Ang Diyos na Mayaman sa Awa.

<< nakaraang

susunod >>

  Buhay salita serye.

Ang Diyos na Mayaman sa Awa.


William Branham.

Basahin ang buong account sa...
Ang Diyos na Mayaman sa Awa.

Ngayon, kung marami sa inyo ang nais maglista ng mga Kasulatang binabasa ng ministro… At nais kong gawin ninyo iyan ngayong gabi, kung nais n’yo, dumako tayo sa Efeso.
At nangungusap ako noong nakaraang Linggo tungkol sa Efeso, kung paanong ang Aklat ni Josue ay ang Efeso ng Lumang Tipan, at kung paanong iyon ang aklat ng katubusan. At may dalawang magkaibang bahagi ang katubusan: ang “paglabas” at ang “pagpasok.” Una, kailangan mong lumabas.
May mga taong nais nilang isama ang sanlibutan sa pagpasok nila; ngunit kailangan mong lumabas sa sanlibutan para ka makapasok kay Cristo. Kailangang mong lumabas sa di-paniniwala para ka makapasok sa pananampalataya. Walang dapat makahadlang sa iyong daraanan. Para totoong magkaroon ka ng tunay na pananampalataya, kailangan mong lubusang iwan ang lahat ng bagay na salungat sa Salita ng Diyos para ka makapasok sa pananampalataya.

At iyon ang Aklat ng mga Taga-Efeso ng Lumang Tipan: ang Josue. Kung saan, ikinatawan ni Moises ang kautusan, hindi iyon nakapagligtas ng sinuman, ngunit nagawa ito ng biyaya, at dito, ang, “Josue” ay kasing kahulugan ng Jesus, “Jehovang Tagapagligtas.”
At ngayon, makikita nating dumating tayo sa isa na namang Mga Taga Efeso, isa na namang Efeso. Kung saan sa ating mga intelektuwal na mga denominasyon at iba pa, sampu ng lahat ng mga programa nating pangedukasyon ay humantong na sa—sa Jordan, kung gayon ay kailangan na naman nating magkaroon ng isang Efeso. Kailangan nating magkaroon ng exodo—upang “makalabas” tayo at “makapasok” para sa pag-agaw.

Ngayon, babasa tayo ngayong gabi sa ikalawang kabanata ng Mga Taga-Efeso. Sinasabi ko iyan upang mabuklat ninyo ang—ang tamang pahina, o para mabuklat ninyo ang tamang kabanata.

At—at kayo’y binuhay niya nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsalansang at mga kasalanan: Na inyong nilakarannoong una ayon sa lakad ng sanlibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway; Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay ayon sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo’y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba: Ngunit ang Diyos, palibahasa’y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang inibig sa atin, Bagama’t tayo’y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo’y binuhay na kalakip ni Cristo, At tayo’y ibinangong kalakip niya,… (o)… binuhay na kalakip ni Cristo, (sa pamamagitan ng biyaya kayo’y nangaligtas), at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus:   [Mga Taga-Efeso 2:1-6]

Nais kong humango mula riyan ng ilan, o nang bahagi ng talatang iyan, “Ngunit ang Diyos... Ang Diyos na Mayaman sa Awa.”

Nais kong pansinin n’yo rito ang propeta, ang apostol pala, si Pablo, na—na, kung paanong binanggit niya ito, kung paanong, “Binuhay Niya kayo, na mga dating patay. Binuhay Niya kayo na mga dating patay, patay sa kasalanan at mga pagsalansang, lumalakad sa mga bagay ng sanlibutan, sa pita ng laman, at binibigyang kasiyahan ang pita ng pag-iisip. Kaniya…”
Ano ba ang naging sanhi ng pagbabagong ito? Nakikita ba ninyo? At ano ang naging sanhi nitoat dati itong patay at ngayon ay nabigyang-buhay? Ang “binuhay” ay nangangahulugang “ginawang buhay.” May nangyaring pagbabago mula sa kamatayan tungo sa Buhay. Wala ng iba pa—wala nang iba pang maaaring maganap sa isang tao, na mas dadakila pa sa pagbabago niya mula sa kamatayan tungo sa Buhay. Ang isang tao, kung naghihingalo na siya, sa pisikal, at maaari siyang gumaling sa pisikal, napakadakilang bagay niyan, ngunit hindi pa rin kasing-dakila ng kapag dating patay siya sa espirituwal at binigyang-buhay siya ng Diyos tungo sa Buhay.

Ikaw noon, sa nakalipas na panahon, ay patay... Noon ay patay ka. Kahit nga ang marami sa inyo rito ngayong gabi, minsan, maaari kayong magbalik-tanaw at malalaman ninyong noon ay patay kayo. Ngunit ngayon, bakit hindi na kayo patay sa gabing ito na gaya noon? Karapat-dapat kang magkagayon dahil isa kang makasalanan, ngunit ang Diyos na mayaman sa awa. Iyon—iyon ‘yon: Ang Diyos na mayaman. Lahat ng mga bagay na ito na dating tayo, ngunit ang Diyos. Iyan nga ang naging dahilan ng pagbabago: Ang Diyos na Mayaman sa Awa.
Oh, labis akong nagagalak gawa niyan, na mayaman Siya sa awa. Kung mayaman lang Siya sa salapi, kung mayaman lang Siya sa material, at mayaman nga Siya riyan, ngunit gayun pa man, ang pinakadakilang bagay ay ang pagiging mayaman Niya sa awa. O ano’ng dakilang salita niyan, kung paanong dati tayong patay.

At nagungusap tayo noong isang gabi kung papaanong kailangang mamatay ng binhi. At lahat ng mga bagay sa paligid ng punlang-binhi ng buhay ay hindi lamang kailangang mamatay, kundi mabulok. Kung hindi ito mabubulok, hindi ito maaaring mabuhay. At ang pagkabulok ay nangangahulugang “lubusang naglaho; tapos na.” At hangga’t hindi tayo umaabot sa lugar na iyon na ang sarili nating mga ideya at ang sarili nating pag-iisip ay lubusang magmaliw at mabulok na palayo sa atin, saka pa lang mag-uumpisang mabuhay ang punlang-binhi ng buhay.
Ngayon, maaari tayong, maaari akong magsingit ng kaunting doktrina rito na hindi ko… Kung hindi ninyo paniwalaan ito, walang masama. Ayos lang iyon. Naniniwala kasi ako rito. Naniniwala ako na—na ang isang tao, kapag isinilang siya sa mundong ito, hindi ka maaaring maparito ng lingid sa paunang kaalaman ng Diyos, dahil Siya ay infinite at nalalaman Niya ang lahat ng bagay. At kapag ang munting sanggol ay isinilang sa mundo, may kung ano sa sanggol na iyon. Kung kailangan niyang magka-Buhay, may isang munting bagay sa kalooban niya, sa kalooban ng batang iyon, at hindi maglalaon ay magkakaroon siya ng kamulatan tungkol dito. Nasa kaniya na ang munting binhing iyon. Ngayon, kung kukunin n’yo… Malinaw na ipinahahayag iyan ng Kasulatan.

Ngayon, kung mayroon kang Buhay na Walang Hanggan sa gabing ito, kung mayroon tayong Buhay na Walang Hanggan, kung gayon ay noon pa man ay naroroon na tayo sapagkat isa lang ang anyo ng Buhay na Walang Hanggan. Noon pa man ay naroon na tayo. At ang dahilan ay sapagkat bahagi tayo ng Diyos. At ang Diyos lang ang bukod tanging Walang Hanggan.
At gaya ni Melquisedec na tumanggap ng ikapu kay Abraham, at inilaan iyon sa Kaniyang apo sa tuhod, si Levi, na noon ay nasa sinapupunan pa lamang ni Abraham; nagbayad siya ng ikapu, sapagkat nasa sinapupunan pa siya ni Abraham ng makatagpo niya si Melquisedec. Nais kong mangusap tungkol diyan doon sa kabilang lugar, isang umaga: Sino nga ba Itong si Melquisedec? Ngayon, pansinin n’yo iyan. Noon pa man, alam na ng Diyos na darating ang batang lalaking iyon. Alam Niya ang lahat ng bagay.
Ngayon, bahagi tayo ng Diyos. Noon pa man ay gayon ka na. Hindi mo ito maalala sapagkat isa ka lamang katangian na nasa loob ng Diyos. Naroon ka lang sa Kaniyang kaisipan. Ang pangalan mo, kung nakasulat iyon sa Aklat ng Buhay, itinala na iyon doon, bago pa itatag ang sanlibutan. Alam na Niya kung ano ka.

Sinasabi ko lang ito, hindi para maghalo ng doktrina, kundi para lang linawin ito, nang sa gayon ay makakawala tayo sa pangamba at pagkatakot na ito: hindi mo alam kung sino ka. Hindi ka magiging, kundi anak ka na ng Diyos ngayon. Kita n’yo, noon pa man ay mga anak na kayo ng Diyos. Kita n’yo?
Sapagkat noong nasa isipan ka ng Diyos sa pasimula, naroon ka na noon, mayroon kang isang bahagi, ang buhay na nasa iyo ngayon, ay nasa Diyos na bago pa mgakaroon… Buweno, nang ikaw ay—bago ka pa man maging material dito sa ibabaw ng lupa, bago pa man magkaroon ng anumang bagay, maliban sa Diyos, isa ka sa Kaniyang mga katangian. Alam Niya kung ano ang magiging pangalan mo. Alam Niya kung ano’ng magiging kulay ng buhok mo. Alam Niya ang lahat ng tungkol sa iyo. Ang nangyari lang, nang ikaw, palibhasa’y makasalanan ka pa noon…

Marami sa inyo ang—ang maaaring makiisa sa akin sa kaisipang ito. Noong ika’y bata pang lalaki o babae, naglalakad-lakad ka at may mga bagaybagay na sadyang, hindi iyon pinapansin ng ibang bata, ngunit para bang may kung anong sumisigaw sa kalooban mo. Alam mong mayroon Diyos sa kung saan, kahit nga makasalanan ka pa noon. Naaalala ba ninyo iyon? Tiyak nga. Ngayon, ano nga ba iyon? Iyon ang munting anyo ng Buhay na nasa iyo na noon pa man.
At makalipas ang ilang panahon ay narinig mo ang Ebanghelyo. Marahil ay nagsimba ka; namili ka ng ganito at ganoon at nagpalipat-lipat ka ng denominasyon. Ngunit isang araw, dahil bahagi ka ng Diyos, kailangang maging bahagi ka ng Salita. At nang marinig mo ang Salita, noon mo nalaman kung saan ka nagmula, noon mo nalaman kung ano ang Katotohanan. Noon pa man ay gayon ka na, ang binhi ay nasa iyo na noon pa man. Nakita ng Salita ang Salitang nasa iyo, na naroon na bago pa itatag ang sanlibutan, nakita mo ang Salita at lumapit ka Rito.

Tulad ito ng aking maikling kuwento tungkol sa agila, kung paanong ang munting agila ay napisa sa pugad ng isang inahing manok. At nakisama ang munting nilalang sa mga manok, siya, pagputak ng inahin, hindi niya maunawaan ang pagputak niya. At ang mga sisiw, ang pagkain nila roon sa kamaligan, hin—hindi niya maunawaan kung paano nila iyon nagagawa. Ngunit may kung anong bagay sa kaniya na para bang ibang-iba sa mga kasama niyang manok, sapagkat simula’t sapul ay agila naman talaga siya. Tama. Isang araw ay hinanap siya ng kaniyang ina, at nang marinig niya ang sigaw ng agila, ibang-iba iyon sa pagputak ng manok.
At ganiyan ang nangyayari sa bawat mananampalatayang isinilang na muli. Maaaring mapakinggan mo ang lahat ng uri ng teolohiya sampu ng lahat ng kamaliang gawa ng tao; ngunit kapag kumislap ang Salitang iyan, may kung anong kumakapit sa iyo, lalapitan mo Ito. “Dati kang patay sa kasalanan; binuhay Niya ang buhay na iyon.” Dapat ay mayroon munang buhay doon na dapat buhayin. Ang Diyos, dahil sa Kaniyang paunang kaalaman, alam Niya ang lahat ng bagay. At nakatalaga tayo upang maging anak na lalaki at babae ng Diyos. “Kayo na dating patay dahil sa kasalanan at mga pagsalansang, na siya nating nilakaran noong lumipas na panahon, ngunit ngayo’y binuhay Niya tayo.”

Tingnan n’yo si Pablo, noong isa pa siyang dakilang teologo. Ngunit nang makaharap niya ang Salita, si Jesus, bigla iyong nabuhay. Kaagad siyang nagkabuhay sapagkat nakatalaga siya upang magkagayon. Ang… Bahagi siya ng Salita; at nang makita ng Salita ang Salita, iyon ang kaniyang kalikasan. Lahat ng pagputak ng mga inahin sa mga simbahang orthodox ay hindi nakaapekto sa kaniya; nakita na niya ang Salita. Bahagi niya Iyon. Isa siyang agila. Hindi siya manok; nagkataon lang na magkakasama sila sa loob ng kamaligan. Ngunit agila talaga siya simula’t sapol.

Maaari kang makipag-usap, kung minsan, sa mga tao sa mga lansangan, kausapin mo sila tungkol sa Panginoon; Pagtatawanan lang nila kayo. Buweno, kailangan nating gawin ito. Ngunit pakinggan ninyo, “Walang sinumang makalalapit sa Akin, malibang palapitin muna siya sa Akin ng Aking Ama.” Ang Diyos ang dapat magpalapit. Kailangang mayroon doong Buhay. “At lahat ng ipinagkaloob sa Akin, ay magsisilapit sa Akin.”
Gumawa Siya ng probisyon sa mga taong nais matubos. Gumawa Siya ng probisyon sa mga taong nais gumaling. At dahil ginawa Niya ito, ipinakikita nito na mayaman Siya sa awa, at noon pa ma’y lagi na Siyang mayaman sa awa. Dapat nga itong tanggapin, kung tatanggihan mo ito, wala nang natitira kundi kahatulan, sapagkat kailangang hatulan ang kasalanan.
Si Faraon, nang lumusong siya sa—sa tubig bilang isang manggagaya, dahil inakala niyang makatatawid siyang kagaya ni Moises… Si Moises at ang kaniyang hukbo, at si Faraon at ang kaniyang hukbo, tila baga, dapat sana’y pareho silang napahamak sa karagatan. Ngunit ang Diyos na mayaman sa awa ay gumawa ng daan upang makatakas ang mga anak ng Hebreo (Bakit?), sapagkat sumusunod sila sa hanay ng pagtupad sa tungkulin; sumusunod sila sa Salita.

Ngayon, iyan lamang ang tanging daan upang makakuha ng awa, ang sumunod sa mg autos na ipinagkaloob ng Diyos sa atin upang sundin. Iyan lamang ang paraan upang makapagpakita Siya ng awa, kung susundin natin ang ipinag-uutos Niya.

Gaya ng nangyaring maikling debate hindi pa katagalan sa pagitan ko at ng isang ministrong nagsabi na umano’y nagtuturo raw ako ng katuruang apostoliko sa araw na ito. Wari ko ay isinalaysay ko iyon isa o dalawang gabi na ang nakakaraan, kung paanong sinabi niya, “Iginigiit mo sa panahong ito, ang isang katuruang apostoliko.” Ang sabi niya, “Lumipas na ang kapanahunang apostoliko kasabay ng paglipas ng mga apostol.” At tinanong ko siya, “Buweno, naniniwala ka ba sa Salita?” Ang sabi niya, “Oo.”
Ang sabi ko, “Ayon sa Apocalipsis 22:18, ‘Ang sinumang magbawas ng isa mang Salita mula rito, o kaya’y magdagdag na isa mang Salita Rito... hindi dalawang Salita, isang Salita lamang, kung magbabawas ng isa mang Salita...
Ang sabi niya, “Naniniwala ako riyan.”
Ang sabi ko, “Kung gayon ay maipapakita ko sa iyo kung saan ipinangkaloob ang kapanahunan ng mga apostol, ipinagkaloob ang mga apostolikong pagpapala sa iglesia; ngayon sabihin mo naman sa akin kung saan ito inalis ng Diyos sa iglesia, sa pamamagitan ng Salita. Hindi mo magagawa; wala iyan diyan.” Ang sabi ko, “Ngayon, alalahanin n’yo, na si Pedro, sa araw ng Pentecostes, siya ang—ang nagpakilala ng panahon ng mga apostol. At inutusan niya silang lahat na, “Magsisi, at magpabautismo sa Pangalan ni Jesus Cristo para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako ay sa inyo, at sa inyong mga anak, at sa mga nasa malayo, gaano man karami ang tawagin ng Panginoon nating Diyos.”

Ngayon, kung gusto ninyong makinig sa pagputak ng kung sinong maka-denominasyong inahin, at mamuhay kayong muli roon sa mga bagay ng sanlibutan, kung gayo’y nagpapakita lang iyan ng na mayroong mali. Sapagkat iyan ang Salita. “Ang sinumang nagnanais ay makalalapit.” At kung mayroon kang nasa, dapat kang lumapit, ngunit kung wala kang nasa, kung gayon ay nasa malungkot kang kalagayan. Ngunit kung mayroon kang pagnanasang lumapit, lumapit ka at sundin mo ang pormula ng Diyos.
At hindi Siya nabibigong tumupad sa Kaniyang pangako. Mula pa sa aking pagkabata, at ngayon ay matanda na ako; hindi ko pa nakitang nabigo Siya sa Kaniyang Salita. Sapagkat magagawa NIya ang anumang bagay maliban sa mabigo. Hindi Siya maaaring mabigo. Hindi Siya maaaring mabigo. Imposibleng mabigo ang Diyos, at manatili pa rin Siyang Diyos. Kailangan NIyang hindi mabigo, para manatili Siyang Diyos.

Basahin ang buong account sa...
Ang Diyos na Mayaman sa Awa.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.

Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.

Juan 3:16-18


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Kabanata 13
Diyos ay liwanag.

(PDF)

Bundok at
rosebush sa niyebe
sa China.

Ang Sukat Ng Isang
Taong Sakdal.
(PDF)

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)


Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.