Ang Mga Taga Efeso ay kahalintulad ng Josue.

<< nakaraang

susunod >>

  Pagkukupkop serye.

Pagkukupkop #1.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Ang Mga Taga Efeso ay kahalintulad ng Josue.

Ngayon, ang Aklat ng Mga Taga Efeso, tulad ng kasasabi ko pa lang, sa aking opinyon, ay isa sa mga pinakadakilang Aklat ng Bagong Tipan. Hinahatid tayo nito sa lugar kung saan ang Calvanismo at Arminianismo ay kapuwa nalilihis, ngunit pinagsasalubong ng Aklat ng Mga Taga Efeso at inilalagay ang iglesia sa tamang posisyon nito. Ngayon, itinipo ko ito sa Josue. Kung mapapansin n’yo, ang Israel ay iniahon mula sa Egipto, at may tatlong yugto ang kanilang paglalakbay. Ang isa ay ang paglisan sa Egipto. Ang kasunod ay ang ilang. At ang sumunod na yugto ay ang Canaan.

Ngayon, ang Canaan ay hindi kumakatawan sa panahon ng Milenyum. Kinakatawan lamang nito ang panhon ng mananagumpay, ang dispensasyon ng pananagumpay, sapagkat sa Canaan ay pumatay sila at nanunog at nangubkob ng mga bayan. At hindi na magkakaroon ng kamatayan sa Milenyum. At isang bagay pa, ipinakikita nito ang pag-aaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya, matapos nilang sumampalataya kay Moises at lumisan sa Egipto; ang pagpapakabanal sa pamamagitan ng pagsunod sa silong ng Haliging Apoy at katubusan ng haing kordero sa ilang; at pagkatapos ay ang pagpasok sa isang lupaing ipinangako.

Ngayon, ano ang lupaing ipinangako sa mananampalataya ng Bagong Tipan? Ang pangako ay ang Espiritu Santo. “Sapagkat mangyayari sa huling mga araw,” Joel 2:28, “na Aking ibubuhos ang Aking Espiritu sa lahat ng laman. Ang inyong mga anak na lalaki at babae ay manghuhula. At sa aking mga aliping babae at lalaki ay ibubuhos Ko ang Aking Espiritu, at sila’y magsisipanghula. Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa kalangitan. At sa lupa, mga haliging apoy, at usok, at singaw.” At ang sabi ni Pedro, nung araw ng Pentecostes, matapos niyang kunin ang kaniyang texto sa pangangaral, “Magsisi ang bawat isa sa inyo, at magpabautismo sa Pangalan ni Jesus Cristo para sa ikapagpapatawad ng kasalanan,” upang maalis, upang mapatawad, upang matanggal ang lahat ng dating mga pagkakasala.

Napansin n’yo ba si Josue? Bago sila tumawid ng Jordan, ang sabi ni Josue, “Kayo’y dumaan sa gitna ng kampamento at labhan ninyo ang inyong mga kasuotan at maglinis ang bawat isa sa inyo, at huwag sumiping ang sinumang lalaki sa kaniyang asawa, sapagkat sa loob ng tatlong araw ay makikita n’yo ang kaluwalhatian ng Diyos.” Kita n’yo? Isa itong proseso ng paghahanda upang manahin ang kaharian. Ngayon, ang pangako sa Israel ay... Ibinigay ng Diyos kay Abraham ang pangako ng lupain ng Palestina, at ito’y magiging pag-aari nila magpakailan man. At sila’y dapat na manahan na palagi sa lupaing ito. Ngayon, dumaan sila sa tatlong yugto, sa pagpunta sa lupang pangakong ito. Ngayon, masdan; ganap itong itinipo sa Bagong Tipan. Ngayon, ito, tulad ng sinabi ko, ay di ayon sa ilang kaisipan ninyo. Sa ilan sa inyong mga mahal na Nazarene, Church of God, at iba pa, huwag kayong masasaktan, kundi magmasid lang kayong mabuti at masdan n’yo ang mga tipo. Masdan n’yo at tignan kung hindi ito ganap na tumutugma sa bawat bahagi.

May tatlong yugto ang paglalakbay, at may tatlong yugto ang paglalakbay na ito. Sapagkat tayo ay inaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya, sumasampalataya sa Panginoong Jesus Cristo, tinalikdan natin ang lupain ng Egipto, lumabas tayo, at pagkatapos ay pinabanal tayo sa pamamagitan ng pagkaalay ng Kaniyang Dugo, nalinis tayo sa ating mga kasalanan, at naging mga manlalakbay at nakikipamayan, sinasabi nating naghahanap tayo ng isang lupain, ng isang bayang darating, o isang pangako. Nagkagayon din ang Israel sa ilang, mga manlalakbay, walang lugar na mapagpahingahan, naglalakbay gabi-gabi, sumusunod sa Haliging Apoy, ngunit sa huli ay nakarating sa lupang pangako kung saan ay namirmihan sila.

Diyan humahantong ang mananampalataya. Una ay napagkikilala niyang isa siyang makasalanan; pagkatapos ay inihihiwalay siya sa pamamagitan ng tubig, ng paghuhugas ng tubig, sa pamamagitan ng Dugo, o sa paghuhugas ng tubig sa pamamagitan ng Salita, sumasampalataya sa Panginoong Jesus Cristo. At, dahil inaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya, nakabahagi siya, at nakipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo, binautismuhan sa Ngalan ni Jesus Cristo upang dalhin siya sa paglalakbay. Nakuha n’yo ba? Papasok sa paglalakbay. Kung magkagayo’y naging isa siyang nakikipamayan at isang manlalakbay. Siya’y naglalakbay patungo saan? Sa isang pangakong ginawa ng Diyos.

Hindi pa natatanggap ng Israel ang pangako, ngunit sila ay naglalakbay na. At sa labas, nagtataas... Nakikiusap akong unawain n’yo. Diyan kayo bumagsak, kayong mga Nazarene at Pilgrim Holiness, at iba pa. Sapagkat ang Israel, nang dumating sila sa lugar ng Kadesh-Barnea, nang pumaroon ang mag tiktik at nagsabing, “Napakaganda ng lupain.” Ngunit ang ilan sa kanila ay bumalik at nagsabing, “Hindi natin iyon kayang kubkubin, sapagkat napapaderan ang mga syudad, at iba pa.” Ngunit sina Josue at Caleb ay tumindig at nagsabi, “Kayang-kaya nating kubkubin iyon.” Dahil sa kanilang napirmahan dokumentadong pahayag, naniwala sila sa dalawang gawa ng biyaya, sa pag-aaring ganap at pagpapakabanal, at hindi na sila makausad pa. At makinig kayo, ang buong kongregasyong iyon ay nangamatay sa ilang maliban sa dalawang nakapasok sa lupang pangako at nagdala ng ebidensyang iyon nga ay mabuting lupain, “at kayang-kaya nating kubkubin iyon, sapagkat ipinangako ng Diyos.” At sa halip na magpatuloy ang bayan, upang tanggapin ang Espiritu Santo, magsalita ng iba’t ibang wika, tanggapin ang kapangyarihan ng Diyos, ang bautismo ng Espiritu Santo, inisip nilang masisira ng mga tanda at mga kababalaghan ang tradisyon ng kanilang doktrina. At ano’ng nangyari dito? Nangamatay sila sa lupain. Tama.

Ngunit ang mga mananampalataya, ang pangkat nina Caleb at Josue, na sumusulong patungo sa pangako, nagpatuloy sila hanggang sa makapasok sa lupain, at kinubkob nila ang lupang pangako, at namirmihan sa lupain bilang pag-aari nila. At huwag na huwag tayong huminto sa pag-aaring ganap, sa pagpapakabanal. Magpatuloy tayo sa bautismo ng Espiritu Santo. Huwag tayong huminto sa pagsampalataya sa Panginoong Jesus, pagkatapos na mabautismuhan. Huwag tayong huminto dahil nilinis Niya ang buhay nating makasalanan. Bagkus ngayon ay magsumigasig tayo patungo sa isang posisyon, sa isang pangako ng Espiritu Santo. Sapagkat sinabi ni Pedro nung araw ng Pentecostes, “Sapagkat ang pangako ay sa inyo, at sa inyong mga anak, at sa mga nasa malayo, maging gaano karami ang tawagin ng Panginoong Diyos.”

Kaya’t isinasaayos tayo ng Mga Taga Efeso tulad ng Josue, sa tamang posisyon. Napansin n’yo ba, si Josue, matapos na matawid at makubkob ang lupain, pinaghati-hati niya ang lupain. “Dito si Ephraim, dito si Manases, at ang isa namang ito ay dito, dito si Gad, dito si Benjamin.” Pinaghati-hati niya ang lupain. At pansinin n’yo. Oh, sadyang pinag-aalab nito ang ating mga puso. Binigkas ng bawat inang Hebreo na nagluwal sa kanilang mga anak, habang naghihirap sa panganganak ang pinaka lugar na paglalagyan sa kanila sa lupang pangako. Oh, isa itong dakilang pag-aaral. Kung matatalakay lang natin ito nang detalyado, ay gugugol ito ng napakaraming oras... Isang araw kapag naayos na natin ang ating simbahan, gusto kong pumarito at gumugol ng isang buong buwan o kaya’ dalawa, sa paksa lamang na ito. Masdan n’yo nang sumigaw ang bawat isa sa mga inang iyon, “Ephraim,” habang nanganganak siya, inilalagay siya sa kaniyang tamang posisyon kung saan ay maipupuwesto ang mga paa niya sa langis. Tamang-tama sa kinalalagyan nila ngayon... At si Josue, wala sa kamalayan niya, kundi sa pamamagitan ng inspirasyon, sa pangunguna ng Espiritu Santo, pagkapasok niya sa lupang pangako, ipinamahagi niya sa bawat tao ang kaniyang pangako, ayon na ayon sa ipinangako ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng kapanganakan nila noon pa man.

Kung papaanong naglagay ang Diyos ng ilan sa iglesia, sa pamamagitan ng kirot ng panganganak... Oh, minsan ay tumitindi ito. Kapag ang iglesia ay dumadaing sa ilalim ng pag-uusig ng mga nasa labas, habang sumasampalataya sa Panginoong Jesus, na ang pangako ay singtunay pa rin sa atin ng sa Pentecostes, gano’n na lang sila dumaing at umiyak sa ilalim ng mga kirot ng panganganak. Ngunit matapos na sila’y maipanganak at naiposisyon sa Kaharian ng Diyos, naglagay ang Espiritu Santo sa iglesia, ng mga apostol, ng mga propeta, ng mga guro, ng mga pastor, ng mga ebanghelista. At nagbigay din Siya doon ng pagsasalita ng iba’t ibang wika, ng pagpapaliwanag ng mga wika, kaalaman, karunungan, mga kaloob ng pagpapagaling, lahat ng uri ng mga himala.

Ang kinaroroonan ng iglesia ay... Ngayon, ito ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito. Palaging sinusubukang kunin ng iglesia ang lugar ng iba. Ngunit huwag n’yong gawin iyan. Hindi ka maaaring mag-alaga ng mais sa lugar ni Ephraim, kung ikaw si Manases. Kailangang kunin mo ang lugar mo kay Cristo, pumusisyon ka at kunin mo. Oh, lumalalim at yumayaman ito pagdating natin dito, kung papaanong naglagay ang Diyos ng nagsasalita ng iba’t ibang wika, ang iba naman ay... Ngayon, maraming beses na itinuro sa ating kailangan tayong magsalita ng iba’t ibang wika. Mali iyon. “Lahat tayo ay kailangang makaranas nito.” Hindi, hindi natin kailangan. Hindi lang isang bagay ang ginawa nilang lahat, ang bawat isa ay...

Ang bawat isa... Ang lupain ay ipinagkaloob at pinaghati-hati sa pamamagitan ng inspirasyon. At bawat isa... Maaari kong kunin ang Kasulatan at lubos na ipakita sa inyo na ipinuwesto niya sila sa nakatakda nilang lugar, sa tamang posisyon nila, kung papaanong ang dalawang kalahating tribo ay mananatili sa kabila ng ilog, kung papaanong iniiyak iyon ng kanilang mga ina sa kanilang panganganak, at kung anong magiging lagay ng bawat lugar.

At matapos na makapasok ka na, hindi pa rin iyon nangangahulugang libre ka na sa pakikibaka. Kailangan mo pa ring ipakipaglaban ang bawat pulgada ng lupang tinutungtungan mo. Kaya kita n’yo, ang Canaan ay di kumatawan sa dakilang kalangitan, sapagkat mayroon itong pakikibaka at mga kaguluhan at pagpatay at pakikipaglaban, at iba pa. Ngunit ito ang kinakatawan nito: na kainakailangang maging isa itong sakdal na lakad.

At diyan nabibigo ang iglesia sa araw na ito: sa lakad na iyan. Alam n’yo ba na maging ang sarili n’yong pag-uugali ay maaaring humadlang sa paggaling ng iba? Ang maling gawi ng di pagkukumpisal ng kasalanan ninyong mga mananampalataya ay maaaring maging dahilan ng mapait na pagkabigo ng iglesia. At sa araw ng paghuhukom mananagot ka sa lahat ng ito. Oh, sasabihin mo, “Ngayon, sandali lang, Brother Branham.” Buweno, iyan ang katotohanan. Pakaisipin n’yo.

Si Josue, matapos na makatawid papasok sa lupain, ipinangako sa kaniya ng Diyos na... Isipin n’yo na lang, ang humarap sa buong pakikibaka nang di nababawasan ng isa mang tao, nang hindi nagagalusan, nang di nangailangan ng isang nars, o ng first aid or Band-Aid. Ang sabi ng Diyos, “Ang lupain ay sa inyo; humayo kayo’t makibaka.” Isipin n’yo ang isang pakikipaglaban nang walang Red Cross sa paligid; walang masasaktan.

At inutas nila ang mga Amorrheo at Hetheo, ngunit walang isa mang nasaktan sa kanila hanggang sa makapasok ang kasalanan sa kampamento. At nang kunin ni Achan ang balabal na yari sa Babilonia at ang palakol na ginto, at itinago sa kaniyang kampo, kinabukasan ay namatayan sila ng labing anim na kalalakihan. Ang sabi ni Josue, “Huminto tayo. Huminto tayo. Sandali lang; may mali. May bagay na mali dito. Mananawagan tayo ng pitong araw na pag-aayuno. Pinangakuan tayo ng Diyos. Walang maaaring makapanakit sa atin. Ang mga kaaway natin ay babagsak sa ating paanan. May kung anong mali dito. May kung anong namali kung saan, ’pagkat namatayan tayo ng labing anim na kalalakihan. Sila’y mga kapatid na Israelita, at namatay sila.”

Bakit sila namatay, mga kalalakihang inosente? Sapagkat may isang lalaking nalihis ng lakad. Nakikita n’yo ba ang dahilan kung bakit kailangan itong maituro? Ang paghanay ng iglesia, ang paghanay sa Salita ng Diyos, paghanay sa Diyos at paghanay sa isa’t isa, paglakad nang matuwid, matino, sa harapan ng lahat ng tao, may takot sa Diyos. Dahil may isang lalaking nagnakaw ng isang balabal at gumawa ng isang bagay na hindi dapat gawin, namatay ang labing anim na kalalakihan. Sa wari ko’y labing anim nga iyon, marahil ay higit pa. Sa wari ko’y labing anim na lalaki ang namatay. Nanawagan si Josue, aniya, “May kung anong mali. Nangako ang Diyos, at may bagay na namali.”

Kapag dinadala natin ang ating mga may sakit sa harapan at hindi sila gumagaling, kinakailangan nating manawagan ng isang taimtim na pagtitipon. May mali kung saan. Nangako ang Diyos. Tiyak na magiging tapat ang Diyos sa Kaniyang pangako, at ito’y tutuparin.

-----
Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng Dios, sa mga banal... (mga pinaging-banal)... na nangasa Efeso at sa mga tapat kay Cristo Jesus. (Mga Taga Efeso 1:1)

Ngayon, kung gusto n’yong malaman kung papaano tayo makapapasok kay Cristo Jesus, mangyaring buklatin n’yo sa I Mga Taga Corinto 12, ang sabi, “Sapagkat sa isang Espiritu ay binautismuhan tayong lahat sa isang Katawan.” Papaano? Binautismuhan ng ano? Ng Espiritu Santo. Hindi sa pamamagitan ng bautismo sa tubig, kayong mga taga church of Christ, kundi sa pamamagitan ng isang capital E-s-p-i-r-i-t-u, sa pamamagitan ng isang Espiritu. Hindi sa pamamagitan ng isang pakikipagkamay, ng isang liham, hindi sa pamamagitan ng isang wisik, kundi sa pamamagitan ng isang Espiritu ay binautismuhan tayo sa isang Katawan, ang ating pag-aari, ang lupaing ibinigay sa atin ng Diyos upang ating panahanan, ang Espiritu Santo. Kung papaanong ibinigay Niya ang Canaan sa mga Judio, ibinigay Niya sa atin ang Espiritu Santo. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay nabautismuhan tayo isang Katawan. Nakuha n’yo ba?

Ngayon, nangungusap siya sa espirituwal na mga taga Canaan, ang Israel, ang espirituwal na Israel na nakakubkob na sa lupain. Oh, di ba kayo nagagalak na nakaalis na kayo sa bawang ng Egipto? Di ba kayo nagagalak na wala na kayo sa ilang? At alalahanin, kinailangan nilang kumain ng mana, ng pagkain ng Anghel mula sa langit, hanggang makatawid sila sa lupain. At nang makatawid na sila sa lupain, and mana ay tumigil sa paglagpak. Lubos na silang gumulang noon, at kumain sila ng magulang na mais ng lupain. Ngayon kayo ay hindi na mga sanggol, kayo’y hindi na nagnanasa ng gatas na walang daya ng Ebanghelyo, hindi na kailangang tratuhin tulad sa mga sanggol, at tapik-tapikin, at hikayating magsimba, at kayo’y lubos nang mga gumulang na Cristiano, handa na kayong kumain ng matitigas na karne. Handa na kayong pumasok sa isang bagay: ang sabi niya. Handa na kayong makaunawa ng isang bagay na malalim at mayaman. Ay, buweno tuwiran na natin itong tatalakayin. At, oh, ito’y naikubli bago pa itatag ang sanlibutan. Ang sabi niya, “Ngayon, na nakapasok na kayo dito, pinatutungkol ko ito sa inyo,” hindi sa mga lumabas lang ng Egipto, hindi sa mga naglalakbay pa rin, kundi sa mga nasa lupang pangako na, at nakatanggap ng pangako.

Basahin ang account sa...
Ang Mga Taga Efeso ay kahalintulad ng Josue.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Magpakalakas ka at magpakatapang na mabuti: sapagka't iyong ipamamana sa bayang ito ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila.

Magpakalakas ka lamang at magpakatapang na mabuti, na isagawa mo ang ayon sa buong kautusan na iniutos sa iyo ni Moises na aking lingkod: huwag kang liliko sa kanan o sa kaliwa, upang ikaw ay magtamo ng mabuting kawakasan saan ka man pumaroon.

Josue 1:6-7


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Kabanata 14
Sabino Canyon.

(PDF)

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)

Ngayon, ano ang
lupaing ipinangako
sa mananampalataya
ng Bagong Tipan?
Ang pangako
ay ang
Espiritu Santo.



Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.