Ang panala ng taong nag-iisip.
<< nakaraang
susunod >>
Panala ng makarelihiyong sanlibutan.
William Branham.Basahin ang account sa...
Ang panala ng taong nag-iisip.Mga Bilang 19:9,
At pupulutin ng isang taong malinis ang mga abo ng guying bakang babae at ilalagay sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis; at iingatan ukol sa kapisanan ng mga anak ni Israel na pinaka tubig para sa karumihan: Handog nga dahil sa kasalanan.Ang paksang gagamitin ko ngayong gabi ay “Ang Panala ng Taong Nag-iisip.” Tila napaka radikal na paksa nito para sa isang ministro na laban sa paninigarilyo, ang kumuha ng isang tekstong tulad niyan, “Ang Panala ng Taong Nag-iisip.”
Mangyari, nung isang umagang nangaso ako ng squirrel, na... Kayong mga nasa- oh, kayong mga nakikinig sa radyo- sa himpapawid- o sa telepono, kung nakita lang ninyo ang ipinahayag ng mukha ng kongregasyong ito ng ianunsyo ko ang aking teksto, matatawa kayo: “Ang Panala ng Taong Nag-iisip.”
Buweno, nangyari ito roon sa lugar na kung saan ay nagpakita sa akin ang Panginoon isang umaga, at ang mga squirrel ay lumitaw sa pamamagitan ng pagsasalita. Natatandaan ninyong lahat kung saan iyon naganap. At gayon din, doon sa tuktok ng burol na kinatayuan ko bago- bago ko ipangaral ang Pitong Kapanahunan ng Iglesia, nangangaso ako isang umaga bago magliwanag, naroon ang... Ang akala ko ay sumisikat na ang araw, mga ikaapat pa lamang ng umaga noon. Kakatwang nakita ko ang Liwanag, at pagpikit ko, naroon ang Pitong Kandelerong Ginto, nakatayo roon sa tuktok ng burol, na parang may bahaghari na pumapanhik sa mga tubo nito at lumalabas.
Pagdaka'y nagpakita sa amin ang Panginoong Jesus, at sa pagkakataong iyon ay nakarinig ako ng isang Tinig na nagsasabing, “Ang Jehova ng Lumang Tipan ay siya ring Jesus na Bagong Tipan.” At naroon Siya matapos na maipahayag ang pitong Kandelerong Gintong iyon. At pansinin ninyo iyon. Ilan ba ang nakaaalala na tekstong iyon? Isinulat ko iyon sa likuran ng isang- kahon ng- ng mga tape na nasa bulsa ko, “Ang Jehova ng Lumang Tipan ay si Jesus ng Bagong Tipan.” Alam ng Diyos sa langit na iyon ang totoo.
----
Binasa ko sa Aklat ni- ni Daniel, kung saa'y nagtungo Siya sa isa sa Matanda sa mga Araw, na ang buhok ay simputi ng balahibo ng tupa. Pagkatapos ay nakita ko ang Isang iyon na Matanda sa mga Araw; Siya ang Isang iyon, ang Matanda sa mga Araw, tulad pa rin kahapon, ngayon, at magpakailan man. Nakita ko na isa iyong sagisag. At bakit puting balahibo ng tupa? At pagkatapos noon ako ay - tila ba nangungusap sa akin ang Espirutu Santo tungkol sa isang larawan ng iasang hukom noong unang panahon na nakita ko minsan. Pagkatapos ay ay tinunghayan ko ang kasaysayan; binalikan ko ang kasaysayan ng Biblia at lahat na upng malaman ko. At ang dating mga hukom tulad ng punong saserdote sa Israel, kailangan niyang magkaroon ng maputi, abuhing buhok na parang balahibo ng tupa pati na ang balbas, sapagkat ang puting buhok sa ulo niya ay nangangahulugang siya ang may pinakamataas ma kapangyarihan sa lahat ng mga hukom sa Israel. At maging sa araw na ito at ilang daang taon na ang naklilipas, marahil ay dalawang daang taon o hindi man sila kabata o gaano man sila katanda, kapag pumasok sila sa paghatol, nagsusuot sila na putting peluka at- upang ipakita na wala nang iba pang taong mas makapangyarihan kaysa sa kanila. Sila ang may huling salita sa kaharian. Kung ano ang sasabihin nila, iyon na iyon. At ngayon, pagkatapos ay nakita ko na nakatago Siya roon, bata pa ring Lalaki, ngunit nakasuot ng pelukang puti. Siya ang lubos at kataas-taasang Kapangyarihan; Siya ang Salita. At mayroon Siyang - nakasuot Siya ng putting peluka.At pagkatapos, nang matapos tayo sa- sa sermong iyon at nagtungo tayo sa kanluran, at nang magpakita roon ang anghel ng Panginoon para s Pitong Tatak, at iyon ay pumailanlang sa himpapawid (at may mga larawan tayo nito dito ay sa buong bansa), naroon Siya't nakatayong suot pa rin ang peluka mg kataas-taasang kapangyarihan. Siya ang Ulo ng Iglesia. Siya ang ulo ng Katawan. Walang katulad Niya saan man. Nilikha Niya ang lahat ng mga bagay para sa Kanyang Sarili, at walang anumang nalikha nang wala Siya. Taglay Niyang lahat ng kapangyarihan salangit at sa lupa, atang lahat ng bagay ay pagaari Niya. At nananahan sa Kaniya ang Kapuspusan ng Pagkadiyos sa kahayagan ayon sa laman. At ang Salita ay Diyos at nagkatawang-tao sa ating kalagitnaan, at Siya ang naghayag sa kabuuang lihim ng buong plano ng kaligtasan na ipinangusap ng lahat ng mga propeta at mga lalaking pantas. Siya lamang ang nakapelukang Iyon, at kataas-taasang kapangyarihan.
Ngayon, huminto ako sa tuktok ng burol noong isang araw, mukhang may mga squirrel na tumatawid doon. At umupo ako. At sandal pa lang ako roon ng biglang gumalaw ang mga halaman at may- isang napakalaking taong dumting na may dalang ripleng double barrel, dumaan siya sa mga halaman, at halos himatayin ako sa takot. Lumayo ako, at dala-daling dumapa. Takot akong gumalaw, baka barilin niya ako, at gugalaw ang mga halaman, kaya't talagng hindi ako kumikilos.
May mga squirrel n tumatakbo patawid ng burol, at pinaputukan niya ito ng double barrel kaya... Hindi niya siya tinamaan. Kaya't nanaog ang squirrel sa burol, at naisip ko, “Ngayon, lalayo ako, umaalingawngaw ang lahat ng ingay na iyon. Inubos niya ang bala ng kanyang baril.” At nang magsimula akong bumaba sa burol na iyon, ay bumaril ang lalaking iyon sa harapan ko mismo. At napapihit ko nang paganito, at tumahak ako rito upang bumaba sa ibang daan, at muli na naming pumutok ang kalibre 22 na riple. At sumisipol ang mga bala sa ulunan ko, ang sabi ko, “Naku, ang sama ng puwesto ko.”
Kaya't pumihit ako at bumaba ako sat bi ng ilog, at naisip ko, “Bababa ako rito at magtatago ako hanggang sa matapos sila para makalabas na ako.” At sa daan nang ako'y pababa na, nagkataon napukaw... napukaw ang pansin ko, at napatingin ako sa gawing kanan ko, at ang nangyari, nakalapag doon ang isang basyong kaha ng sigarilyo, na itinapon ng isa sa kanila sa paghahabol sa- nang dumaan ang mga squirrel sa mga halaman.
Tinignan ko iyon. Hindi ko iyon dinampot, pagkat unang-una ay hindi ko gusto ang amoy ng bagay na iyon. At tumingon ako roon, at ito'y gawa ng isang kompanya ng tabako na sa palagay ko'y hindi ko dapat banggitin ang pangalan, ngunit malalaman ninyo. Nakasulat doon, “A thinking man's filter and a smoking man's taste.” Tiningnan ko ang bagay na iyon, at inisip ko, “Panala ng lalaking nagiisip?” Naisip ko, “Kung talagang nag-iisip ang tao, hindi siya maninigarilyo sa anumang paraan. Paanong nangyari ito ay isang panala ng isang taong nagiisip? Ang isang taong nagiisip ay hindi maninigarilyo sa anumang paraan.” Tama.
----
Tiningnan ko iyon, at naisip ko, “Tulad ito ng- ng mga denominasyon ngayon, na mga iglesia natin.” Bawat isa sa mga ito ay may sariling panala; may kani-kaniya silang uri ng panala. Hinahayaan nilang pumasok ang anumang nais nila at pinipigil ang ayaw nila, sinasala nila ito papasok at palabas sa pamamagitan ng kanilang sariling uri ng panala. Hinahayaan nailing makapasok ang ilang uri ng mga bagay ng sanlibutan upang bigyan ng kasiyahan ang mga di-mananampalataya na naroon sa loob. Tatanggpin nila sila maging anuman sila kung mayroon silang pera. Tatanggpin nila sila maging anuman sila kung sila'y sikat. Ngunit may isang bagay tungkol dito, hindi mo magagawang magpapasok ng gayon sa Iglesia ng Diyos, hindi ang denominasyon ang tinutukoy ko, kungdi ang totoong tunay na Iglesia ng Diyos.----
Ang mga tao, alam nila kung ano'ng nais nila. Kaya't kung kailangan nilang makuha kung ano'ng nais nila, kung gayo'y kakailanganin nilang magkaroon ng isang uri ng panala at may sapat na mga bagay ng sanlibutan na nakalulusot upang matugunan ang kanilang makamundong panlasa. “Panala ng taong nagiisip, panlasa ng taong naninigarilyo- panala ng makarelihiyong sanlibutan, panlasa ng makamundong tao.Nais nilang maging relihiyoso. Iniisip nilang kailangan nilang maging relihiyoso, sapagkat mayroon silang kaluluwa. Nang una tayong maparito sa bansang ito, natagpuan natin ang mga Indian na sumasamba sa araw at iba pa. Bakit? Isa Siyang tao. Kung magtutungo tayo sa mga liblib na kagubatan ng Africa; matatagpuan natin ang mga katutubo na sumasamba sa kung anong bagay. Bakit? Mga tao sila, at kailangan nilang sumamba. Kaya ang tao, gaano man siya nalugmok sa kasalanan, alam pa rin niya na may isang bagay kung saan, ngunit gayon nalang ang panlasa niya para sa sanlibutan na hindi niya makuha ang tamang panala. Kailangan niyang magkaroon ng isang sariling gawang panala. Ang bawat isa'y gumagawa ng sariling uri ng panala.
----
Pansinin sa Mga Bilang 19... (Nais kong basahin ninyo iyan pag-uwi n'yo kung may panahon kayo.) Pansinin, kapag nagkasala ang Israel, una kumukuha sila ng pulang guying baka, na hindi pa napapamatukan. Ang ibig sabihin nito ay hindi pa siya kalian man nakipamatok sa anumang bagay. At dapat ay pula ang kulay nito. Ang kulay na pula ay ku- kulay ng katubusan. Alam ba ninyo na alam ng siyensiya na kung kukuha ka ng pula at titingin ka sa pula sa pamamagitan ng pula, na puti ang makikita mo? Tumitingin ka sa pula patagos ng pula; puti ang makikita mo. Tumitingin Siya patagos sa pulang Dugo ng Panginoong Jesus at ang mga mapupulang kasalanan natin ay nagiging simputi ng niyebe: pula patagos ng pula. At ang guying baka noon ay pinapatay sa gabi ng buong kongregasyon ng Israel, at naglalagay sila ng pitong guhit ng dugo nito sa pinto kung saan dapat pumasok ang buong kongregasyon: isang tipo ng Pitong Kapanahunan ng Iglesias a pamamagitan ngDugo.At pagkatapos kukunin nila ang katawan nito at susunugin. Sinisunog ito kasama ang paa, ang balat, ang mga bituka, pati na ang dumi nito. Ang lahat ay sinusunog ng magkakasama. At kailangan itong damputin ng isang lalaking malinis at kailangan ilagay ito sa isang malinis na lugar sa labas ng kapisanan. Samakatuwid, kung nakita lang sana ng Israel ang tipo, ang Salitang ito ng Diyos ay hindi dapat hinahawakan ng maruruming kamay ng di pagsampalataya. Dapat ay isang malinis na lalaki, at kung malinis siya, ibig sabihin ay dumaan siya sa Panala ng Diyos. Isang malinis na lugar, hindi sa isang lugar kung saa'y nakikibahagi ng komunyon at iba pang mga bagay ang mga Jezebel, at mga Ricky, samantalang pnagtataksilan nila ang kanilang mga asawang babae, at mga asawang lalaki, at lahat ng uri ng karumihan, dumadalo sa sayawan, at maiikli ang buhok at nakashort, at lahat ng iba pa, at pagkatapos ay sasabihibg Cristiano raw sila. Dapat itong ingatan sa isang malinis na lugar at hawakan ng malilinis na mga kamay. At kapag nagkasala ang Israel at napagkilala nilang nagkamali sila, kung makagayo'y sinasabuyan sila ng mga abo ng guying bakang ito, at iyon ay nagsisilbing tubig ng paghihiwalay, isang paglilinis para sa kasalanan.
Pansinin, heto na. At kapag ang Israel, bago sila payagang makisama sa pananambahan, kailangan muna nilang dumaan sa tubig ng paghihiwalay- pag-aaring ganap sa pamamagitan... Ang pananampalataya ay nagmumula sa pakikinig, pakikinig ng Salita. Pagkatapos papasok sila sa kongregasyon sa silong ng pitong guhit na iyon, ang dugo, upang ipakitang mayroon nang mamatay at may nauna sa kanila para sa kanilang kasalanan. Naihiwalay sila sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita, ang Tubig ng paghihiwalay, pagkatapos ay pumasok sila sa pakikisama.
Ang tanging lugar kung saan kinakatagpo ng Diyos ang isang tao ay sa likod ng kaayusan iyon. Hindi Niya siya katatagpuin sa iba pang lugar. Kailangan niyang lumapit sa likod ng kaayusang iyon. Sa isang dako lang kinatagpo ng Diyos ang Israel. At sa isang dako lang kayo ngayon kakatatagpuinng Diyos at iyon ay kay Jesus Cristo. At Siya ang Salita, ang Tubig ng paghihiwalay. At ang Dugo Niya ay nabubo para sa Itong Kapanahunan ng Iglesia, at sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay pumapasok kayo sa pakikisamang iyon, na ipinagkakaloob lamang sa oglesia. Oh, napakadakila Niya.
Gayundin ngayon, nais nating tingnan ang Efeso 5:26. ng sabi ito ang paghuhugas ng tubig sa pamamagitan ng Salita, Tubig ng paghihiwalay sa pamamagitan ng Salita, ang Panala ng Diyos.
Kung gayo'y hindi ka maaaring mapakay Kristo sa pamamagitn ng panala ng isang iglesia. Hindi ka maaaring lumapit sa pamamagitan ng panala ng isang denominasyon o ng isang kredo. Iisa lang ang Panala na maari mong daaman papasok sa banal ng dakong iyon, iyon ay sa paglilinis ng tubig sa pamamagitan ng Salita. Ang Salita ng Diyos ay siyang Panala ng taong nagiisip.
Hahatulan ka rito ng iglesia kung ikaw ba'y isang mabuting miyembro o hindi. Bibigyan ka nila ng magandang libing at itataas ang bandila sa kalagitnaan ng poste sa araw ng iyong kamatayan, magpapadala sila ng mga koronang bulaklak, at- at gagawin ang lahat para sa inyo, ngunit pagdating sa pagharap ng kaluluwa mo sa Diyos, kailangan ay mayroon itong Buhay na Walang Hanggan. At kung ito'y Buhay na Walang Hanggan, ito'y bahagi ng Salita. At kung paanonng hindi maitatanggi ng sarili kong salita- ng sarili kong kamay ang kamay ko... Hindi maitatanggi ng sarili kong mga mata ang kamay ko, o mga paa ko, o ang daliri ng paa ko, o anumang bahagi ko. Hindi rin nila ito maitatanggi, at hindi rin naman maitatanggi ng isang lalaki na bahagi ng Salita ng Diyos, o kaya' ng isang babae, na itanggi ang isa man bahagi ng Salita ng Diyos. Kung gayon, mga kababaihan, kapag iniisip ninyong maaari kayong magkaroon ng maoklong buhok at makapasok sa Presensiya ng Diyos, nagkakamali kayo. Nakikita nab a ninyo? Nagkakamali kayo. hindi kayo makalulusot sa Panala ng Diyos kung saa'y hinihugasan kayo ng tubig ng Salita. At saka kayo makapapasok sa pakikisama. Iniisip ninyong naroon na kayo, ngunit hindi kayo maaaring maparoon hangga't hindi kayo dumadaan sa Salita. At bawat mumunting dako, bawat mumunting Salita ng Diyos... “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat Salita.” Kailangan nitong dumaan sa pagsala, para makapasok. At nagbibigay iyon ng panlasa ng isang taong matuwid, pagkat iyon ang hanap niya, naghahanap siya ng isang bagay na lilinis sa kanya.
Ang Salita, ang Salita ng Diyos ang siyang Panala ng taong nag-iisip; at lumilikha Ito ng panlasa ng isang taong matuwid. Alam nating totoo iyan. Sinasalita nito ang lahat ng kasalanan ng dipananampalataya, wala nang dipagsampalataya, kapag dumaan ka sa Panalang iyan, sapagkat osa itong panlasa ng tunay na mananampalataya.
Nais ng tunay na mananampalataya na maging tama siya sa anumang paraan. Ayaw niyang basta lang sabihin na, “Buweno, kabilang ako sa mataas na hanay ng lipunan. Kabilang ako sa iglesia, sa pinakamalaking iglesia sa bayan.” Hindi mahalaga sa akin kung ito ma'y isang misyon sa isang sulok, o kung isa itong kubo sa tabing dagat kung saan, nalalaman ng taong nag-iisip na kailangan niyang makatagpo ang Diyos. At anuman ang sabihin ng iglesia o ninuman, kailangan niyang lumapit sa kundisyon ng Diyos. At ang kundisyon ng Diyos ay ang Kaniyang Salita. “Buweno,” ang sabi nila, “ang Salita ng Diyos...” Oo nga, lahat sila'y naniniwala na Salita Iyon ng Diyos, ngunit makalusot kaya kayo Roon? Paano ninyong mapalulusot ang isang babaeng maikli ang buhok doon? Paanong mangyayari iyon? Paano ninyong papayagang makalusot doon ang isang lalaking nais na manghawakan sa doktrinang ito? kita n'yo? Hindi iyan ang panlasa ng isang taong nag-iisip. Hindi. Ang isang lalaking nag-iisip ay magiisip- ang isang lalaking nag-iisip ay makalawang ulit munang mag-iisip bago siya lumundag sa gayong bagay.
Pansinin na hindi maitatanggi ng salita ang Salita Nito. Kung gayon nabibigyan ito ng kasiyahan- o nasa pagnanasa iyon? Ano Ba ang dahilan at ninanasa mo Ito, unang-una? Sapagkat sa kaibuturan ng iyong kaluluwa may isang predistinadong binhi na dili't iba kundi ang Buhay na Walang Hangang na noon pa ma'y nakahimlay na doon- dati nang naroon.“ Lahat ng ipinagkakaloob sa Akin ng Ama ay magsisilapit sa Akin. Walang mapapahamak isa man sa kanila.
“Panlasa ng taong nagiisip…” kapag narinig ng taong nag-iisip ang Salita ng Diyos,“ Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking Tinig, sa ibay hindi sila magsisisunod,” sapagkat doon sa kaloob- looban ay may buhay, at ang buhay ay kumakabit sa Buhay. Ang kasalana'y kumakabit sa kasalanan, at napaka iprokrito ng kasalanan hanggang sa iniisip nitong ligtas siyang samantalang hindi naman. Nasa pinaka kalaliman ito ng pagpapaimbabaw.
Basahin ang account sa...
Ang panala ng taong nag-iisip.