pagtipuhan sa Diyos ang kailangan nating laktawan para sa mensaheng ito.

Ngayon kung ang espirituwal... o ang natural ay katipo ng Espirituwal, kung gayon ang pagpili ng nobya sa natural ay katipo ng pagpili ng nobya sa Espirituwal. Ngayon napakahalagang bagay ang pagpili ng isang asawang babae, ang isang lalaki... sapagkat ang sumpaan dito ay hanggang sa paghiwalayin tayo ng kamatayan. Ganiyan ang dapat na ginagawa ninyong pag-iingat diyan. At ginagawa mo ang panunumpang iyan sa harap ng Diyos na tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa inyo. At sa palagay ko ay dapat nating... ang isang lalaking nasa tamang katinuan na naghahanda para sa kaniyang kinabukasan, ay dapat maging totoong maingat sa pagpili mapapangasawa; mag-ingat kayo sa ginagawa ninyo. At ang isang babaeng namimili ng isang asawang lalaki o ng pagtanggap sa lalaking mapapangasawa, ay dapat na totoong mag-ingat sa kaniyang ginagawa lalong-lalo na sa mga araw na ito. Dapat ay mag-isip munang mabuti ang isang lalaki at manalangin bago siya mamili ng mapapangasawa.

Sa palagay ko, sa araw na ito, kaya napakaraming kaso ng diborsiyo ngayon — at nangunguna tayo sa buong mundo, dito sa America, sa dami ng kaso ng diborsiyo, daig natin ang ibang bansa sa buong mundo. Mas marami ang diborsiyo rito kaysa saan mang bansa (ang bansang ito), at umano'y ipinapalagay ng lahat na isa itong Cristianong bansa. Anong laking kahihiyan — ang ating mga hukuman ng diborsiyo. Sa palagay ko ang dahilan nito ay dahil nalayo na ang kalalakihan natin sa Diyos, at nalayo na ang kababaihan natin sa Diyos. At makikita natin na kung mananalangin lang ang isang lalaki at kung mananalangin lang ang isang babae tungkol sa bagay na ito — at hindi lang basta titingin sa mapupungay na mga mata, o sa matipunong mga balikat, o anumang tulad nito, o sa anumang makasanlibutang pagnanasa, bagkus ay titingin muna siya sa Diyos at magsasabi, “O Diyos, ito ba ang plano mo?”

-----
At kung pag-aaralan lang natin kung ano ang ginagawa natin kung magaasawa tayo, kung mamimili tayo ng asawang babae o lalaki, kung pagaaralan lang nating mabuti... Dapat ay manalangin ang isang lalaki sapagkat maaaring maging dahilan iyon ng pagkasira ng buong buhay niya. Alalahanin, ang sumpaan ay, “Hanggang paghiwalayin tayo ng kamatayan.” At maaaring sirain ng isang lalaki ang buhay niya dahil sa maling pagpili. Ngunit kung alam niya kung ano ang... mga mali ang pagpili niya at pakakasalan niya ang isang babae na hindi bagay sa kaniya, pero itutuloy pa niya, kasalanan niya iyon. Kung kukuha ang isang babae ng mapapangasawa at alam niyang hindi siya nararapat na mapangasawa, kasalanan mo na iyon dahil alam mo na kung ano ang tama at mali. Kaya't hindi mo dapat gawin iyon hangga't hindi ka nananalangin nang lubusan.

Ganito rin dapat ang gawin sa pagpili ng iglesia. Ngayon dapat ay ipanalangin mo ang iglesiang sinisimbahan mo. Alalahanin, ang mga iglesia ay may espiritu. Ngayon, ayaw kong mamintas ngunit napapagtanto ko na matanda na ako. At kailangan ko nang lumisan isa sa mga araw na ito. Mananagot ako sa araw ng paghuhukom sa anumang sasabihin ko sa gabing ito o sa anumang pagkakataon, at ako'y... kaya't kailangan kong maging totoong maalab at maging tunay na matibay ang paniniwala. Ngunit kung pupunta ka sa isang iglesia, at kung pagmamasdan mo ang pagkiios ng igiesiang iyon —pagmasdan mo lang ang pastor sandali, at karaniwang matutuklasan mo na ang ikinikilos ng buong iglesia ay katulad ng kilos ng pastor. Kung minsan ay nag-iisip tuloy ako kung hindi kaya ang nakukuha natin ay ang espiritu ng isa't -isa at hindi ang Espiritu ng Diyos. Kapag nakita mong ang pastor ay totoong radikal at masyadong malikot, makikita mo na ganoon din ang asal ng kongregasyon. Dadalhin ko kayo sa isang iglesia kung saan kapag nakatayo ang pastor — tatangu-tango sila. Panoorin n'yo ang kongregasyon; ganoon din ang gagawin nila. Kapag nilulunok ng pastor ang kahit anong turo, karaniwang gano'n din ang ginagawa ng kongregasyon. Kaya't kung pipili ako ng igiesia, ang pipiliin ko ay ang tunay, pundamental, full-gospel na iglesiang nananangan sa Biblia— kung mamimili ako ng iglesiang pagdadalhan ko sa pamilya ko. Pumili kayo...

-----
Muli, ang uri ng babaeng pipiliin ng isang lalaki ay sumasalamin sa kaniyang ambisyon at sa kaniyang pag-uugali. Kung pipili ng maling babae ang isang lalaki, sumasalamin ito sa kaniyang pag-uugali. At kung saan niya itinatali ang sarili niya, iyon ang nagpapakita kung ano talaga ang nasa kaniya. Masasalamin sa babae kung anong yung lalaki ang pumili sa kaniya bilang asawa. Ipinakikita nito kung ano ang nasa kaniya. Kahit ano pa ang ipinakikita niya sa labas, tingnan n'yo kung sino ang pakakasalan niya. Pagpunta ko sa opisina ng isang lalaki, sinasabi niyang isa siyang Cristiano — punung-puno ng pin-up ang dingding, ang tugtog ay boogiewoogie — kahit ano pa ang sabihin niya; hindi ako naniniwala sa kaniyang patotoo, sapagkat ang espiritu niya ay nanginginain ng mga bagay na iyon ng sanlibutan. Ano'ng masasabi ninyo kung ang pakakasalan niya ay singer sa club, o ano kaya't ang pakasalan niya ay isang sex queen, o kaya'y isang magandang makabagong Ricketta? lyon ang sumasalamin, nagpapakita iyon kung ano ang iniisip niyang kalalabasan ng kaniyang tahanan sa hinaharap, sapagkat siya ang kinuha niya upang magpalaki ng mga anak niya, at kung ano man siya, iyon din ang pagpapalaking gagawin niya sa mga anak niya. Kaya't ipinakikita nito kung ano ang nasa lalaki. Ang isang lalaking kukuha ng ganoong klase ng babae ay nagpapakita lang kung ano ang iniisip niya tungkol kaniyang hinaharap. Maiisip ba ninyo na magagawa iyan ng isang Cristiano? Hindi, po, hindi ko po magagawa. Ang isang tunay na Cristiano ay hindi maghahanap ng mga beauty queen at singer sa club at mga sex queen. Ang hahanapin niya ay ang ugali ng isang Cristiano.

Ngayon kung babalik tayo sandali sa Espirituwal na bahagi, at kapag nakakita kayo ng isang iglesiang nasa sanlibutan, kumikilos nang tulad sa sanlibutan, nakikisalamuha sa sanlibutan, nakikibahagi sa sanlibutan, ang turing sa Biblia ay tila hindi Siya ang sumulat ng mga Ito, kung gayon ay maiisip n'yo na hindi kukuha ng gano'ng un ng Nobya si Cristo. Maiisip ninyo na ang kukuning Nobya ay ang makabagong iglesia ng araw na ito? Hindi gagawin iyan ng Panginoon ko. Hindi ko kayang unawain iyan. Hindi. Alalahanin n'yo, ang lalaki at ang kaniyang asawa ay iisa. Makikisama ka ba sa isang taong tulad niyon? Kung gagawin mo iyan, tiyak na mawawala ang sampalataya ko sa iyo.

Kung gayon, paano naman kaya kung ang Diyos ang makikisama sa isang babaeng tulad niyon? Isang karaniwang makadenominasyong patutot. Sa palagay n'yo kaya ay gagawin Niya iyon? “May anyo ng kabanalan, ngunit tinatanggihan ang kapangyarihan nito.” Hinding-hindi Niya gagawin iyan. Dapat ay nasa kaniya ang pag-uugali Niya. Ang isang tunay na isinilang na muling iglesia ay dapat magtaglay ng paguugaling tinaglay ni Cristo, sapagkat ang magasawa ay isa. At kung ang ginawa lang ni Jesus ay kung ano ang nakalulugod sa Diyos (tinupad Niya ang Salita Niya at pinamalas ang Salita Niya), dapat ay gayon din ang maging paguugali ng Nobya Niya. Hindi Siya maaaring maging isang denominasyon sa anumang paraan, sapagkat kung magkakagayon, kahit anong pilit mong tumanggi, kinukontrol siya ng isang lupon na mag-uutos sa kaniya kung ano ang dapat niyang gawin o kung ano ang hindi niya dapat gawin, at kadalasan ay milyong milyang lihis ito sa tunay na Salita.

Nakalulungkot na lumayo na tayo sa tunay na Lider na iniwan ng Diyos upang mamuno sa Iglesia. Hindi Siya nagsugo ng mga pambansang presbyter. Hindi Siya nagsugo ng obispo, cardinal, pari, o mga papa. Ang isinugo Niya ay ang Espiritu Santo upang mamuno sa Iglesia. “Kapag Siya, ang Espiritu Santo ay dumating, aakayin Niya kayo sa buong Katotohanan, ipahahayag Niya ang lahat ng mga bagay na ito na sinabi Ko sa inyo, ipaaalala Niya ang mga bagay na ito, at magpapakita Siya sa inyo ng mga bagay na darating.” Ang Espiritu Santo ang gagawa nito. Ngayon ay namumuhi ang makabagong iglesia rito! Ayaw nila nito. Kaya paano siyang magiging nobya ni Cristo? Ang mga tao ngayon, ay pumipili ng isang makabagong denominasyon, ang nangyayari, sinasalamin lamang nito ang mapurol na pagkaunawa nila sa Salita. Hindi ko nais na makasakit, ngunit nais kong bumaon ito nang malalim hanggang sa magawa ninyo itong siyasatin.

Basahin ang account sa...
Ang pagpili ng Nobya.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya't piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi;

Deuteronomio 30:19


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Kasal at Diborsiyo.

(PDF)

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)


Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.