Ang tanging dakong inilaan ng Diyos sa pagsamba.

<< kaniadto

sunod >>

  Serye Buhi Pulong.

Deuturonomio - dalawang kautusan.


William Branham.

Basaha ang tibuok nga asoy sa...
Ang tanging dakong inilaan ng Diyos sa pagsamba.

Deuturonomio 16:2-4,
2 At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Diyos, ang sa kawan at sa bakahan, sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan.
3 Huwag kang kakain sa paskua ng tinapay na may lebadura; pitong araw na kakanin mo sa paskua ang tinapay na walang lebadura, ang tinapay ng pagkapighati; sapagka't umalis kang madalian sa lupain ng Egipto: upang iyong maalala ang araw na inialis mo sa lupain ng Egipto sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.
4 At pitong araw na walang makikitang lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga hangganan; ni sa anumang karne na iyong ihahain sa unang araw sa paglubog ng araw ay walang maiiwan sa buong gabi, hanggang sa umaga.

Ngayon, ang salitang “Deuturonomio,” ang salitang ito'y nangangahulugang “dalawang kautusan,” ang salitang “Deuturonomio.” At may dalawang kautusan ang Diyos. Ang dalawang kautusan: ang isa rito ay pagsuway sa Salita at mamatay; at isa pa ay pagsunod sa Salita at mabuhay. Iyon ang dalawang kautusan, at ang “Deuturonomio” ay nangangahulugan ng “dalawang batas” na'yon. Pareho silang lubusang naipakita sa atin sa Kasulatan. Kamatayan ang isa sa kanila; at ang isa pa ay Buhay: Buhay at kamatayan. Nakikipag-ugnayan lamang ang Diyos sa Buhay, at si Satanas ay sa kamatayan lamang. At ang mga ito ay ipinakita sa publiko, na hayag sa paningin ng lahat, at wala kang maidadahilan dito. Ang isa sa kanila ay ipinakita sa Bundok ng Sinai ng ibigay ang kautusan, na kumukundena sa buong lahi ng tao para sa kamatayan. Ang isa naman ay ibinigay sa Bundok ng Kalbaryo, na nagdala sa buong lahi ng tao doon sa Buhay, ng ang kaparusahan ay mabayaran ni Jesus Cristo. Ang dalawang kautusan ng Deuturonomio ay natupad sa dalawang dakilang mga bagay na ito.

Gusto kong pansinin n'yong muli; mayroon ding dalawang tipan na ibinigay. Ang isang tipan ay ibinigay kay Adan, na ito'y may kundisyon na gaya ng batas: “Kung hindi mo ito hihipuin, kung gayo'y mabubuhay ka; ngunit kapag hinipo mo, ay mamamatay ka.” Ito'y isang batas. At mayroon ding isang batas na ibinigay kay Abraham, na sa pamamagitan ng biyaya, itoy hindi kundisyonal: “Iniligtas na kita at ang iyong binhi,” na susunod sa kanya. Amen. Ito'y tipo ng Kalbaryo, hindi tipo ng tipan ni Adan; ito'y ang tipan ni Abraham. Ngunit ngayo'y nadinig natin na sinabi Niya na may isang dako lamang na kakatagpuin Niya ang tao sa pagsamba. Nabasa natin ito sa aking teksto. Babalikan natin iyan, sa loob ng ilang minuto.

Kaya kung may isang dako lang na kakatagpuin ng Diyos ang tao, dapat ay maging maingat tayo. Ngayon, isa-isantabi natin ang ating mga tradisyon sa umagang ito, at sa Panlinggong araling ito, at pakatiyakin natin na makita ang tanging dakong iyon. Dahil sinabi ng Diyos dito, hindi ka niya tatanggapin sa ibang dako. Sa anumang iglesya, ay hindi ka Niya tatanggapin. Sa Kanyang iglesya lamang, ang tanging dakong pagtatanggapan Niya sa iyo. Ngayon, “Ano'ng masasabi mo, Brother Branham? Kung ako'y sinsero?” Hindi.

Tandaan, nakausap ni Jesus ang mga sinserong tao, ang mga mananamba sa Kanyang kaarawan, at sinabi Niya, “ Sa walang kabuluhan ay sinasamba ninyo Ako.” Totoo, tunay na pagsamba galing sa kaibuturan ng kanilang mga puso: “Sa walang kabuluhan ay sinasamba ninyo Ako, itinuturo bilang aral ang kautusan ng tao,” o ang kanilang denominasyunal na kredo. Sinsero, magalang, sadyang napaka-relihiyoso, at hindi ito bago para sa mga Fariseo. Si Cain at Abel, ang unang dalawang mananamba na ipinanganak sa natural na kapanganakan dito sa lupa, ay talagang dumating na may magkaparehong kaugalian.

Si Cain ay kasing-relihiyoso ni Abel. Kapwa sila nagtayo ng mga altar. Pareho nilang mahal ang Diyos. Pareho silang nagbigay ng mga hain. Pareho silang sumamba. Pareho silang nagbayad ng ikapu. Gumawa sila pareho ng lahat ng bagay na magkatulad. Ngunit si Abel, sa pamamagitan ng pananampalataya, na siyang kapahayagan, ang Salita ng Diyos na nahayag, naging malinaw, naipakita, at binindika... Luwalhati! Naghandog si Cain ng alay, ngunit hindi ito binindika ng Diyos. Humihingi ang Diyos ng pagsamba, at naghandog ng alay si Cain; ngunit hindi ito binindika ng Diyos. Ngunit sa pamamagitan ng tamang daluyan...

Sasabihin mo, “Buweno, ang iglesya ko Iyon. Ang aking...” Sandali lang. Ipinapaliwanag ng Diyos ang Kanyang Sariling Salita sa pamamagitan ng mga kundisyon Nito kung saan Ito ipinangusap. Kita n'yo? Sinabi ni Cain, “Relihiyoso ako. Umiibig ako sa aking Manlilikha. Iniaalay ko sa Iyo ang magandang altar na ito. Iniaalay ko sa Iyo ang hain na ito. Itinayo ko ang lahat ng mga bagay na ito, Panginoon, dahil mahal Kita.” Sinabi ni Abel ang kaparehong bagay. Ngayon, siya ang binindika, siya ang pinatunayan. At bumaba ang Diyos at tinanggap ang hain ni Abel, dahil sa kapahayagan ay natukoy niya ang tamang daluyan ng Diyos na siyang katanggap-tanggap.

Ngayon, masdan na ang espiritu ni Cain ay nagpatuloy sa buong Kasulatan, hanggang dito sa huling araw. Fundamental? Kasing-fundamental siya ni Abel. Tingnan n'yo si propetang Balaam at si propetang Moises. Pareho silang may pitong altar, altar ni Jehovah, parehong may dugo; at hindi lang iyon, pareho silang may mga tupang lalake. Sa bilangan, ito'y tamang-tamang bilang, pito, “sakdal,” pitong tupang lalake, magkaparehong-magkapareho: magkaparehong mga altar. Kapwa sila fundamental, pareho sila. Ngunit sino ang binindika ng Diyos? (Kita n'yo, kita n'yo?) Ang isa na nasa Kanyang Salita. Hindi masyadong mahalaga ang pagiging fundamental; kundi ang kapahayagan ng Diyos.

Ngayon, isipin n'yo. Ang mga taong ito, bakit sila tinawag at dinala sa ganitong kalagayan, ang mga Fariseong ito, kay Jesus. Sinabi Niya, “Sa walang kabuluhan ay sinasamba n'yo Ako...” Sinasamba Siya: tunay na pagsamba, totoong pagsamba mula sa kanilang mga puso... “Kayo... Sa walang kabuluhan ay sinasamba n'yo Ako.” Bakit? “Itinuturo bilang aral ang kanilang maka- taong tradisyon; kaya ginagawa n'yong walang bisa ang mga kautusan ng Diyos sa mga tao.”

Kapag tinuruan ko kayo ng mensahe ng Metodista, walang itong magiging bisa sa inyo; panahon ito ng Nobya. Kung itinuro ni Moises ang mensahe ni Noe, wala itong bisa. Kung itinuro ni Jesus ang mensahe ni Moises, wala itong bisa. Dahil ang predistinadong binhi ay nakahimlay doon at madidiligan lamang ng uri ng tubig na angkop para sa binhing iyon. Hindi ito tutubo sa ibang kundisyon. Dapat ang kundisyon ang magpatubo nito.

----
Hindi ang Diyos ang may-akda ng denominasyon, dahil ang denominasyon ay Babilonia, at hindi Siya ang may-akda ng kalituhan. Nakita natin ang lahat niyang... Ni hindi mo nga kailangang maging matalino para makita ito. Ito'y Babilonia, oo, tradisyon. Isipin n'yo ito, sinserong mga tao. Ngayon, ganoon pa rin, dahil naniniwala sila doon, kailangan pa ring may isang dakong tapat na kung saan makakatagpo ang Diyos.

Ngayon, pansinin ang ikalawang talata: “Sumamba sa dako na Aking pinili.” Ang hain, siyempre, kung saan sila sasamba, kung saan sila maghahain. “Ang dakong Aking pinili; hindi sa pinili n'yo, sa pinili ng tao, ngunit sa Aking pinili; sumamba kayo sa dakong ito.” Ipinapakita nito ngayon na mayroon lamang isang dako; ang iba'y walang kabuluhan. Hindi ito dapat sa iyong pagpili, ngunit dapat ay ang Kanyang pinili.

“Buweno, hindi ko kailangang magpunta sa simbahan.” O kaya'y, “Masyadong makitid ang isip mo. Narito, kinakastigo mo ang mga babae tungkol sa pangangaral, at mga babae na nagpapaputol ng kanilang buhok, at ang mga lalaki tungkol sa ibang mga bagay. Bakit, masyadong makitid ang isip mo.” Sige, hindi mo kailangang kunin ang paraan ng Diyos patungkol dito; magpatuloy ka lang at tumungo sa kung saan nila ito ginagawa. Kita n'yo? At matutuklasan n'yo na ito'y nasa Kasulatan, kaya, “Sa walang kabuluhan ay sinasamba nila Ako.” Kita n'yo? Nangusap si Jesus ng kaparehong bagay. Kita n'yo?

----
Pansinin din natin dito ang dako na pinili Niya upang ilapag ang hain, ang dako na pinili Niya kung saan ilalagay ang hain. Hindi mo ito mailalapag sa anumang pintuang -daan; ngunit sa dako na pinili Niya upang paglagyan nito, inilagay rin Niya ang Kanyang Pangalan sa dakong iyon. Iyon ang sinabi Niya rito. Pinili Niyang ilagay ang Kanyang Pangalan dito. Ngayon, saliksikin natin ang mga Kasulatan para sa dakong ito, dahil iyon ang dako kung saan Niya inilagay ang Kanyang Pangalan.

Deuturonomio 16:2,
At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Diyos, ang sa kawan at sa bakahan, sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan.

Ngayon, hindi mo ito maaring kunin... Ang katapatan mo at lahat ng nais mong ikumpisal, hindi mo ito madadala sa altar ng Metodista, sa altar ng Baptist, o sa altar ng Pentecostal. Ngunit may altar sa kung saan na pinili Niya- upang Kanyang ilagay ang Pangalan Niya dito, at kakatagpuin ka Niya sa dakong iyon. Ngayon, kung napapatakbo mo ng tama ang lahat ng bagay, tatakbo ito; ang lahat ay nailagay sa kaayusan. Kung may pumalso sa kawad, hindi ito mag-iilaw, dahil grounded ito. At kapag kinuha mo ang isa sa mga Salita ng Diyos o isa sa Kanyang mga dako, at sa iyong puso ay may makasariling mga hangarin, iga-ground nito ang kapangyarihan ng Diyos doon pa lang. Kung gagawin mo ito dahil gusto mong maging ismarte, gusto mong maging kakaiba, o anupamang bagay, doon pa lang ay grounded na ito; papuputukin nito ang fuse. Nagkakamali ka. Kailangang lumapit ka ng may katapatan, ng buong puso mo. Ang iyong mga motibo at iyong mga hangarin, ay ilagak mo sa Diyos. At saliksikin mo ang Kanyang dako, hanapin mo kung saan Niya sinabi, at dalhin mo roon. Kita n'yo?

Huwag kang kakain ng tinapay na may lebadura...
Ano ang itini-tipo nito sa hain? Huwag mo itong ihalo sa anumang kredo: kailangang Salita lamang. “Walang tinapay na may lebadura...” Ang lebadura ay ang... Alam n'yo kung ano ang lebadura sa alinmang bagay. “Ang munting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak,” ang buong limpak ay ang Katawan. Hindi ka maaaring maglagay ni katiting man na denominasyon o kredo kay Cristo. Hindi po, hindi ito maaari. Na-alala n'yo ba ang mensahe noong nakaraang Huwebes ng gabi? Kailangang mamatay ang dati mong asawa. Tama yan. Ang Salita ang bago mong Asawa.

...pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura...
“Pitong araw,” ano ang tini-tipo nito? Ang buong Pitong Kapanahunan ng Iglesya, pitong araw. Bakit kailangan nilang kanin ito ng pitong araw? Bago ang ano? Bago lumabas. At ang buong kapanahunan ng iglesya, mula sa pasimula hanggang sa wakas, ay kailangang mabuhay lamang sa Salita ng Diyos sa kapanahunang iyon. Kaya ang inyong kredong-Romano, Metodista, Baptist, at kredong- Pentecostal ay pawang mga patay.

----
Ngayon, tingnan:
...doon, maging ang tinapay ng pagkapighati,...
(pinag-usig dahil Dito; si Luther, Wesley, mga Pentecostal: lahat ay pinag-usig, at maging kayo man.) ...sapagkat umalis kang madalian sa lupain ng Egipto... upang iyong maalala ang araw na ...maalaala ang araw na inialis mo sa lupain ng Egipto sa lahat ng mga araw ng iyong buhay. At pitong araw na walang makikitang lebadura sa...sa iyo sa lahat ng mga hangganan;...

Sa napakagandang Nobya ni Cristo, pagkatapos ng Kanyang kamatayan sa madilim na mga panahon (dark ages) dahil sa imperyong Romano, na kailangan Niyang mamatay, “Maliban na ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa...” Kailangang dumating ang Nobyo, ang sakdal na Obra-Maestra ng Diyos. Nadinig n'yong lahat ang mensahe ko ukol d'yan.

Pansinin n'yo rito, Sinabi Niya:
...pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang lebadura...
Ngayon, ang tinapay ay tipo. Sinabi ni Jesus, “Hindi mabubuhay ang tao sa tinapay lamang, ngunit sa bawat Salita.” Hindi lang isang Salita rito at diyan na gaya ng nais ng mga denominasyon na paniwalaan n'yo. Ngunit ang Salita ng Diyos ay sakdal. Ito'y ang Diyos Mismo sa anyong titik, na tinatawag na Binhi. At ang tamang uri ng purong pananampalataya sa Salitang iyon ang magdadala sa Binhing iyon sa Buhay nito.

Iyon mismo ang natunghayan n'yo noong gabi sa mga discernment, at lahat ng iba pang mga bagay na ito, dahil ito'y pangako ng Diyos. At tumayo Siya sa tabi ko at sinabi yan sa'kin, at sinabing may mga manlilinlang na lilitaw, ngunit manatili lang ako. Naniniwala ako rito. At sa walang makasariling motibo upang saktan ang sinuman, ngunit upang maging magalang sa Diyos at gawin ang gawa na siyang dahilan ng pagkatawag Niya sa akin, kaya sinasabi ko ang mga bagay na ito. At kinumpirma ito ng Diyos, at tinanggap ang alay at hain sa pamamagitan ng pagbindika nito bilang Katotohanan: walang tanong dito. Ngayon, masdan ang Salitang iyan.

Ngayon, napansin natin dito, “Pitong araw”; para ito sa bawat panahon ng iglesya. Ngayon, kung paanong ang Obra-Maestrang iyon ay kailangang mamatay upang mabuhay na mag-uli para matubos tayong lahat... Kaya inilagay Niya ang iglesya sa kaayusan doon sa Pentecostes, ngunit ang iglesyang iyon ay kailangang dumaan sa hain; at pinatay ito ng sanlibutang Romano, at inilibing sa lupa.

----
“Pitong araw, na kakain ng tinapay na walang lebadura.”
Walang lebadura na masusumpungan sa Nobya, wa- walang idinagdag na salita, wala. Tandaan, isang salita ang naging dahilan ng lahat ng kamatayan na nasa lupa; lahat ng bastardo ay ipinanganak dahil si Eva, ang unang iglesya, ang nobya ng unang Adan, ay nagduda sa Salita ng Diyos at tinanggap ang denominasyon, ang intelektwal, o ang paniniwala ng eskwelahan dito; dahil Ito'y sa kanilang dahilan na, “Tunay, ang Diyos ay isang mabuting Diyos.” Ang Diyos ay isang mabuting Diyos, ngunit isa rin Siyang matuwid na Diyos. Kailangan Niyang ingatan ang Kanyang Salita. Ngunit tinanggap ni Eva ang eskwelahan.

Kayong mga seminarista, walang duda na may katawagan kayo, ngunit tumakbo kayo sa mga Bible school upang ituro sa inyo ang doktrinang ito, at doon kayo namatay. Manatili kayo sa Diyos at sa Kanyang Salita. Hindi ka nila papahintulutan; o, hindi ka makakasapi sa kanilang kongregasyon, hindi ka tatanggapin sa pulpito. Kaya ipaubaya mo na lang ito sa kanila; hayaang ilibing ng patay ang kanilang patay; sundin natin si Cristo ang Salita.

Ngayon, pitong araw na walang nakahalong lebadura sa Nobya, ang iglesya, pitong araw. Ngayon, pansinin. At ngayon... walang... At pitong araw na walang makikitang lebadura sa iyo, sa lahat ng iyong mga hangganan... (Ang hain dito ay isang tipo: Lumabas ang Nobya mula sa Hain na dili iba't si Cristo.)... ni sa anumang karne na iyong ihahain sa unang araw sa paglubog ng araw,...

----
...karne... ang hain sa unang araw... paglubog ng araw, walang maiiwan sa buong gabi hanggang sa umaga.
Ngayon, maging si Luther, na may Katotohanan at nagturo sa iglesya na mabubuhay ang matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi mo nanaising manangan d'yan bilang isang sakdal na doktrina sa panahon ng Metodista. Ano ang gagawin mo? Sunugin ito sa apoy. Ano ang tipo nito? Ang denominasyon na lumabas mula sa Salita ay ang ipa; ang tangkay, ang talupak, na dapat sunugin sa apoy. Ang bahaging denominasyon na pinagdaanan nito ay hindi dapat manatili; kailangan itong mamatay. Huwag itong iwanan hanggang sa pagsikat ng i- ibang panahon; sunugin ito. Nangungusap Siya ngayon dito sa Nobya, sa Nobya lamang, na galing sa bawat kapanahunan.

Pansinin kung gaano kaganda, ang dugo ng kordero. Ang mga ito ang Katawan ni Cristo, ang Hain. Ang dugo ng kordero na nasa pintuan... Ngayon, alalahanin, pinaslang ang kordero, na siyang tipo ni Cristo.

Basaha ang tibuok nga asoy sa...
Ang tanging dakong inilaan ng Diyos sa pagsamba.


Ang Misteryo ni Cristo.

Iningles newsletter
website.

Ang basahon sa
Pinadayag.

Dios ug Siyensiya
Index. - Arkeolohiya.

Ang maayong balita.
Si Jesus namatay alang
sa imong mga sala.

Bautismo sa Tubig.

 
 

Ang Pagsagkaw sa
umaabot.

 

Mga pangunang
pagtulun-an sa
mensahe.

Ang Supernatural
panganod.

Haligi nga kalayo.

 

Ang Shekinah himaya
sa Dios.

Ang lubnganan walay
sulod. Siya mao buhi.

Ang mga buhat sa
propeta.

Serye Buhi Pulong.

Ang pagka-Dios
gipatin-aw.

Ang Arka ni Noe.

 

Ang mga nag-una.

 

Ang Dios mao ang
Kahayag.

Pito ka mga
Kapanahonan sa
Simbahan.

Ang Pito ka mga Timri.

Pasko Serye.

 

Biblikanhong
Geolohiya.

Kristohanong paglakaw
serye.
Kaminyoon ug
Panagbulag.

Ang Ngalan sa Dios.

Serye Katapusang
Panahon.

Nagpakita ang Anghel.

Ang Tingog sa Ilhanan.

Dios ug Kasaysayan
Serye Index - Daniel.

Orihinal nga Sala.
Kini usa ka mansanas?

Kamatayon.
Nan unsa man?

Dios ug Siyensiya
Ang Dinosaur Tumotumo.

Ang bindikasyon sa
usa ka propeta.

 

Karong adlawa kini
nga Kasulatan
Natuman na.

Paghukom sa linog.

 
 

Mensahe Listahan.

Arkeolohiya.
Sodom ug Gomorra.

  Ang Kasulatan nag-ingon...

At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Diyos, ang sa kawan at sa bakahan, sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan.

Deuteronomio 16:2


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Mga Buhat sa Propeta.

(PDFs)

Kapitulo 11
- Ang Panganod.

(PDF)

William Branham
Life Story.

(PDF Ingles)

Ang Pagdating Sa
Akin Ng Anghel, At
Ang Kaniyang Atas

(PDF)

Ipinapaliwanag ng
Diyos ang Kanyang
Sariling Salita sa
pamamagitan ng
mga kundisyon Nito
kung saan Ito
ipinangusap.



Mensahe Hub... Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Brother Branham.