Pagkahayag ng mga anak ng Dios.
<< nakaraang
susunod >>
Pagkukupkop #2.
William Branham.Basahin ang account sa...
Mga Naipahayag Na Anak.Sumasampalataya ba tayo? Hindi ko alam kung ano'ng maaari kong gawin kung hindi ako isang Cristiano. Sadyang hindi ko nanaising manatili pa rito. Walang nang ibang dahilan para mabuhay, ang pinakamainam na alam ko ay ang makapagligtas na lang ng iba. Ngayon, sa gabing ito nais nating magsimula ng kaunting pagbabaliktanaw sa nakaraang pag-aaral natin. At susubukan kong basahin ang buong kabanata, kung magagawa ko ngayong gabi. Kaya sa Linggo ng umaga kakailanganin ko marahil na pagsiksikin ang Linggo ng umaga at gabi, kung mamarapatin n'yo, upang makarating tayo sa tagpong ito na nais kong makita ng iglesia. O, maluwalhating makita mo ang iyong posisyon. At walang makagagawa ng anuman libang nalalaman mo nang wasto kung ano'ng ginagawa mo.
Ano kaya kung ikaw ay ooperahan, at may isang batang duktor na katatapos lang mag-aral na mag -hindi pa siya nakapag-opera dati. Gayunman, bata siya at guwapo, at makintab ang pagkakasuklay ng buhok, at napakaganda ng bihis, magara, at lahat na. At aniya, “Nahasa ko na ang mga kutsilyo, at napakuluan ko na ang mga gamit at iba pa.” Ngunit mag-aalangan ka ro'n. Mas gugustuhin kong magkaroon ng matandang duktor na maraming beses nang nag-opera dati, bago ako pumayag na hiwain. Nais kong malaman na di niya lang katatapos mag-aral; ang gusto ko ay yaong may karanasan na. At ang pinakabihasang kilala kong matatawagan ngayong gabi, ay ang Espiritu Santo. Siya ang dakilang Duktor at dakilang Guro.
-----
Ngayon, sa gabing ito ang Kasulatan natin ay naghihiwalay... Ang Aklat ng Mga Taga Efeso ay ang Aklat ng Josue ng Bagong Tipan. Pinaghahati-hati nito at isinasaayos ang mga nagtagumpay. Ngayon, isa lamang itong pagbabalik-tanaw sa loob ng ilang sandali upang makarating sa isang dako bago tayo magsimulang magbasa, simula sa ika-3 talata. Ngayon, nakita natin nung nakaraang Linggo ng gabi na ang Diyos sa Lumang Tipan ay nangako sa Israel ng isang pangako ng lupain ng kapahingahan, sapagkat sila'y naging mga manlalakbay at palaboy. At sila'y nasa isang lupain na hindi sa kanila; at nangako ang Diyos sa pamamagitan ni Abraham na ang kaniyang binhi ay makikipamayan sa loob ng apat na raang taon sa isang bayang banyaga, at sila'y mamaltratuhin; ngunit sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay ay ilalabas sila patungo sa isang mabuting lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot.At ngayon, nang lumapit na ang panahon ng pangako, nagpalitaw ang Diyos ng isang tao upang dalhin sila sa lupaing iyon. Ilan ba sa nasa klase ngayong gabi ang nakaaalam kung sino iyon- nakakikilala kung sino iyon? Si Moises. Pansinin, tunay na katipong-katipo Niyaong ibinigay upang maghatid sa atin sa Lupang Pangako: si Cristo. Ngayon, mayroon tayong pangako, 'pagkat ang pangako natin ay isang espirituwal na kapahingahan, samantalang ang sa kanila ay pisikal na kapahingahan. At kaya nga sila ay papunta noon sa isang lupain na maaari nilang sabihin, “Ito ay lupain namin; hindi na kami mga palaboy; natahimik na kami; lupain namin ito, at dito ay mayroon kaming kapahingahan. Magtatanim kami ng aming mais, ng aming ubasan, at kami ay kakain mula sa aming sariling bukirin. At pagpanaw namin, iiwan namin ito sa aming mga anak.”
-----
At napansin n'yo ba si Moises, ang dakilang manggagawa ng himala na naghatid sa Israel sa pagtahak sa buong lupain at nag-ahon sa kanila sa lupang pangako, ngunit hindi niya naipamahagi ang kanilang mana sa kanila? Hindi niya naibigay sa kanila ang kanilang mana; hinatid niya sila hanggang sa lupain, ngunit si Josue ang nagparte ng lupain sa mga tao. Tama ba? At hinatid ni Cristo ang iglesia sa dakong pinaggawaan ng kanilang pag-aari, at kung saan ito ay ibinigay sa kanila, tatawid na lang sila ng Jordan, ngunit ang Espritu Santo ang Siyang nagsasaayos ng iglesia, ang Josue ng araw na ito ang nagsasaayos ng iglesia, nagbabahagi sa bawat isa ng mga kaloob, mga puwesto, at posisyon. At Siya ang Tinig ng Diyos na nangungusap sa pagkataong loob na iniligtas ni Cristo: ang Espiritu Santo. Ngayon, ganiyan ba karami ang nakukuha n'yo? Magtutungo na tayo sa Aklat ng Mga Taga Efeso. Ngayon, ganun din, ipinupuwesto Niya ang iglesia sa tama nitong lugar. Ngayon, ipunuwesto sila ni Josue sa isang natural na lupain. Ngayon naman, ipinupuwesto ng Espiritu Santo ang iglesia sa tama nitong posisyon, sa lupain na kanilang- sa kinabibilangan nilang lugar, sa kanilang mana.Ngayon, ang ibinungad niya rito; inihayag ni Pablo ang pinatutungkulan ng kaniyang sulat. At makikita natin maya-maya na lahat ng hiwagang ito ay inihayag sa kaniya, hindi sa isang seminaryo, hindi sa pamamagitan ng sinumang teologo, kundi ito ay isang Makalangit na Kapahayagan ng Espritu Santo na ibinigay ng Diyos kay Pablo. Alam niya na ang hiwaga ng Diyos, aniya, na natago mula pa nang itatag ang sanlibutan ay hinayag sa kaniya ng Espiritu Santo. At ang Espiritu Santong nasa kalagitnaan ng mga tao ang nagsasaayos sa bawat isa, ipinupuwesto ang iglesia sa tamang posisyon nito.
-----
Ngunit ang taong nasa labas ng Canaan ay walang alam tungkol dito; nagtatanong pa rin siya. Hindi ko sinasabing hindi siya mabuting tao, hindi ko sinasabi 'yan. Maging ang taong nasa Egipto ay hindi ko sinasabing di mabuting tao, ngunit siya'y- hanggang sa makarating siya sa kaniyang pagaari, at sa pagaaring... Ang pangakong ibinigay sa iglesia ay hindi isang natural na lupain, kundi isang espirituwal na lupain; sapagkat tayo ay isang makaharing pagkasaserdote, isang bayang banal. At sa makaharing pagkasaserdoteng ito, sa bayang banal, bayang pekulyar, tinawag palabas, hinirang, pinili, itinalaga, kung gayon patay na ang buong sanlibutan sa labas. At tayo ay pinangungunahan ng Espiritu. Ang mga anak na lalaki't babae ng Diyos ay pinangungunahan ng Espiritu ng Diyos, hindi ng tao, kundi ng Espiritu.-----
Buong ningas na hinihintay ng buong sannilikha ang pagkakahayag (Kita n'yo?), ang pagkakahayag. Ano ang pagkakahayag? Pagpapakilala. Ang buong mundo. Ang mga Mohammedan, hinihintay nila ito. Sa buong paligid, kahit saan man, hinahanap nila ito. “Nasaan na ang mga taong ito?” Nagkaroon na tayo ng... Nagkaroon na tayo ng humahagibis na hanging malakas; nagkaroon na tayo ng mga kulog at kidlat; nagkaroon na tayo ng langis at dugo; nagkaroon na tayo ng lahat ng klase ng bagay; ngunit hindi natin narinig ang marahang pabulong na Tinig na pumukaw sa pansin ng propeta, na nagbalabal, at lumabas, na nagsasabi, “Narito ako, Panginoon.” Kita n'yo?-----
Kapag tayo ay na kay Cristo, may espirituwal na pagpapala tayo. Sa labas ni Cristo mga sensasyon ang taglay natin. Kay Cristo may mga positibong pagpapala tayo, hindi mga kunwa'y pananampalataya, hindi mga huwad, hindi mga pagkukunwari. Ngunit habang sinisikap mong sabihing ikaw ay nasa lupang pangako, samantalang hindi naman, ihahayag ka ng mga kasalanan mo. At malalaman mo na lang, madidiskubre mong ika'y nagbabalat-kayo at lahat na, na kung tawagin natin sa sanlibutan ay labis ka nang narumihan. Malalaman mong di mo taglay ang sinasabi mo. Ngunit kapag ikaw ay na kay Cristo Jesus, nangako Siya sa iyo ng makalangit na kapayapaan, makalangit na mga pagpapala, makalangit na Espiritu; ang lahat ay sa iyo. Ikaw ay nasa lupang pangako at lubos na nag-aangkin ng bawat bagay. Amen. Napakaganda. O, pag-aralan natin ito. Ayon sa pagkapili niya sa atin... Ngayon, dito natitisod nang husto ang iglesia. Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya... (Kanino? Kay Cristo.)-----
Ngayon, nung isang gabi, o nung isang umaga ng alas siete, nang alisin ako sa katawang ito ng Espiritu Santo, sa Kaniyang kabutihan at biyaya, naniniwala ako (Naniniwala ako. Oo o hindi, hindi ko masabi.), na nakapasok ako sa lupaing iyon at nakita ko ang mga taong iyon, at lahat sila ay bata. At nakita ko ang pinakamagagandang tao na nakita ko sa tanang buhay ko. At sinabi Niya sa akin, “Ang ilan sa kanila ay nobenta anyos dati. Mga naakay mo sila. Kaya pala sumisigaw sila ng, 'Kapatid ko, kapatid ko.'”-----
Papaano natin ito nakuha? Papaano natin nalalaman? Itinalaga tayo ng Diyos bago pa itatag ang sanlibutan. Sino? Ang mga nasa lupang pangako.... tayo'y itinalaga Niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesuscristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban, Sa ikapupuri ng kaluwalhatian... (Upang magawa natin Siyang purihin tulad ng sinabi Niya. Iyon nga Siya, Diyos, nais natin Siyang purihin.)... sa ikapupuri ng Kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal (Kay Cristo tayo ay tinanggap.) Na sa Kaniya ay mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan (s-i-n-s)...Kailangan kong bumalik sa pag-aampon, ngunit kailangan kong huminto sandali sa “mga kasalanan.” “Mga kasalanan,” napansin n'yo ba iyon? Alam n'yo bang hindi hinahatulan ng Diyos ang isang makasalanan sa kaniyang pagkakasala? Hinahatulan Niya siya sa pagiging makasalanan. Kapag ang isang makasalanan ay nanigarilyo, hindi Niya siya hinahatulan dahil do'n; isa naman siyang makasalanan. Kita n'yo, kita n'yo? Walang anumang kasalanan ang makasalanan. Sadyang isa siyang makasalanan (Kita n'yo?); wala siyang anumang kasalanan. Ngunit kayo ang may kasalanan, kayong mga Cristiano. Kung papansinin n'yo rito, ang iglesia ang kaniyang kinakausap. Pinananatili siyang matuwid. Kita n'yo, kita n'yo? “Kapatawaran ng mga kasalanan,” (s-i-n-s). Tayo ang nagkakasala. Ngunit ang makasalanan ay sadyang isang makasalanan; hindi siya pinatatawad ng Diyos.
-----
Kaya “mga kasalanan,” s-i-n-s, may kapatawaran tayo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kaniyang ano? Dugo, mahalagang Dugo. ...ayon sa kayamanan ng kaniyang... (Papaano natin iyon nakukuha? Dahil karapat-dapat tayo, may ginawa tayo upang mapatawad ang ating mga kasalanan? Ng Kaniyang ano?) ...biyaya; Ay, naku. Wala akong dala sa aking kamay, Panginoon. Wala akong anumang magagawa; walang isa mang bagay akong magagawa. Tignan n'yo. Itinalaga Niya ako; tinawag Niya ako; pinili Niya ako. Hindi ako ang pumili sa Kaniya. Siya ang pumili sa akin; pinili Niya kayo; pinili Niya tayong lahat. Hindi tayo ang pumili sa Kaniya. Ang sabi ni Jesus, “Hindi n'yo Ako pinili; Ako ang pumili sa inyo.” Ang sabi Niya, “Walang makalalapit sa Akin, malibang siya'y ilapit muna ng Ama, at lahat ng ibinigay sa Akin ng Ama ay lalapit sa Akin. At walang isa man sa kanila ang mapapahamak, maliban sa anak ng kapahamakan, upang ang Kasulatan ay matupad.” Kita n'yo? Ang sabi diyan, “Lahat ng ibinigay sa Akin ng Ama ay lalapit sa Akin.”-----
Na tayo'y itinalaga Niya sa -sa (unto)... Anong ibig sabihin ng salitang “unto”? Ang ibig sabihin nito ay mayroon tayong tutunguhin, pupuntahan. “Magpupunta ako sa bukal. Magpupunta ako sa upuan.” Brother Humes, nakuha mo ba iyon? “Magpupunta ako sa lamesa.” (Ngayon.)... Na tayo'y itinalaga Niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesus Cristo sa ganang Kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban, Gaano kalaking kaluguran? Kaninong kaluguran, kaninong kabutihan? Sa Kaniya, ayon sa minagaling ng Kaniyang kalooban.Ngayon, ano ba ang pag-aampon (pagkukupkop tulad sa anak)? Hayaan n'yong talakayin ko ito ngayon; hindi ko alam kung... Wala na kong oras para tapusin ito, ngunit sasagiin ko. At kung mayroong katanungan, maaari n'yo akong tanungin maya-maya sa mensahe, o anuman. Makinig kayo. Ang iyong pagkaampon ay hindi mo kapakanganakan. Ang pagkaampon mo ay ang pagkakalagay sa iyo sa tama mong lugar. Ngayon, heto na tayo. Ngayon, ito ang medyo nakasasakit sa Pentecostal. Ang sabi nila, “Ipinanganak na akong muli. Purihin ang Panginoon, nakuha ko na ang Espiritu Santo!” Mabuti. Ikaw ay anak na ng Diyos. Tama. Ngunit hindi iyan ang sinasabi ko. Kita n'yo, kayo ay itinalaga patungo sa pag-aampon. Ang pag-aampon ay ang pagpupuwesto sa isang anak.
Ilan ba ang nakaaaalam ng alituntunin ng pagaampon sa Lumang Tipan? Anopa't, kailangan mong... Tignan n'yo. May isang anak na isinilang. Sa paniwala ko'y binanggit ko iyon sa isang sermon. Ano iyon, Gene, naaalala mo ba? Nasa tape iyon. O, ano nga ba iyon? Tinalakay ko ang tungkol do'n. Ah, oo nga, naaalala ko na, “Pakinggan N'yo Siya,” “Pakinggan N'yo Siya,” ang pag-aampon ng mga anak. Ngayon, sa Lumang Tipan, kapag isinilang ang isang anak sa isang pamilya, anak na siya pagkapanganak sa kaniya, sapagkat isinilang siya ng kaniyang mga magulang; anak siya ng pamilya at tagapagmana ng lahat ng bagay. Ngayon, ngunit ang anak na ito ay inaalagaan ng mga tagapagturo: Mga Taga Galacia, ika-5 kabanata, ika-17 talata. Tama. Siya ay inaalagaan ng mga tagapagturo, tagapag-alaga, guro.
-----
Hayan, pagpasok sa lupang pangako. Papaano tayo pumapasok doon? Tayo ay itinalaga roon, ang iglesia, sa pamamagitan ng paunang kaalaman ng Diyos. Itinalaga saan? Sa Kaniyang karangalan, sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya, sa kaluwalhatian at pagsamba at kapurihan ng Diyos. Si Papa, na nakaupo roon nung pasimula, nabubuhay na mag-isa, walang kasama, ay nagnasa ng sasamba sa Kaniya, kaya't naglaan at nagtalaga Siya ng isang iglesia, at bago pa itatag ang sanlibutan, ay inilagay na ang kanilang mga pangalan sa Aklat ng Buhay ng Kordero nang sila'y paslangin bago pa itatag ang sanlibutan, upang sila'y mahayag sa Kaniyang kaluwalhatian at sa Kaniyang kapurihan sa dulo ng panahon, kung kailan ay matitipon ang lahat ng mga bagay sa isang Tao, kay Cristo Jesus. Whew. Luwalhati. Hayun na iyon. Sadyan iyon ang... At iyan ay nandiyan mismo, mga kapatid ko. Huwag na huwag kayong aalis diyan magpakailan man.Tinawag kayo ng Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya ng pagtatalaga. Binautismuhan kayo ng Diyos at inilagay sa lupaing ito ng kapahingahan sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya ng pagtatalaga at kapangyarihan. Ang mga nagsipasok sa kapahingahang ito ay nahinto na sa kanilang pagkakaligaw. Tumigil na sila sa kanilang mga gawa katulad ng Diyos. May taglay silang kagalakang di masaysay at puspos ng kaluwalhatian. Ang Punong kahoy ng Buhay ay namumukadkad sa kanila. Mayroon silang pagpapahinuhod, kaamuan, kagandahang-loob, pagtitiis, pananamapalataya, kaamuan, kahinahunan, at iba pa. Ang Punong kahoy ng Buhay ay namumukadkad sa kanila sapagkat ang pag-asa nila ay nakaangkla kay Cristo Jesus, ang pasaksi ang Espiritu Santo ay nagpapatotoo sa pamamagitan ng mga tanda at kababalaghan na sumusunod sa mga mananampalataya. “At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya.” At magpapatuloy sila, magpapagaling sa mga may sakit; magpapalayas sila ng mga demonyo; magsasalita ng iba't ibang wika; makakakita ng mga pangitain. Sila'y... At lumalakad silang kasama ng Diyos; at nakikipag-ugnayan sa Diyos. Walang masamang makakikilos sa kanila; matatag sila, nag-aabang sa Buhay na Walang Hanggan. Kinalilimutan ang mga bagay na nagdaan, nagtutumulin sila sa hangganan ng mataas na pagtawag ni Cristo Jesus. Hayun sila. Hayan kayo. Iyan ang iglesia.
Basahin ang account sa...
Mga Naipahayag Na Anak.