Isang pangitain ng Impiyerno.
<< nakaraang
susunod >>
Mga Kaluluwang nasa Bilangguan Ngayon.
William Branham.Basahin ang account sa...
Mga Kaluluwang nasa Bilangguan Ngayon.Pagkatapos ay nangaso ako minsan, na tila baga ito'y ikalawang kalikasan ko na, ang mahilig sa pangangaso. At kasama kong nangaso ang isang kabataang lalaki, si Jim Poole, isang kaibig-ibig na bata. Palagay ko'y sumisimba rito ang anak niyang lalaki, ang munting si Jim, at napakainam na pamilya nito. Kilala ko ang mga Poole. Kami ni Jimmy ay magkasamang natulog, at namahay mula pa noong maliliit na bata kami sa eskuwela. Anim na buwan ang pagitan narnin sa edad. At napaputok ni Jimmy ang baril niya, at tinamaan ang dalawang binti ko, malapit na malapit siya sa akin, ng shotgun. Itinakbo ako sa ospital, at doon, nakahiga ako roon, naghihingalo, wala pang penicillin o anuman nung araw. At, ngayon, may gomang sapin silang pinahigan sa akin, at alam kong sa gabing iyon... Ooperahan nila ako kinaumagahan. Basta na lamang nila nilinisan ang sugat, at malalaking piraso ng laman ang sumabog, at kumuha sila ng gunting at pinaggugupit iyon, at kinailangan kong kapitan ang kamay ng isang lalaki... kalasin ang aking mga kamay sa mahigpit na pagkakakapit sa kaniyang mga bisig, nang-nang matapos sila. Nagsisigaw ako at nag-iiyak, at mahigpit na kumapit na pagano'n, habang ginugupit nila ang bahaging iyon ng aking binti. Katorse anyos ako noon, bata pa.
At kinagabihan, sinikap kong matulog at sila'y... Nagising ako at may kung anong tumilamsik. At may dugo, halos kalahating galon, sa wari ko, ang lumabas mula sa aking mga ugat. At kanilang ... ineksrey nila ako, at sabi nila masyado raw malapit ang tama ko sa malaking ugat, sa magkabilang panig, na kaunting gasgas lang ay sapat na upang maputol ito sa dalawa, at magpapasimula itong dumugo. “Buweno,” sa loob-loob ko, “ito na ang katapusan ko.” At itinaas ko nang paganito ang mga kamay ko, at umagos ang dugo sa aking mga kamay, sarili ko palang dugo ang hinihigan ko. Tumawag ako, pinatunog ko ang kampanilya. Dumating ang nars, at sinapnan lang niya iyon ng tuwalya dahil wala na silang magawa.
At kinabukasan, sa ilalim ng nakapanghihinang kalagayang iyon, hindi sila nagsasalin ng dugo nang mga panahong iyon, alam n' yo, kaya't sila' yinoperahan nila ako. At binigyan nila ako ng ether. At nang ako'y... Ang ether noong araw, sa palagay ko'y naaalala n'yo pa, iyon ang dating pampamanhid. At sa ilalim ng bisa ng ether, nang ako'y magkamalay lumabas ako sa bisa ng ether pagkaraan ng walong oral. Kinailangan nila akong bigyan ng napakarami nito, inakala nilang hindi ko-hindi na ako magigising pa. Hindi nila ako magising.
-----Nang magkamalay ako mula sa bisa ng ether na iyon, may nangyari sa akin doon. Ang paniwala ko noon pa man ay isa iyong pangitain. 'Pagkat, napakahina ko, at ako'y... Inakala nilang mamamatay na ako. Umiiyak siya. Nang imulat ko ang aking mga mata, naririnig ko siyang nagsasalita, at muli akong makakatulog, at gigising, dalawa o tatlong beses. At nang magkagayon ay nakakita ako ng isang pangitain. At pagkatapos ay nagkaroon ako ng... Makalipas ang pitong buwan, kinailangan kong pumaroon upang ipaalis ang mga piraso ng bala ng shotgun at maruruming damit pangangaso mula sa aking mga binti; hindi nakuhang lahat ng duktor. Kaya't nalason ang dugo ko, ang dalawang binti ko'y namaga at nadoble ang laki, at nais nilang putulin ang dalawang binti ko hanggang sa aking balakang. At ako'y talagang... ang sabi ko, “Hindi, itaas n'yo lang ng kaunti at putulin n'yo sa gawing ito.” Hindi ko na talaga matiis iyon, n'yo. Kaya sa kahulihan, sina Duktor Reader at Duktor Pirtle, na taga Louisville, ang nagsagawa ng operasyon, at hiniwa nila iyon at inalis iyon; at ngayon, malalakas ang aking mga binti, sa biyaya ng Diyos.
Ngayon sa pagkakataong ito, nang dumating ang pangitaing ito, at inakala kong y-lumipat na ako mula sa buhay tungo sa pagpapahirap. At makaraan ang pitong buwan, dito sa Clark County Memorial Hospital, nagpaopera ako sa ikalawang pagkakataon. At sa pagkakataong iyon, nang magkamalay ako, ang akala ko'y nakatayo ako sa Kanluran. May dumating na isa pang pangitain. At may isang napakalaking ginintuang krus sa langit, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumisinag mula sa krus na iyon. At tumayo akong nakaunat ang mga kamay kong paganito, at ang Kaluwalhatiang iyon ay sumisinag sa aking dibdib. At ako'y... Nilisan ako ng pangitain. Nakaupo roon ang ama ko at nakatingin sa akin, nang dumating ang pangitain.
Noon pa ma' y dama ko, na kayo... Lahat ng mga taong nakakilala sa akin sa lahat ng mga taong ito, ay nakababatid na noon pa ma'y nais ko nang magtungo sa Kanluran. Alam n'yo kung paano ito. Lagi nang parang may kung ano sa Kanluran. Ngunit dahil sinabi sa akin ng isang astronomer minsan, ganoon din, na dapat daw akong magtungo sa kanluran... Ang mga bituin, kapag nagkrus ang kanilang mga siklo at iba pa, isinilang ako sa ilalim ng tandang iyon, at hinding-hindi ako magtatagumpay sa Silangan; kinakailangan kong magtungo sa Kanluran. At noong nakaraang taon, humayo ako, sa Kanluran, upang tuparin ang pagnanasa ko sa tanang buhay ko, kita n' yo, upang-upang gawin ito.
-----Matapos tumama sa akin ng pangitain, at nanghina ako nang husto, at nawalan ako ng napakaraming dugo, at ako'y nagtungo sa... ang akala ko'y napunta ako sa walang katapusang Walang Hanggan. Marami sa inyo ang nakarinig na ng salaysay kong ito, at-at lumulubog ako sa isang walang katapusang Walang Hanggan. Una, dumaan ako sa mga ulap, at pagkatapos ay sa kadiliman, at patuloy ako sa paglubog pababa, pababa nang pababa. At nang mamalayan ko, ay napunta ako sa rehiyon ng mga ligaw, at doon ay na-napasigaw ako. At ako'y tumingin, at naroroon, lahat, wala iyong patibayan. Hindi ako nahinto sa pagkahulog. Sa loob ng Walang Hanggan, sa wari ko, ako'y mahuhulog. Walang tigil, tungo sa kawalan.
At laking kaibahan niyon sa pangitaing nakita ko rito, hindi pa katagalan, na ako'y nasa Langit kasama ng mga tao, kabaligtaran! Ngunit dito, habang ako'y pumapaimbulog, sa wakas, ako'y-tinawag ko ang tatay ko, at wala roon ang tatay ko. At tinawag ko ang nanay ko, “Saluhin n'yo ako!” At walang nanay doon. Patuloy lang ako sa pagkahulog. At noo'y tinawag ko ang Diyos. Walang Diyos doon. Wala roong kahit ano.
At pagkalipas ng ilang saglit nakarinig ako ng pinakamalungkot na tunog na narinig ko, at iyon ang pinaka-kakila-kilabot na pakiramdam. Walang paraan... Maging ang literal na nagliliyab na apoy ay magiging kasiya-siya sa tabi niyaon. Ngayon ang mga pangitaing iyon ay hindi pa kailanman sumala. At iyon ang pinaka-kakila-kilabot na pakiramdaman na naramdaman ko, at ano ang... Nakarinig ako ng ingay, tila iyon isang-isang-isang nakatatakot na pangyayari. At nang marinig ko iyon, tumingin ako, parating, at mga babae 'yon. At may luntiang pahid, kitang-kita ko ang kanilang mga mukha, may luntian silang kulay sa ilalim ng kanilang mga mata. At ang mga mata nila' y tila nakatirik, tulad ng isang - kung paano pinipintahan ng babae ang kanilang mga mata, pabaligtad na paganoon, at ang kanilang mga mata at mukha. At dumadaing sila, “Ooh, ooh, ooh, ooh!” Ay naku! Bigla akong sumigaw, “0 Diyos, mahabag Ka sa akin. Mahabag Ka, 0 Diyos! Nasaan Ka? Kung papayagan Mo lang akong bumalik at mabuhay, ipinapangako ko sa Iyo, magiging mabuting bata ako.” Ngayon, iyon lang ang nagawa kong sabihin. Ngayon, alam ng Diyos, at sa Araw ng Paghuhukom, hahatulan Niya ako sa pangungusap na iyan. Iyon ang sinabi ko, “Panginoong Diyos, payagan Mo akong bumalik, at ipapangako ko sa Iyo na magiging mabuting bata ako.”
At nang ako' y maputukan ng baril, nakapagsinungaling ako, nakagawa ako ng halos lahat ng maaring gawin, isa lang ang masasabi kong... Marahil ay makabubuting linisin ko na ito habang naririto ako ngayon. At nang tumungo ako at nakita kong halos mahati ako, halos, ang sabi ko, “Diyos mahabag Ka sa akin. Alam Mong hindi pa ako nagkasala ng pakikiapid kailan man.” Iyon lang ang nagawa kong sabihin sa Diyos. Hindi ko pa noon natatanggap ang kapatawaran Niya, at lahat ng bagay na ito. Ang sabi ko lang, ang nagawa ko lang sabihin ay, “Hindi pa ako nakiapid kailan man.” At pagkatapos ay inilabas nila ako roon. At pagkatapos, doon, sumigaw ako, “Diyos mahabag Ka sa akin. Magpapakabait ako, kung pababalikin Mo ako,” dahil batid kong may Diyos kung saan. Kaya't tulungan Mo ako, ang mga pagal na nilalang sa palibot, ako'y kababagong dating pa lang. At ang pinaka nakatatakot, kasindak-sindak, at masamang pakiramdam na... Parang mga malalaking mga mata, mahahabang pilik- matang paganoon, at nakaguhit pabalik na gaya sa pusa, parang pabalik na paganito; at kulay berde, na para bang nabulok na ito o ano. At sila' y-sila' y tumataghoy ng paganito, “Ooh, ooh, ooh!” 0 anong pakiramdam!
Pagkatapos sa isang iglap, nagbalik akong muli sa natural na buhay. Binagabag ako ng bagay na iyon. Naisip ko, “0, nawa' y hindi kayo makarating sa isang bagay na tulad no'n kailan man; wala nawang sino mang tao ang kailanganing maparoon sa gayong uri ng lugar.” Pitong buwan ang lumipas, nagkaroori ako ng pangitain na ako'y nakatayo sa Kanluran, at nakakita ako ng ginintuang krus na bumababa patungo sa akin. At ako-alam kong may mga rehiyon ng mga pahamak kung saan.
Ngayon, hindi ko masyadong napansin ito hanggang nitong apat na linggo na ang nakararaan. Ang asawa ko... Hindi ko naisip iyon sa ganitong kaparaanan. Mga apat na linggo na ang nakalipas, ang asawa ko at ako ay nagtungo sa Tucson, para mamili. At habang kami'y nakaupo... Ang asawa ko, bumaba kami sa hagdan, at-at may isang pangkat doon ng mga kabataang lalaking mukhang mga bakla at ang mga buhok nila ay nakatikwas, alam n'yo na, tulad ng ginagawa ng babae, at-at ang bangs ay sinuklay pababa sa harapan, at nakasuot ng totoong mataas ang baywang na mga pantalon, na parang, wari ko' y mga bitnik, o kung ano man ang tawag n'yo sa kanila. At naroon sila, at bawa't isa'y nakatingin sa kanila, at ang mga ulo nila ay gano'n kalaki, gaya ng mga babaeng ang ayos ng buhok ay itong “ulong-tubig” na gupit, alam n'yo na. At naroon sila.
----Kaya't pumanhik ako sa itaas, at ako'y na naupo. At nang ako'y maupo, may eskaleytor doon, iyon ay sa tindahan ng J.C. Penney, at ipinapanhik ng eskaleytor ang mga tao. Aba'y totoong kumalam ang sikmura ko, nang makita kong pumapanhik ang mga babae roon; bata, matanda, at mga walang pakialam, kulubot na, bata pa, at lahat na ng uri, na nakasuot ng maikling syorts; ang marurumi nilang katawan, at ang mga kababaihang iyon na nakasuot-seksi, na ang mga ulo' y naglalakihang gano'n, at heto sila't parating. At may isang humakbang palabas ng eskaleytor, papalapit na gano'n, kung saan ako nakaupo sa isang upuan, nakaupo roon at nakayuko.
At lumingon ako at tumingin. At isa sa kanila na pumapanhik sa hagdan ay nagsabi, “Ooh,” nagsasalita ng Kastila, sa isa pang babae. Siya'y isang babaeng puti na nangungusap sa babaeng Kastila. At nang ako'y tumingin, bigla na lamang akong nabago. Hayun, nakita ko na iyon. Ang kaniyang mga mata, alam n'yo kung ano ang ginagawa ng kababaihan ngayon, pinipintahan ang kanilang mga mata, kamakailan lang, tulad sa pusa, alam n'yo, inaayos iyong paganito, at nagsusuot ng salaming pusa at lahat na, alam n'yo, na ang mga mata ay nakaganito, at ang berdeng bagay sa ilalim ng kanilang mga mata. Iyon ang nakita ko nang bata pa ako. Naroon ang babae, tugmang-tugma. At biglang namanhid ang buong katawan ko, at nagsimula akong tumingin sa paligid, at naroroon ang mga taong nag-uusap, alam n'yo, patuloy tungkol sa mga presyo at mga bagay-bagay sa loob ng gusali.
Tila ba ako'y nabago sa isang iglap. At tumingin ako, at naisip ko, “Iyan ang nakita ko sa impiyerno.” Hayun sila, ang bulok na iyon. Ipinalagay kong dahil nasa impiyerno sila kaya sila nagkagano'n, mamerdemerdeng-asul ang ilalim ng kanilang mga mata. At narito naman ang mga babaeng ito na may mamerde merdeng-asul, kaparang-kapara ng nasa pangitain ko mga apatnapung taon na ang lumipas. Kita n'yo, mga apatnapung taon na, ang lumipas. Ako ngayo'y singkuwenta'y kuwatro na; katorse ako noon. Kaya mga apatnapung taon na ang lumipas, ako... At iyon ang-ang ... Iyan ang bilang, siya nga pala, ng kahatulan, kita n'yo.
----Naisip ko noon, nang mapansin ko ang mga tila nabubulok na kung tingnan na mga matang iyon ng mga babaeng iyon. Naroroon ang Kastila, ang Pranses, ang Indian, at ang puti, at magkakasama, ngunit ang naglalakihang mga ulo nila, alam n'yo, pinataas, sa pamamagitan ng mga panuklay na iyon, kung paanong sinusuklay nila ito nang palikod, malakingmalaki at pagkatapos ay titikwas. Alam n'yo, alam n'yo kung paano nilang ginagawa ito, inaayos itong gaya ng ginagawa nila. At pagkatapos ay ang tila nabubulok nang mga mata, at ang mga matang may pinta, mistulang mga mata ng pusa. At sila' y naguusap, at naroroon akong muli, nakatayo roon sa tindahan ng J.C. Penney, nasa impiyernong muli. Ako'y-ako'y-sindak na sindak ako. Naisip ko, “Panginoon, tiyak kong hindi pa ako patay, at itinulot Mong makaparito pa ako sa lugar na ito matapos ang lahat.” At naroroon sila ay lumilikha... nakapaligid silang gano'n, sa pangitaing iyon na parang, halos ay hindi marinig ng tainga mo, alam n'yo. Ang bulungan lamang at ang galaw, ng mga tao, at ang mga babaeng iyon na pumanhik sa eskaleytor at nagpagala-gala roon, at ang, “Ooh, ooh!” Naroon ang mga berde, kakatwa kung tingnang mga mata, at tila nagluluksa.
Basahin ang account sa...
Mga Kaluluwang nasa Bilangguan Ngayon.