Kabalintunaan.
<< nakaraang
susunod >>
Katubusan - ‘mula sa’ at ‘papasok.’
William Branham.Basahin ang account sa...
Kabalintunaan.Ngayon ang paksa ngayong hapon: Kabalintunaan.
Ngayon, ang salitang kabalintunaan, habang ako lamang ay nagsasaliksik at maging sigurado na ako ay tama, ibig sabihin ay ang mga salitang kabalintunaan, ayon sa Webster, na ito ay “isang bagay na hindi kapani-paniwala, ngunit ito ay totoo.” Ngayon, alam mo, narinig natin ang mga lumang sinasabi, na — na, “Ang katotohanan ay mas” (ano ang tawagg nila dun?) “mas kakaiba kaysa sa kathang-isip,” ang katotohanan ay. Dahil, kapag ang isang tao ay nagsasabi ng katotohanan, kung minsan ito ay lubhang kakaiba.-----
Josue rito ay isang Aklat, sa totoo lang, ito ay isang aklat ng katubusan, ng Lumang Tipan. Josue, kailangan nating isaalang-alang ang mga ito ay na, ang Aklat ng katubusan. Dahil, ito ay, ang katubusan ay may dalawang bahagi. Pagtubos, kahit saan, ay may dalawang bahagi. Ibig sabihin, ito ay “mula sa” at “papasok.” Ito ay nangangailangan ng dalawang bahagi para makalikha ng katubusan, “mula sa,” “papasok.”
Si Moises ay kumakatawan sa mga batas na ito ang nagdala sa kanila mula sa Egipto, at, samantalang, si Josue ay kumakatawan sa biyaya na naghatid sa kanila sa lupang pangako. Isa pang paraan, ay, ang — ang kautusan at biyaya ay dalawang magkaibang aspeto ng utos ng Diyos. Ngayon, ang batas na nagdala sa kanila palabas, Moises, at Josue ay pinapasok sila.
Ito rin ay kumakatawan ng isang bagay sa atin kapanahunan. Ngayong kinakatawan nito, habang sila ay nasa paglalakbay, nagmumula — mula sa Egipto tungo sa isang lupang pangako, kaya kami dumating mula sa isang mundo ng Ehipto, kaguluhan, sa ating daan patungo sa isang lupang pangako. “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung hindi gayon, sinabi ko sana sa iyo,” si Juan 14. Darating “mula sa,” patungo “papasok sa.”Ito ang batas na naghahatid sa atin upang makilala na tayo ay mali, subalit itong biyaya ang nagpapatawad sa atin. Ang batas ay walang pag-asa ng — ng katubusan, dahil na... at para makumpleto ito. Ito ay walang biyaya kalakip dito, dahil batas nagtuturo lamang na ikaw ay makasalanan, ngunit ang biyaya ay nagsasabi sa iyo kung paano makalabas mula rito. Batas ay ang pulis na naglagay sa iyo sa kulungan, ngunit ang pagtubos ay may isang dumating para bayaran ang iyong multa; at “mula sa,”at “papasok”, papasok “sa,” sa biyaya.
Sa Efeso Ngayon, matatagpuan natin ang parehong bagay na ito, ang Lumang Tipan, palagay ko akma itong aklat ng Josue. Isang akmang salita para sa mga ito, magiging, ang Aklat ng Efeso sa Lumang Tipan. Ang Aklat ng Efeso sa Lumang Tipan, magiging mabuting pamagat ito sa aklat ng Josue, dahil ito ay tiyak na angkop dito.
Ngayon makikita natin si Josue na kumakatawan sa biyaya, o ilang Pangpalubag-loob, na ito ay hindi mabubuhay na sabay sa batas ng buhay. Ni anumang mensahe, na isulong ang mga tao sa, kailanman nag-tutugma sa nakaraang mensahe. Hindi nito gagawin ito. Kaya dun ka may problema ngayon. Sinabi ni Jesus, “Meron bang sinuman tao dalhin isang — isang bagong piraso ng damit at inilagay ito sa isang lumang? O ilagay ang bagong alak sa mga lumang botelya? Sila ay mapapahamak. Ito ay masisisabog upang sila ay bumukas.” Hindi nila matiis ito. At si Josue ay hindi ganap na gampanan ang lahat ng paglilingkod hanggang pagkatapos ng pagpanaw ni Moises. Kaya masdan mo ang pinakaunang talatang narito, “ni Moises na aking lingkod ay patay na; Ngayon magbangon ka at dalhin ang mga tao ito sa lupang pangako.” Si Moises, na kumakatawan sa batas, ay naglingkod sa panahon nito. Ito ay, ang batas ay nagsilbi sa oras nito
Nagsimula silang lumabas, siyanga, sa pamamagitan ng biyaya, upang magsimula sa. Bago sila ay magkaroon batas, nagkaroon muna sila ng biyaya. Habang sila ay nasa Egipto, nang walang batas; walang sinuman ang naroon, ang mga saserdote lamang, at iba pa, ngunit walang anumang mga batas na meron sila. Ang batas ay hindi pa ipinagkaloob. Ang biyaya ay nagbigay sa kanila ng isang propeta. At, din, naglaan ng biyaya ng Pagbabayad-sala, ang mga korderong iaalay. Kami ay papaloob na sa linggong ito, sa sakripisyo, ang dugo, dahil sa nandun nakalatag ang inyong kagalingan. Marami pang iba... Ang Pagbabayad-sala ay ibinigay bago nagkaroon ng anumang batas. Biyaya ay bago magkaroon ng batas, sa batas, at pagkatapos ng batas.
Kaya nagkaroon ng Josue, na kumakatawan sa mga biyaya, ay kasama ang batas, ngunit maaaring hindi ipinapatupad hangga 't ang batas ay sa tamang lugar nito. At sa gayon ay ang mundo ng Iglesia sa mga huling araw na ito! Ito ay sumabay sa pagdating, ginampanan nito ang kanyang bahagi, ngunit darating ang oras na kung saan ito ay titigil. Ito ay dapat gawin ito. Meron dapat na mga Taga Efeso, rin, ng paglalakbay na ito, tulad ng nagkaroon ng iba pang mga paglalakbay. Doon ay may darating na mga taga- Efeso, ng Efeso, isang taga-Efeso ng paglalakbay na ito. Masdan. Kung saan ang batas ay hindi kailanman makapagililigtas ng makasalanan, tulad ng tinuro ko. Hindi ito puwede. Samakatuwid ang lupang pangako ay kumakatawan sa araw ng biyaya. Tingnan, hindi niya maaaring dalhin ang mga ito, sa paglalakbay na iyon.
At kung napansin mo, sa paglalakbay na iyon, sila ay may tatlong yugto ng kanilang paglalakbay. Una ay ang paghahanda sa pamamagitan ng pananampalataya, lugar sa Egipto, sa ilalim ng korderong iaalay. Pagkatapos sila ay tumawid sa pulang dagat, sa mga — ilang, isang paghihiwalay, na kumakatawan sa isa pang yugto ng paglalakbay.
Dahil, sa ilalim ng paghahanda, nang silang lahat ay nagig handa, pagkatapos ay nakarating sila sa ang — sa Pulang Dagat, muling nagkaroon ng kabiguan. Ang tao ay hindi nanampalataya, matapos makita ang maraming bagay na ginawa ng Diyos. Sila ay nanatiling hindi nanampalataya. At Diyos binuksan ang dagat na pula at kinuha ang mga ito, na itinuturo sa atin na ang lahat ng tao ay nabautismuhan ni Moises, sa ilalim ng ulap at sa dagat.
Ngayon, sila ay nabautismuhan, nagsisi at nabautismuhan, at lumabas na lumakad sa isang bagong buhay, sa isang bagong lupain, sa isang panibagong paglalakbay, sa gitna ng bagong mga tao, at ang mga kamay ng Diyos ay sumasakanila. Subalit sa wakas nakarating ito sa isang lugar, sa lakad na ito na taglay nila, na sila ay hindi nasiyahan sa kanilang lakad ng biyaya. Kailangan nilang makarating sa isang bagay na kaya nilang gawin sa kanilang sarili. Ngayon iyan kung saan iniisip ng tao, ngayon, sa banal na pagpapagaling, o ilang anumang iba pang gawain ng biyaya, ng Diyos, na mayroong isang bagay na kailangan mong gawin. Ikaw, wala kang gagawin kungdi namampalataya, manampalataya lang sa Diyos.
At, sila, kung sila ay patuloy sa! Ang pangako ay hindi ibinigay sa kanila sa ilalim ng batas. Ang pangako ay ibinigay bago ang batas, nang walang anumang kondisyon nito, “Kayo 'y binigyan ko ng lupaing ito, pumunta ka sa loob nito!” Ngunit bago nila marating ang pangakong iyon, nagpasiya silang nagkaroon ng isang bagay na kailangan nilang gawin sa kanilang sarili. At, na, makikita pa rin natin sa mga tao. Tayo ay malamang maging ganun, “Mayroong isang bagay na kailangan nating gawin.” Nadarama natin na, na kailangan natin din ay may isang bagay sa mga ito. Mayroon kang isang bagay na ito, na iyong pagsuko ng iyong sariling kalooban, sariling mga ideya, sa kalooban at ideya ng Pinakamakapangyarihang Diyos, at ito ay natapos na. Iyon lang ang mayroon. Kunin mo lang ang kanyang mga pangako, huwag mag-isip ng iba pa. Lakaran mo ito, at ang Diyos ang gagawa ng iba pa nito.
Pagkatapos ay gusto nilang isang batas. At Diyos ay palaging nagbibigay ng hangarin ng iyong puso; Ipinangako Niya sa. Ngunit nalamin natin, kapag ibinaling nila ang isang hakbang mula sa panig ng Diyos orihinal ipinangako sa kanila, pagkatapos na ay isang tinik sa laman hanggang sa ang batas ay inalis, hanggang sa dumating si Cristo at napako sa krus upang alisin ang batas. Ito ay isang tinik sa laman.
At anumang bagay na sinisikap ninyong gawin sa kalooban ninyo, ito ay palagi nagtatrabaho para sa inyong kasiraang-puri. Ito ay magtatrabaho sa iyong kawalan. Manampalataya ka lang sa Diyos, at ayos na ito. Anuman ang ipinangako ng Diyos, “Ako ang Panginoon mong Dios na nagpapagaling sa lahat ng iyong mga sakit.” Tingnan? “Kung mayroong sinuman sa inyo, may sakit, hayaan nilang tawagan ang mga matanda sa iglesia.” Ipinangako Niya, “Ang gawa na Kanyang ginawa, ay gagawin sa Kanyang iglesia.”
Bakit kailangan nating tanggapin ang mga organisasyon, at iba pa, isusulat niyan na wala sa Aklat? Tingnan, ito — ito ay magiging isang tinik sa laman. At dito sa huling kapanahunan, makakasalamuha natin ang bagay muli, mukhaan, ito ay nasa sa mga Methodist, Baptist, Presbyterian, at anu pa ba, tingnan. Ikaw, hindi ka makapagpatuloy; ikaw ay kinakailangan na bumalik sa kabuan ng Ebanghelyo. Ito ay ginawa para sa pagpuno sa tao, ng isang ganap na Diyos Siya ay nagkatawang-tao at tumahan sa gitna natin. At alam natin na ang mga bagay na ito ay totoo.
Ngayon kung mapapansin natin, pagkatapos, kanilang paglalakbay sa ilang ay kung saan nakuha nila ang kanilang pinakamalaking pagkakamali na ginawa ng Israel, hanggang sa Kalbaryo, nang (sa ang Exodo 19) tinanggap nila ang batas sa halip na biyaya. Nagkaroon sila ng biyaya. Nagkaroon sila ng isang propeta. Mayroon sila — sila ay may isang korderong iaalay. Sila ay nagkaroon ng katubusan. Sila ay dinala sa pamamagitan ng Red Sea. Pinagaling sila ng kanilang mga sakit. Nagkaroon sila ng tubig mula sa isang hinampas na bato. Mayroon sila — sila ay meron manna mula sa Langit. Lahat ng bagay na kanilang kinakailangan ay ibinigay sa kanila , at pa gayun pa din kinailangan ng bagay na iba pa.
Ngayon ay isang ganap na tipo ng ating mga Taga Efeso ngayon, eksakto. Lumabas kami sa ilalim ni Luther; nagpunta kami sa pamamagitan ng pagpapakabanal, sa ilalim ng Methodist; at dumating sa Panunumbalik, sa ilalim ng Pentecostes. Eksaktong katulad nito, ang paglalakbay sa ilang. At nang ilabas tayo ng Diyos, napakahusay ng ginawa natin. Pero ano ang ginawa natin? Gustong maging tulad ng iba pa sa kanila. Ngayon nalamannatin na ang biyaya ay ang tanging bagay na magdadala sa atin paroon, hindi kaylanman ang batas.
Josue dito ay isang tipo ng huling araw na ministerio. Tingnan? Ngayon tandaan ang mga tatlong yugto ng paglalakbay. Tumigil ang lahat ng ito, una ang batas at lahat ng bagay ay kinailangang tumigil, kaya yan si Josue... At si Josue ay parehong salita kagay ni Hesus “Jehovah-manliligtas,” na kinuha si kanila mula sa ilang patungo sa lupang ipangako. Ngayon alam ko na maraming pagkakahawak...
At ayoko na hindi sumang-ayon sa mga iskolar, ngunit maraming nanghahawakan na ang lupang pangako ay kumakatawan sa Langit. Ito ay hindi kumakatawan sa Langit. Ito ay hindi, dahil may mga digmaan, at mga kaguluhan, at kabiguan, at lahat ng bagay, sa lupang pangako. Hindi ito kumakatawan sa lupang pangako.Pero pansinin mo, bago sila pumasok sa lupang pangako, lahat ng mga — ang pagkakaiba na — na nagkaroon ng pagbangon sa kalagitnaan nila. Nila... Isa sa mga dakilang mga bagay ay si Korah. Ayaw niya ng solo na pamunuan. Dathan, at paano sila nakarating sa harapan ni Moises at sinikap sabihin sa kanya na “ang — ang mensahe kailangan na mangahulugan nito,” at maglagay ng ibang interpretasyon para rito, ang kanilang sariling mga ideya ng kung ano iyon. At bawat isa sa kanila ay naglaho! Bawat isa!
Sinabi ni Jesus, “Dun walang ni isa man sa kanila kungdi ano naglaho.”
Sabi nila, “Aming mga ama ay kumain ng manna sa ilang, sa loob ng apatnapung taon,” Santo Juan ika- 6.
Sinabi ni Jesus, “At sila bawat isa ay namatay.”
Ang kamatayan ay nangangahulugan “Walang hanggang pagkawalay.” Sila lahat ay nangamatay, gayon ma 'y nagalak sila pakikinig sa mensahe, sa isang banda sila ay nagalak sa manna na nahulog. Hindi isa pang mana; ang tunay na mana!-----
Ngayon itinuturo sa amin, sa Pahayag sa ika-6 na kabanata, naniniwala ako, oo, ika-6 na kabanata, ng pitong mga tatak. Dapat na... Ang Aklat na tinatakan ng pitong mga hiwaga, o Pitong mga Tatak, Ika-6 ng Apocalipsis. At sa huling araw, Apocalipsis 10, sa Apocalipsis 10, napag-alaman natin kung na sa Laodicea, huling sugo sa huling kapanahunan, at sa panahon ng kanyang mga hula, na binuksan ang pitong mga tatak, ang pitong mga hiwaga, pitong lupi ng mga hiwaga na naiwanan.Sa bawat kapanahunan ay may ilan sa mga Ito ay naiwan. Ang repormador ay walang oras para pangalagaan ito. Noong panahon ni Luther, ipinangaral lamang niya ang pag-aaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. Wala na siya, sila ay gumawa ng isang iglesia. Matapos ay dumating si Wesley, ipinangaral niya ang kabanalan. Naroon ito. At kasama ang mga Pentecostal.
Ngunit tayo ay pinangakuan, ayon sa Apocalipsis kapitolo 10, at ayon sa Malakias 4, at Lucas 22:17, at iba pa, na doon ay may isang kailangan maparito — isang Efeso dito. May ipinangako ito, kaibigan. Kailangang dumating ang mga Taga Efeso, na tiong mga pitong lupi ng hiwaga ng salita ng Diyos ay mabuksan. At ito ay sa mga kapanahunan ngLaodicean na ito ay mangyayari. Naniniwala ako na tayo ay — tayo ay naroroon.
Naniniwala ako na tayo ay nasa anino ng Pagdating ng Anak ng Diyos. At habang si Josue, bago pa lamang itaguyod ang Efeso, kaya si Juan ang Bautista ay pinalitaw bago pa man ang sumunod na Efeso. At tayo ay pinangakuan ng isa pang, isa pang mga Taga Efeso. Ito ay hinulaang dito sa Banal Kasulatan, kung kaya't sa palagay ko ay muli tayong nabubuhay sa Efeso. Bumalik muli sa... Pinangakuan tayo na kung ano ang iniwan sa panahon ng pitong kapanahunan.
Ngayon, hindi ka maaaring magdagdag sa Aklat, o magbawas mula rito. Apocalipsis 22:18 sabi ni ganito, “Kung sinoman, ay magdagdag ng isang salita, o magbawas ng isang salita, ang kanyang bahagi ay aalisin mula sa Aklat ng buhay.” Ngayon tayo ay hindi pwede magdagdag o magbawas. Kaya samakatuwid nalalaman natin si Luther ay hindi maabot Ito ; Wesley, at iba pa, mga repormador, Knox, Finney, Calvin, mula sa, iba pa, hindi nila ito makuhang lahat, ngunit ang mayroon sila ay ang Katotohanan ng Ebanghelyo.
Pero ngayon sa mga huling araw na ito, binigyan tayo ng pang-unawa, sa pamamagitan ng salita, na kami ay darating sa pagkaunawa nito, dahil ito dumating ang kapanahunan ng Taga-Efeso. At Narito na tayo! Ngayon, kabalintunaan! Iiwan ko ng nakabitin iyon, dahil ako ay mayroon pang sampung or higit pang minuto at tayo ay magkakaroon ng linya ng panalangin. Kabalintunaan!
Basahin ang account sa... Kabalintunaan.