Posisyon kay Cristo.

<< nakaraang

susunod >>

  Pagkukupkop serye.

Pagkukupkop #2.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Posisyon kay Cristo.

At ngayon, ang layunin ng mga araling ito ay upang maiangkla ang mga nakatawid na sa lupain. Ang layunin ng pag-aaral na ito sa Aklat na ito ng Efeso ay upang ipuwesto ang iglesia sa tamang posisyon nito kung saan ganap itong makatatayo kay Cristo. Isa itong tipo ng Lumang Tipan at ng Aklat ni Josue, kung saan pinarte ni Josue (Tinalakay natin iyon nung nakaraang Linggo.)-kung saan pinagparte-parte ni Josue ang lupain sa bawat isa. At ginawa niya iyon sa pamamagitan ng inspirasyon.

-----
Ngayon, maaaring makagawa kayo ng mga bagay na mali, at sa tuwing gagawa kayo ng anumang bagay na mali pagbabayaran n'yo ito. Opo, aanihin mo kung ano ang inihasik mo. Ngunit wala 'yang anumang kinalaman sa iyong kaligtasan. Kapag ika'y isinilang ng Espiritu ng Diyos, mayroon ka nang Eternal na Buhay at di na maaari pang mamatay tulad ng Diyos. Ika'y bahagi ng Diyos; ika'y anak ng Diyos.

Isinilang akong isang Branham. Maaaring bansagan mo ako ng ibang pangalan, ng ibang bansag, ngunit di ako mababago; ako'y Branham pa rin. Isinilang akong Branham, kailanpama'y magiging Branham. Ako'y... Maaaring masira nang husto ang itsura ko isang araw, mahukot ng rayuma, mabangga at magkalasug-lasog hanggang magmukha akong hayop, ngunit magiging Branham ako magpakailanman. Bakit? Dugong Branham ang taglay ko.

Iyon ka. Hangga't ang Diyos ang gumawa sa iyo... Ngayon, alalahanin n'yo, hindi ako nangungusap sa mga wala kay Cristo. Ang kinakausap ko ay yaong mga na kay Cristo. Papaano ka napapa kay Cristo? “Sa pamamagitan ng isang Espiritu... (Malaking E-s-p-i-r... na nangangahulugang) Sa pamamagitan ng isang Espiritu tayong lahat ay binabautismuhan papasok sa isang Katawan. Papaano tayo nakapapasok? ”Sa pamamagitan ng bautismo sa tubig? Salungat na salungat ako sa inyong mga Baptist at sa inyong mga Church of Christ. Hindi sa pamamagitan ng bautismo sa tubig, hinding-hindi. Ang sabi ng I Corinto 12, “Sa pamamagitan ng isang Espiritu (Banal na Espiritu) tayo naihahatid sa Katawang iyon,” at tayo'y singligtas ng Katawang iyon. Ipinangako ito ng Diyos.

Papaano Siya magagawang hatulan ulit ng Diyos, samantalang nagtungo na Siya sa Kalbaryo? Sa pagpanik Niya sa Golgotha, Siya ay pinalo, binugbog; hindi Niya magawang makapagpagaling; halos di Siya makasambit ng isa mang salita. 'Pagkat bakit? Dala Niya ang mga kasalanan ng sanlibutan, hindi dahil Siya ay makasalanan, kundi ginawa Siyang kasalanan para sa inyo. Lahat ng kasalanan ng mundo mula kay Adan hanggang nang dumating Siya, ay pasan-pasan Niya. At di pinarurusahan ng Diyos ang Kaniyang Anak. Ang kasalanan ang pinarurusahan Niya. Nakikita n'yo ba kung gaano kahindik-hindik iyon? Siya ay nagsasagawa ng isang pagtubos. Gumagawa Siya ng daan ng pagtakas sa lahat ng alam na ng Diyos na lalapit sa pamamagitan ng Kaniyang paunang-kaalaman.

Ngayon, kung ganun, nang kayo ay... Sa pamamagitan ng isang Espiritu ay binabautismuhan tayo papasok sa Katawang iyon, isang Katawan na walang iba kundi si Cristo, at ligtas tayo magpakailanpaman. Ngayon, diyan kakatuwang tinatamaan, lalo na ang-ang-ang mga mananampalatayang Arminian, na sila ay-kailangan nilang gumawa ng isang bagay upang gawing karapat-dapat ang kanilang sarili, o ng isang bagay na magpapabuti sa kanila. Papaano ito mangyayari sa pamamagitan ng dalawang bagay sa iisang pagkakataon? Kundi ito sa pamamagitan ng biyaya, ito ay sa pamamagitan ng mga gawa, isa lang. Hindi maaaring ito ay sa pamamagitan ng iisang bagay, o ng dalawang magkaibang bagay, dapat ay sa pamamagitan ng iisang bagay lamang. Ito ay... Ako'y... Ang aking...

Sadyang wala na akong makitang iba pang bagay kundi ang biyaya ng Diyos. Iyon ang bumubuo sa akin. Noon pa man ay naniniwala na ako sa biyaya. Ako ay sadyang biyaya sa kabuuan ko; iyon lang. Hindi ako-ako'y... Maging sa buhay ko nung ako ay bata pa, wala akong makitang anuman kundi biyaya, biyaya. Ang sabi nila, “Aking-aking... Kamutin mo ang likod ko at kakamutin ko rin ang sa iyo.” Buweno, ang pangit na ekspresyon niyon. Ngunit wala sa akin kung kamutin mo man ang likod ko o hindi; kung kailangang makamot ang iyong likod, kakamutin ko pa rin ang iyong likod. Kita n'yo? Biyaya... Opo. Kita n'yo, ang biyaya ay gumagana sa pamamagitan ng pag-ibig. Kung kailangan n'yo... Kahit pa wala kayong ginawang anuman para sa akin, at wala akong anumang kinalaman sa inyo, kung kailangan n'yo, gagawin ko pa rin iyon sa inyo: Biyaya, dahil sa kailangan n'yo.

Nangailangan ako ng kaligtasan. Walang anumang makapagligtas. Wala akong anumang maitulong sa aking sarili; walang paraan na maligtas ko ang sarili ko. Ngunit nangailangan ako ng kaligtasan, sapagkat naniniwala ako sa Diyos. At isinugo ng Diyos ang Kaniyang Anak, na ginawang tulad ng makasalanang laman, upang maghirap sa aking lugar. At ako ay naligtas, sa biyaya lang ako naligtas; wala akong anumang magawa, maging kayo man, upang ilgtas ang inyong sarili. At ang mga nung una pa man ay nakilala na Niya bago pa itatag ang sanlibutan ay...

-----
At sa loob Niya ay mayroong katanginang Tagapagligtas. Papaanong maliligaw ang mga nilalang na iyon, samantalang walang kasalanan o kaisipan man lang ng kasalanan? Hindi maaari. Kaya't kinailangang may malikhang maaaring mapahamak, upang magawa Niyang maging isang Tagapagligtas. Sa loob Niya ay may isang Tagapagpagaling. Naniniwala ba kayong Siya'y isang Tagapagligtas? Naniniwala ba kayong Siya'y isang Tagapagpagaling? Buweno, papaano kung walang ililigtas o pagagalingin? Kita n'yo, kailangang may magbigay-daan para doon.

Kaya't... Ngayon, hindi Siya ang gumawa ng daang iyon, ngunit inilagay Niya ang tao sa kalagayang maaari siyang magpasiya sa kaniyang sarili, “Kung tatanggapin mo ito mabubuhay ka, kung tatanggapin mo iyon, mamamatay ka.” At bawat taong dumarating sa mundo ay ganun pa rin ang kalagayan. Ang Diyos, sa pamamagitan ng Kaniyang paunang-kaalaman, alam na Niya kung sino ang tatanggap o hindi.

-----
Samakatuwid, ang Diyos ang nagpupuwesto. Ipinamalas na Niya ang Kaniyang Sarili, Siya'y Diyos. Ipinamalas na Niya ang Kaniyang Sarili bilang isang Tagapagligtas: ang tao ay naligaw at iniligtas Niya tayo. Ipinamalas na Niya ang Kaniyang Sarili bilang isang Tagapagpagaling. Hindi mahalaga kung anuman Siya ayon sa mga tao; at ganun pa rin. Siya ay isang Tagapagpagaling; Siya'y isang Tagapagligtas; Siya'y Diyos; Siya'y eternal. At mayroon Siyang layunin at... Ang layunin Niya nung pasimula pa lamang ay ang gumawa ng mga nilalang na magmamahal at sasamba sa Kaniya.

At gumawa Siya ng mga nilalang, at nahulog ang mga nilalang na iyon. At pagkatapos ang Diyos, sa pamamagitan ng Kaniyang pagiging impinit, ay tumingin sa buong daloy ng panahon at nakita Niya ang bawat taong maliligtas. Ang bawat tao ay nakilala Niya sa pamamagitan ng paunang-kaalaman. Samakatuwid kung nakilala na Niya, sa pamamagitan ng paunang-kaalaman, kung sino ang maliligtas at hindi maliligtas, magagawa Niyang magpredestinate. Hindi naman pala ganun kasama ang salitang iyon, di ba? Nagawa Niyang magpredestinate, dahil alam Niya kung sino ang maliligtas at sino ang di maliligtas. Kung kaya, upang makuha yaong mga maliligtas, kinailangan Niyang gumawa ng pagtubos sa kanilang mga kasalanan.

Oh, kung maaari lang, nais nating puntahan iyon, ilang talata lang sa ibaba. Itinalaga Niya tayo sa Eternal na Buhay, dahil nakilala Niya yaong magwawaksi ng lahat, at kahit gaano ito kakatuwa sa pananaw ng mga tagasanlibutan, wala itong anuman sa kanila, sapagkat sila ay mga anak ng Diyos.

At tinawag Niya sila, at isinugo Niya si Jesus, upang ang Kaniyang Dugo ay maging pantubos, panubos na Dugo, upang ipampayapa, o isang pangtanggap, o isang panlinis, isang tuloy-tuloy na mapanlinis na proseso, hindi lang minsanan sa isang revival, kundi patuloy na nabubuhay, namamagitan, upang ang Cristiano ay mapanatiling malinis araw at gabi. Naroon sa krus ang Dugo ni Jesus Cristo na siyang dahilan ng pagkatanggap sa atin, sa Presensya ng Diyos, na lumilinis nang walang patid sa atin, araw at gabi, sa lahat ng kasalanan. At tayo ay ligtas na naipasok na. Naipasok sa papaanong paraan? Sa pamamagitan ng Espiritu Santo papasok sa Katawan ng Panginoong Jesus Cristo at ligtas. “Ang dumirinig ng Aking mga Salita at sumasampalataya sa Nagsugo sa Akin ay may Buhay na Walang Hanggan at di na hahatulan, kundi lumipat na mula sa kamatayan tungo sa Buhay.” Wala nang kahatulan, ang Cristiano ay di na tutungo pa sa paghuhukom. Si Cristo na ang pumaroon para sa kaniya. Ang Abogado ko ay tumayo sa aking lugar. Ipinagtanggol Niya ang aking kaso, na ako ay walang sala. Sinabi Niya sa Ama na ako ay di karapat-dapat, at ako ay ignorante. Ngunit minahal Niya ako at humalili Siya sa akin, at pinagtanggol ang aking kaso; at ngayon ako ay malaya na. Opo. At binubo Niya ang Kaniyang Dugo upang ihandog para sa ating mga kasalanan.

-----
Pagkatapos ay ang pagkukupkop, pagpupuwesto... Ngayon, ang kabutihan ng Diyos ay nararapat gumana. At kung mapaparating ko ito ngayon sa inyo, magsisimula na tayo kaagad sa ika-5 talata, nais ko Itong basahin.
Na tayo'y itinalaga Niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang Kaniya, ayon sa minagaling ng Kaniyang kalooban,
Kalugud-lugod sa Diyos na gawin ang Kaniyang kalooban: pagkukupkop, pagpupuwesto. Ngayon, ano'ng ginagawa Niya? Ipinupuwesto Niya ang Kaniyang iglesia. Una, tinawag Niya ang Kaniyang iglesia, ang Methodist, Presbyterian, Lutheran, Baptist, tinawag Niya sila. Pagkatapos anong ginawa Niya? Isinugo ang Espiritu Santo at ibinigay sa kanila ang bautismo ng Espiritu Santo.

Nais kong alisin n'yo ito sa inyong puso, kayong mga Pentecostal. Ang Pentecostes ay isang karanasan. Ang Espiritu Santo ito. Hindi ito isang organisasyon. Hindi mo maaaring iorganisa ang Espiritu Santo. Hindi Niya ito papayagan. Ngayon, mayroon kayong organisasyong kung tawagin n'yo ay ganun, ngunit ang Espiritu Santo ay nagpatuloy at pagkatapos ay nanatili kayo sa kinaroroonan n'yo, samantalang Iyon ay sadyang nagpapatuloy sa pag-usad. Kita n'yo, kita n'yo? Ang Pentecostes ay hindi isang organisasyon. Ang Pentecostes ay isang karanasan.

-----
Ngayon, pagpupuwesto ng anak. Una, kapag nakapasok na ang anak, anak na siya, ngunit makikita natin na ang asal niya ang maglalagay sa kaniya sa pagkakupkop, kung nag-asal ba siya nang maayos o hindi. At ang Pentecostal... Ngayon, hayaan n'yo lang na ipakita ko sa inyo na ang Pentecostes ay hindi isang denominasyon. Ilang Baptist bang naririto ang Baptist na nakatanggap ng Espiritu Santo, tignan natin ang inyong kamay. Kita n'yo? Ilang Methodist na naririto ang nakatanggap ng Espiritu Santo, itaas n'yo ang inyong kamay. Ilang Nazarene na naririto ang nakatanggap ng Espiritu Santo, itaas n'yo ang inyong kamay. Presbyterian na nakatanggap ng Espiritu Santo (Kita n'yo?), Lutheran, ibang mga denominasyon na di kabilang sa Pentecostes, bastat kabilang lang sa isang denominasyon, na tumanggap ng Espiritu Santo, tignan natin ang inyong kamay. Kita n'yo? Kung gayon ang Pentecostes ay hindi isang denominasyon; ito'y isang karanasan.

Ngayon, ang Diyos ang nagpasok sa inyo sa Katawan ni Cristo. Ngayon, anong ginagawa Niya? Matapos na mapatunayan mo ang iyong sarili, pinabanal mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng iyong mabuting pag-uugali, naging masunurin ka sa Espiritu Santo, anuman ang sabihin ng sanlibutan.

-----
Magpapatuloy kayong gumamit ng pangalan ng “Ama, Anak, at Espiritu Santo” sa pagbabautismo, samanatalang walang katiting mang Kasulatan para dito sa Biblia. Nais kong ipakita sa akin ng isang obispo o ng sinuman sa Biblia na mayroong nabautismuhan sa ngalan ng “Ama, Anak, Espiritu Santo.” Nais kong may magpakita sa akin na may sinumang nabautismuhan sa alinmang paraan maliban sa Ngalan ni Jesus. Ngunit si Juan ay hindi nabautismuhan... Sila'y nabautismuhan na sumasampalatayang Siya ay parating, ngunit hindi nila alam kung sino Siya. Ngunit nung sandaling napagkilala nila iyon, kinailangan nilang magpabautismo muli sa Ngalan ni Jesus Cristo. Nais kong mayroong... Hinilingan ko ang Assemblies of God, ang iba pang mga mangangaral, ang Baptist, Presbyterian, at lahat na, ayaw nilang magsalita tungkol dito. Nais kong makita ang Kasulatan. At pagkatapos ako ay isang panatiko ha? At nasisiraan ako, wala sa kaisipan, nababaliw, dahil lang sinisikap kong sabihin sa inyo ang Katotohanan? Ngayon, tapat 'yan, mga kapatid. Kung ang isang tao ay kumbinsido sa Diyos, dapat lubos-lubusan ka nang makumbinsi. Ika'y nakabukod na; ika'y iba nang nilikha.

Marami ang tinawag, kaunti ang pinili. Oo, maraming tao ang tinawag, nakatatanggap ka ng tawag sa iyong puso,“Oo, naniniwala akong mahal ako ng Diyos. Naniniwala akong mahal Niya ako.” Ngunit, kapatid, mapapahamak ka rin tulad ng iba pa sa kanila, sapagkat darating sila sa araw na iyon, na nagsasabi pa nga ng, “Panginoon, nagpalayas ako ng mga demonyo sa Iyong Pangalan. Gumawa ako ng lahat ng iba pang bagay sa Iyong Pangalan. Nagdaos ako ng mga healing service. Nangaral ako ng Ebanghelyo. Nagpalayas ako ng mga demonyo.” At sasabihin ni Jesus, “Lumayo kayo rito, hindi Ko kayo nakikilala, mga mapag-imbabaw. Ang papasok ay ang tumutupad ng kalooban ng Aking Ama.” Bakit di n'yo ito makita? Ngayon, alam kong kumakayod iyan sa atin. At hindi ko nais na makasakit. Hindi ko layong magkaganun.

Sa tingin ko'y nasa huling panahon na tayo, at ang Diyos ay nagkukupkop na, nagpupuwesto na sa tamang lugar sa iglesia, sa Katawan ni Cristo, ang Kaniyang... Ngayon, hindi masyadong marami ang ilalagay Niya ro'n. sasabihin ko na 'yan sa inyo sa pasimula pa lamang. Buweno, sasabihin mo, “Oh, buweno, magkakaroon ba ng ganun kalaking bilang?” Ngunit nakagugol na rin Siya ng anim na libong taon sa paghugot sa kanila. Alalahanin n'yo, pagdating ng pagkabuhay na muli, maaagaw tayong kasama nila. Ilan lang sa kanila... Kita n'yo? Hanapin mo ang iyong kaligtasan nang mabilis. Suriin mo ang nang lubusan ang iyong sarili at tignan mo kung ano ang namali. Kita n'yo? Kita n'yo kung ano talaga ang problema. Alam kong matigas 'yon, ngunit, kapatid, iyon ang katotohanan. Katotohanan iyon ng Diyos. Pagkukupkop...

-----
Pagkukupkop, pagpupuwesto sa tamang lugar... Nasaan sila? Ipakita n'yo sa akin kung nasaan sila? Ibinubukod ng Diyos ang Kaniyang mga anak sa pamamagitan ng manipestasyon, hindi nila kailangang magsambit ng isa mang salita tungkol dito; makikita mong mayroong nangyari. Ipinupuwesto Niya sa tamang lugar ang Kaniyang anak, isinasaayos siya sa pamamagitan ng mga bagay ding iyon. At mayroon siyang kasinglaking kapamahalaan; ang kaniyang mga salita ay tulad ng sa isang Arkanghel: mas higit pa. Ang anak ay kinupkop, inilagay sa isang mataas na dako, nakapuwesto ro'n, pinalitan ng balabal, nagpalit ng kaniyang mga kulay. Nagdaos ng isang seremonya ang ama, ang sabi, “Ito ang Aking anak; magmula ngayon siya ay gobernador na. Siya ang tagapamuno. Siya ang namamahala sa lahat ng aking pag-aari. Lahat ng mayroon ako ay sa kaniya na rin.” Tama.

Basahin ang account sa... Posisyon kay Cristo.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Nguni't sinasabi ko na samantalang ang tagapagmana ay bata, ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagama't siya'y panginoon ng lahat;

Datapuwa't nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama.

Gayon din naman tayo, nang tayo'y mga bata pa, tayo'y nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan.

Mga Taga-Galacia 4:1-3


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Ang Sukat Ng Isang
Taong Sakdal
(PDF)

Haligi ng apoy
- Balikat

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)

Kapag ika'y isinilang
ng Espiritu ng Diyos,
mayroon ka nang
Eternal na Buhay
at di na maaari
pang mamatay
tulad ng Diyos.



Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.