Pagkukupkop O Pagpupuwesto.

<< nakaraang

susunod >>

  Pagkukupkop serye.

Pagkukupkop #4.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Pagkukupkop O Pagpupuwesto.

Ngayon, ang sabi niya, “Ipinakilala Niya sa atin ang hiwaga.” Hayaan n'yong lukuban kayo minsan ng Espiritu Santo, at simulan n'yo itong suyurin, masdan n'yo kung saan ito hahantong. Kaninang hapon gumugol ako ng, oh, mga tatlumpung minuto sa pag-aaral, upang balikan lang ang aralin; marahil ay hindi ganun, di ko sasabihing kalahati niyon, labinglimang minuto sa pagitan ng panahong iyon. At nagtatakbo ako, at naisip ko, “Ang hiwaga, napakahiwaga.” At dinala ako ng Kasulatan sa Lumang Tipan, at ibinalik ako sa Bagong Tipan, idinuktong ang isang bagay, nakita ko ang hiwaga ng Kaniyang pagdating, ang hiwaga ng Kaniyang kalooban, ang hiwaga ng ating sama-samang pag-upo. Alalahanin n'yo, hindi ito maaaring ituro sa seminaryo. Ito'y isang hiwaga. Hindi mo ito malalaman sa pamamagitan ng edukasyon, ng teolohiya. Ito'y isang hiwagang naikubli mula pa nang itatag ang sanlibutan, hinihintay ang manipestasyon ng mga anak ng Diyos.

Sabihin mo sa akin, kapatid kong lalaki, sabihin mo sa akin, kapatid kong babae, kailan pa maipapamalas ang mga anak ng Diyos maliban sa panahong ito ngayon? Kailan nagkaroon ng panahon sa kasaysayan, na nagpapahayag ng panahon upang palayain ang buong sangkalikasan? Sangkalikasan, ang sangkalikasan mismo ay humihibik, naghihintay sa panahong iyon ng manipestasyon. Aba'y, bago isagawa ang pagtubos, bago ibinuhos ang Espiritu Santo, bago ang lahat—sa buong Lumang Tipan, sa panahong iyon, di maaaring magkaroon ng manipestasyon. Kinailangan nitong hintayin ang panahong ito. Ngayon, lahat ng mga bagay ay naihatid na, paparating na, nabubuo na sa isang pangulong bato, patungo sa manipestasyon ng pagbabalik ng mga anak ng Diyos, at ganap na pagpasok ng Espiritu ng Diyos sa mga taong ito, hanggang ang kanilang ministeryo ay maging katulad na katulad ng kay Cristo, hanggang Siya at ang Kaniyang iglesia ay mapag-isa nito.

----
Kung kayo ay predestinado sa Buhay na Walang Hanggang, tatawagin kayo ng Diyos sa isang paraan, kung papaano man, sa anu't anumang paraan. Tunay ngang gagawin Niya iyon. “Lahat ng ibinigay sa Akin ng Ama ay lalapit sa Akin.” Anuman ang iglesiang kinaaaniban mo, wala iyong kinalaman do'n. Ngunit walang magagawa sa iyo ang denominasyon, bagkus maaaring humadlang ito nang husto sa iyo upang magpatuloy ka sa Diyos, ngunit wala na iyong gagawing iba pa: titipunin kayo kasama ng mga mananampalataya at di mananampalataya. Anupa't makakatagpo kayo niyon kahit saan kayo pumunta, at maging sa langit ay mayroon silang ganun dati. Kaya't ayos lang iyon, ngunit nakatingin kayo sa inyong denominasyon. Tumingin kayo kay Jesus; Siya ang dapat na tignan.

----
Ngayon, pansinin n'yo, ang pagdating ng Panginoong Jesus ay malapit na, na ang Espiritung galing dito sa ibaba, sa pag-aaring ganap pa lamang, pagpapakabanal, bautismo ng Espiritu Santo, at ngayon ay humantong na sa panahon ng pagdating ng Pangulong Bato... Kailangang maging katulad na katulad ni Cristo ang iglesia, hanggang si Cristo at ang iglesia ay maari nang magkaisa, maging iisang Espiritu. At kung ang Espiritu ni Cristo ay nananahan sa iyo, pamumuhayin ka Nito ng buhay ni Cristo, ipakikilos sa iyo ang buhay ni Cristo, ipagagawa ang mga gawa ni Cristo. “Ang sumasampalataya sa Akin, gagawin niya rin ang mga gawang ginagawa Ko.” Sinabi iyan ni Jesus. Kita n'yo? Ngayon, tayo'y magkakaroon... Mayroon tayong isang ministeryong paparating na katulad na katulad ng buhay ni Cristo. Ano ang ipinapakilala ng ministeryong iyon? Ang pagdating ng Panginoon.

Tignan n'yo ang sanlibutan sa araw na ito, at masdan n'yo kung anong sinasabi ni Khrushchev, ang lahat ng iba pang mga dakilang bagay na ito, at ang malalaking pangdaigdigang digmaang napipintong maganap anumang oras, ang mundo'y maaaring mapulbos sa anumang sandali. Tama. At kung gayon, alam nating malapit na iyon. Buweno, alalahanin n'yo, darating si Cristo para sa Kaniyang iglesia bago mangyari 'yon. Kaya gaano na kalapit ang pagdating ng Panginoong Jesus? Marahil bago matapos ang pagtitipong ito ngayong gabi. Tayo ay nasa huling panahon na. Tunay na tunay nga.

Masdan n'yo ang iglesia sa pagdating nito, sa pagsulong nito. Kunin n'yo ito sa inyong mga pag-iisip, kayong mga mananalaysay, na nag-aaral ng kasaysayan. Tignan n'yo ang iglesiang Lutheran sa ilalim ng pagaaring-ganap, sariwang-sariwa sa paglabas sa Catolisismo; tignan n'yo ang pagsulong nito. Pagkatapos ay tignan n'yo ang higit na paglapit ni Wesley papasok sa pagpapakabanal, nanuot sa mga Kasulatan. Tignan n'yo ang pagitang iyon, ang panahon ni Wesley. Ang sumunod na dumating ay ang kapanahunan ng Pentecostes, at ang kapanahunang Pentecostal kalakip ang panunumbalik ng mga kaloob, ng mga espirituwal na kaloob. Ngayon, tignan n'yo ang paparating na kapanahunang malapit na malapit na sa Pangulong Bato. Nakikita n'yo ba ang ibig kong sabihin? Ang pagdating ng Panginoon, na naihayag. Ang Diyos at ang buong sannilikha ay naghihintay na masumpungan ng iglesia ang tamang lugar nito.

----
Matapos na makuha ng iglesia ang posisyon nito, tayo'y tatawagin sa pagkukupkop bilang mga anak ng Espiritu Santo. At kapag nakuha na ng bawat isa ang kaniyang posisyon, anuman ang pagkatawag ng Diyos na dapat niyang gawin, at siya'y tumayo hanggang sa dulo ng landasin, nagliligtas ng mga naliligaw...

Una, inalis ni Pablo lahat ng takot dito. Kaya ngayon, kung ika'y tinawag, kung di pinaandar lang ng isang telohiya ang isip mo; kung ika'y tunay na isinilang na muli ng Espiritu, kung gayo'y itinalaga ka ng Diyos bago pa itatag ang sanlibutan, at inilagay ang iyong pangalan sa Aklat ng Buhay ng Kordero; at ngayon tayo ay nagsasama-sama upang umupo sa mga makalangit na dako kay Cristo Jesus: “Isang banal na bayan, isang banal na bansa, isang pekulyar na bayan, makaharing pagkasaserdote, nag-aalay ng mga espirituwal na alay sa Diyos, iyon ay, ang mga bunga ng ating labi na nagbibigay papuri sa Kaniyang Pangalan.” Ang mga tao ay nagsisidating at nagsasabi, “Ang mga taong iyon ay baliw.” Tunay nga; ang karunungan ng Diyos ay kamangmangan sa tao at ang karnungang ng tao ay kamangmangan sa Diyos. Magkasalungat ito sa isa't isa.

Ngunit ang isang iglesiang tunay na puspos ng Espiritu, puspos ng kapangyarihan ng Diyos, na magkakasamang nakaupo sa mga makalangit na dako, nag-aalay ng espirituwal na mga hain, mga papuri sa Diyos, kumikilos ang Espiritu Santo sa kanilang kalagitnaan, nakikilala ang kasalanan, at inilalantad ang mga bagay na mali sa kanilang kalagitnaan, itinutuwid at ginawa itong pantay at lebel... Sapagkat bakit? Di nawawala sa Presensiya ng Diyos ang duguang Alay.

Ngayon, alalahanin n'yo, dinaanan natin iyon kaninang umaga. Hindi ka naligtas ng Dugo; ika'y pinananatiling ligtas ng Dugo. Ngunit ikaw ay naligtas sa biyaya, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa paniniwala dito. Kumatok ang Diyos sa iyong puso, sapagkat itinalaga ka Niya. Tumingala ka, at ika'y sumampalataya, at ito'y tinanggap mo. Ngayon, gumagawa ng pangpalubag-loob para sa iyong mga kasalanan.

Alalahanin n'yo, ang sabi ko, “Hindi kinukundina ng Diyos ang isang makasalanan sa paggawa niya ng kasalanan.” Sa pasimula pa lang ay makasalanan na siya. Kinukundina Niya ang isang Cristiano sa paggawa ng kasalanan. At dahil kinundena Niya siya, inako ni Cristo ang ating kahatulan. Kaya't wala nang hatol sa mga na kay Cristo Jesus, na di lumalakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. At kapag gumawa ka ng anumang bagay na mali, hindi ito sinasadya. Hindi ka nagkakasala ng sinasadya. Ang isang taong nagkakasala nang sinasadya, humahayo at sinasadya ang pagkakasala ay di pa nakapapasok sa Katawan. Ngunit ang isang taong nakapasok na ro'n, siya'y patay na, at ang buhay niya ay nakatago na sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo, tinatakan ng Espiritu Santo, at di na siya makita ng Diablo; nasa kaloob-looban siya. Kakailanganin niyang lumabas do'n bago makapasok ang diablo, sapagkat ikaw ay patay na.

----
At alalahanin n'yo na kalalampas lang natin do'n: Mga Taga Efeso, unang kabanata, ika-10 talata.
Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon...
Ngayon, nalaman nating ang kaganapan ng panahon ay naghihintay sa ano? Sa kapuspusan ng lahat ng panahon, ang panahon kung kailan ang kasalanan ay titigil na, ang panahon kung kailan ang kamatayan ay titigil na, ang panahon kung kailan ang karamdaman ay titigil na, ang panahon kung kailan ang kasalanan ay titigil na, ang panahon kung kailan lahat ng pambabaluktot at mga binaluktot na mga bagay na gawa ng Diablo ay matitigil na, ang panahon kung kailan ang panahon mismo ay titigil na. Masdan n'yo.

Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya sinasabi ko:

“Titipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo...” Tulad ng sinabi ko kaninang umaga, lahat ng mga mumunting ginintuang butil na ito na ating nasusumpungan, mapakikintab mo ang mahahalagang munting bagay na ito sa Genesis; maaari mong pakintabin ang mga ito sa Exodo; maaari mong pakintabin ang mga ito sa Levitico, at mapadadaan mo sa kabuuan; at si Apocalipsis hahantong ang mga ito kay Jesus. Kunin mo si Jose; kunin mo si Abraham; kunin mo si Isaac; kunin mo si Jacob; kunin mo si David; kunin mo alin man sa mga ginintuang butil na iyon, ang mga lalaking iyon ng Diyos, at tignan mo kung di mo makikitang nalalantad si Jesus Cristo sa bawat isa sa kanila. “Upang magawa Niyang tipunin ang lahat ng mga bagay sa Isa, kay Cristo Jesus.”

Ngayon, ituloy pa natin nang kaunti, sa ika-11 talata...
Tayo rin naman sa kaniya ay ginawang mana...
Oh, “isang mana...” Kailangang may mag-iwan sa iyo ng isang bagay upang iyong manahin. Tama ba? Isang mana, anong mana ang mayroon tgayo? Anong mana ang napasa akin? Wala akong anuman. Ngunit iniwanan ako ng Diyos ng mana nang ilagay Niya ang aking pangalan sa Aklat ng Cordero ng Buhay bago pa itatag ang sanlibutan.

Oh, sasabihin mo, “Ngayon, sandali lang, kapatid, ginawa iyon ni Jesus nang mamatay Siya para sa iyo.” Hindi, hindi Niya ginawa iyon. Dumating si Jesus upang bumili ng mana para sa akin. Basahin n'yo ang kasunod na kasunod na talata, o ang kasunod na kasunod na linya.
Tayo rin naman sa kaniya ay ginawang mana, na itinalaga na niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban:

Ang Diyos, bago pa itatag ang sanlibutan, gaya ng tinalakay natin sa ating pag-aaral, kayo: Kung papaanong nakita natin ang Diyos ay dating nabubuhay na mag-isa, at kung papaanong nasa Kaniya ang pag-ibig. Nasa Kaniya ang maging Diyos; walang pang anumang sasamba sa Kaniya. Nasa Kaniya ang maging isang Ama; mayroong... Siya ay nag-iisa. Nasa Kaniya ang maging Tagapagligtas: wala pang napapahamak noon. Nasa Kaniya ang maging isang Tagapagpagaling. Iyon ay mga katangian Niya. Wala pang anuman noon. Kaya't ang Kaniyang Sarili, ang sarili Niyang minagaling na kapasiyahan ang nagbunga ng mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng isang Lalaking ito, si Cristo Jesus, ay matipon muli ang lahat ng mga ito. Oh, hindi nakita ng mga mata o... Di kataka-takang ito'y isang mahiwagang bagay.

Tigna n'yo, “itinalaga Niya tayo sa manang ito...” Kung ako ang tamang tagapagmana ng isang bagay, kung kumakatok ang Diyos sa aking puso at nagsasabing, “William Branham, matagal na panahon na kitang tiwanag bago pa itatag ang sanlibutan upang mangaral ng Ebanghelyo,” mayroon akong mana, isang mana ng Walang Hanggang Buhay. Ngayon, isinugo ng Diyos si Jesus upang gawing tunay ang manang iyon sa akin, sapagkat wala akong anumang maaaring gawin— upang magmana niyon. Blanko iyon; may bisa iyon; wala akong anumang maaaring gawin. Ngunit sa kapuspusan ng panahon isinugo ng Diyos, sa Kaniyang Sariling minagaling na panahon, si Jesus na Cordero, pinaslang bago pa itatag ang sanlibutan. Ang Dugo Niya ay nabubo, upang makaparoon ako sa aking mana. Upang maging ano, anong mana? Sa pagiging anak, sa pagiging anak ng Diyos.

At ngayon, maaaring mabilaukan kayo rito. Ngunit alam n'yo bang ang mga taong mga anak ng Diyos ay mga munting diyos? Ilan ang nakakaalam niyan? Ilan ang nakakaalam na sinabi iyan ni Jesus? Sa Biblia, ang sabi ni Jesus, “Hindi ba't sinabi mismo ng inyong Kautusan na kayo ay mga diyos? At kung tinatawag n'yo silang mga diyos...” At, ang sabi ng Diyos sa Genesis 2 na sila ay mga diyos, sapagkat taglay nila ang buong pamamahala sa kaharian ng mundo. Binigyan Niya siya ng pamamahala sa lahat ng mga bagay. At naiwala niya ang kaniyang pagiging diyos; naiwala niya ang kaniyang pagiging anak; naiwala niya ang kaniyang paghahari; at si Satanas na ang naghari dito. Ngunit, kapatid, tayo ay naghihintay sa manipestasyon ng mga anak ng Diyos, na magsisipagbalik upang maghari ditong muli. Naghihintay tayo sa kapuspusan ng panahon, kung kailan ang pyramid ay hahantong na sa tuktok, kung kailan ang mga ganap na mga anak ng Diyos ay maihahayag, kung kailan ang kapangyarihan ng Diyos ay lalabas (Aleluia.) at kukunin kay Satanas ang lahat ng kapangyarihan na mayroon siya. Opo. Ito'y pagaari niya.

Siya ang Logos na nagmula sa Diyos; iyon ay totoo; iyon ang Anak ng Diyos. At ginawa Niyang maliit na diyos ang lalaking iyon. At ang sabi Niya, “Kung tinatawag n'yong mga diyos ang mga dinadatnan ng Salita ng Diyos, ang mga propeta...” At ang Diyos Mismo ay nagsabing sila nga ay mga diyos. Sinabi Niya kay Moises, “Ginawa kitang isang diyos, at si Aaron bilang propeta mo.” Amen. Whew. Maaaring umaaasta ako tulad sa isang relihiyosong baliw, ngunit hindi ako ganun. Oh, kung mabubuksan ang iyong mga mata upang makita ang mga bagay na iyon...

Tama. Ginawa Niyang isang diyos ang tao, isang diyos ng kaniyang kinasasakupan. At ang kaniyang kinasasakupan ay dulo't dulo ng karagatan, magkabi-kabilang dalampasigan. Siya ang namamahala niyon. At nang dumating si Jesus, bilang Diyos na walang sala, pinatunayan Niya ito. Nang umihip ang hangin, ang sabi Niya, “Pumayapa, tumahimik.” Amen. At sa punongkahoy ang sabi Niya, “Wala nang taong kakain ng bunga mo.” “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, kayong mumunting diyos, kung sasabihin n'yo sa bundok na ito, 'makilos ka,' at di kayo mag-aalinlangan sa inyong puso, kundi sasampalatayang ang sinabi n'yo ay matutupad, mangyayari ang sinabi n'yo.”

Basahin ang account sa...
Pagkukupkop O Pagpupuwesto.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Sapagka't hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, Abba, Ama.

Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:

At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya.

Mga Taga-Roma 8:15-17


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Chapter 9
- The Third Pull

(PDF Ingles)

Bago...

Pagkatapos...

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)

Kung kayo ay
predestinado sa Buhay
na Walang Hanggang,
tatawagin kayo ng
Diyos sa isang paraan,
kung papaano man,
sa anu't anumang paraan.



Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.