Tanda.

<< nakaraang

susunod >>

  Kristiyano lakad serye.

Tanda.


William Branham.

Basahin ang buong kuwento sa... Tanda.

Exodo 12:12,13.
"Sapagka’t Ako’y dadaan sa lupain ng Egipto sa gabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, maging tao at maging hayop; at gagawa Ako ng kahatulan laban sa lahat ng mga dios sa Egipto, ako ang Panginoon. At ang dugo ay magiging sa inyo’y isang tanda sa mga bahay na inyong kinaroroonan: at pagka Aking nakita ang dugo, ay lalampasan Ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo, pananakit Ko sa lupaing Egipto."

Isang tanda, “Ang dugo sa inyo ay magiging isang tanda para sa inyo.” Ngayon, ano nga ba, unang-una, ang isang tanda (token)? Isa itong salita na karanirawang ginagamit ng mga taong Ingles ang gamit na salita, lalo na dito sa America. Ang isang tanda ay – sa katunayan, sinasabi sa diksyunaryo na ang isang “token” ay isang “tanda.” Tanda ito ng pamasaheng nabayaran na (Kita n’yo?), na ang pamasahe o — o — ang isang — o ang halagang dapat bayaran (isang halagang hinihingi) ay nabayaran na, tulad ng pamasahe sa tren o pamasahe sa bus. Pagpasok mo, babayaran mo ang pamasahe mo, at bibigyan ka nila ng isang token; at ang token na iyon ay hindi maaaring gamitin sa iba maliban sa naturang tren. At isa iyong palatandaan sa kumpanya ng tren na nabayaran mo na ang pamasahe mo. Isa itong tanda, at hindi mo ito maaaring gamitin sa iba. Hindi iyon maaaring gamitin sa ibang linya ng tren. Sa linyang iyon lamang ito gumagana, at ito ay i – isang tanda.

Ngayon, dito, sa sinasabi natin, sa pinagsimulan natin, ay sinasabi ng Diyos sa Israel, “ Ang dugo ng kordero ay isang tanda para sa inyo.” Ang kordero ng Israel na pinaslang ang hininging tanda ni Jehova. Dapat ay dugo iyon. Gumawa ang Diyos ng tanda at ibinigay iyon sa Israel, at wala nang iba pang tandang maaaring gumana. Kita n’yo? Hindi iyon maaaring kilalanin. Sa sanlibutan, puro ito ang kamangmangan, subalit sa Diyos ay ito lamang ang tanging daan; nag tanging hinihiling Niya ay ang tandang iyon. Dapat naroon iyon, at hindi mapapasaiyo ang token malibang mabayaran ang pamasahe. Kung magkagayon ay pag-aari mo na ang token na nagbibigay sa iyo ng pribilehiyo ng libreng pases: “Kapag nakita Ko ang dugo, lalampasan Ko kayo.”

Napakadakilang panahon na – napakalaking prebilehiyo na malaman na dala-dala mo ang pases. “Kapag nakita Ko ang dugo, lalampasan Ko kayo.” Iyon lamang kikilalanin Niya. Wala nang iba pang maaaring ipamalit roon: walang pamalit, walang denominasyon, wala nang iba pa; iyon ang kailangan. Ang sabi ng Diyos, “Iyon lamang ang hahanapin Ko.” Gaano man sila katuwid, gaano man sila kabuti, gaano man kataas ang pinag-aralan nila, paano man sila manamit, ang Tanda lamang ang tanging kailangan. “Kapag nakita Ko ang Tanda, lalampasan Ko kayo.” Ang Dugo ay Tanda noon na ang hinihingi ni Jehova ay natugunan na, na ito’y naisagawa na. ang Dugo ang nagsilbing Tanda. Ang Dugo noon ang Tanda. Kita n’yo?

Ang buhay na sinabi ng Diyos, “Sa araw na kainan ninyo ito, sa araw ding iyon ay mamatay kayo.” At may panghaliling buhay na kinuha para sa buhay ng mananampalataya. Tinanggap ng Diyos sa kaniyang habag ang isang panghalili para sa buhay ng narumihang tao. Nang hawakan ng Kaniyang anak ang kaniyang sarili ng kasalanan ng di pagsampalataya sa Salita, nang magkagayo’y ang Diyos na mayaman sa habag ay gumawa ng isang panghalili, at isang bagay iyon na dapat mamatay sa halip nito. Wala nang iba pang maaaring gumana. Kaya nga hindi umubra ang mga mansanas, at mga peach, at iba pa ni Cain. Dapat isa iyong buhay na may Dugo. At iniwan ng buhay ang hain. At ngayon, ang dugo ay naging tanda na natupad na ang utos ng Diyos.

Ngayon, ano’ng hiniling ng Diyos? Ang buhay. At ipinakita ng dugo na kinailangang may buhay na mawala, kung kaya’t ang dugo noon ay tanda na ang buhay ay naibigay na, na mayroon nang namatay, ang hinihingi ng Diyos na may buhay na maipagkaloob, at ang dugo ay nabuo na; at ang dugo ay nagsilbing tanda na lumisan na ang buhay. Ang buhay ng hayop na sinabi ng Diyos na dapat kunin ay nakuha na nga – ang dugo ay nagsilbing tanda. Kita n’yo, ang – ang – ang mananampalataya ay kinakailangang maging makilalang kasama ng kaniyang hain sa pamamagitan ng tanda.

Hindi ko nais na labis na magtagal sa mumunting mga siping ito – ngunit (at maaari mong gugulin ang buong gawain sa isa sa kanila), ngunit nais kong tumugil dito sumandali upang ipahayag na ang – ang – ang mananampalataya ay kinakailangang makilalang kasama ng kaniyang hain. Kita n’yo? Kung iyon ay – basta lang hain at – at kung saan lang hinain doon sa labas, ibinigay niya; ngunit kinakailangan niyang makilalang kasama nito. Sa tuwirang pananalita, kailangan niya munang ipatong ang kaniyang kamay dito, upang maging kaisa siya ng kaniyang hain. At pagkatapos ang dugo ay inilalagay sa lugar na kung saan ay maaari siyang sumilong dito. Ang dugo ay dapat mailagay sa itaas niya, at iyon ay tanda na napagkilala na niya ang kaniyang sarili, na nagkasala siya, at napatunayan niya na may inosenteng panghalili na kumuha ng kaniyang lugar.

Isang napakagandang larawan. Oh. Isang tinubos ... kita n’yo? Natugunan na ang katarungan, at ang hinihingi ng banal na katarungan ng Diyos ay nakatagpo na, at ang sabi ng Diyos ay nakatagpo na, at ang sabi ng Diyos, “Ngayon, hinihingi Ko ang buhay mo.” At nang mag – mag – magkasala ang buhay na iyon, isang inosenteng panghalili ang kumuha ng lugar nito. At isa iyong hayop na may dugo, hindi mansanas o peach. Dapat sana’y ganap nang malinaw niyan ang binhi ng serpente sa bawat isa, na dugo iyon, at ang dugong ito na hindi maaaring lumabas sa prutas, ay lumabas sa isang inosenteng panghalili. At ang buhay ay lumabas u – upang ipamalit sa kaniya, at ang dugo ay simbulo na ang hayop ay namatay na, at ang dugo ay nabubo na.

At ang sumasamba, pagkapahid niya ng dugo sa kaniyang sarili, ay nagpapakitang kinilala siya sa katubusan, sapagkat pinakilala niyang kaisa siya ng – ng hain, ikinakabit niya ang sarili sa hain, at nagsilbing tanda ang dugo. Na – Napakaganda. Napakagandang larawan nito. Isa itong sakdal na tipo ni Cristo. Tamang-tama. Ang mananampalataya, ngayon, ay nakasilong sa nabubong Dugo, kaisa ng hain – sadyang tamang-tama. At kung paanong si Cristo, da – dahil hindi Siya isang hayop ... Nakikita ba ninyo, ang – ang hayop ay namatay, ngunit iyon ang pinakainosenteng bagay na nasa atin, sa pakiwari ko, ang – ang hayop, ang kordero. Nang naisin ng Diyos na ipakilala si Jesus Cristo, ipinakilala Niya si Cristo bilang isang kordero. At nang naisin Niyang ipakilala ang Kaniyang Sarili, ipinakilala Niya ang Kaniyang Sarili bilang isang ibon, isang kalapati. At ang kalapati ang pinakainosente at pinakamalinis sa lahat ng uri ng ibon, at ang kordero naman ang pinakainosente at pinakadalisay sa lahat ng uri ng hayop.

Kaya, kita n’yo, nang bautismuhan ni Juan si Jesus, ay sinasabi ng Biblia, “At – at nakita niya ang espiritu ng Diyos na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya.” Samakatuwid, kung nagkataong lobo iyon, o alin mang ibang hayop, hindi maaaring tumugma ang katangian ng kalapati sa katangian ng lobo. Hindi rin maaaring tumugma ang katangian ng kalapati sa alin mang iba pang hayop maliban sa kordero. At nagsama ang dalawang katangiang iyon isang kordero. Kita n’yo?

Ngayon, nakikita ninyo ang pagtatalaga? Isa itong kordero nang dumating doon. Kita n’yo? Kita n’yo, isa itong Kordero nang ito’y – nang dalhin ito isa itong Kordero. Isinilang itong isang Kordero. Pinalaki itong isang kordero. Kita n’yo? Samakatuwid, iyon lamang ang uri ng tunay na Espiritu na makatanggap sa Salita, na makatatanggap kay Cristo. Ang iba pa sa kanila ay sumusubok. Sinusubukan nila itong makuha at ilagay ang Espiritu ng Diyos sa isang lobo (Kita n’yo?), na galit, masama, at malupit. Hindi ito mananatili roon. Kaagad na lilipad ang Espiritu Santo. Hindi maaari.

Ano kaya kung dumapo ang kalapati, at sa halip na isang kordero ang naroroon, ay ibang hayop? Kaagad Itong lilipad at babalik. Kita n’yo? Ngunit nang masumpungan Nito ang katangian na maaari nitong pinangunahan ng Kalapati ang Kordero; at pansinin n’yo, pinangunahan Nito ang Kordero sa katayan. Ngayon, naging masunurin ang Kordero sa Kalapati. Kita n’yo? Saan man Ito pangunahan, handa Itong pumaroon.

Iniisip ko ngayon, kapag pinangunahan tayo ng Diyos sa i – isang buhay ng lubos na pagsuko at paglilingkod sa Kaniya, hindi kaya magkaminsan ay nagrerebelde ang ating espiritu, parang ganiyan ang ipinakikita natin: iniisip ko kung mga kordero nga ba tayo. Kita n’yo, kita n’yo? Ang isang kordero ay masunurin. Ang isang kordero ay handang magsakripisyo ng sarili nito; hin – hindi ito – hindi nito – inaangkin ng pagaari nito. Magagawa mo itong ihiga at gupitan ng balahibo (Iyong lang ang tanging pag-aari nito.), hin – hindi ito umiimik tungkol dito, sadyang inaalay ang lahatng nasa kaniya. Ganiyan ang kordero. Ibinibigay nito ang lahat sa – ibinibigay nito ang – ang sarili nito at lahat ng nasa kanya. At ganiyan ang tunay na Cristiano. Kung sila’y – sinasakripisyo nila ang kanilang mga sarili, hindi alintana ang sanlibutang ito, bagkus ibinibigay ang lahat ng nasa kanila sa Diyos. Kita n’yo?

At ngayon, ito ay isang sakdal na Kordero: si Cristo. At sa pamamagitan ng ibiubo ng korderong ito, ng natural na kordero sa Egipto, ang dugo ay naipahid. At nang maipahid nga ito, nagsilbi itong isang tanda. Kung gayon ano naman ang magiging kahulugan ng Dugo ng Korderong ito? Kita n’yo? Ang Tanda na tayo ay patay na sa ating mga sarili at napagkilala nang kasama ng ating Hain. Kita n’yo? Kung magkagayon ang Kordero at ang – at ang – ang Dugo at ang persona ay magkakasamang napagkilala: ang Hain at ang mananampalataya. Kita n’yo? Nakikilala ka sa iyong buhay sa pamamagitan ng iyong Hain. Kita 0n’yo? Iyan ang dahilan kaya kayo ganiyan.

At ang dugo ay tanda ng ating pagkakakilanlan. Ipinakikilala ng dugo na pinaslang ng ng sumasamba ang kordero, at tinanggap na ang kordero, at ipinahid na ang tanda sa kaniyang sarili, at hindi siya nahihiya. Hindi mahalaga sa kaniya kahit sino pa ang makakita rito. Nais niyang makita ito ng lahat. At inilagay ito sa isang posisyon, na makikita ng bawat dumaraan ang tandang iyon. Kita n’yo, maraming tao ang gustong maging Cristiano, at gus – gusto nilang gawin iyong nang palihim, nang sa gayon ay walang makaalam na sila ay mga Cristiano. O ang — ang mga kasamahan nila, ilan sa kanila ay magiisip, “ Buweno tingnan ninyo, nais kong maging Cristiano, ngunit ayaw kong malaman ni ganito-at-ganoon ang tungkol dito.” Kita n’yo? Buweno ngayon, hindi ganiyan ang pagiging Cristiano. Kailangang ilantad sa madla ng Cristianismo ang Tanda nito (Kita n’yo?), sa buhay publiko, sa opisina, sa kalsada, kapag nariyan ang problema, anuman, sa simbahan, sa lahat ng iba pang lugar. Ang Dugo ang tanda, at kailangang ipahid ang Tanda (Kita n’yo?), o kung hindi’y ma — maging ang tipan ay walang bisa. Ang dugo noon ay isang tanda, o isang pagkakakilanlan, ipinakikilalang ang taong ito ay natubos na.

Ngayon, aba’y pansinin ninyo, natubos na sila bago pa mangyari ang anuman. Ipinahid nila ang dugo sa pamamagitan ng pananampalataya. Kita n’yo? Bago pa talagang mangyari iyon, ang dugo ay naipahid na sa pamamagitan ng pananampalataya, sumasampalatayang mangyari nga iyon. Kita n’yo? Bago dumaan sa lupain ang galit ng Diyos, kailangan munang ipahid ang dugo. Huling-huli na matapos na bumagsak na ang galit. Ngayon, mayroon tayong aral diyan na sadyang magagawa nating, marahil at madadala natin sa inyong kaisipan, sumandali lamang. Tingnan ninyo: bago pa iyon naganap. Sapagkat darating ang oras na hindi na ninyo magagawang magpahid pa ng dugo.

Ang kordero ay pinatay noon sa oras ng gabi matapos na alagaan sa loob ng labing-apat na araw. At pinatay ang kordero, at ang dugo ay ipinahid sa oras ng gabi. Nakuha ba ninyo? Nagkaroon lang ng tanda nang gumabi na. At gabi na sa panahong kinabubuhayan natin. Oras na ito ng gabi pa — para sa iglesia. Oras na ito ng gabi para sa akin. Oras na ito ng gabi para sa aking mensahe. Mamamatay na ako; aalis na ako; lilisan na ako sa oras ng gabi ng Ebanghelyo.

At dumaan na tayo sa pag-aaring ganap at iba pa, ngunit ito na ang oras upang ipahid ang Tanda. Sinabi ko sa inyo nung nakaraang Linggo na mayroon akong nais sabihin sa inyo; ito na iyon. Ang oras kung kailan ay sadyang hindi na kayo maaaring maglaru-laro. Kailangan na itong gawin. Kung kailangan natin itong gawin, ngayon na dapat; sapagkat nakikita na natin na halos nahahandang dumaan ang galit sa lupain, at lahat ng wala sa silong ng Tanda ay mapapahamak. Ipinakilala ka na ng Dugo.

Basahin ang buong kuwento sa... Tanda.



Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman.

1 Juan 2:2



Kristiyano lakad serye.
Magpapatuloy sa susunod na pahina.
(Pagbibinyag sa Tubig.)


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Chapter 9
- The Third Pull

(PDF Ingles)

Bago...

Pagkatapos...

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)

Pearry Green personal
testimony.
(PDF Ingles)

Kasal at Diborsiyo.

(PDF)