Mga Sirang Balon.

<< nakaraang

susunod >>

  Buhay Salita serye.

Ang Bukal ng Tubig na Buhay.


William Branham.

Basahin ang account sa...
Mga Sirang Balon.

Nais kong mangusap sa gabing ito tungkol sa isang paksa sa loob lamang ng - ng maikling oras tungkol sa “Mga Sirang Balon,” Nakagawa ang Israel ng dalawang malaking kasamaan. Ang sabi ng Diyos ay lumayo na sila sa Kaniya, ang Bukal ng Buhay, at nagsigawa na sila sa ganang kanila ng ng mga balong pagkukunan nila ng maiinom. Ngayon, isang bagay iyan.., Kaya ko naisip ang tekstong ito, ay dahil maitutulad ito sa sinasabi ko kaninang umaga tungkol sa oras na kinabubuhayan natin patina sa adhikaing ipinaglalaban natin.

At nakatingin tayo sa Israel bilang halimbawa ng kung ano ang Diyos noon, kailangang manatili Siyang hindi nagbabago. At iisang bagay lang ang kinilala ng Diyos; iyon ay ang Kaniyang daang inilaan Niya para sa mga tao. At nang lumabas sila sa daang iyon ay winalang galang nila ang Diyos, at pinagdusa ng Diyos ang mga tao dahil lumayo sila sa bilin sa kanila ng Diyos. Kahit ano pa iyon. Binigyan pa nga Niya sila ng isang kautusan: “Huwag ninyong hihipuin, huwag ninyong hahawakan, huwag ninyong titikman,” sadyang A hindi dahil sa kasamaan ng paggawa uitu, kundi dahil sa kasamaan ng pagsuway sa iniuutos Niya, At may — sa tuwina ay hindi maaaring magkamon ng batas kung walang kapamsahan ang batas, sapagkat kung walang kaparusahan, kung gayon ay walang kuwenta ang naturang batas — malibang magkaroon iyon ng kaparusahan, ang batas.

Ngayon, makikita natin na ang ginawa nila sa araw na iyon ay tila maihahambing sa ginagawa natin sa araw na ito, sa ginagawa ng mga taong nasa iglesia. Ngayon ay mayroon tayong makikitang isang kakaibang bagay dito, Marahil ay naging kakaiba sa ibang mga tao nang sabihin Niya, “Kayo'y — nagsigawa na sila ng mga balon, mga sirang balon.” Ngayon, marahil ay hindi alam ng iba sa inyo kung ano ang balon, Ilan ba ang nakakaalam kung anu ang balon? Buweno, halos lahat pala kayo, Kung laki kayo sa bukid, alam ninyo kung ano ang balon. Naaalala ko na napakarami ko kasing nainom na mga insekto sa isa sa mga iyon ka — kaya a —— alam na alam ko kung ano ang balon. Nangaral ako sa isang lalawigan kung saan ika'y — sa isang brush arbor kung saan ay mayroong pitsel na puno ng tubig na gal ing sa balong nakaimbak doon na mula sa — sa ulan, alam n'yo, at medyo matagal na iyon, at — at ang mga insekto sa gabi ay mapupunta rito... kaya't alam ko kung anu ang tubig—balon.

Ang —- balon ay i— isang dako, isang bagay na hinukay sa lupa upang magsilbing isang balon. Kapag walang balong-bukal, gumagawa ang mgatao ng - ng balon. Sa ibang salita, ang balon ay isang tangkeng gawa ng tao o balong gawa ng tao na hinukay ng tao sa lupa upang masalo nito ang tubig u · upang magamit ito. Ginagamit ito ng iba upang ipanghugas, at ang iba naman ay ginagamit itong inumin, at marahil ay sa iba pang kaparaanan. Lahat ng tubig kung minsan na iniipon namin ay galing sa isang balon. Dati-rati ay mayroon ka pa ngang ginagamit na isang bagay na iikutin mo nang iikutin, iikutin nang iikurit, para maitaas mo ang tubig, may mga maliliit pa ngang timbang panalok ng tubig mula sa balon . Buweno, may mapapansin tayong isang bagay sa isang balon na kaiba sa balong—bukal. Ngayon, ang balon ay nababasyo. Hi —-hi — hindi kayang punuin ng isang balon ang sarili nito. Hi — hindi ito maaasahan. Hindi mo maaaring asahan ang isang balon. Kailangan itong umasa sa ulang bumuhuhos sa panahon ng tag-araw o sa tagginaw, anuman iyon, upang... Karaniwang sa panahon ng tagginaw kapag dumating ang niyebe at ulan, umaagos ang tubig patungo sa balon. At kung hindi nito masasagap ang tubig na iyon,kung gayon ay wa — wala kayong tubig kahit kaunti. Itoy — ito'y... natutuyo ito. At hindi nito magawang punuin ang sarili nito. Hindi kayang punuin ng lumang balon ang sarili nito; napupuno lang ito sa patak ng ulan.

-----
Sa loob lamang ng ilang araw, hayaan mong maimbak ang tubig na iyon doon, dudumi iyon. Imbakin mo nang matagal ang tubig sa balon at dudumi lyon, at nagkakaroon ng maraming palaka, at mga bubuli, at mga ahas, ar — ang tawag namin doon nung araw ay - “wiggletails,” mga maliliit na... Hindi ko alam kung... Hindi naman mga parasite ang mga iyon, iyon ay mga... ?... Hindi ko alam kung ano'ng tawag sa mga iyon, ngunit may mga maliliit na bagay na napupunta sa tubig na- na ang tawag namin ay wiggletails. Alam n'yo kung ano'ng tinutukoy ko.Ilan ba ang nakakaalam kung anong sinasabi ko? Oh, aba siyanga, sa lahat ng mga probinsiyano. Napupuno iyon ng karumihan, at ito namang mga maibigin sa karumihan ay sumasama roon. Sadyang napupunta iyon doon dahil nga hindi umaagos ang tubig na iyon. At dahil maruming tubig iyon, inaakit nito ang mga hayop na iyon na gustunggustong tumigil sa mga tubig na hindi umaagos.

Malaki ang hawig niyan sa mga iglesia natin ngayon. Sa palagay ko ay iniwan na natin... Isa sa mga malaking pagkakasalang nagawa ng iglesia sa araw na ito, gaya ng pagkakasala ng Israel noon, iniwan Siya nito, ang Bukal ng Tubig na buhay, at nagsigawa ng ganang kanila ng mga balong gawa ng tao. At nagmistula itong tirahan ng lahat ng bagay na maibigin sa gayong uri ng tubig. Mga bubuli, mga palaka, at lahat ng uri ng maruruming mikrobyo ang nakatira dito, dahil ito'y isang tangkeng ginawa ng tao; at sa loob ng tangkong ito ay nananatili ang mga bagay na ito. Isa itong napakagandang halimbawa ng denominasyon natin sa araw na ito. Ngayon,“ sasabihin mo, ”Brother Branham, bakit matindi ang ginagawa mong paghampas sa mga taong iyon?“ Dapat lang kasing hampasin. Takasan ninyo iyan, dahil sa bandang huli ay iyan ang bubuo sa tatak ng hayop; iyan ang hahantungan ng denominasyon. Patungo na ito ngayon doon upang ipilit sa pamamagitan ng lakas... Tingnan n'yo, sa matandang emperyo ng Roma iyan ang umakay sa kanila sa tatak ng apostasya. Natuklasan ninyo na walang taong makabibili at makapagbibili kung wala siyang tatak ng hayop. Kailangang mayroon siya nito.

-----
Iniiwan nila ang balong-bukal kapalit ng isang sistema o balong gawa ng tao, maiisip mo ba namang rnagagawa iyan ng tao? Maiisip ba ninyo ang kalagayang pangkaisipan ng isang taong maaari namang uminom mula sa balong-bukal, ay iiwan niya iyon kapalit ng isang gawang-taong balon na may mga palaka, at mga bubuli, at mga kiti-kiti, at lahat ng iba pa sa loob nito? Ni hindi nga itu maituturing na tamang pangangatwiran, ngunit iyan na nga ang ginawa ng mga tao. Iniwan na nila ang Salita, ang tunay na Bukal ng sibol at kapangarihan ng Diyos upang sa balon sila magsiinom at magsigawa sila ng mga balon. Gaya rin ito ng ginawa nila noon, ginawa na rin nila ito ngayon. Sasabihin nila . . . Ang sabi Niya, “Iniwan na nila Ako rito.” Ang sabi Niya rito sa Jeremias 2 at 14 — o 13, pala. Ang sabi Niya, “Iniwan na nila Ako, ang Bukal ng Tubig na Buhay.”

Ngayon, nakikita na natin kung ano ang balon. Nakikita na natin kung ano ang nasasahod nito. Nakikita na natin kung paano itong ginagawa. Isang bagay ito na gawa ng tao na galing sa maruming bubungan. Ang tubig na pumapatak at bumubuhos sa mamming bubungan, at hinuhugasan nito ang bubungan, umaagos ito sa isang gawang-taong alulod, sa isang gawang-taong daluyan ng tubig, tungo sa isang tangkeng gawa ng tao. At lahat ng karumihan ay doon naiipon, at ang — ang mga mikrobyo, at ang mga bubuli, at mga palaka, at mga bagay- bagay sa lupa, gustung- gu sto nila ito. At pansinin ninyo, ang mga iyon ay maruruming hayop, mga kiti-kiti, nakaimbak. Hindi naninirahan ang kiti-kiti sa malinaw na tubig. Kung gagawin nito ito, mamamatay ito. Kailangang pumaroon siya sa tubig na nakaimbak.

At ganiyan ang nangyayari ngayon sa napakaraming parasite ngayon. Hindi n'yo magawang manirahan sa sariwang tubig ng Espiritu Santo. Iyan ang dahilan kung bakit laban na laban sila sa Salita, at sinasabi nilang sinasalungat Nito ang Sarili Nito; wala umano itong kuwenta, Kailangan kasi nilang magkaroon ng tubig na naimbak sa tangke upang doon sila magsilangoy. Tama. Ganiyan din ang nangyayari sa mga palaka, at sa mga bubuli, at sa mga butete, at sa mga katulad nito. Kailangan nilang magpunta sa Iatian o sa tubig na naimbak sa tangke para ito mabuhay, sapagkat likas sa kanila ang doon tumira. At hindi mo mababago ang hayop hangga't hindi mo nababago ang kalikasan nito. At hindi mo magagawang ipakita sa isang tao ang Salita ng Diyos hangga't hindi nababago ang kalikasan niya. At kapag nabago na ang kaniyang kalikasan mula sa dati niyang pagkatao at naging isa na siyang anak ng Diyos at pumasok sa kaniya ang Espiritu Santu... Ang Espiritu Santo ang sumulat sa Salita ng Diyos.

-----
Ang reklamo Niya ay, “Iniwan na nila Ako, ang Salita, at tumanggap na sila ng sirang balon bilang kapalit. Tumanggap... lniwan na nila Ako, ang Bukal ng Tubig na buhay, at ang nasa nila at mas gusto pa nilang uminom sa balon ng tubig na hindi umaagos.” Maiisip ba ninyo iyan? Maiisip ba ninyo na may tao, na naririto naman ang balong-bukal na nagpapalabas ng mainam na tubig na galing sa bato, mula sa pinaka-pusod ng batuhan, doon sa ilalim sa mga buhanginan, at iba pa, napakalamig at napakainam na tubig, at mas mamabutihin pa nilang uminom sa isang balon kung saan ay umagus ang tubig na galing sa ibabaw ng kamaligan, sa mga bubungan, at sa lahat ng mga gusaling panglabas sa palibot ng lugar na iyon, at aagos ang tubig na iyon papasok ng balong iyon kung saan napupunta ang tubig-bahang nalikha sa kamaligan, mula sa mga kulungan ng hayop, sa mga kuwadra, at lahat at napupuntang lahat iyon sa balon, at pagkatapos ay nais nating — mas gusto pa nating doon uminom kaysa sa balong-bukal? Lalabas na may diprensiya ang pag-iisip ng taong iyun. Tama.

At kapag ang isang lalaki o babae, kung mas mamabutihin niyang tanggapin ang kaniyang denominasyon sa kanilang tinatayuan, na pumapawg sa pagpuputol ng buhok, pagsusuot ng syorts, pagme-meykap, lahat. ng iba pang bagay, at ang kung anung uri ng — ng programa, at lahat ng mga kalokohang ito, at maaari si lang pumunta sa mga bolingan, at·— at lahat ng mga walang saysay na mga gawain doon sa labas, at natitiis nila iyon, at ang mga bagay na ganoon kaysa sa makalumang Salita ng Diyos na nananagpas, at nang-uukit, at ginagawang kagalang-galang ang mga kababaihan at sila'y— pinagdadamit sila ng tama at pinakikilos sila ng tama, tinatanggal ang sigarilyo at tabako at ang panunumpa at pagmumura mula sa inyo, sampo ng lahat ng sanlibutan sa inyo at bibigyan kayo ng isang bagay na makapagbibigay sa inyo ng sakdal na kasiyahan? Bakit nagagawa ng isang lalaki o babae ang magtungo sa isang bagay na gaya niyan para lang siya maaliw? Paano kayong makakakuha ng kaaliwan sa bagay na iyan?

-----
Ang mga tao sa mga huling araw na ito, iniwan na nila Siya, ang tunay na Salita, ang Tubig ng Buhay, at nagsipaghukay na sila sa ganang sarili nila ng mga makadenominasyong balon. At muli, nagsiukit sila, nagsipaghu-, kay... At ngayon, makikita nating nagkaroon na sila ng mga sirang balon. At ang balong ito ay punung-puno ng mga mikrobyong hindi sumasampalataya, hindi nagsisisampalataya, nagrnamalaki, mga programang pang edukasyon at iba pa, na salungat sa mga pangako ng Diyos. Mga mapag alinlangan sila sa Salita.

Ngayon, ang mga balong ito na ginawa nila, ang sabi ng Biblia ay mga sira. Ang sirang balon ay balong may tagas, at tumatagas ang tubig nito. Ano ang ginagawa nito? Tumatagas ang tubig nito patungo sa isang makarelihiyong imbakan ng dumi na ang tawag ay Pandaigdigaug Konseho ng mga Iglesia. At doon sila inaakay ng mga sirang balon. Dahil lang iniwan na nila Siya at- ang Bukal ng Tubig na buhay, at nagsigawa sila ng mga balon. Nagsisipaghukay sila ng naglalakihang sistema ng seminaryong paaralan, edukasyon at iba pa, iyan ang mga uri ng balong hinuhukay nila ngayon, na kailangan umanong magkaroon ng isang tao ng Ph.D. o ng LL.D. o ng Bachelor of Art, o ng isang titulo bago siya makapangaral. Mga balong pinuno ng gawangtaong teolohiya, dinadala niya sila sa mga naglalakihang paaralan, at doon nila itinuturuk sa kanila ang kanilang pansariling gawangtaong tolohiya, at saka nila siya isusugong iyon ang dala-dala. Anong araw ito na kinabubuhayan natin. Mga balong ginawa ng tao! Walang bagabag ang... Kaya pala namaho na nang husto ang bagay na ito. Ay, naku. Ito'y dahil doon nag sisiinom ang mga tao.

At kung gusto ng mga tao ng kagalakan ngayon, ano'ng ginagawa nila? Ang mga tao, sa halip na tanggapin ang galak ng Panginoon, gagawa na lang sila ng kasalanan para sila magalak. Mga taong nagsisimba at nagsasabing mga lingkod sila ni Cristo, kapag nininerbiyos sila, magsisindi sila ng sigarilyo. At kapag sila'y —kapag gusto nilang mag—magpakasaya, isusuot nila ang mga imoral nilang damit at saka sila lalabas upang magputol ng damo kung kailan may nagdaraang mga lalaki nang sa gano'n ay mapasipol nila sila. Gagawin nilang lahat sumikat lang. Nais nilang gayahin ang ayos ng mga artista sa pelikula. lyan ang kaligayahan nila samantalang ang sabi ni Jesus, “Ako ang kanilang kasapatan.” Kaya sila nagsisipunta doon ay dahil ayaw nilang uminom sa Bukal na iyon. Tinanggihan na nila Ito. Ayaw nilang uminom Dito. Sumasali sila sa kung anong sistemang gawa ng tao, isang uri ng balong punung-puno ng lahat ng uri ng naimbak na mga bagay na maaari nilang puntahang gaya niyan.

-----
Ngayon sa aking pagtatapos ay maaari kong sabihin ito: Anumang bagay na iba kaysa rito ay mga sirang balon at sa huli ay tatagas lang ang anumang isalin mo rito. Kung inilalagay ninyong lahat ng pagasa ninyo, lahat ng panahon ninyo, at lahat ng bagay sa isa sa mga maruruming balong iyon... Sinabi ni Jesus na sira ang mga balong iyon. Sinabi ng Diyos na sira ang mga iyon, at tatagas lang ang anumang isalin mo sa mga iyon. Hindi na kayo makasusulong gawa ng mga ito, dahil tataagas lang ang mga ito. Sapagkat Siya lamang ang tanging Daan tungo sa Katotohanan, sa Buhay, at sa walang hanggang kagalakan at walang hanggang kapayapaan. Siya lamang ang nagiisa at tanging Daan patungo roon. Ay, naku, Ang hindi natutuyuang Bukal ng Buhay ay si Jesus Cristo. Bakit? At sino ba Siya? Ang Salita, hindi nagbabago; ang Salita, ang Buhay, ang Bukal, siya ring kahapon, ngayon, at magpakailan man. Ang tunay na mananampalataya, ito ang kaniyang sukdulang kagalakan, ang kaniyang sukdulang buhay, at ang kaniyang sukdulang kasiyahan ay nakay Cristo. Wala nang pambobomba, wala nang pamimilit, wala nang pagsapi, wala nang pamimiyansa, tanging paniniwala lamang at pamamahinga. Ganiyan Siya sa taong sumasampalataya.

Basahin ang account sa...
Mga Sirang Balon.


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Mangagtaka kayo, ah kayong mga langit sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon.

Sapagkat ang bayan ko ay nagkamit ng dalawang kasamaan; kanilang iniwan ako na bukal ng buhay na tubig at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon ng mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig.

Jeremias 2:12-13


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Tubig sa bato.

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel,...

(PDF)


Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.