Sino ’ka n’yo ito?


  Serye ng Pasko.

Sino ’ka n’yo ito?


William Branham.

Basahin ang account sa...
Sino ’ka n’yo ito?

Mateo 21:10-11,
10 At nang pumasok si Jesus sa Jerusalem, ay nagkagulo ang buong bayan, na nagsasabi, Sino kaya ito?
11 At sinabi ng mga karamihan, Ito’y ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng Galilea.

Ngayon alam natin ang panahong iyon, at marami sa inyo ang pamilyar sa kasulatan ng partikular na kabanatang ito. Ito’y nung araw na pumasok si Jesus sa Jerusalem, na nakasakay sa munting asno. At tayo’y... Mayroong alamat na nagsasabing iyon daw ay “isang munting puting asno.” Naiisip ko, nagpapaaninaw ito sa Kaniyang ikalawang pagdating na nakasakay sa isang kabayo. Nung pagkakataong iyon, ang sabi ng propeta, “Siya ay sasakay sa... Ang inyong Hari ay dumarating sa inyo na nakasakay sa isang batang asno na anak ng babaeng asno, at siya ay mapagpakumbaba at maamo.” Ganun Siya dumating at... nakasakay sa isang maliit na asno, at mapagpakumbaba at maamo, isang munting tagapasan ng kabigatan. Ngunit sa susunod na dumating Siya mula sa kaluwalhatian (sa ika-19 na kabanata ng Apocalipsis), Siya ay darating bilang isang makapangyarihang manlulupig. Ang damit Niya’y isinawsaw sa dugo, nakasakay sa isang kabayong puti, at ang buong hukbo ng langit ay nakasunod sa Kaniya na nakasakay sa mga kabayong puti. At ang alamat (hindi ayon sa kasulatan o sa kasaysayan)... Ngunit ang alamat ay naniniwalang Siya ay nakasakay sa isang maliit na asnong puti sa pagpasok Niya sa Jerusalem.

Ngayon at napili ko ito... ito pa rin ay... dahil tayo’y nasa anino pa rin ng kapaskuhan, at ng Bagong Taon; ang pagtatapos ng isang lumang taon, at ang pagpasok ng bago. Ilang araw mula ngayon, maraming taong magbubuklat ng mga bagong pahina at magsisigawa ng mga bagong bagay at muling mangangako; at ito’y pasimula ng isang Bagong Taon. At tila hindi ito masyadong naging parang pasko sa akin. Di ko alam kung bakit, palagi kong gustong tawagin itong Araw ni Santa Claus. Kita n’yo? Sapagkat wala naman talagang masyadong...

Hindi iyon maaaring maging kaaarawan ni Cristo. Talagang hindi. Malamang ipinanganak Siya ng Masro o Abril sapagkat Siya ang Cordero. At Siya ay isang lalaking tupa at isinilang sa ilalim ng tanda ng lalaking tupa, Aries. Kailangan talaga, nakikita n’yo. At ang mga tupa ay di naman isinisilang ng Disyembre. Ang mga tupa ay isinisilang sa Tagsibol. At isa pa, ang mga burol ng Judea sa panahong ito, ay nakukulapulan ng dalawampung piye ng niebe. Paaanong makaparoroon ang mga pastol?

Makatuwid ito ay galing sa mitolohiya ng Roma, at walang iba kundi ang kaarawan ng sun-god. Sa pagdaan ng haring Araw, pinahahaba nito ang mga araw, at pinaiiksi naman ang mga gabi. At ang kaarawan ng sun-god ay nasa pagitan ng ika-20 at ika-25 ng Disyembre, sa mitolohiya ng Roma. At ang mga diyos nila... At doon nila pinagdiriwang ang kaarawan ng sun-god. At nang buuin ni Constantine ang konstitusyon ng iglesia at estado at iba pa, ang sabi niya, “Babaguhin natin ito [dahil di alam kung anong araw iyon] at ilalagay natin sa kaarawan ng sun-god, at gagawin nating: kaarawan ng Anak ng Diyos,” kita n’yo. At... ngunit di natin alam kung anong araw ba iyon. Ngunit ngayon, napakarami na nilang inalis na patungkol kay Cristo, hanggang sa ang lahat ay... ang ilan ay muling nagbalik sa alamat ng isang nabuhay na nilalang na nagngangalang St. Nicholas o Kris Kringle, na isang alamat ng Aleman. At lahat ng ito’y isang alamat lamang, at wala si Cristo sa lahat ng ito sa anumang paraan. At ang mga tao ay bumaling sa pamimili ng alak, at pagsusugal, at pananamit. Ang isang negosyanteng makapagbebenta ng kaniyang mga paninda sa kapaskuhan ay maaari nang mabuhay ng halos buong taon, kita n’yo. Napakalaking bakasyon nito, at panahon ng komersyo. At nasa lansangan ang mga pobreng bata; di kaya ng mga magulang nila na bigyan sila ng regalong galing kay Santa Claus, at palakad-lakad sila sa lansangan na may maruruming kamay at namumulang mga mata. Sadyang namumuhi ako sa pagsapit nito. Dapat maging isa itong taimtim na araw ng pagsamba sa Diyos, sa halip ng sakit ng kalooban at ulo at iba pang mga bagay na isinasagawa. Walang kinalaman ’yan kay Cristo. Ngunit tayo’y nasa kalagitnaan na nito ngayon.

Nasumpungan natin ang ating mga sarili, tulad nila noon. Kita n’yo, papasok na sila ngayon sa isang dakilang kapistahan. Si Jesus ay papunta na sa pista ng Paskua. At nakapasok na Siya sa Jerusalem... o papasok na sa Jerusalem. At ang mga propesiya tungkol sa lahat ng gagawin Niya ay kailangang matupad. Lahat ng nasa Biblia ay mayroong kahulugan. Bawat pangalan ay may kahulugan. Walang anumang nailagay sa Kasulatan na walang malalim na kahulugan. Nangusap ako nung isang gabi sa Tucson, tungkol sa Bakit Kailangang Maging Mga Pastol Sa Halip Na Teologo? Isinilang Siya sa harapan ng iglesia. At ang Espiritu Santo ay nagpunta pa sa ilang at pumili, hindi ng mga teologo, kundi ng mga pastol. Kinakailangang maging ganun. Hindi paniniwalaan ng mga teologo ang ganung mensahe. Kaya’t sila’y... kailangang maging mga pastol sila. Nangaral ako rito, ilang taon na ang nakakaraan (dalawang taon na ang nakalilipas), “Bakit Ang Munting Bethlehem?” Kung loloobin ng Panginoon, sa susunod na Pasko, nais kong mangaral tayo tungkol sa, “Bakit Kailangang Maging Mga Lalaking Pantas?” Ang mga “Bakit” na ito ay may mga kasagutan dito mismo sa Biblia. At tayo’y nabubuhay sa isang kamanghamanghang panahon, sa pinakadakilang panahon sa lahat. Nabubuhay tayo patungo sa panahong anumang oras ay... maaaring tumigil na ang oras at ang walang hanggan ay lumahok na dito at magpatuloy. Ang kapanahunang pinakaaabangan ng lahat ng mga propeta at mga taong paham... Dapat tayong magbantay at magmatiyag sa Kaniyang pagdating bawat oras.

Gayun man nasumpungan natin ang ating mga sarili, sa Kapaskuhang ito, tulad din nila nung unang Kapaskuhan. Ang sanlibutan ay napipinto nang mawasak. Tulad ng ipinangaral ko minsan, sa isang lugar, tungkol sa isang mensaheng pangpasko. Ang Sanlibutan Ay Nawawasak Na. At ang sanlibutan ay muli na namang nangingilid na mawasak. Tignan n’yo ang mga lindol dito sa California. Itinataya ko, bago dumating ang Panginoong Jesus, na palulubugin ng Diyos ang lugar na iyon. Naniniwala akong palulubugin ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang Hollywood at Los Angeles, at ang maruruming mga lugar na naroroon. Sila’y mapapasa ilalim ng dagat. At napakaraming kasalanan, kita n’yo, ang pasan-pasan nito. Ang sibilisasyon ay umusad na kasabay ng araw, mula sa... nagsimula ito sa silangan papunta sa kanluran. At ngayon nasa West Coast na ito. Kung magpapatuloy pa ito, magbabalik na muli ito sa Silangan. Kaya’t iyon ang nagdadala. At ang kasalanan ay umusad kasabay ng sibilisasyon, at ito ay naging tapunan ng basura ng lahat ng mga kapanahunan. Gumagawa sila ng mga bagay na hindi maiisip ng mga tao sa alin mang ibang kapanahunan. Sinira na ng mga kababaihan ang kanilang sarili tungo sa ganitong karumihan, hanggang sa gumagawa na tayo sa araw na ito ng mga bagay na di pag-iispang gawin ng sinumang babae sa alin mang panahon. At pagkatapos ay tinatawag pa rin natin ang mga sarili nating mga Cristiano. Kahiya-hiya!

-----
Ibinigay ng Diyos... tumutugon Siya sa inyong panalangin. Kayo ay humingi, at kayo ay tatanggap. At iyon ay... maaari akong tumigil dito sa loob ng maraming oras, tungkol sa kalalakihan at kababaihan, maging mga Cristiano, na nananalangin para sa isang bagay; at tumutugon ang Diyos ngunit di nila nakikilala. At ngayon, tinugon sila ng Diyos. Naghihintay sila ng isang mesias. Alam nilang nagkaroon na sila ng mga Cesar, at mga David, at mga Solomon (mga taong pantas), nagkaroon sila ng mga David (ang mga makapangyarihang mandirigma), nagakaroon na sila ng lahat ng klase, ngunit alam nilang kailangan nilang makatanggap ng tulong mula sa langit at sila’y... Nangako ang Diyos sa kanila ng isang mesias. At isinugo Niya sa kanila ang mesias na iyon, bilang tugon sa kanilang panalangin, ngunit ayaw nila sa Kaniya.

Iniisip ko, sa araw na ito, kung ang panalangin natin... Naririnig n’yong sinasabi nila, “Manalangin tayo para sa isang dakilang revival. Ipanalangin natin ang ganito. Manalangin tayo para sa isang pambihirang tagumpay. Manalangin tayo para sa pagkakaisa.” Iniisip ko, kung magsusugo ang Diyos ng ganiyang programa, tanggapin kaya natin. Iniisip ko lang kung tatanggapin natin kung anong isusugo Niya sa atin. Nakikita n’yo, Siya’y... Ang dahilan kung bakit nananalangin tayo para sa mga bagay na ito... sapagkat alam nating kinakailangan ito. Ngunit kapag isinugo ito ng Diyos sa paraang nais Niya, hindi naman ito ayon sa ating panlasa, kung kaya’t ayaw nating tanggapin. At ganiyan din nung araw na iyon. Kapag wala Siya sa panlasa ng kanilang paniniwala, at kanilang... Hindi nila Siya muling tatanggapin sa araw na ito. Iyan ang dahilan kaya tinanong nila ang katanungang ito, “Sino kaya ito? Sino ang lalaking ito na dumarating?” Kita n’yo, malubhang panahon iyon. Oh, ang bawat isa ay... tensyonado. Mayroong napipintong mangyari.

At tignan n’yo ang sanlibutan sa araw na ito, kung anong tensyon ang kinabubuhayan ng mundong ito. Maglakad ka sa lansangan... ni hindi na ligtas na magmaneho. Hindi na ligtas na bumiyahe sa apat na linyang highway. Ang bawat isa’y tensyonado, nabubugnot at... Anong problema? Pumayapa kayo. Saan kayo pupunta? Iyan ang pumupuno sa mga institusyon ng mga baliw. Iyan ang dahilan kaya nasadlak ang iglesia sa ganitong kaguluhan. Gusto nilang gawin ang ilang bagay kahit anong mangyari. Ayaw nilang huminto at isaalang-alang ang Salita ng Diyos, at ang oras na kinabubuhayan natin; ang lahat ay nahihirapan at tensyonado.

At ngayon, alam natin ito. Batid natin. Kadadaan lamang ng mundo sa ilang matitinding kirot ng panganganak. At ang iglesia ay dumadaan sa ilang kirot ng panganganak. Kailangan nitong dumaan sa mga kirot ng panganganak bago ito makapangak... Bawat propeta, nang dumating sila sa mundo, ay nagmistulang kirot ng panganganak sa iglesia. Dumaan ang mundo sa Unang Digmaang Pandaigdig, Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at ngayon ay nakahanda na sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig. At ito’y dumaranas na naman ng kirot ng panganganak. Ngunit isang bagay lamang ang maaaring makapaghatid ng kapayapaan, at iyon ay si Cristo. 60 Lahat ng ating mga pakana, at ating mga ideya, at mga pagpapalakas ng iglesia, at lahat ng ating pulitika, at siyensiya at iba pa ay napatunayang walang saysay. Pagkatapos ay dumadalangin tayong tulungan tayo ng Diyos, na mamagitan Siya, “Pumarito Ka at gumawa Ka ng isang bagay para sa amin.” At pagka ginawa Niya, iniisip ko lang kung mauunawaan natin; kung matatanggap natin; o pag-isipan man lang?

Ngayon, iyan ang ginawa nung mga araw na iyon. Nanalangin sila, nagkaroon sila ng lahat ng uri ng dakilang mga pinuno, napasailalim sila sa mga gobyerno, sa mga paghahari, napasailalim sila sa lahat ng iba, sa mga hukom. Ngunit alam nilang iisa lamang ang maaaring makapagligtas sa kanila, iyon ay ang paparating na Mesias. At ang Mesias ay nangngahulugang “ang pinahiran.” Isang taong pinahiran. At isang taong pinahiran ng Salita. Ang Salitang naging laman sa ating kalagitnaan. At nang dumating Siya, wala Siya sa eksaktong panlasang ninais nila sa Kaniya; hindi ayon sa kanilang panlasa... kung saan dapat ay dumating Siya. Kaya’t sumigaw sila, “Sino kaya ang lalaking ito? Ano itong kaguluhang ito?” Mayroong lupon ng mga magsasakang naroroon sa lagusan, na nagsisikuha ng mga palma at... At ang sabi niya, “Aba’y, patahimihin n’yo sila. Pinaninerbiyos nila tayo, sa pagsigaw nila, paghiyaw, at pagwawala.” Ang sabi Niya, “Kung tatahimik sila, biglang magsisigawan ang mga bato.”

Oh, ang panahon ay nagaganap! Ang hula ay natutupad. Di kataka-taka! “Ang leon ay umuungal.” Aniya, “Sino ang di matatakot? At ang Diyos ay nangusap, sinong makakaiwas sa panghuhula?” “Hindi, kung wala Siya sa ating panlasa... Kung di Siya ayon sa gusto natin sa Kaniya, sa paraang inisip nating dapat dumating Siya, hindi natin Siya tatanggapin.” Ang mga kredo nila noon ang naglihis sa kanila nang husto sa nasulat na Salita. Napakalayo nila, hindi nila nakilalang Siya ang ipinanalangin nilang dumating. Inilihis sila nang husto ng kanilang mga iglesia, hanggang sa ang ipinanalangin nila ay kasa-sama na nila, ngunit hindi ito ayon sa kanilang panlasa, kaya’t di nila mapaniwalaan. Kinailangan nila itong layuan. Itinaboy nila ito. Iisa lang ang maaari mong gawin kapag nakatagpo mo si Cristo. Kung di mo Siya tatanggapin, tatanggihan mo Siya. Hindi ka maaaring tumalikod ng niyutral. Di mo maaaring gawin iyon. Di mo ito dapat gawin. Ganun lang talaga.

Pansinin n’yo lang, kung paanong kakaunti ang nakakilala sa Kaniya bilang pinahirang Salita ng araw na iyon. Kita n’yo, ang Diyos sa pasimula pa lamang, dahil Siya ay impinit, alam na Niya ang lahat ng mga bagay sa pasimula... At ang mga bagay na ito ay pagpapakita lamang ng Kaniyang mga katangian. Ang isang katangian ay... Mayroon kayong katangian. Ito’y kaisipan n’yo. Nag-iisip kayo ng isang bagay, pagkatapos ay sinasalita n’yo, at kinukuha n’yo. Ganiyan ang Diyos. Siya, nung pasimula... Kung kayo’y... Kung mapupunta kayo sa langit, nung pasimula pa lamang ay naroroon na kayo. Kayo’y bahagi ng Diyos. Kayo’y kaisipan Niya. Alam na Niya ang inyong pangalan. At inilagay Niya ito sa aklat ng buhay ng Cordero, bago pa anyuan ang sanlibutan. Kita n’yo, kayo ay kasisipan Niya. At pagkatapos ay naging salita kayo. At ang isang salita ay isang kaisipang naihayag. At kayo ay naihayag.

Ganun din Siya. Siya ay nag-iisa nung pasimula. Nanahang mag-isa ang Diyos kasama ng Kaniyang mga kaisipan. Hindi na Niya muling mararanasan iyon sapagkat ang mga kaisipan Niya ay naihahayag na. At iyon ang dahilan kaya naririto tayo, sa araw na ito... kinakasama ng Diyos ang Kaniyang mga kaisipan na naipapahayag. Kita n’yo? Hayan. Kaya nga, hindi kayo makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng inyong buhay. Hindi n’yo maaaring gawin ang ganito, ganiyan, o iba pa. Ang Diyos ang nahahabag. Ang Diyos iyon. “Ang lahat ng ibinigay sa Akin ng Aking Ama ay magsisilapit sa Akin, at walang sinumang makalalapit malibang dalhin siya ng Aking Ama.” Tapos na.

Basahin ang account sa... Sino ’ka n’yo ito?


Ang Misteryo ni Kristo.

Ingles Site Newsletter

Ang aklat ng
Apocalipsis.

 

Diyos at Agham.
Indeks ng serye.
- Arkeolohiya.

Major aral ng
Mensahe.

Ang Pag-agaw ay
pagdating.

Ang supernatural
na ulap.

Haligi ng apoy.

 

Magandang balita.
Si Jesus ay namatay
para sa iyong sa
kasalanan.

Pagbibinyag sa Tubig.

 
 
 

Ang mga Nangunguna.

Dios ay liwanag.

Ang Shekinah
kaluwalhatian ng
Diyos.

Libingan ay walang
laman.
Siya'y nagbangon.

Arka ni Noe.

Kasalukuyang pananaliksik.

Ipinaliwanag ng
pagka-Diyos.
Kasal at Diborsiyo.
Ang Orihinal na Kasalanan. Ito ba ay isang mansanas?

Pitong Edad Simbahan.

Pitong Tatak.

Diyos at Kasaysayan.
Indeks ng serye.

Kristiyano lakad serye.

Pangalan ng Diyos.

Buhay Salita serye.

Dulo ng panahon serye.

Serye ng Pasko.

Mga Gawa ng Propeta
serye.

Alamat ng mga Dinosaur.

Ang Anghel ay
Nagpapakita.

Arkeolohiya.
Sodoma at Gomorra.

Ang Propeta
pagbibigay-katwiran.

Ang Tinig ng Tanda.

 

Paghatol Lindol.

 

Ngayo’y naganap ang
kasulatang ito.

Heolohiya Bibliya.

Banal Ang Kagalingan.

Listahan ng Mensahe.

Katibayan ng
Baha ni Noe.

  Sabi banal na kasulatan ang...

Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako?

At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.

Mateo 16:15-16


Iisa lang ang
maaari mong gawin
kapag nakatagpo
mo si Cristo.
Kung di mo
Siya tatanggapin,
tatanggihan mo Siya.


I-klik ang retrato para mai-download ang PDF o larawan sa buong laki.


Haligi ng apoy.

Supernatural na ulap.

Gawa ng Propeta
serye.
(PDFs)

Kabanata 11
- Ang Ulap.

(PDF)


Mensahe Hub...Piliin ang iyong wika at mag-download ng libreng mga mensahe mula sa Kapatid na Branham.